webnovel

THE GOOD, THE BAD AND THE INNOCENT

Three girls. One school. Three different stories. ONE UNCONTROLLABLE CONNECTION.

JhaeAnn_16 · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
24 Chs

CHAPTER TWELVE

(Hereux Academy, after one week)

(Eunice's POV)

ISANG linggo na ang nakakalipas mula nung bumalik si Charlize. Masasabi kong tahimik pa naman ang buhay ko sa Hereux Academy maging sa UESC Condominium. Naging busy siya kasi nung mga nakaraang araw sa clothing business niya kaya nakalimutan na niya yatang pag-trip-an ako. Sana nga ay lagi na lang siyang may pinagkakaabalahan kaysa sa ako ang napagbubuntunan niya ng mga issues niya sa buhay.

Speaking of issue, ilang araw na akong hindi pinapansin ni Derrick. Kung bakit? I don't know. Basta isang araw, hindi na niya ako kinausap. Ilang beses ko na ring sinubukang kausapin siya pero umiiwas naman siya sa akin. At ang nakakainis pa, palagi na niyang kasama ang dukhang campus scholar na si Laurrie. Bagama't gustung-gusto kong gumanti sa babaing yun ay hindi ko naman magawa lalo pa't maraming mga mata ang nakabantay sa akin, including Charlize and Irene Impakta. Tsaka ayoko nang magalit ulit sa akin si Derrick kaya naman hangga't maaari ay pinipigilan ko ang sarili ko na saktan ang Laurrie na yun.

Pero kung inaakala ng babaing yun na basta ko na lang ipapaubaya si Derrick sa kanya, nagkakamali siya, dahil gagawin ko ang lahat para lang mawala siya sa landas naming dalawa.

(IV - A Classroom, 7:30 am)

(Eunice's POV)

ABALA ako sa pagbabasa ng libro nang mapansin kong pumasok sa classroom si Charlize at ang dalawang bwisit na alipores niya. Unfortunately, she's my classmate, kaya kahit na labag sa loob kong makita siya araw-araw ay wala naman akong ibang choice kundi ang pakisamahan siya.

Aside from Charlize ay kaklase ko rin sina Ate Courtney, Kuya Kyle, Raffy, Wade at si Rachel. Nasa second section naman sina Derrick, Timothy at Clarissa.

Natigil lang sa pagtsitsismisan ang mga kaklase ko nang biglang pumasok sa room ang adviser namin na si Ms. Gregorio kasama si Dean Amorsolo. Agad na tumayo ang buong klase para magbigay-galang sa kanila.

"Good morning, Dean Amorsolo and Ms. Gregorio!" sabay-sabay na bati ng buong klase.

"Good morning, class. Take your seats." sagot naman ni Dean. Agad na nagsibalikan sa mga upuan ang buong klase.

"Bakit po kayo naparito, Dean?" tanong ni Raffy.

"Because I have some important announcement to make. May I?" paalam ni Dean na agad namang pinayagan ni Ms. Gregorio. Saglit na tumabi si Ma'am para bigyang daan si Dean.

Nung nasa harapan na si Dean ay may idinikit siyang poster sa board.

"Teka, yan ba yung Hereux Prime?"

"Oo. Nakita ko na yan sa bulletin board kanina."

Pagkadikit ni Dean sa poster ay muli siyang humarap sa amin.

"I'm sure alam nyo na ang tungkol sa Hereux Prime Student Award." sabi ni Dean, dahilan para ma-excite ang buong klase. Pero kung sinuman ang pinaka-excited sa aming lahat, walang iba kundi ako, because I'm pretty sure na ako ang mangunguna sa award na yan. Wag nga lang akong haharangin ni Raffy.

"Hereux Prime Student Award is for the top twenty students na bukod sa matataas ang grades ay nagpakita rin ng mabuting asal sa loob ng academy na ito. Aside from that, sila rin ang mga estudyante na may kanya-kanyang ipinaglalabang advocacy. Pwedeng related sa education, youth empowerment at self-development." paliwanag pa ni Dean.

"I see." narinig kong sabad ni Charlize. "Sinu-sino naman po ang mga qualified?"

"Kahit sino ay pwedeng maging qualified, Ms. Lazaro. Walang pinipiling section ang award na ito. Basta pasok sa mga nabanggit naming criteria ay automatic na kasali na sa listahan ng mga nominee." sagot pa ni Dean.

"Katulad pa rin po ba ito sa naging nomination process last year, Dean?" sabad ni Alice.

"No, Ms. Vidal. Hindi na ito katulad nung nakaraang taon." sagot ni Dean.

Marami pang ipinaliwanag si Dean sa amin patungkol sa screening, nomination process hanggang sa awarding ceremony.

"Once na manalo ang isa sa inyo bilang Hereux Prime Student sa taong ito, there's a lot of prizes awaiting for you." at may ipinaskil ulit na poster si Dean. Halos mapanganga ako sa pagkalula nang mabasa ko ang mga sumusunod na prizes na matatanggap ng mananalo.

---

HEREUX PRIME STUDENT AWARDS PRIZES

For Top 20 (20th to 11th Placer):

- P 100,000 cash prize (tax free)

- P 50,000 worth of GC's from Escudero Mall

- 1 year internship program from Escudero Group of Companies

- A crystal trophy from Hoya Jewelries

- A plaque of recognition

For Top 10 (10th to 4th Placer):

- P 300,000 cash prize (tax free)

- P 70,000 worth of GC's from Escudero Mall

- 1 year internship program from Escudero Group of Companies

- A crystal trophy from Hoya Jewelries

- A plaque of recognition

For Top 3 and Top 2 (3rd and 2nd Placer):

- P 500,000 cash prize (tax free)

- P 90,000 worth of GC's from Escudero Mall

- 1 year internship program from Escudero Group of Companies

- A crystal trophy, silver and bronze medals from Hoya Jewelries

- A plaque of recognition

For Top 1 (Grand Winner):

- P 1,000,000 cash prize (tax free)

- P 100,000 worth of GC's from Escudero Mall

- A brand new condominium from Escudero Estate Corporation.

- 2 years internship program from Escudero Group of Companies

- A five year tertiary scholarship program from Universidad de Escudero

- 3 days and 3 nights vacation in Maldives

- A brand new Lamborghini

- A crystal trophy and gold medal from Hoya Jewelries

- A plaque of recognition

---

"OMG! Ang dami namang prizes para sa magiging Hereux Prime Student this year?!"

"Gusto kong sumali! Malay mo, manalo ako diba?"

"Asa ka pa. Sa tingin mo ba matataas ang grades mo?"

"Oo naman noh! Pakita ko pa sayo!"

Napailing-iling na lang ako sa narinig kong mga side comments mula sa mga kaklase ko. Hindi rin naman masyadong obvious na gustung-gusto nilang manalo sa Hereux Prime Student. Pero sorry na lang sila dahil ako ang mananalo sa award na yan. Makikita nila.

Maski si Charlize at ang dalawang alipores niya ay nalula rin sa prizes na matatanggap ng mananalong Hereux Prime Student sa taong ito.

"Do you think, makakapasok ako sa leaderboard despite on the fact na transferee ako?" ang narinig kong tanong ni Charlize kina Alice at Stephanie.

"Oo naman, Miss. Like what Dean Amorsolo said, walang pinipiling section at estudyante ang Hereux Prime Student Awards." sagot naman ni Alice, dahilan para mapailing-iling ako.

Tsk. As if namang mananalo ang isang tulad niya sa Hereux Prime Student. Marami pa siyang kakaining bigas bago mangyari ang sinasabi niya.

Matapos sabihin ni Dean ang lahat ng detalye tungkol sa Hereux Prime Student ay kaagad na rin siyang umalis para pumunta sa iba pang section. Naiwan na sa room si Ms. Gregorio para magturo.

Habang nagtuturo si Ms. Gregorio sa amin ay ramdam ko pa rin ang excitement ng mga kaklase ko. Hindi ko sila masisisi. Sino ba naman ang hindi ma-e-excite sa mga ganung klaseng papremyo? Maski ako ay matutuwa rin kung ako ang mananalo ng award na yan. Ang kaso lang, mukhang mahihirapan ako dahil bukod kay Raffy ay siguradong makakalaban ko rin sina Kuya Kyle, Ate Courtney, Rachel and even Charlize and her two warfreak friends.

Nung matapos nang magturo si Ms. Gregorio ay agad na rin silang nagpaalam sabay alis sa classroom namin. Dahil walang teacher ay naging usap-usapan ng buong klase ang tungkol sa Hereux Prime Student Award.

"Sino kayang makakapasok sa leaderboard starting next week?"

"Siguro sina Young Master Raffy at si Miss Eunice. Diba sila namang dalawa ang naglalaban for the top position in this academy?"

"Tama ka. Sila ngang dalawa ang naglalaban sa pagiging top 1. Wish ko lang na sana'y manalo si Young Master Raffy. Baka kasi mas lalong yumabang si Miss Eunice oras na siya ang manalo."

"Sinabi mo pa."

"Sana makapasok si Miss Charlize sa leaderboard."

"But she's a transferee. Baka ma-disqualify siya dahil dun."

"Wag naman sana. May potential pa naman siyang manalo."

"Tama. In fact, mas deserving siyang manalo kaysa dun sa dalawa."

"Sssh. Tone down your voice, Gilana. Baka marinig ka ni Miss Eunice at Young Master Raffy."

"The hell I care about that arrogant prince and that Bad Queen Bee. I hate them to the nth level. Masyado silang mayayabang, eh hindi naman sila ganun katatalino."

What the hell did she said?!

Susugurin ko na sana ang grupo ng mga tsismosang classmates ko nang pigilan ako ni Rachel.

"Don't mind Gilana, Miss. Inggit lang sayo ang babaing yun kasi siguradong makakasama ka na sa leaderboard ng Hereux Prime Student samantalang siya, hindi." sabi sa akin ni Rachel. Hmp! Pasalamat ang babaing yun at wala ako sa mood na makipag-away, dahil kung hindi, baka kanina ko pa nabalatan ang pagmumukha niya.

Natigil lang sa pagtsitsismisan ang mga kaklase namin nang pumasok na sa room ang Science teacher namin na si Mr. Baltazar. Saglit silang nag-check ng attendance at agad na nilang inumpisahan ang klase.

(Corridor, lunch break)

(Eunice's POV)

PAPUNTA kami nina Rachel at Clarissa sa cafeteria nang makasalubong namin si Derrick. Dali-dali ko siyang nilapitan.

"Hi, Derrick!" bati ko sa kanya pero nilagpasan lang niya ako.

"OMG. Hindi ka na naman pinansin ni Young Master Derrick." sabi ni Rachel.

"Oo nga. Panlimang beses ka na niyang inisnab." dagdag pa ni Clarissa.

"For sure, nilalandi-landi na siya nung dukhang scholar na nakaaway mo sa cafe ni Stephanie o 'di kaya, sinusulsulan na siya ng mommy niya na iwasan ka."

"I know." sagot ko. "Pero malakas ang kutob kong hindi lang sina Laurrie at Tita Eloisa ang dahilan."

"Kung hindi lang sila ang dahilan, eh ano?" tanong ni Clarissa.

"O di kaya.....sino?" - Rachel.

Napabuntung-hininga ako. "Hindi ko alam. That's why I'll do everything para malaman ko ang totoong dahilan sa pag-iwas niya sa akin."