webnovel

THE GOOD, THE BAD AND THE INNOCENT

Three girls. One school. Three different stories. ONE UNCONTROLLABLE CONNECTION.

JhaeAnn_16 · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
24 Chs

CHAPTER FOURTEEN

(UESC Condominium, after two days)

(Eunice's POV)

DALAWANG araw na ang nakakalipas mula nung pumutok ang issue tungkol sa naging rebelasyon ni Derrick pero hindi pa rin mamatay-matay ang tsismis sa school maging sa condominium. Maski sa mga social media sites at sa mga blind items sa showbiz tabloids ay nakarating na rin ang balita. But the worst is, mula nung nag-away kami ay 'di na kami nagkausap pa. Tuluyan na niya akong iniwasan kahit ilang beses na akong lapit ng lapit sa kanya. Pero kung sa tingin niya na susukuan ko siya dahil sa 'di niya pagpansin sa akin, nagkakamali siya, dahil hinding-hindi mangyayari yun. Mahal na mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para lang magkaayos kami.

Tulala akong kumakain sa dining hall ng condominium. Nakabihis na ako pero tila ayaw kong pumasok. Pero hindi naman ako pwedeng um-absent lalo pa't nagsisimula na ang weekly leaderboard para sa Hereux Prime Student.

Mag-isa lang ako sa dining hall. Nauna na kasing pumasok sa school sina Kuya Kyle at Ate Courtney. Maski ang iba kong mga co-members ay nauna na rin, which is in favor sa akin, dahil hindi ako mabubwisit sa mga sangawa-ngawang boses nila.

Speaking of sangawa-ngawa, napansin kong pumasok sa dining hall si Irene Impakta. Katulad ko ay ilang araw na rin siyang tulala at hindi makausap. Mukhang 'di pa yata nakaka-move-on ang gaga sa mga nalaman niya mula mismo sa tatay ko.

"Hi, Irene." sarkastikong bati ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

"Loser." sabay irap ko sa kanya bago ako nagpatuloy sa pagkain ko.

Pagkatapos kong kumain ay nagpahatid na ako kay Manong Juan papunta sa school gamit ang kotse ko.

(Hereux Academy)

(Eunice's POV)

(IV - A Classroom, class time)

PATAPOS na ang klase namin sa English nang biglang pumasok sa loob ng classroom si Dean Amorsolo, dahilan para agad-agad na mapatayo ang buong klase sa kani-kanilang mga upuan.

"Good morning, Dean Amorsolo!" bati sa kanya ng mga classmates ko.

"Good morning. Please take your seats." Agad namang nagsibalikan sa kani-kanilang upuan ang buong klase.

"Why are you here, Dean?" pambungad na tanong ni Rachel sa kanya.

"Ngayon nyo na po ba ilalabas yung first weekly leaderboard para sa Hereux Prime?" - Alice.

"Sa susunod na linggo na lalabas ang first weekly leaderboard ng Hereux Prime, kaya ngayon pa lang ay maghanda-handa na kayo para masiguro ang pagpasok ninyo sa selection list."

Nagbulungan sa tuwa ang buong klase sa sinabi ni Dean habang nagkangitian kaming dalawa ni Rachel.

"Isa lamang sa inyo ang magkakaroon ng once in a lifetime experience na ito, so I wish you all the best of luck."

"Thank you, Dean." at nagpalakpakan ang mga classmates ko.

Marami pang sinabi si Dean sa amin, including the incoming first long test pati na rin ang nalalapit na Miss Hereux Academy pageant.

"By the way, class, kaya ako naparito ay para pumili ng sampung estudyante na maglalaban-laban sa Hereux Academy's History Quiz Bee sa Martes. Naibigay na sa akin ng Social Studies teacher ninyo ang listahan ng sampung pinakamahuhusay na estudyante pagdating sa subject na ito."

Nagbulungan ang buong klase habang tumindi na naman ang excitement na nararamdaman ko.

"Sino kaya ang mapipili para sa Quiz Bee?"

"Sana ako."

"Ako rin, noh! Gusto kong manalo sa Quiz Bee!"

Sorry na lang kayo dahil ako ang mapipili para sa History Quiz Bee at hindi kayo.

* evil smirk *

"Okay, so I'm going to mention the names that chosen to be part of the Quiz Bee, in random order." at dinukot ni Dean mula sa bulsa ng slacks niya ang isang maliit na papel. Siguro'y yun ang listahan na ibinigay sa kanya ng Social Studies teacher namin.

"First in the list is Ms. Gilana Magsaysay."

Nagpalakpakan ang lahat habang naglulundag sa tuwa ang feelingerang si Gilana. Tss. May ginawa na naman sigurong hocus-pocus ang babaing 'to para makapasok siya sa list.

"Next, we have Mr. Raffy Clavecillas."

Kinikilig na nagpalakpakan ang buong klase habang tahimik lang sa isang tabi si Raffy.

"The third one is Mr. Kyle Andrew Yunon."

Nagpalakpakan na may kasamang tilian ang mga classmates ko nang mabanggit nila ang pangalan ni Kuya Kyle. As usual, tuwang-tuwa ang mokong dahil napili siyang contestant para sa Quiz Bee.

"Congratulations, Kuya Ky!" bati ko sa kanya.

"Thanks, Eunice." and Kuya smirked at me.

"Next is Ms. Courtney Pineda."

"Yes! I made it! Thank you, Dean!" at napatayo si Ate Courtney sa tuwa.

"You're welcome, Ms. Pineda. Galingan mo sa Tuesday ha." nakangiting sabi ni Dean.

"Yes, Dean. I'll do my best to win. Again, thank you so much." at kinikilig sa tuwa na bumalik si Ate sa upuan niya.

"Congrats, Ate." nakangiting bati ni Charlize sa kanya.

"Aww, you're welcome, Char." nakangiting sagot ni Ate Courtney sa kanya. Tss. Nagpapabida naman ang painosenteng santa-santita.

"Okay, where are we now, star section?" at tinitigan ni Dean yung list. "Nakita ko na. Our next contestant is Ms. Rachel Zanders."

"Omigosh! Kasali ako sa quiz bee!" at napapalakpak si Rachel sa tuwa.

"Congratulations, Rachel." and I smirked devilishly at her.

"Thanks, Miss Eunice." sabay kindat niya sa akin.

"Next, we have Mr. Denver Pascual."

Muling nagpalakpakan ang lahat habang ngiting-ngiti naman ang nerd na kaklase naming si Denver.

"Our next contestant for the Quiz Bee is oh! She's from second section."

"Who's that student, Dean?" tanong ni Alice.

"Si Laurrie Mendoza. Siya ang magiging pambato ng second section sa quiz bee."

As usual, kumontra ang buong klase sa sinabi ni Dean. Maski ako ay umangal dahil hindi ko matanggap na makakalaban ko ang dukhang scholar na yun sa quiz bee. Pero dahil ang Social Studies teacher namin ang pumili sa kanya ay 'di na lang kami nagsalita pa. And besides, hindi naman siya mananalo sa quiz bee kaya ba't kami kakabahan sa kanya?

"Next, is Ms. Irish Pontillas."

Nagpalakpakan ang buong klase, sa pangunguna ng bruhang si Gilana. Oo nga pala, isa sa mga alipores niya si Irish kaya ganyan siya ka-supportive sa kapwa niya bruha.

"Next, we have Ms. Eunice Go."

Natahimik ang buong klase nang marinig nila ang pangalan ko.

"I told you, Miss. Mapipili ka for the quiz bee." nakangiting sabi sa akin ni Rachel.

"I know right." and I smirked at her.

"And the last contestant for the History Quiz Bee is Ms. Charlize Lazaro."

W-what?

Si Charlize.....

Makakalaban ko sa quiz bee?

"OMG, Miss! You made it!" masayang sabi ni Stephanie.

"Congratulations, Miss!" sabay yakap sa kanya ni Alice.

"Thank you, girls." nakangiting sagot ni Charlize sa kanila.

Bwisit. Ba't sa dinami-rami ng mga estudyante sa section na ito ay siya pa ang napili ng teacher namin na isali sa quiz bee?

Pero kung inaakala niya na basta na lang akong magpapatalo sa kanya, nagkakamali siya, dahil sisiguraduhin kong ako ang mananalo sa quiz bee na yun at siya ang uuwing luhaan.

Matapos i-announce ni Dean ang mga kasali sa History Quiz Bee ay agad na rin siyang umalis ng classroom.

"Okay, class, that's all for today. Class dismissed." at umalis na ang English teacher namin. Muli'y naging maingay ang kanina'y napakatahimik na klase.

"Miss Charlize, for sure, makakasama ka sa leaderboard ng Hereux Prime tapos mananalo ka pa sa History Quiz Bee." ang narinig kong sabi ni Stephanie mula sa 'di kalayuan.

"Tama ka, Steph! Nararamdaman kong mananalo si Miss Charlize sa Quiz Bee." dagdag pa ni Alice.

"Salamat sa suporta. Pero hindi naman importante sa akin kung may prize man o wala, dahil ang pinaka-importante sa lahat ay ginawa ko ang best ko." nakangiting sagot ni Charlize.

"Well said, Miss." pagsang-ayon sa kanya ni Stephanie.

"Hep, hep, hep. Wait a minute, Alice. Hindi ako basta-basta magpapatalo kay Charlize." pabirong sabad ni Ate Courtney sa kanila.

"Hindi mo ba ako i-ko-congratulate in advance, Rachel? You're now looking at the new Hereux Prime Student of the year." sabi ko kay Rachel kahit na ang totoo'y pinapatamaan ko si Charlize at ang dalawang alipores niya.

"Are you so confident na ikaw ang mapipili sa Hereux Prime Student, Miss Eunice?" tanong sa akin ni Rachel.

"I'm more than confident, Rach. I got this. And no one is going to stand on my way." sabay tingin ko ng masama kay Charlize. Pero ang bwisit, aba't nagawa pa akong kindatan. Ibang klase talaga ang kakapalan ng mukha na meron siya.

"What if.....si Charlize ang makalaban mo?" sabi pa ni Rachel sabay turo niya sa bruhang santa-santita ng Upper East Side Club.

"I don't care kung siya ang makalaban ko. And besides, hindi naman siya mananalo sa akin." confident na sagot ko.

"Siguraduhin mo lang na ikaw ang mananalo sa Quiz Bee at sa Hereux Prime, Miss Eunice, dahil kung hindi, for sure, may magiging alas na naman siya at ang mga alalay niya laban sayo." sabi pa ni Rachel.

"I know. Kaya dapat lang na magdoble-ingat ako sa babaing yun. Minsan na niya akong nasira sa lahat at hinding-hindi na ako papayag pa na gawin niya ulit sa akin yun." and I clenched my fist at anger, dahil naalala ko na naman ang mga panahon kung paano ako harap-harapang sinira ni Charlize sa buong Hereux Academy.

"Dapat lang. Be extra careful on her, Miss." paalala pa sa akin ni Rachel.....na siyang gagawin ko dahil nakakatakot na magtiwala sa isang taong alam na alam kung saan ka sasaksakin. Tulad ng dati kong best friend na si Charlize. She knows my strength, and the same time, my weakness.

My fvcking weakness.

Natigil lang kami sa pag-uusap ni Rachel nang dumating na ang next subject teacher namin. Agad na nagsibalik sa upuan ang buong klase. Saglit lang na nag-check ng attendance si Ma'am at kalauna'y sinimulan na niya ang klase.

(Corridor/Dean's Office, Fourth Year Building, recess time)

(Laurrie's POV)

"LAURRIE, pinatatawag ka ni Ms. Amorsolo sa Dean's Office."

Recess na recess pero may lumapit na agad sa akin na teacher para sabihin yan. Haay. Bakit kaya?

Agad akong pumunta sa Dean's Office. Nakita ko si Dean Amorsolo na nakaupo sa desk niya at abala sa pagpirma ng mga documents.

"Good morning, Dean. Pinatatawag nyo daw po ako."

"Oh yes, Ms. Mendoza. Sit down." sabay turo ni Dean sa upuan na katapat niya. Umupo naman ako at bahagyang humarap sa kanya.

"Kaya kita ipinatawag ay para sabihin ko sayo na napili ka ni Mrs. Gorospe sa History Quiz Bee na gaganapin sa Tuesday. Kaya simulan mo nang mag-review."

"Yes, Dean Amorsolo." magalang na sagot ko. Oo nga pala, inanunsyo kanina ng adviser namin sa classroom na ako ang ipapambato ng second section para sa quiz bee na yun. Gustuhin ko mang tumanggi nung mga oras na yun ay 'di ko na nagawa dahil ayokong yun pa ang maging dahilan para matanggal ang scholarship ko. And besides, hindi naman ako umaasa na mananalo ako sa quiz bee na yun.

"Very good, Ms. Mendoza." nakangiting sabi sa akin ni Dean. "Oh, by the way, bago ko pala makalimutan, pinapasabi rin pala ng adviser mo na simulan mo nang mag-ipon ng academic at extra-curricular points starting this day, dahil malaki ang posibilidad na mapasali ka sa first leaderboard ng Hereux Prime Student Award."

"Thank you po, Dea------h-ha?! Ako? M-malaki ang chance na mapasali sa Hereux Prime Student Awards?" gulantang na tanong ko kay Dean.

"Yes. I saw you academics and extra-curricular performance for the past years and your grades are quite impressive. So get ready, Ms. Mendoza, dahil nararamdaman kong makakapasok ka sa first leaderboard ng Hereux Prime Student Award."

Hereux Prime Student Award?

Ano bang dapat na maramdaman ko?

Tuwa?

O takot?