webnovel

The Healing Angel

Tahimik ang buhay pag-ibig ni Faye Alcantara, pero nagbago ang lahat ng ito nang magtapo sila ni Raphael, isang anghel sa mesidina na pasaway at nawalan ng kapangyarihan sa mundo ng tao. Parusa nga ba ito ng langit ang pananatili niya sa mundo ng tao? o isa itong tadhana para pagtagpuin sila ng landas ng mortal na si Faye?

ManilaTypewriter · Fantasi
Peringkat tidak cukup
46 Chs

DEAL

"Hello po?"

"Magandang araw sayo anak! Kamusta ka na? Pwede bang dumaan ka muna saglit sa bahay? Kahapon pa inaapoy ng lagnat si Faye, masakit din ang katawan niya." sambit ni Tatay Ricardo sa telepono.

"Po?! Kamusta po siya ngayon?"

"Medyo humupa naman yung sakit, hindi nga kami makapag-pacheck-up sa labas dahil punong-puno ang mga ospital ngayon. Delikado pa kasi kumalat na nga raw yung sakit. Pinagdadasal nga namin na sana simpleng lagnat lang to."

"H-Huwag po kayong mag-alala. Kung sakaling may sakit siya, kami naman po ang gu-gumagawa ng gamot." nanlumo si Raphael sa nabalitaan niya. Nararamdaman na niya, kaunti na lang ang natitirang oras ni Faye at nagsisimula ng mangyari ang nakatadhana sakanya.

"Maraming salamat Doc! siguraduhin mo rin na nagpapahinga ka anak ah, mukhang pagod na pagod ka na." pag-aalala ni Tatay Ricardo.

"Pasensya na po kung hindi ako makakapunta. Bukas na bukas pupunta ko. Sa ngayon, papupuntahin ko muna diyan yung mga kaibigan ko. Silang bahala nasabihan ko na sila kung ano ang dapat gawin." at naputol na ang tawag ng biglang dumating si Doc Krystal na nagyayayang magkape sa labas.

"Hep hep hep. Paalis ka na? Nakita kong kinuha mo yung isang gamot. Saan mo yan gagamitin?" habang kinakapkapan si Raphael.

"Pagkakakitaan ko bakit?

Lumapit si Krystal at hinawakan ng kaliwang kamay niya ang labi ni Raphael. "Wala sa mukha mo yung gagawa ng ganitong bagay. So bakit nga? Hindi ko alam bakit naniniwala sayo yung matanda. Ang pangit mo kayang mag-acting duh."

"Ngayong nahuli mo na ko. Fine, anong gagawin mo?"

"Let me think...Gusto mo bang ituloy natin yung ginagawa natin nung isang araw."

"Ikaw ang bahala."

"Hmm. Parang hindi ka excited? Magkape muna tayo sa labas at palalagpasin ko yang hawak mo ngayon yun ay kung makakalabas yan sa security." tumalikod si Krystal at naglakad na ng diretso habang si Raphael ay itinago sa kanyang pakpak ang gamot. Dito nakatago ang mga devices ni Ton na kinabit na niya sa bawat sulok ng lugar ni Don Joaquin. CCTV? Naaccess na ito ni Ton at nadelete na ang mga oras na nagkakabit siya ng mga devices sa paligid.

"Deal." sagot ni Raphael habang sinusundan ang babae.

"We're here." naunang dumaan si Krystal ng walang nag aalarm sakanya. Ang sunod ay si Raphael, ang nadedetect lang naman ng scanner na ito ay ang gamot.

Tut! Tut! Tut! Warning!

"Sir sandali!" pigil sakanya ng isang guard. Kinapkapan siya mula ulo hanggang paa pero wala silang nakita na kahit na ano.

"Wow!" bulong ni Kyrstal sa sarili.

"Sir, pakitanggal ang suot niyong long sleeve." pagkasabi na pagkasabi nito ay agad naman niyang tinanggal ang damit. Ang bumungad lang sa mga female guard ay ang magandang katawan ni Raphael.

"Hoy kayo ha! Dinidiskartehan niyo lang si Doc eh!" sambit ni Krystal.

"Pasensya na po sir!" sabay-sabay na yumuko ang tatlong guard. "Baka may problema lang po sa may scanner." sambit ng isa na nagkapkap kay Raphael na ngayon ay namumula sa pagkahiya. Nakakahiya talaga yon. Pero hindi sila maaaring magkamali dahil ngayon lang naman tumunog ang scanner. Ang magtatangka kasi na magpuslit ng gamot ay papatayin mismo ni Don Joaquin kaya walang gumagawa.

"No problem." at biglang ibinalik ni Raphael ang suot at naglakad na ulit kasama ang babae.

"Panong nangyari yon?" pagkamangha ni Krystal.

"Wala. Magic lang!" at inilabas ni Raphael ang gamot sa harap mismo ni Krystal na kunwaring itatapon ito pero tinago rin kaagad ni Raphael.

"Di ko alam kung bakit ginawa mo yan. Ano bang meron diyan?"

"Wala tara na naiinip nako !" sambit ni Raphael habang hawak-hawak ang balikat ng dalaga na nakahawak naman sa tiyan niya.

"Para lang tayo magjowa. Dibale susulitin ko na sikat ka naman eh, hindi ako talo."

Nakarating na sila sa isang coffee shop at nagsimulang mag-usap ng seryoso. Ang kaninang landian ay napalitan ng mga importanteng bagay. Makalipas ang kalahating oras ay nag-shake hands ang dalawa.

"Deal!" sagot ng dalaga. "Pero baka gusto mong mag check-in muna tayo sa hotel habang may sakit ang girlfriend mo!"

"Nahhh. Hindi ka masaya sa kama. Sa emergency room papayag ako." agad ding umalis si Raphael. Pagkasara niya ng pinto ay kinindatan siya ni Krystal.