webnovel

The Spoiled Brat

The Spoiled Brat meets The Gangster. Si Xhena ay isang Spoiled Brat na laging gusto ay ang kanyang kagusutahan lamang ang nasusunod. Gagawin niya ang lahat paraan para masakaturapan ang kanyang kagustuhan. Ngunit dahil sobra na ang pagiging Spoiled Brat niya ay napag-isipan ng kanyang mga magulang na patirahin siya sa kanilang probinsya. Doon niya makikilala ang isang gangster babago ng kanyang buhay. Ano kaya ang magiging buhay ng isang Spoiled Brat sa probinsya? Anong magiging papel ng isang Gangster sa kanyang buhay? Alamin sa susunod sa mga susunod na kabanata ng kwentong ito.

EiArEs · Teen
Not enough ratings
8 Chs

The Prologue

••The Prologue••

--------------------------------------

"Kuya, kailan ka babalik dito? Kahit bakasyon lang." Sabi ko sabay lapit sa akin ng dalawang kuya-kuyahan. Kausap ko kasi ang tunay kong kuya sa tablet ko. Nasa ibang bansa si Kuya. Siya kasi ang umaasikaso ng busy ng family namin dun.

"Oo nga, boss. Kailan ang uwi mo?" Sabat ni Kuya Dos.

"Hindi ko din alam. Marami pa kasing ginagawa dito. Pero, wag kayong mag-alala, uuwi naman ako dyan bago matapos ang taong to." Sabi ni Kuya.

"Talaga kuya?"

"Yes, Xhena. Uuwi ako dyan." Sabi ni Kuya at napangiti ako. Close kasi kami ni Kuya. Kaya ganito ako sa kanya. Namimiss ko na kasi talaga siya. Nagsasawa na din kasi ako sa dalawang kuya ko dito. Mas makukulit pa sa akin. Eh, sila nga tong mas matanda sa akin.

"At, kayong dalawa naman. Binabantayan niyo ba tong kapatid ko. Baka naman, pag-uwi ko buntis na tong kapatid ko dahil sa kapabayaan niyo." Nanlaki naman ang mga mata ko. Grabe naman kasi mag-conclude.

"Kuya naman!"

"Wag kayong mag-alala, boss. Bantay sarado itong kapatid mo sa amin. Wala ngang nakakalapit ditong lalaki. Wala kasi panama sa amin." Sabi ni Kuya Dos.

"Baka naman binubugbog niyo yung mga lalaki kaya, walang nalapit diyan."

"Naku, kuya! Hindi sila ganun. Ako kaya ang nangbubugbog sa mga lalaking lumalapit da akin. Mas malalakas pa ako kaysa dito sa dalawang kuya kong to." Pagmamalaki ko sa sarili. Totoo naman, bugbog sarado sila sa akin. Bakat na bakat ang palad ko sa pisngi nila. Hahaha.

"Naku, Xhena! Baka war freak naman sa university."

"Hindi naman kuya, slight lang. Hahaha." Natawa naman si Kuya at bahagyang napailing.

"Osya-sya! Sa susunod nalang ulit, Xhena. May trabaho pa akong aasikasuhin. May pasok ka rin sa university. Ikamusta mo nalang ako diyan kila mom at dad. Okay?" Tumango naman ako at nagpaalam na kaming tatlo kay kuya.

"Ahm... si Tres muna ang maghahatid sayo sa university. May pinapagawa sa akin si Tita." Tumango naman ako sa sinabi ni Kuya Dos. "Sige, mauna na akong umalis." Sabi pa niya at tuluyan na siyang umalis ng bahay.

"Kuya, mamaya nalang ako papasok o kaya wag nalang ako pumasok. Gala tayo. Ayoko na nang mga damit ko. I want something new." Nakangiting sabi ko kay Kuya Tres. Alam kong hindi niya ako matitiis.

Si Kuya Tres ang lagi kong kasangga, simula nang pumunta si ang totoo kong kuya sa ibang bansa. Puno kami ng kalokohan kapag kami ang magkasama. At, spoiled ako sa kanya. Ganun din naman ako sa tunay kong kuya. Spoiled din ako kay Kuya Uno. Ang kulit ng pangalan nilang tatlo, no?

Pero ayun, hindi ako sanay na hindi nakukuha ang kagustuhan ko. Kaya kung minsan, ako mismo ang gagawa ng paraan para makuha ang gusto ko. Pwera nalang kung binagbawalan ako ng mga magulang ko. Spoiled man ako sa mga kuya ko, nagiging masunurin naman ako sa mga magulang ko. Takot kaya akong mawalan ng mana. Banta kasi nila yan kapag hindi ko sila sinusunod. Aba! Ayoko naman mapunta kay kuya ang lahat mana, dapat fair ang hati namin. Hating kapatid kami.

"Gusto ko rin naman yang kagustuhan mo, kaso utos nila tita na pumasok ka naman na daw! Puro gala ka kasi." Sabi ni Kuya Tres sabay kuha ng isang tela na lagi niyang isinusuot sa kanang braso para matakpan ang kanyang tatoo. Napasimangot naman ako sa sinabi ni kuya.

"Sayang naman. Gusto ko nang bumili ng damit." Napabuntong hininga nalang ako.

"Okay lang yan. After class nalang. Paniguradong ako ang magsusunod sayo. Masyadong busy ngayon si kambal, kaya ako muna bahala sayo." Sabi nya sabay labas ng bahay namin. Napangiti naman ako at sumunod kay Kuya Tres.

••••

Sa paglalakad sa hallway ng building namin, lahat nakatingin sa akin, specially boys. Syempre, sa ganda ko ba naman ito, sinong hindi mahuhumaling, diba?

Nakangiti akong naglalakad papunta sa room namin dapat nang biglang may humawak sa balikat ko. Ang isa sa ayaw ay yung bigla-bigla akong hahawak sa kung ano man parte ng katawan ko. Hanggang tingin lang sila, hindi nila ako dapat hawakan. Kaya, ang nangyari nasampal ko siya ng ubod lakas. Bakat pa nga palad ko sa pisngi niya.

"Sa tuwing lalapit ako sayo, sampal agad ang binibigay mo sa akin." Sabi nya habang nakahawak sa pisngi niyang namumula.

"Kung ayaw mong masampal, wag na wag mo akong hahawakan. Ilang beses ko ba yang sasabihin yan sayo." Sabi ko at tinalikuran ko siya.

"Wait! Xhena!" Napatigil ako at napatingin sa kanya at nakataas ang kilay ko sa kanya. Mga Kuya at mga magula ko lang ang pwedeng tumawag sa akin ng ganyan.

"Take note; Princess Xhe." Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Okay, Princess Xhe. May ibibigay ako sayo." Lumapit sya sa akin. "Chocolate." Agad ko naman kinuha yun. Yan ang gusto sa kanya. Supplier sya ng chocolate ko.

"Thanks!" Sabi ko sabay pasok ng room namin. Marunong naman akong magpasalamat sa taong kapasalamat-lamat.

Sa pagpasok ko ng room, nagsitahimik ang mga kaklase kong magugulo. Magulo naman talaga sila, pero kapag nasa paligid na nila ako, tatahimik na ang mga yan. Subukan lang nilang mag-ingay. Alam nila ang kaya kong gawin.

Inayos naman ng mga kalalakihan ang aking uupuan. Pinunasan nila ito. Ayoko ko kasing marumi ang uupuan ko. Prinsesa ako at hindi dapat nadudumihan. Inalalayan nila kong makaupo sa upuan ko. May mga pagkain sa ibabaw ng lamesa ko at nakaayos yun. May dahan-dahan ding pagpaypay sa akin.

Yan ang gusto ko sa kanila. Pinagsisilbihan nila ako. Aba! Dapat lang nila akong pagsilbihan. Take note; prinsesa ako sa university-ng ito. Remember my name; Sophia Xhenaryll Dwan, The Spoiled Brat Princess.

--------------------------

•To be continued•

---------------------------

Characters in the scene:

1. Sophia Xhenaryll Dwan - Main Character / The Princess (Point of view)

2. Uno Dwan - Supporting Actor / Brother of Xhena

3. Dos Arcane Dwan - Supporting Actor / Cousin of Xhena and Twin Brother of Tres

4. Tres Carlon Dwan - Supporting Actor / Cousin of Xhena and Twin Brother of Dos

---------------------------------------------

Next chapter: #1 Sophia Xhenaryl Dwan

This is it pansit! Ito na po ang pinakahihintay nang lahat ang simula ng kwento ng ating prinsesa. Hope you like it. Thank you and God bless!

EiArEscreators' thoughts