webnovel

THE SEARCH: Beryl

Due to the tumultuous event happened in the 2nd District, a young thief with an extrasensory perception got lost in the Palace. A palace where the Monarchs, the phenomenal Prince, and the great echelons live. The place where elites are loved, and homeless people like her are not welcomed. Status is important in the kingdom of Eufrata. Paupers can't even step into the palace. Bad luck or as it is, the Kingdom is looking for the precious stones. So in order to get out safely and save her fellow paupers, she needs to escape. But she only have two options; Sneak out and be killed by the sentries or join the team and look for the stones. She's stuck in a dangerous struggle and grievous mission. She needs to choose. She lives no Queen nor a princess, she doesn't belong to any royalties. She isn't great as the echelons, she ain't elite either. She doesn't live a normal life, she is not just a normal girl. Because she belongs to the lowest group in kingdom. She is a pauper. But she is extraordinary. Her perception is supernatural, and she is more than that. Will she be able to survive in a breathtaking atmosphere between elites and paupers? Is there a chance for a hopeless romantic between a pauper and an elite? How is she going to survive if she finds out that her capabilities are more than of what she expected? Will she survive when THE SEARCH begins?

MyName_IsNoOne · Fantasy
Not enough ratings
53 Chs

18

CHAPTER EIGHTEEN

HER NAME AND THE 8TH STONE

If you will be having a crystal or gold, I'm sure you will treasure it the most. You would treat it as if it's the most beautiful thing you ever have, and never in your wildest dreams would place it in a dirty spot beside a trash.

You will not place your crystals in a dirty place, beside a shit.

"Zavan? Akala ko'y umalis na kayo ng grupo mo?" Nakangising saad ni Prinsipe Zandrus sa nakababatang kapatid bago ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

Hindi naalis ang paghanga sa mga mata ni Prinsipe Zandrus habang pinagmamasdan ako, at lalong tumindi ang paghanga nito ng dumako sa mata ko.

Wala pang nakakakita kung paano nagbago ang kulay ng mata ko, maging ako hindi ko alam kung paano ito magbago at kung ano nga ba ang nagiging kulay nito. Ang presensya ng nakatatandang Prinsipe ang siyang mas lalong nagpahirap sa akin upang makatindig ng maayos.

Hindi ako komportable.

Naguguluhan ako at hindi malaman ang gagawin. Ang mga mata ni Prinsipe Zavan ay patuloy na nakatitig sa aking mga mata. Ni hindi nga nito tinapunan man lamang ng tingin ang kanyang kuya na kinakausap siya. I don't know if our words are applicable in the Palace, ngunit hindi naman masamang gamitin iyon.

Yumuko ako sa mga maharlika bilang paggalang. Sa oras na ito ay gusto ko na lamang maglaho. Alam kong nais ninuman na masilayan ang kanais-nais na mukha ng mga maharlika at isa na ako doon, ngunit hindi ngayon, hindi katulad nito. Naiipit ako sa sitwasyong alam kong muli kong ikapapahamak.

"Zavan? I thought you already left, sagutin mo ako at huwag kang bastos sa akin." Matapang na utos ni Prinsipe Zandrus, at alam kong lumikha iyon ng matindi at mainit na tensyon sa pagitan namin.

"Yes, I just came back to take this girl. She belongs to my group." ani Prinsipe Zavan at walang pasabing hinawakan ako sa braso.

I silently screamed in my mind, ngunit isang mahinang pagkagulat ang kumawala sa aking tinig.

Napalingon ako sa prinsipeng may hawak sa akin, ang kaninang namamanghang mga mata'y biglang napalitan ng pagkalito at inis.

"We will be going then." ani Zavan atsaka hinila ako palayo sa lugar.

Pakiramdam ko'y unti-unti nang bumalik sa dati ang kulay ng aking mga mata.

"Seems like she's not happy. Maybe she wants to join my group." saad ni Zandrus sa gitna ng kanyang nang iinsultong tawa.

Dahil doon ay nilingon ako ng masama ni Zavan at mas lalong diniinan ang pagkakahawak sa aking braso.

Napalunok ako.

"You are coming with me." ma awtoridad nitong utos. Napayuko ako bilang pagtugon, alam kong wala lang naman akong magagawa kundi ang sumunod.

Halos kaladkarin ako ng Prinsipe patungo sa naghihintay niyang grupo. Hindi parin ako makatingin sa mga taong ranggo na nasa harapan ko, wala akong ideya kung paano sila babatiin.

"Let's go." ani Zavan at binitawan ako.

Kumawala ako ng malakas at mahabang buntong hininga.

I can't stand his presence. He's so much for me, he's too much for me.

"Well, witchy. Welcome to our group, let's go." ani Corinthians at hinila ako sa aking braso.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Tama ba itong ginagawa ko? Sasalang akong walang alam? Sasama ako nang hindi ko man lang alam kung ano ang hahanapin? Kung anong klase ba iyong mga batong hiyas? Kung saan ito matatagpuan, kung ano ba ang mga kulay nito?

Bigla akong napahinto sa paglalakad, ganito na ba ako ka desperada na makaalis sa palasyo na kahit kamatayan ay haharapin ko ng walang kalaban-laban?

Wala na ba talagang ibang paraan?

"Kung binabalak mong tumakas hindi ka magtatagumpay. Si Zavan na mismo ang humila sa'yo, kung ako sa'yo sasama nalang ako ng tahimik at susunod sa grupo." Pagbabanta sa akin ni Nathalia sa gitna ng aking pagkahinto. I looked at her fierce face and stand, pati tindig ay tila hindi ko siya mapantayan. "Wala ka nang kawala, babae. Sumama ka ng tahimik." dugtong pa nito. At sa oras na iyon ay alam kong wala na talaga akong kawala. Wala akong magagawa kundi ang sumunod.

Isa akong pain, hindi ko iyon makakalimutan. Kung kinakailangang may ibigay na buhay, ako iyon. Hindi ko iyon makakalimutan. Iyan ang kanilang pakay, kung bakit nila ako isinama.

Ngunit tila hindi pa ako handang mamatay, kinakailangan ko pang lumaban. At ang pangako ko sa paghahanap na ito, ay babalik ako ng buhay.

I will come back alive.

With blood and stains in my hands, I will rise.

In the deepest sorrow and agony, I will soar high.

I will come back alive, with aching pain I will survive.

Pangako, babalik ako ng buhay.