120 Sinag Problem

"What is going on, Ate Kate? Akala ko ba ...."

Hindi sinagot ni Kate si Eunice bagkus ay ipinakita nito ang monitor ng computer kaya napatigil sa pagsasalita ito.

"Ano yan?"

Tanong ni Mel na nacurious na rin at lumapit sa monitor para tingnan ang pinakita ni Kate kay Eunice.

"Questionnaire?"

Nagtatakang tanong ni Mel ng makita ang limang tanong.

"Sort of!"

Sagot ni Kate.

No! It's a clue!"

Bulalas ni Eunice sabay tingin kay Kate.

Naintindihan nya ang ginawa ni Kate. Ang mga questions na ginawa ni Kate ay hindi lang basta question, may mga clue ang bawat isa. At tanging si Kate lang ang makakaintindi at makakasagot ng bawat tanong.

"Clue?"

Tiningnan ulit ni Mel ang mga question.

'Asan dyan ang clue?'

'Etong magpinsan na 'to naguusap na nanaman ng hindi ko naintindihan!'

"Ate Kate, kelan mo ito ginawa?"

"Ten years ago, I think!"

"What?!"

"Bakit ka naman gumawa ng mga ganyang survey?"

Tanong ni Mel.

Mukha kasing survey questions ang mga tanong.

Ang hindi naintindihan ni Mel, hindi yung question ang mahalaga kundi ang binary code nito.

Pagnakuha na ang binary code yun ang clue para maopen ang isang part ng diary ni Kate pero nakalock ito at tanging si Kate lang ang makakaopen.

Ito ang dahilan kaya kanina pa sya naka focus sa computer at hindi na inintindi ang mga nangyayari sa paligid.

"Ate Kate, napepredict mo ba ang mangyayari sayo kaya naisipan mong gumawa nyan?"

"Not sure Eunie kung bakit ko sya ginawa. Hindi ko pa naibabalik ang lahat."

"Ibig sabihin dahil sa mga questions na 'to nabalik ang alaala mo? Kilala mo na ko?"

Nangiti si Mel at agad na nilapitan si Kate.

"Oo, ikaw si Melabs, diba yan ang sabi mo?"

"Melabs lang? HubbyLabs na ang tawag mo sa kin!"

May tampong sabi ni Mel.

Nangiti naman si Kate.

Kanina, ng madinig nyang tinawag syang Mahal ni Lara, nagpintig talaga ang tenga nya at hindi nya makontrol ang sarili nya.

Pero ng madinig nya ang mala anghel na boses ni Mel, ramdam nya hangggang kaibuturan ng pagkatao nya ang malamig na boses nito.

"So, hindi mo pa naibabalik ng buo ang memory mo?"

"Yes!"

"Eh, yun babae kanina, bakit mo nasabi na spy sya?"

"Hindi ko alam, feel ko lang! Pero feel ko si Melabs ang target nya, and I don't like it! At isa pa, may nagpopondo sa kanya at yun ang kailangan mong malaman Eunie."

"So nagseselos ka?"

Nakangiting tanong ni Mel.

"Diba sabi mo asawa mo ko? So natural lang na magselos ako!"

May halong pagbibiro na sabi ni Kate.

Hindi nya kasi masabi ng deretsahan na nagseselos nga sya. Selos na selos.

"Naman eh! Diba dapat ang sasabihin mo love mo ko kaya ka nagseselos? Kainis ka!"

Nagtatampong sabi ni Mel.

"Bakit ikaw nagseselos ka din kay Ethan?"

"Syempre nagseselos ako! Sya na lang palagi kasama mo! Lagi kang nakadikit sa kanya, lagi sya hinahanap mo tapos lagi sya gusto mo katabi!"

Pagtatapat nito.

"Sinong Ethan?"

"Yung poging kasama ni Raymond."

"Nagseselos ka nga Beshy! Tama na yan, itigil nyo na yan at di bagay sa inyo!"

Kate at Mel: "....."

"Ang sabihin mo nainggit ka lang! Bakit kasi hindi pa kayo magpakasal ni AJ? Ano bang inaantay nyo?"

'Bakit napunta sa akin ang usapan?'

"Kung ano man ang issue ninyo, saka nyo na yan pagusapan! May problem sila Lola Issay at Lolo Miggs! Kilala mo naman siguro ang binabanggit ko, Ate Kate?"

Ipinikit ni Kate ang mga mata at mula sa sa isip nya lumabas ang isang alala.

"Yeah! I know them ... pati ang Sinag Island!"

"Good! Yehey! lapit na nya kong maalala!"

Pumapalakpak pang sabi ni Mel.

"Okey! It's good na naalala mo na ang Sinag dahil may problema ang Sinag and you are badly needed, Ate Kate!"

"Ha?"

"WifeyLabs, ganito kasi yun. Yung mga products na inilabas natin nag click sa market at narami ang bumabatikos ngayon. Dahil dito, marami ang nagkakainteres kung saan mo talaga ginagawa ang mga products natin."

"Ha?"

Litong tanong ni Kate

"Ate Kate, we are talking about your products. Yung beauty products na ikaw mismo ang gumawa at ginagamit ngayon sa SPA ninyo!"

"SPA?"

Question mark pa din ang mukha ni Kate.

"Buti pa Sissy, dadalhin ko na lang sya sa SPA. Baka sakaling makatulong pag dinala ko sya dun."

"Haaay buti pa nga!"

"Pero teka Beshy, anong kinalalaman nung problema ng Sinag sa problema nila Lola Ganda at Lolo Don Miguel?"

"Isa sa mga anak nya ang nagkaka interes."

"Sino?"

"Yung panganay ni Lolo Miggs."

"Si Tita Yassy?"

"Hindi! Yung panganay ni Lolo Miggs, anak nya sa unang wife nya. Si Robert Saavedra."

*****

Sa Hacienda Isabel.

May hindi inaasahan bisita ang magasawang Issay at Miguel.

Si Robert Saavedra.

Sya ang panganay na anak ni Miguel sa dati nyang asawang americano.

May edad na rin ito, halos kaedad ni Jaime.

"What the are you doing here, Robert?"

"Dad, I'm still your son!"

"I know, that is why I'm asking. What are you doing here?"

"I just wanna visit you. Didn't you miss me?"

"I may be old Robert but I still have the strength to hit you with my cane! I know you will only visit me if you need something from me!"

"Well, just like you said, your old. That is why I'm here, Dad, to help you! Hehe!"

"Help me or kill me?"

"You think you'll get anything from me when I die? I've already given you and your brother, your inheritance before I married my wife, remember?"

"Yeah, but that was gone and I want more! And you have many!

So why not give me something like that beautiful Island ... Sinag?"

"That Sinag Island is not mine!"

"I don't believe you!"

"Then don't believe me! I don't care if you believe me or not because that Island is not my property!"

Pero ngumisi lang si Robert. Hindi sya naniniwalang hindi si Miguel ang may ari ng Sinag Island.

"I've heard a lot of things about that island .... and I'm interested!"

"Like what I said the island is not mine and don't believe all the things you said. Yes the island is beautiful but all the island here in the Philippines are beautiful."

"But I'm not interested in any island, just that Sinag Island!"

"Well it's your problem not mine. Goodbye son, I'm tired now!"

Nawala ang ngiting nasa labi ni Robert ng talikuran sya ng ama.

Nagpupuyos ito sa galit.

'Why do you have to live this long? Why not die already so that I can get your money!'

avataravatar
Next chapter