webnovel

THE SEARCH: Beryl

Due to the tumultuous event happened in the 2nd District, a young thief with an extrasensory perception got lost in the Palace. A palace where the Monarchs, the phenomenal Prince, and the great echelons live. The place where elites are loved, and homeless people like her are not welcomed. Status is important in the kingdom of Eufrata. Paupers can't even step into the palace. Bad luck or as it is, the Kingdom is looking for the precious stones. So in order to get out safely and save her fellow paupers, she needs to escape. But she only have two options; Sneak out and be killed by the sentries or join the team and look for the stones. She's stuck in a dangerous struggle and grievous mission. She needs to choose. She lives no Queen nor a princess, she doesn't belong to any royalties. She isn't great as the echelons, she ain't elite either. She doesn't live a normal life, she is not just a normal girl. Because she belongs to the lowest group in kingdom. She is a pauper. But she is extraordinary. Her perception is supernatural, and she is more than that. Will she be able to survive in a breathtaking atmosphere between elites and paupers? Is there a chance for a hopeless romantic between a pauper and an elite? How is she going to survive if she finds out that her capabilities are more than of what she expected? Will she survive when THE SEARCH begins?

MyName_IsNoOne · Fantasi
Peringkat tidak cukup
53 Chs

17

CHAPTER SEVENTEEN

Mukhang kahit saan ako magpunta kapahamakan talaga ang aking aabutan. "Where is she?" tanong ng Prinsipe.

Mas lalo akong napaatras.

"Zavan? Huwag mong sabihing pumapayag ka sa gusto nitong si Nathalia?" galit na saad ni Greyson.

"Nang matagpuan natin siya sa gubat ng ilusyon, naawa ako. Ngunit nabuhayan ako ng pag-asa noong makita ko kung paano siya lumaban. She killed the most venomous snake in that maze! Nothing and No normal could do that Greyson, nothing. Kung isa siyang normal na tao at walang kakayahan, ni hindi siya makakatapak sa gubat ng ilusyon. Ang makapasok lamang doon kinakailangan na ng kapangyarihan!" ani Corinthians na nagpatahimik kay Greyson saglit. "She's something more. At hindi ko ito ipipilit kung alam kong wala siyang kagamitan sa atin, she's also a fighter. At nakita nating lahat iyon. Kung mapahamak man tayo dahil sa kaniya, para saan pa't nag ensayo tayo e' alam naman nating anumang oras ay darating ang bagay na ito? Hindi na tayo lalayuan ng kapahamakan simula ngayon, at iyon ang pinaghandaan natin bata pa lang tayo." dugtong pa nito na nagpabago ng desisyon ng lahat. "Bloodsuckers also need preys." dagdag ni Corinthians.

Mapakla akong tumawa. Akala ko ay matutuwa na ako dahil sa sinabi ng blondeng babaeng iyon, ngunit nagpahina lamang ito lalo ng aking katawan. Gusto kong bumagsak.

Isa lamang akong kagamitan sa kanila, ngunit hindi na ako aarte pa dahil wala akong karapatan. At kinakailangan kong sumama.

"Where is that girl then?" tanong ni Chrysler at bumuntong hininga.

"You know what? You are all a pain in the ass!" ani Greyson at mukhang nauna na sa sasakyan. "I'm going! You all suck!" galit nitong saad pagkaalis.

"Huwag kayong duwag! Matutulungan tayo ng babaeng iyon, madali lang siyang itapon kung hindi na natin siya kailangan." ani Nathalia, at sumang-ayon naman ang iba pang ranggo.

Kingina? Napahawak ako sa mesang nasampaan ko. Nasasaktan ako. Gusto kong manakit dahil sa mga sinasabi nila, ngunit wala akong magawa.

Sa mundong kinagagalawan ko, hindi ako malaya. Hindi pa man nagsisimula ang laban, dahil isa lamang akong alikabok sa lupa ay talo na agad ako.

"So where is she now?" tanong ni Chrysler.

Nagulat ako ng lumingon sa lugar ko ang Prinsipe. Naglakad ito papunta sa akin, shit! I started panicking!

Patungo sa direksyon ko ang Prinsipe! Akma akong lalabas ng pintuan. Ngunit huli na, dahil isang kagalang-galang na nilalang ang nakatayo roon habang pinagmamasdan ako.

"You have such a very beautiful eyes, lady."

Ang tindig niya, ang paraan ng kanyang pagsalita, sigurado akong isa siyang maharlika.

"Prince Zandrus, we need to go. The youngest Prince's team will be heading out now..." ani ng lalaking nasa likod niya. Pati ito ay napa lingon na rin sa akin at halatang namangha sa kulay ng mata ko.

Hindi ko maibalik sa dati ang kulay ng aking mga mata. What is happening? Why can't I stop my abilities now? At dahil doon ay mas lalo akong nag panic.

"Do you want to join my team, lady?" tanong ni Prinsipe Zandrus.

Halos tumigil ang mundo ko dahil sa sinabi niya, ito na kaya ang pagkakataon?

"No.."

Lahat kami ay napalingon sa nagsalita mula sa aking likuran.

Ang kaninang nakakunot niyang noo ay napalitan ng paghanga matapos niyang makita ang aking mga mata.

His dark shadow feels like the darkness that has been covering the whole area. His respected stand made me feel at ease. The way he tilted his head while staring at my eyes made me stiff. And the way he stands behind me, makes me feel uncomfortable.

He is menacing. His golden eyes is impeccable, I didn't know someone who's gorgeous as him exist?

Masyadong gwapo ang Prinsipeng naunang nag-aya sa akin, but I admit I can't just ignore the appeal and presence of the man standing beside me. He is like a precious stone with it's darkest innards.

How he move, made me feel I'm a living trash even more.

"She will be joining my team." wika nito nang hindi naalis ang tingin sa aking mga mata.

Napalunok ako.

A trash stuck between two crystals is so damn impossible to imagine, but it's happening. At alam kong dito na nagsisimula ang kapahamakan ko.

"She's mine."

Prince Zavan.

----

A/N: Let me know your thoughts about this chapter please :>