webnovel

THE GOOD, THE BAD AND THE INNOCENT

Three girls. One school. Three different stories. ONE UNCONTROLLABLE CONNECTION.

JhaeAnn_16 · Teen
Not enough ratings
24 Chs

CHAPTER THIRTEEN

(UESC Condominium, evening)

(Eunice's POV)

KANINA pa ako paikut-ikot sa lobby ng condominium. Hindi ako mapakali. Kailangan kong malaman ang totoong dahilan ni Derrick kung bakit iniiwasan niya ako.

Nang biglang.....

"E-Eunice?"

Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Derrick mula sa 'di kalayuan. Dali-dali akong lumingon sabay lapit sa kanya.

"Derrick.....c-can we talk? Kahit sandali lang." sabi ko.

"Tungkol saan naman ang pag-uusapan natin?" wala sa mood na tanong niya.

"About us. I mean, kung bakit mo ako iniiwasan. Recently, okay naman tayo diba, tapos biglang hindi mo na lang ako kakausapin? What changed ba?" may hinanakit na tanong ko sa kanya.

"Okay tayo bilang magkaibigan." at napabuntung-hininga si Derrick. "Pero kung patuloy kang aasta na parang pag-aari mo ako, I'm sorry pero hindi na ako papayag pa sa gusto mong mangyari. You're not my girlfriend kaya wag kang umasta na may relasyon tayo."

"Then what is that? Don't you like me, Derrick? Ikaw na lang ang nag-iisang taong naging totoo sa akin, but now you're pushing me away!" at hindi ko na napigilan pang mapaiyak sa harapan niya. "You know what, sa ginagawa mo sa akin, wala ka nang pinagkaiba sa parents ko, kay Loisse, kay Lola Margarita and even to Charlize!"

"Eunice....."

"Derrick, can't you love me?! Kahit ikaw na lang ang magmahal sa akin, okay lang. Kahit na ikaw na lang ang maging pamilya ko, okay lang din sa akin. Please, tayo na lang dalawa!"

"Hindi pwedeng maging tayo, Eunice."

"Then why?!" umiiyak na sigaw ko sa kanya. "Bakit? May nagawa ba akong masama? May kailangan ba akong gawin para bumalik tayo sa dati?! Please, just tell me the truth, Derrick! Because that's what I deserve!"

"I'm sorry, Eunice pero hindi kita gustong saktan. Maniwala ka sa akin."

"You're so unfair! I thought iba ka sa mga lalaking nakilala ko. I thought you care about my feelings. I deserve to be loved so please love me! Love me, Derrick!" pakiusap ko sa kanya.

"Eunice, hindi pwedeng maging tayo because were siblings!"

That unexpectedly shuts me.

Si Derrick.....k-kapatid ko siya?

P-papanong nangyari yun?!

"At papano naman tayo naging magkapatid, Derrick?" nalilitong tanong ko sa kanya.

Napabuntung-hininga si Derrick bago siya muling nagsalita.

"Dahil anak ako ni Charles Go. Anak niya ako sa labas. Pero kahit kailan, hindi niya ako kinilala bilang anak niya. Kaya nung sinabi sa akin ni Mommy na anak ka ng tatay ko, ako na mismo ang nagdesisyong layuan ka. Akala mo si Laurrie ang dahilan? Hindi. Dahil yung tatay mo, yung tatay natin ang dahilan!"

"Hindi totoo yan! Hindi totoo yang sinasabi m--"

"Kung ayaw mong maniwala sa akin, then ask your mother! Or even your grandmother! Ipina-DNA test kami ng tatay mo ng Lola Margarita mo at nag-match kaming dalawa."

"Derrick, no. No." humahagulgol ko nang sabi pero umiling-iling siya, tanda na nagsasabi siya ng totoo. Isang masakit na katotohanan tungkol sa tunay naming kaugnayan sa isa't isa.

"Hindi ko na sana sasabihin sayo ang totoo, pero sa isang banda, tama lang na malaman mo ang tungkol dito. Magkapatid tayong dalawa. Hindi pwedeng maging tayo kasi magkapatid tayo."

"D-Derrick----"

"My God! Tama ba ang lahat ng narinig ko? Y-you're siblings?!"

Pareho kaming natigilan nang marinig namin ang pamilyar na boses na yun. Nung tignan ko kung sino ang nagsalita ay hindi nga nagkabula ang hula ko, dahil si Charlize ang nasa harapan namin. At tulad ko ay gulat na gulat rin siya sa mga naging rebelasyon ni Derrick.

"K-kanina ka pa ba dyan?" kinakabahang tanong ni Derrick sa kanya.

"Yes. Kanina pa ako dito sa lobby." sagot niya. "So.....it's true na magkapatid kayong dalawa?"

"C-Charl----"

"Please answer me, Derrick. I want to know the truth. Magkapatid ba kayong dalawa?" mariing tanong ni Charlize sa amin. Sasagot na sana ako nang biglang magsalita si Derrick.

"Yes, Charlize. Tama ka ng narinig. Magkapatid nga kaming dalawa."

That shuts her.

"Hindi totoo yan! Charlize! Wag kang maniwala sa sinasabi ni Derrick! He's just pranking us!" sinubukan kong kontrahin ang mga sinasabi ni Derrick pero sadyang nagmamatigas talaga siya.

"P-papanong nangyari yun? Hindi ko ma-gets!" sabi pa ni Charlize.

"It's a long story." at napabuntung-hininga si Derrick. "Excuse me." at nagmamadali nang pumasok si Derrick sa elevator ng lobby. Hindi ko na siya nasundan pa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magkapatid kaming dalawa sa ama.

Paanong nangyari yun?!

Sa sobrang pagkalito at galit ay dali-dali akong naglakad papunta sa opisina ni Irene Impakta. Gusto kong makausap si Daddy tungkol sa mga sinabi ni Derrick kanina. Gusto kong marinig mismo sa bibig ng tatay ko kung totoo bang anak niya si Derrick sa labas.

"Where are you going?!" ang narinig kong tanong ni Charlize pero hindi ko na siya inintindi. Kailangan kong malaman ang totoo mula mismo sa mga magulang ko. And I'll do it, by hook or by crook.

(Head Chaperone's Office, UESC Condominium)

(Eunice's POV)

PAGPASOK ko sa opisina ni Irene Impakta ay tiyempong tumatawag siya kay Daddy mula sa telepono. As usual, nag-re-report na naman ang gaga tungkol sa mga ginagawa ko sa school.

Nakangisi akong lumapit sa kanya sabay agaw ko sa telepono. Sige. Bastos na kung bastos ang ginawa ko, pero may kailangan akong itanong kay Daddy tungkol sa mga sinabi ni Derrick.

"Akin na yan!" at tinangkang kunin ni Impakta ang telepono pero itinulak ko siya ng malakas, dahilan para tumama ang beywang niya sa kanto ng table malapit sa sala. Napaaray siya sa sakit pero hindi ko na siya inintindi dahil mas importante pa ang gagawin ko kaysa sa tulungan siya.

"Basta, wag na wag mong hahayaang bastusin ka niya. Kung kinakailangang paghigpitan mo siya, gawin mo para lang magtino siya." ang narinig kong sabi ni Daddy pagkatapat ko ng telepono sa tenga ko.

"As I expected, Dad, ako na naman ang pinag-uusapan nyo ng inpaktang alila mo." mataray na pambungad ko.

"E-Eunice?" tila gulat na sabi ni Daddy.

"Yes I am, my dear foster father. Do you miss me?" sarkastikong sagot ko sa kanya.

"Kailan ka pa natutong sumagot sa akin ng ganyan? I'm your father!" pagalit na sabi niya sa akin. As I expected, sasabihin na naman niya ang mga oh-so-gasgas lines niya na wala sa hulog. Tss. Wala na bang iba, Dad? Nakakasawa na, sa totoo lang.

"Kailan pa, Dad? Hmmm....." at napaisip ako. "Siguro mula nung iniwan nyo ako dito sa Pilipinas, three years ago."

That shuts him. Guilty much, Dad?

"Eunice, hindi sa ga---"

"Really? Wag ka nang magmalinis, Dad. Pinabayaan nyo akong mag-isa dito sa Pilipinas. Actually, hindi lang ako yung pinabayaan mo, kundi pati na rin yung anak mo sa labas." singhal ko sa kanya habang tutuk na tutok ang tenga ko sa telepono.

"P-paano mo nalaman ang tungkol sa----"

"Paano, Dad? Sinabi lang naman sa akin ng anak mo na ikaw ang tatay niya!" galit na sigaw ko.

"E-Eunice....."

"Don't you dare to deny it, Dad! Anak mo ba si Derrick De Leon kay Tita Eloisa?!"

"Eunice, anak....."

"Stop fvcking around, Dad! Just tell me the truth! Anak mo ba si Derrick?! Anak mo ba siya?!"

"YES! ANAK KO SI DERRICK KAY ELOISA!"

That shuts me.

K-kung ganun.....n-nagsasabi ng totoo si Derrick.

Sa sobrang pagkabigla ay hindi ko na namalayang naibagsak ko na pala ang hawak kong telepono. Maski si Irene Impakta ay nagulantang din sa mga rebelasyon ni Dad tungkol kay Derrick.

"What can you say now, old lady? Yung business tycoon na iginagalang mo, may anak pala sa labas. And worst, his son is my co-member!"

That shuts her.

"Now, I'm going to ask you. Saan ka nakakita ng mabuting tao na nagawang pabayaan ang sarili niyang kadugo? Saan ka nakakita ng mabuting tao na nagawang lokohin ang pamilya niya? At saan ka nakakita ng mabuting tao na isa palang taksil at unfaithful na asawa? Ngayon, sabihin mo sa akin na mabuting tao pa rin si Dad pagkatapos mong marinig ang katotohanan mula mismo sa kanya."

Hindi siya nakaimik sa mga sinabi ko.

"Ano?! Sasagutin mo ba yung tanong ko o hindi?!" singhal ko na sa kanya.

"I'm sorry, Eunice, pero wala ako sa posisyon para magsalita tungkol sa illegitimate child ni Sir Charles." mahinang sagot ni Irene.

"WALA KA TALAGANG KWENTANG KAUSAP KAHIT KAILAN!" sabay sibad ko palabas ng opisina niya. Hindi na niya ako tinangkang sugurin pa, malamang ay talaga ngang nabigla siya. Tuloy ay naalala ko sina Mommy at Loisse. Alam na kaya nilang dalawa ang tungkol sa sikreto ni Daddy?

Natigil lang ako sa pag-iisip nung bumukas na ang pinto ng elevator sa lobby. Wala sa sarili akong pumasok sa loob. Agad kong pinindot ang close button para walang ibang makapasok sa loob ng elevator.

Habang umaandar pataas ang elevator ay tuluyan nang kumawala ang luha sa mga mata ko. I still can't believe the fact na stepbrother ko si Derrick. Pero mas hindi ako makapaniwala na nagawa siyang itakwil at hindi kilalanin ng sarili niyang ama.

Napakasama mo talaga, Dad. Wala kang kasing-sama.

Ngunit kahit na ganun ang nangyari ay hindi pa rin magbabago ang pagtingin ko kay Derrick. Gagawin ko ang lahat para lang bumalik kaming dalawa sa dati at para matutunan na rin niyang mahalin ang isang tulad ko.

(Hereux Academy, next day)

(Derrick's POV)

(Tulips Garden, lunch break)

KANINA pa ako nandito sa garden pero hindi ko pa rin nagagalaw ang baon kong pagkain. Sariwa pa kasi sa isipan ko ang naging pagtatalo namin ni Eunice na nagresulta sa pagkakalantad sa sikretong matagal naming pinagkakaingatan ni Mommy: na magkapatid kaming dalawa sa ama. Hindi ko na sana sasabihin ang tungkol dun pero hindi ko na napigilan pa ang bugso ng damdamin ko kung kaya nangyari ang hindi dapat mangyari.

Tulad ng inaasahan ko ay nagkagulo sa buong Upper East Side Club nang dahil sa mga naging rebelasyon ko at kumalat na yun hanggang sa Hereux Academy. As usual, hindi sila makapaniwala sa mga nabalitaan nila tungkol sa totoong kaugnayan namin ni Eunice sa isa't isa.

"Derrick, kanina ka pa dyan?"

Umaliwalas ang itsura ko nang makita ko si Laurrie na may dalang tupperware at isang malaking paper bag. Nakangiti siya sa akin.

"Ikaw pala, Lau." bati ko sa kanya. "Maupo ka."

Agad naman siyang naupo sa tabi ko.

"How's your day, Lau?"

"Okay naman. Nakakapagod nga lang yung pinagawa sa akin ni Mrs. Jamon sa faculty office kanina. Mabuti na lang at nagawa ko yun, on time." nakangiting sagot niya. Ugh. Ano bang meron sa mga ngiti niya at nag-iiba ako, to the point na nakakalimutan ko ang mga problema ko sa tuwing nakikita ko ang ngiti niya.

"Medyo halata nga sayo." at natawa ako.

"Kamusta ka naman, Rick? Bali-balita sa buong campus na nag-away daw kayo ni Eunice." As I expected, nakarating na kay Laurrie ang tungkol sa nangyari sa condominium kagabi. Sa dami ba naman ng mga insiders sa school na ito. Tss.

"Kanino mo nalaman? Kay Charlize?" tanong ko pa.

"Hindi. Narinig ko lang sa mga classmates ko. Ano bang nangyari at nag-away kayong dalawa?"

"Kapag ba sinabi ko sayo ang totoo.....magagalit ka ba sa akin? Huhusgahan mo ba ako?" diretsahang tanong ko sa kanya.

"Ba't ko naman gagawin yun? Kaibigan mo ako. Handa akong makinig sayo. Wag kang mag-alala dahil wala kang maririnig na kahit ano mula sa akin." at muling sumilay ang isang maaliwalas na ngiti sa mga labi niya.

"T-talaga?" paninigurado ko.

"Oo naman. Bakit? Wala ka bang tiwala sa akin?" tila malungkot na tanong niya.

"Hindi sa ganun, Lau. Medyo alanganin lang kasi ako na sabihin sayo ang problema ko. Masyado kasing personal." sagot ko.

"You can trust me, Rick. Malay mo, makatulong ako sayo." sabi pa niya.

"S-sige. Sasabihin ko na." at ikinuwento ko na ang totoong dahilan kung bakit kami nag-away ni Eunice. Tulad ng aking inaasahan ay nagulantang siya sa mga ikinuwento ko pero hindi ko siya narinig na nanghusga sa sitwasyon o maski sa aming dalawa ni Eunice. Tahimik lang siyang nakinig sa akin.

Matapos kong magkuwento ay isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa paligid. Pareho kaming tahimik at hindi nagsasalita.

"A-anong masasabi mo sa klase ng pamilyang meron ako? Nakakabaliw diba?" pabirong sabi ko kahit na sa kaibuturan ng damdamin ko ay nasasaktan ako.

"Rick....." at napabuntung-hininga si Laurrie. "Medyo nakakagulat ang mga nalaman ko mula sayo, pero hindi dapat yun maging dahilan para putulin mo ang kaugnayan mo sa kanya. May karapatan ka pa ring makilala ang kapatid mo kahit na harangin ka pa ng tatay mo. Kaya sana, wag mong ipagkait sa kanya ang pagkakataon na maging kapatid ka niya."

"Pero ayaw niya akong ituring bilang kapatid. Gusto niyang maging higit pa kami roon. Pero hindi naman pwede dahil maling-mali yun sa paningin ng ibang tao." at napabuntung-hininga ako sa sobrang frustration. "Ugh. Anong gagawin ko?"

"Wala ako sa posisyon para magsalita pagdating sa ganyang bagay. Sa ngayon ay unawain na lang natin ang pinanggagalingan niya. Ikaw na rin ang nagsabi na hindi niya nararamdaman ang pagmamahal ng pamilya niya kaya hinahanap niya yun sa ibang tao. Nagkataon na sayo niya nahanap yun. Sadly, hindi pwedeng ipilit ang mga bagay na hindi maaari. Pero nasa sayo ang desisyon kung kikilalanin mo siya bilang kapatid o higit pa dun ang klase ng pagtingin na ibibigay mo sa kanya." sagot niya.

"Pwede bang wag na muna natin silang pag-usapan. Ayoko munang makarinig ng kahit ano tungkol sa kanila." pakiusap ko, na agad naman niyang ginawa. Hindi na siya nagtanong pa tungkol kay Eunice at sa magaling kong ama.

Speaking of my worthless father, sigurado akong nakarating na sa asawa niya ang tungkol sa amin ni Mommy. Ano kaya ang naging reaksyon niya? Panigurado'y nasaktan siya dahil niloko siya ng sarili niyang asawa.

Ugh. Ba't ko ba iniisip ang pamilya ng taong ni hindi man lang ako kinilala o tinanggap bilang anak niya? Hindi ko dapat iniisip ang walang kwentang Charles Go na yun.

Natigil lang ako sa pag-iisip nang mapansin kong kumakain na si Laurrie. Binuksan ko ang tupperware na dala ko at sumabay na ako sa kanyang kumain, at least mas may kwenta pa yun kaysa sa isipin ko ang taong wala namang pakialam sa akin.