webnovel

There is US not You and I

Ang sabi ng lahat hindi raw tayo 'BAGAY' para sa isa't isa. Pero sino ba sila para pakialaman tayong dalawa? Sya lang ang lalaking nagparamdam sa akin what really loves is! As long as we hold our hands together, kahit ano mang dumating kakayanin natin ng magkasama!

trimshake · perkotaan
Peringkat tidak cukup
154 Chs

Pagibig Na Walang Humpay

Malungkot na pinagmamasdan ni Issay ang asawa nya sa malayo.

Mahal na mahal ni Miguel ang lahat ng mga anak nya pero naintindihan nya kung bakit sya ganito sa panganay nyang si Robert.

Ambisyoso si Robert.

Gusto nyang maging katulad at maging mas higit pa sa kanyang ama.

Pero iba ang pamamaraan ni Robert. Hindi ito patas kung lumaban at walang respeto sa buhay ng iba, kamag anak man o hindi.

Bata pa lang si Robert ay alam na nya kung gaano kagaling ang kanyang ama. Hindi lang sa negosyo maging sa lahat ng bagay, kaya marami ang humahanga dito.

Kaya nuon pa man gusto na ni Robert na maging katulad ng kanyang ama, numero uno sa lahat ng pasukan nya.

Si Don Miguel Saavedra ang numero unong personalidad sa bansang Pilipinas at wala pang nakakatalo dito. Kilala rin sya hindi lang dito maging sa ibang bansa dahil hindi lang sa negosyo magaling si Don Miguel, magaling din ito sa pag likha ng makabagong sasakyan, pandagat man o himapapawid.

Masasabing may ginintuan syang kamay dahil lahat ng hawakan nyang negosyo ay nagtatagumpay, kahit na sa larangan ng pharmaceutical.

Pero hindi kaya ni Robert na maging kasing galing ni Miguel, kahit anong gawin nyang pilit hindi nya kaya. Kaya paano nya ito malalagpasan?

Karamihan tuloy sa pinapasok nitong negosyo ay may halong ilegal bagay na batid ni Don Miguel.

"Irog ko..."

Napatigil sa pagiisip si Don Miguel ng madinig ang tinig ni Issay.

Inayos nito ang mukha nya bago nya hinarap ang asawa.

"Pasensya ka na Irog ko, hindi ko inaasahan ang pagdating ni Robert. Hayaan mo sa susunod bibilinan ko ang mga guard na huwag na syang papasukin."

Buong pagmamahal na wika ni Don Miguel.

"Okey lang yun, Irog ko. Anak mo pa rin si Robert."

"Natatakot ako para sa kanya, lalo na sa mga pinapasok nya. Nakikita ko si .... "

Hindi maituloy ni Miguel ang gusto nyang sabihin, napuno ng galit ang mukha nito. Pero batid ni Issay kung sino ang tinutukoy nya.

Si Oscar Barlameda, ang walang pusong ama ni Miguel na niloko ang kanyang ina at kinamkam ang pagaari ng mga Saavedra.

Si Oscar Barlameda na hindi man lang sya kinilalang anak.

At ngayon nakikita nya ang masamang paguugali ng kanyang ama sa kanyang anak na si Robert.

Sinubukan nyang baguhin ang anak pero sadyang may katigasan ang ulo nito at sobrang pasaway. Wala itong pinakikinggan.

Ito ang dahilan kung kaya naisipan ni Don Miguel na ibigay ang mga naipundar nya sa mga anak nya sa unang asawa, sila Robert at Jayson ang mga negosyo nyang nakabase lahat sa america. Pati ang dati nyang asawa ay nabahagihan nya rin.

Walang itinira si Don Miguel maliban sa ipinamana sa kanya ng kanyang Lolo na negosyo, ang Saavedra Corp. na nakabase dito sa Pinas. Hindi nya ito pwedeng galawin dahil magagalit ang angkan nya. Sa kanya kasi ito ibinilin ng matandang Saavedra.

Kahit na matayog na ang Saavedra Corp., masasabing parang nagsimula ulit sa umpisa si Don Miguel at nagawa nya ulit bumangong at magtayo ng iba pang mga negosyo habang pinauunlad nya pa ang Saavedra Corp. at nagtagumpay sya bagay na ikinahanga Robert at ikinaiinis nya rin at the same time sa kanyang ama.

Kung tutuusin, hindi na dapat maghabol pa si Robert dahil nakuha na nya ang parte nya. Pero bakit sya naghahabol?

Dahil ang gusto nya ay sya ang pumalit sa kanyang ama pero hindi nya magawa.

At ngayon matanda na si Don Miguel, naisip nyang panahon na para sya naman.

Ang hindi alam ni Robert, naipamahagi na lahat ni Don Miguel ang mga ariarian nya at wala ng natira sa kanya kung hindi ang savings nya sa banko.

Dahang dahan nilapitan ni Issay ang asawa at inakap ito ng mahigpit na parang batang naglalambing.

Alam nyang nagaalala ito sa anak nyang si Robert, ayaw nya itong matulad sa sinapit ni Oscar.

"Irog ko, hindi ka nagkulang. Ginawa mo na ang lahat para kay Robert at alam kong gagawin mo pa rin ang makakaya mo para mapabuti sya, pero hindi natin magagawang makontrol ang tadhana, kaya ipasaDiyos na natin ang lahat."

Napabuntung hininga na lang si Don Miguel at saka sinuklian ng matamis na akap at halik ang asawa.

Sadyang napakabait ng tadhana sa kanya at napaka swerte nya dahil narito si Issay sa tabi nya.

Kaya ngayong sya ay matanda na, isa na lang ang mahihiling nya.

'Sya ang Irog kong bukod tangi kong iniibig.

Ang tanging dahilan kaya hindi ko maalis ang mga ngiti sa labi.

Kahit na nagdaan pa ang napaka raming taon ay tanging ikaw pa rin

Ang sa puso ko'y sinisinta at habang buhay kong mamahalin.

Kaya, kung kukunin man ako ng sa atin ay lumikha

Ayoko na sana ay sya ang mauna Malulungkot ako at maghihinagpis ng lubusan

Kung mga ngiti nya'y hindi ko na muling masisilayan.

At kung ako naman ang mauuna, huwag naman po sana.

Mas malulungkot ako at magaalala mula sa kabilang buhay pagkat wala na syang makakasama.

Kaya ang tangi kong dasal na sana ay pakinggan ng maykapal,

Na kung maari lang po sana ay kunin na nya kami ng sabay

Upang maging sa kabilang buhay ay maipagpatuloy namin ang pagibig na walang humpay.'

*****

Samantala.

Sa isang hotel sa kamaynilaan.

"I really don't why until now he's still so strong and lively?"

"Hey Robert, we're still talking about your Dad, right? Why do you have to sounds like your wishing him dead?"

"Hahaha! He's old, Patrick!"

"Yes, but he's not that active anymore and he's still your father!"

"Hey, we are here to get rid of my father, remember? Are you with me or not?"

"But how are going to do that if he's still that strong? I don't think he'll die any minute!"

"Well I think I know now how to weaken him! Hehe!"

*****

"Lola Issay!"

Sigaw ni Kate habang natutulog.

Patakbo syang nilapitan ni Mel, di alintana na hindi pa sya lubos na magaling.

Agad nya itong ginising.

"WifeyLabs! WifeyLabs! Gising!"

Hindi nya ito tinigal hangga't hindi nagigising.

"Haaaah .... Haaah ...!"

Butil butil ang pawis ni Kate.

Maging si Ethan ay nagulat din at nagising ng madinig ang sigaw ni Kate.

"What happened?"

"She's having a nightmare! Please get her some water!"

Pero hindi maiwasang kabahan si Mel, dahil sa tuwing nanaginip si Kate ng ganito may mangyayaring hindi maganda.

Pagkainom ng tubig, unti unti ng kumalma si Kate pero hindi pa rin nawawala ang napanaginipan nya. May luha pa nga sya sa mata nya at sadyang umiiyak sya.

"Kate, bakit mo isinisigaw ang pangalan ni Lola Ganda?"

"Nasa panganib sya! Nasa panganib si Lola Issay! Huhuhu!"