webnovel

The Healing Angel

Tahimik ang buhay pag-ibig ni Faye Alcantara, pero nagbago ang lahat ng ito nang magtapo sila ni Raphael, isang anghel sa mesidina na pasaway at nawalan ng kapangyarihan sa mundo ng tao. Parusa nga ba ito ng langit ang pananatili niya sa mundo ng tao? o isa itong tadhana para pagtagpuin sila ng landas ng mortal na si Faye?

ManilaTypewriter · Fantasy
Not enough ratings
46 Chs

HINDI NGA AKO NANANAGINIP

"Raphael sigurado ka bang hindi ka sasama kila Faye?" tanong ni Kuya Maki na hawak-hawak ang gamot na kinuha niya sa may laboratory nila Don Joaquin.

"Mahirap na, may mga bagay pa rin akong aasikasuhin. Pinapangako ko na pupuntahan ko siya sa oras na matapos ko ang kailangan kong gawin."

"Pangako yan, kaibigan?"

"Pangako!"

Alcantara's Residence.

"Magandang gabi po!" bati ng dalawa sa bahay nila Faye.

"Oh kayo pala, nasaan yung isa?" tanong ni Jennie.

"May lakad na importante." tugon ni Ton

"Sus. Paasa naman yun eh, kaya tuloy ayan di makakain at nanghihina ang ate. Nawala nga yung mga asungot na umaaligid diyan tapos ayan nagkasakit naman ang ate."

Dumiretso sila sa direksyon ni Faye na nakahiga lang sa kanyang kama nasa tabi niya ang kanyang tatay at mama Lisa.

"Kami po yung pinadala ni Doc, magandang gabi po! Faye kamusta naman pakiramdam mo?" sinalat ni Kuya Maki ang ulo nito at sobrang init. Hindi na rin ito sumasagot sa mga tanong nila dahil siguro sa sama ng pakiramdam.

"2 days na po siyang ganito?"

"Oho. Anong dapat gawin?"

"Sa totoo lang po dala namin ang gamot, pero mas maganda po siguro kung dadalhin namin siya kay Raphael para mabantayan ng maigi." sandaling nag-usap ang dalawa.

"Kuya Maki anong sinasabi mong dadalhin natin siya?"

"Ton, makinig ka, mas maganda kung si Raphael mismo ang magbabantay sakanya."

"Eh paano kung magalit yon?"

"Hindi nagagalit ang anghel."

"Sige. Ikaw magpaliwanag diyan ah. Eh ang tanong papayag kaya sila? si Ate Faye? Kapag nalaman niya na dadalhin natin siya kay Raphael baka lumala lalo sakit niyan." humarap na ulit ang dalawa at bumalik sa dalawang matanda. "Ano pong desisyon niyo?"

Nagtinginan sa mata ang mag-asawa. Wala naman silang magagawa kung dito lang si Faye kaya naman pumayag din sila.

"Faye, anak, dadalhin ka namin sa ospital?"

"Hmm" pumayag naman si Faye pero hindi batid sa kanyang kaalaman na mismong kila Raphael siya dadalhin. "Kahit saan po, basta gumaling lang ako. Gusto ko na ulut kayo makasama. Bakit ba ang malas ko ngayon. Nagpaparamdam na rin sakin ang Lola, kinukuha na yata ako sa langit."

"Shhh. Wag mong sabihin yan Ate Faye, maraming naghihintay sayo dito." nakangiting sabi ni Jennie.

Sinakay na nga nila sa sasakyan si Faye para dalhin kay Raphael. Pitong-araw na lang ang natitira kay Faye sa mundo ng tao dahil susunduin na siya ni Azrael.

"Alam mo Kuya, hindi ako makapaniwala na may mga ganito pala talaga,mga anghel at kung ano-ano pa sa langit, nakatadhana na rin pala yung kamatayan natin." malungkot ang boses ni Ton.

"Kaya nga eh, nagsisisi ako na ngayon lang ako naging matino. Sa tingin mo kaya malapit na rin tayong sunduin?"

"Hoy! Hindi naman siguro no. Sasabihin naman ni Raphael kung oras na natin."

Na sa bahay na nila ngayon ang dalawa kasama si Faye na mahimbing pa rin ang tulog. Naabutan nila si Raphael na nagkakape sa labas ng bahay. Biglang tumulo ang luha ni Raphael sa nakita niya, hindi siya sanay na ganito kahina si Faye.

"Dinala na namin si Faye kasi gusto namin~"

"Salamat sainyo." gamit ang kanyang braso ay binuhat niya si Faye at ibinukas ang pakpak. Lumipad siya paitaas sa langit habang pinagmamasdan ang tulog na si Faye. Napaka-init nito ngayon at nanghihina ang katawan. Ilang sandali pa ay biglang dumilat ang mga mata ni Faye.

"Panaginip?" tanong niya sa mahinang tono.

"Hindi." sambit ni Raphael sabay halik sa noo ng dalaga.

"Sinaktan mo na nga ang puso ko, tapos eto ngayon nagkasakit pa ko. Mamamatay na ba ko?"

"Hindi ka mamamatay."

"Totoo ba? Niloloko mo na naman ako eh. Ah! Ikaw ang susundo sakin na anghel? Teka, sabi mo nung nakaraan hindi mo ko gusto. Napaka-sweet niyo nga sa picture nung Doctora." Faye is being delusional ngayon dahil sa gamot na tinurok kanina.

"Gusto kita, gustong-gusto..." bulong ni Raphael.

"Heh. Ganyan naman kayong mga lalaki mga manloloko. Magpaliwanag ka nga! Ano? Hindi ko marinig~" nilapat na ni Raphael ang kanyang labi sa dalaga. Punong-puno ngayon ng pagmamahal ang himpapawid. Gumaan na rin ang pakiramdam ni Faye ngayon dahil sa gamot na tinurok sakanya. Bumaba na sila sa lupa.

"Hindi nga ako nananaginip." sambit ni Faye habang nakahawak ang kamay niya sa pisngi ni Raphael.