Point of View: Sophia Xhenaryll Dwan
-----------------------------------------
"Princess Xhe! Hinahanap ka po ng mga kaibigan mo po." Agad akong nagtaka sa sinabi ni Alex. Ako, may kaibigan?
"Kung sino man sila, Alex. Sabihin mo, hindi sila kilala dahil wala akong kaibigan." Umalis din agad si Alex sa harapan ko. Bumalik naman ako sa pagkain ko ng chocolate. Kaso, may sumulpot sa harapan ko at kumuha ng isang chocolate.
"Penge!" Sabi niya at hindi ko nalang siya pinansin. Hindi naman ako madamot, mapag-angkin lang ako.
"Pasensya na, Princess Xhe. Hindi ko napigilan ang pagpasok nya." Napataas ako ng kilay ko sa sinabi ni Alex. Wala talaga syang kwentang manliligaw.
"Umalis na nga sa harapan ko. Wala kang kwenta." Napairap ako sa kanya at umalis din naman siya agad.
"Hoy, kawawa naman sya. Dapat binigay mo nalang siya sa akin." Napairap ako sa sinabi niya.
"Edi, kuhain mo na sya. Pero, mukhang mas magiging kawawa siya kapag naging kayo." Sabi ko sa kanya at kumagat ng chocolate.
"Bakit ka ba nandito? Doon ka nga sa department niyo. Bawal ka dito sa kaharian ko." Pagtataboy ko sa kanya. Aba! Inuubos na niya ang chocolates ko!
"Wag kang mag-alala, aalis din ako. Hindi ako magtatagal sa pipitsugin na kaharian na to. Pinapasabi lang ni Crizza na may meeting daw tayo mamaya, after class." Sabi niya sabay punta sa pintuan ng room.
"Ano nanaman ang pag-uusapan natin? Parang kailan lang tayo nag-meeting, ah!" Reklamo ko. Wala naman kasing kwenta ang pag-uusapan namin. Sayang lang sa oras. Imbis na bumibili ako sa oras na yun ng damit, nasa meeting ako.
"Aba, malay ko!" Sabi niya sabay labas ng room. Bwisit! Walang kwenta ang sagot. Nakakainis yung mga ganyang tao.
Napairap naman ako at agad na tumayo. Bakit ba kasi kapag may pinag-uutos sa amin yung babaeng yun, hindi ako makatanggi sa kanya? Bwisit siya!
Lumabas naman ako at pumunta sa usual naming pinag-mi-meeting-an. Pagkarating ko, si Bianca at Ashe lang ang nakita ko. Nasaan nanaman yung bruhang yun?
"Where's the b*tch?" Maarteng sabi ko sabay upo sa bakanteng upuan.
Nagkibit balikat naman si Bianca habang nagdudutdot sa phone niya. Panigurado nanaman akong lalaki yang ka-chat nya. Ang mga malalandi kasi hindi mapakali kapag walang nilalandi.
"Alam mo naman yung babaeng yun? Alam kong kilalang-kilala mo yun. Wag ka nang magtanong pa." Sabi niya sabay kagat ng chocolate na hawak niya. Hindi na ako magtataka kung may diabetes na to. Panay chocolates ang kinakain.
Napabuntong hininga naman ako. Tama sya. Bakit pa nga ako nagtatanong, eh! Kilalang kilala ko na yung babaeng yun. Napairap nalang ako sa hangin.
Muli akong napairap dahil sa wakas dumating na din ang b*tch at may kasama siyang nerd na lalaki. Ayoko talagang pinaghihintay ako.
"Kung sino pa yung nagtawag ng meeting, siya pa yung late." Pagpaparinig ko. Take note; malakas kong sinabi yun. Kung magpaparinig ka lang, lakasan mo na.
"Wow, Xhe! Ang lakas makareklamo! Ako nga tong halos kalahating oras na naghihintay. Tapos, wala pang isang minuto kang naghihintay dito, nagrereklamo ka na." Napairap ako dahil biglang sumabat ang malandi.
"Sino ba naman kasi nagsabi sayo dumati ka nang maaga dito? Atsaka, sa pagkaka-alala ko, maagap ka lang kapag nakahanap ka nang lalaking lalandiin mo." Nandidiring sabi ko. Aba! Nakakadiri naman kasi yung ginagawa niya. Eww! Bayarang babae.
Magsasalita pa sana siya nang biglang ihampas ng isang b*tch ang mga papel sa lamesa. Istorbo naman to. Nag-eenjoy pa nga akong makipag-away. Panira ng momment.
"Manahimik kayo." Malamig na sabi nya. Nakakapanlamig talaga kapag nagsasalita siya. Napakaseryoso nya at kapag lumaban lumalabas ang sungay.
Edi kami namang tatlo, tameme. Mahirap na. Ayokong masampolan ng kapwa ko demonyita.
Bigla naman hinawakan ni nerdy boy si maldita sa braso. Napailing nalang ako. Wrong move kasi sya. Hindi niya dapat hawakan ito sa braso o kung saan mang parte ng katawan.
"Sinabi ko bang hawakan mo ako?" Sigaw ni Crizza na nanlilisik ang mga matang nakatingin kay nerdy boy. Natakot naman ito at napayuko.
"Umalis ka na sa harapan ko hanggang napipigil ko pang sakalin ka hanggang sa hindi ka na makahinga." Kitang kita ko naman ang panginginig ni nerdy boy dahil sa takot. Hindi na rin niya nakayanan at nagmadali siyang umalis. Muntikan pa nga siyang madapa.
"Poor nerdy boy." Mahina kong sabi habang nakatingin sa papalayong nerdy boy. Napatingin naman ako kay Crizza na kasalukuyang nakatingin pala sa akin.
"What?" I mouthed. Hindi naman siya sumagot at itinuon ang mga papel sa lamesa.
Bakit ang babastos ng mga kasama ko? Oops! I forgot. Bastos din pala. Hahaha. Birds with the same feather, flocks together.
"It is time to search for the next princesses of our college. Last year na natin ito. And, kailangan ng kapalit. So I decided to get into this idea, magpapa-audition ako sa lahat ng freshmen, sophomores and juniors. Kung sino man ang makakapasa audition, siya ang papalit sa position natin after our graduation. Before the actual graduation, kokoronahan na sila bilang bagong prinsesa." Napataas naman ako nang kilay sa sinabi niya. Ano nanaman ang plano nang babaeng to?
"Ganyan ang gagawin? Hindi mo man lang ba kami papakikinggan sa gusto naming gawin." Sumabat naman ang lalakero. Ilan kaya ang napaiyak nyang mga lalaki? Wait! Ano bang pakialam ko sa kanya at sa lalaking pinaiyak niya? Edi, wala!
"Nagpa-meeting ako para sabihin kong eto ang gagawin natin. Hindi ko kailangan ng opinyon niyo at confirmation galing sa iyon." Sabi niya sabay talikod sa amin at naglakad papaalis. Pero, tumigil sya at lumingon sa amin.
"Dinala ko yan para kayo ang magdikit sa mga bulletin board sa buong College." Sabi niya sabay alis. Nanlaki naman ako ang mga mata ko sa sinabi nya. Wala siyang karapatan na utusan ako.
Kinuha ko naman ang isang flyers at tinignan ito. Anong sa tingin niya, gagawin ko ang utos niya? Never! Tinagurian akong spoiled brat dahil dapat kung anong gusto ko yun ang masusunod. Hindi yung susunod ako sa kagustuhan ng iba.
Tumayo naman at iniwan ko yung dalawa. Naglakad ako papaalis sa lugar na pinag-meeting namin. Imbis na pumunta sa kaharian ko ay lumabas ako ng university. Nawalan ako nang ganang makinig sa wala kwentang professor. Hinayaan ko yung gamit ko dun dahil wala gagalaw ng gamit ko dun. Subukan lang nila, malilintikan sila sa akin.
Kinuha ko naman ang phone ko at tinawagan si Kuya Tres. Gusto kong maggala ngayon at walang makakapigil sa akin.
"Kuya!" Bungad na sabi ko nang sagutin nya ang tawag ko.
"Bakit Xhena?"
"Nasaan ka ngayon? Pwede ka ba ngayon? Gala tayo? Sunduin mo ako dito sa labas ng university namin."
"Wala naman na akong gagawin ngayon. Sige, pupuntahan kita dyan." Sabi nya sabay baba ng tawag. Yan ang gusto ko kay Kuya Tres, hindi siya matanong na Kuya. Si Kuya Dos kasi tanong nang tanong. Si Kuya Uno naman ang daming kondisyon.
Muli ko namang tinignan ang flyer na hawak ko. Hindi ko alam kung anong plano nang babaeng yun at nagpa-audition. Hindi nalang niya ipaubaya sa school council ang pagpili ng papalit sa amin. Hindi nya trabaho yun. Atsaka, hindi niya kailangan magpa-audition dahil kung sino man ang pinaka-mayaman sa bawat department ng College of Business Administration ay siyang magiging prinsesa and she will ruled her department. Hindi ko talaga alam ang takbo ng utak nang babaeng yun.
"Xhena!" Agad naman akong napatingin kay Kuya Tres na nakasakay sa kanyang motor. Agad ko namang itinago ang flyer sa bulsa ng skirt ko.
"Ang bilis mo naman ata, Kuya." Lumapit naman ako sa kanya.
"Naka-motor kaya ako." Casual na sabi ni Kuya Tres. Tama nga naman, nakamotor sya at mabilis talagang magmaneho si Kuya kapag naka-motor.
Sasakay na sana ako sa motor niya nang pigilin niya ako. Bumaba sya ng motor sabay hubad ng kanyang itim na jacket. Kaya naman naexpose ang kanyang mga maskuladong braso na may tattoo sa kanang braso niya dahil nakasando lang ito na kulay itim. Inilagay naman nya sa aking bewang ang jacket na hinubad nya. Isinuot din nya sa akin ang isang extrang helmet.
"Safety first, Xhena. Baka bugbugin ako ni Uno kapag nalaman nyang ako ang dahilan kung bakit ka nadisgrasya." Sabi nya sabay sa kanyang motor. Sumakay din naman ako sa motor nya.
Nang makasakay ako, pinaharurot nya ang motor. Hindi naman ako nagreklamo sa bilis magmaneho ni Kuya. Gusto ko pa mga ito, eh. Hahaha.
"Bilisan mo pa, Kuya Tres!" Sigaw ko at binilisan naman din niya.
Mukhang mag-eenjoy ulit ako nito.
-------------------------
•To be continued•
-------------------------
Characters in the scene:
1. Sophia Xhenaryll Dwan - Main Character / Spoiled Brat Princess (Point of view)
2. Bianca Micaela Sevilla- Supporting Actress / Seductive Princess
3. Ashley Kate Bautista - Supporting Actress / Playgirl Princess
4. Crizza Raigne Torres / Supporting Actress / Bitch Princess
5. Tres Carlon Dwan - Supporting Actor / Cousin of Xhena / Twin Brother of Dos
6. Nerdy Boy
7. Alex
--------------------------------------------
HELLO! Sorry for late update. I'm too busy sa work ko this past few weeks. But Hoping you'll like this chapter. This is the first chapter of this book. Thank you and God bless!