webnovel

The Forbidden: Awaken (Filipino Ver.)

The Forbbiden Trilogy, Book 1: Sania has been living a simple life with a supporting family and friends. She could never wish for more. But unexpextedly, her perfect life changed when she foolishly entered the secret place and unexplainably had the magical seal. Now, together with her friends, they will experience the a sudden turn of events that they never knew that could ever exist. Not in their life time.

unmannered · Fantasi
Peringkat tidak cukup
19 Chs

14 - Hinahanap + Behind the scenes 06 - Bagay

Forbidden Fact #1: Manlalakbay Squad, as well as the other characters featured around their school were all based on true people.

****

Ikalabing-apat na Kabanata

KALABIT ng nasa bandang gilid kong si Ailyn ang agad na nagpalingon sa akin. Tumaas ang mga kilay ko nang makita ko siyang nakanguso.

"Ganda naman 'ata ng lahi ninyo? Guwapo ng mga pinsan mo, ngayon ko lang napagmasdan," aniya at mas ngumuso pa sa puwesto nina Baito at Akinse. "Pero wala pa ring tatalo sa Ihara ko. Ahihi~"

Inilingan ko na lang siya at bumaling kina Akinse. Napangiwi ako nang mahuli kong binelatan siya ni Baito dahilan para magsalubong ang mga kilay ng bugnutin kong alaga.

I mentally facepalmed. Bakit nga ba pumayag ako na sumama sila dito sa school? Ano'ng gagawin ko 'pag nagkalat sila rito?

I mean, with their human form, I know they can blend in, pero kung ganito sila umakto? Talagang makakaagaw sila ng pansin.

"Mortal! Mortal!" Kinalabit ako ni Akinse. Sa isang mesang may walong silyang nakapalibot ay nakaupo siya sa 'king kanan. "Ano ang bagay na ito?" Itinuro niya iyong kulay kahel na palutang-lutang pa sa suka.

"Kwek-kwek 'yan," nangungunsumisyon akong napahilot sa 'king magkabilang pilipisian. "Kumain ka na lang, bigyan mo si Baito, huwag kang madamot."

"Heh! Ayaw ko!" Sinaksak niya ng stick iyong kwek-kwek at mabilis iyong isinubo.

"Napakasakim mong nilalang!" hiyaw ni Baito habang nakasimangot. "Sania, o! Tingnan mo! Tingnan mo!" sumbong pa niya.

"Heh! Huwag mong diktahan si Aureya!"

"Bakit ako! Ikaw 'tong panay ang dikit sa kaniya!"

"Huwag mo 'kong punahin!"

Diyos ko po...

"Ito, noong Sabado ko pa napapansin, Sania, ha ..." May pabitin pang nalalaman itong si Ailyn kaya bahagya akong napalunok sa ibinubulong niya. "Mga poreynger ba 'yang mga pinsan mo?"

Ngumiwi ako at bahagya na lamang tumango. Ano pa bang maidadahilan ko?

"Kaya pala parang mga ignorante, juskupu! Ang cute!" sagot niya at napasuklay bigla sa kaniyang buhok. "Itago mo 'yang mga 'yan sa mga kaklase nating mahaharot! Dumog sila 'pag nagkataon! Lalo na sa grupo nina Jenny? Nako! Makakita lang ng mga guwapo 'yon, naglalaway na! Hindi ko nga alam kung paano babakuran si Ihara mula sa kanila!" Irap siya nang irap.

Tumawa ako at inabot ang tuktok ng ulo ni Akinse para suklayin ang magulo niyang buhok. Bahagya siyang napalingon sa akin habang ngumunguya pa kaya nginitian ko na lang siya.

Talagang makakaagaw ng pansin 'tong alaga ko, e, ang cute nito.

"Heyaaa!"

Napalingon kami sa 'ming likuran. Naroon sina Kuya Mago at Kuya Ihara, may dalang mga plato sa kanilang mga kamay na mabilis nilang inilapag sa 'ming mesa. Apat na plato ng pancit canton.

"Kulang?" tanong ko. Anim kaming lahat. Maaga kaming pumasok kaya rito na kami sa school mag-aagahan.

I don't even remember how we were I able to bring Akinse and Baito with us. Ayaw ko na ring alalahanin. Basta, ang masasabi ko lang, malayo pa kami sa eskuwela ay pinababa na kami sa jeep kanina.

"Wala na raw plato, e," sagot ng kapatid ko habang papaupo sa tabi ni Ailyn.

Kitang-kita ko kung paanong nanigas sa kinauupuan niya ang kaibigan ko, nanlalaki pa ang mga mata nito at tila ba huminto na sa paghinga.

"Iyong dalawa riyang nasa pulang plato, dalawang canton 'yan," anas ni Kuya Mago na nakaupo naman na sa tabi ni Baito.

"A..." Hinila ko 'yong isa sa pulang plato. "Hati na lang kami ni Akinse."

"Ha! Ayaw ko!" reklamo pa nito. Nilingon ko siya at nginitian. Ayaw mo?

"B-Basta marami 'yong akin!" biglang bawi nito sa kaninang sinabi.

"Itong kulay luntian ang akin!" ani Baito at mabillis na humila ng isang plato. "Kufufufu! Panalo ako, mabalahibong nilalang! Wala akong kaagaw!" pambubiwisit niya pa rito sa katabi ko.

"Heh! Huwag mong ipangalandakan iyan sa akin!"

"Bruh, ito na lang ang iyo para wala kang kahati," biglang anas ni Kuya Mago kaya napatingin kami sa kaniya. "Kami na lang ni San ang magkahati, dito ka sa puwesto ko para tabi kami~"

Ngumiwi ako. Parang may masama pang balak itong katropa ni Kuya.

"Heh! Isa ka pa!" Ramdam ko ang mas lalong pagsusumimsik ni Akinse sa tabi ko habang dinuduro-duro si Kuya Mago. "Huwag mo akong diktahan! Dito lang ako!"

Napangiti na lang ako habang iniiikot ang canton sa 'king tinidor. Tumaas lamang muli ang mga mata ko nang maaninag ko ang paggalaw ng kapatid ko sa puwesto nito.

"Ailyn, hati na lang tayo, ha? Okay lang naman sa 'yo, 'no?" Ngumiti pa 'tong si Kuya sa katabi niya.

Nanlaki pang lalo ang mga mata ni Ailyn. Nanlaki rin ang mga mata ko.

Baka ma-stroke na 'yan sa sobrang kilig!

"Subuan mo na rin, Kuya, baka mahiya pa 'yan," may kapaklaan kong sambit. Napatingin tuloy sila sa akin. Nanlalaki pa ang mga butas ng ilong niyang si Ailyn, halatang nagustuhan ang suhestiyon ko.

"May tinatago talagang sense of humor 'yang si Sania." Mahinhing humalakhak si Kuya habang iniaabot ang isang tinidor sa kaibigan ko.

Lihim akong napangisi—disappointed ang pagmumukha ni Ailyn. Talaga ngang gustong magpasubo.

"May naaamoy akong pagkabigo," bulong ni Akinse.

Nang lingunin ko siya ay nakita kong nakasilip siya sa espasyo sa 'king balikat at leeg habang sipsip ang barbeque stick na kanina niya pa pinananaksak sa mga fishball at kwek-kwek, diretso ang kaniyang mga mata sa puwesto ni Ailyn.

Bumilog ang bibig ko at muling tumingin sa gawi ng kaibigan at kapatid ko. I can't blame my friend for admiring him. Ito naman kasing si Kuya ... pakiramdam niya yata, mabait lang siyang talaga. Hindi niya man lang alam na marami na siyang napapaasa dahil sa ugali niyang 'yan. Sa sobrang bait at maginoo, pa-fall na.

Nang magdatingan ang iba pa naming mga kaibigan ay dali kong ipinakilala sina Baito at Akinse bilang ... iyon ... mga pinsan namin ni Kuya. My brother was actually the one who did the talkings. Hindi ko mapigilang hindi siya pagmasdan habang nakangiting ipinapakilala ang dalawa sa mga nakanganga kong kaibigan.

Kuya ... tunay ngang magkapatid tayong dalawa. Parehas tayong nakakapagsinungaling ng 'di man lang nauutal.

Naiisip ko rin hanggang ngayon ... 'yong hindi nila pagkagulat ni Kuya Mago nang una nilang makita sina Akinse at Baito. I was told that my brother knew it from the very start. Iyong unang dating ni Akinse sa bahay. Nahuli niyang isang gabing papalabas siya ng kaniyang kuwarto ay siyang pagtungo ni Akinse sa kuwarto ko.

I remember that night. Kaya pala ... biglang bait ni Kuya noon at ... medyo ... nagkaroon siya ng interes kay Akinse. Iyon ang dahilan. Dahil alam niya kung ano talaga ang nilalang na dinala ko sa bahay.

I understood that. Pero si Kuya Mago ... hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit hindi siya nagtanong tungkol sa dalawa. Why would he even ride our lies ng wala man lang alam sa mga nangyayari?

Pati na rin ang dalawa, si Baito at Akinse. Pansin kong iba ang tingin nila kay Kuya Mago. Para bang ... pamilyar sila sa isa't isa.

"Sania! Kanina pa kita kinakausap! Nakikinig ka ba!" Napatingin na ako kay Lyca nang sumigaw siya. Kanina pa nga pala ito nagsasalita.

Tumingin ako sandali sa whiteboard sa harapan. Break pa ng fifteen minutes bago ang next subject. Wala 'yong iba naming kasama, pumunta ng canteen. Tinamad kaming tatlo nina Lyca at Ailyn na lumabas kaya nagpaiwan na lang kami sa 'ming classroom. Si Ailyn ay kasalukuyang nag-CR kaya wala rin.

"Hindi. Ano nga ulit 'yon?" Bahagya akong napahikab nang magtagal ang titig niya sa akin, nagbabadya pa siyang iirap, kaniya lang ay parang pinag-iisipan niya pa kung gagawin niya ba o hindi.

"Ang tanong ko, single ba 'yong mga pinsan mo? Duh!" Sinamahan niya pa ng pa-'s' na pagguhit sa hangin gamit ang kaniyang hintuturo.

"Ba't mo naman natanong?" Ngumuso ako. "May mga girlfriend na 'yong mga 'yon."

Mabuti nang iyon ang isagot ko sa mga magtatanong para wala nang dahilan para lumapit pa sila sa dalawa. Mas malayo sa gulo, mas madaling makapagtago.

Mabuti na nga lang at nauto ko sila ni Baito na sumama na muna sa kapatid ko at kay Kuya Mago. Wala pa rin namang klase ang dalawa kaya ayos lang. I just had to promise, kay Akinse, na sa oras na hinanap niya na ako, ay darating ako.

"Sayang! Ang guwapo pa naman ni Akinse, lalo na si Baito!" Ngumuso siya. "E, 'yong gago? May girlfriend na?"

Kumunot ang noo ko. Si Kuya Mago ba? Hindi ko pinsan 'yon, a?

"Mago 'yon, Lyca, hindi gago."

"Oo nga!" Tumaas ang kilay niya bago humalukipkip. "Ano nga! May girlfriend na 'yong mukhang balakubak na 'yon?"

"Ang alam ko, wala." Nagkibit-balikat ako. Hindi ako sigurado dahil 'di naman ako interesado sa buhay ng taong 'yon.

"Huh! Sinasabi ko na nga ba. Pangit kasi siya kaya, walang pumapatol sa kaniya." Irap pa siya nang irap sa kung saan.

Ano ba talaga ang gustong patunayan ng babaeng ito?

Dumating si Ailyn na pangisi-ngisi, may hawak na Stick-O habang nagmamartsa patungo sa puwesto niyang nasa bungad ng kaharap naming row ni Lyca. Pagkaupo niya roon ay siyang ikot niya para maharapan ang gawi namin.

"Stick-O kayo riyan, mga puga!" anito bago kami inalok ni Lyca. Muntik pa silang magsigawan ng huli dahil ang gustong ibigay sa kaniya ni Ailyn ay 'yong kalahati na lang.

"Saan mo nakuha 'to? Bumaba ka sa canteen?" tanong ko nang maubos ang Stick-O na ibinigay niya.

"Hindi! Ibinili ako ni Kris Chan!" Humagikik siya. "Mahal na mahal talaga ako ng bespren ko~"

"Edi, wow!" malakas na sambit ni Lyca sabay guhit ng letrang 's' sa hangin. "Ikaw na'ng may bespreng tsinong sunog!"

Umirap lamang sa kaniya si Ailyn, tila pinagtitimpian siya ngayong araw.

"Kung bakit ba naman kasi baliw na baliw ang bespren kong 'yon kay Alisa! Puwede naman siya sa iba! Hindi roon sa pinaaasa lang siya!" gigil na asik niya bago sinamol nang tuluyan ang natitirang wafer stick sa kaniyang kamay. "Awang-awa na 'ko sa kaniya! He deserves better! Hindi 'yang babaeng 'yan na obvious namang pabebe! 'Pag sinusukuan na siya niyong isa, saka siya magpaparamdam at hahabol? Tapos ito namang lalaking 'to na medyo martir na medyo tanga rin, babalik na naman! Kaunting lambing, kaunting suyo, okay agad? Juskuuu! Ang sakit nila sa bangs!"

Nanliit ang mga mata ko bago napailing. Ano ba'ng magagawa niya? Kung makapag-comment ang babaeng 'to sa love life ng iba, para bang mayroon siya, e isa rin namang hindi siya napapansin ng kapatid ko.

"Rant ka nang rant diyan, ba't 'di mo sabihin sa pagmumukha nila 'yan?" nakangiwing sabat ni Lyca mga sinasabi niya.

"E, 'di ko kaya! Natatakot ako! Iiih!"

Ang dami niya nang nasabing trashtalk kay Alisa, takot pa pala siya sa lagay na 'yon.

"Kaya hindi talaga ako boto sa Alisa na 'yan! Kailangan, makahanap ako ng ibang babae para sa bespren ko! Iyong bagay sa kaniya! Nalulungkot ako! Naaawa ako sa bespren ko!" Humalukipkip pa siya at ngumuso.

Naaawa rin ako sa sarili ko. Ba't kaya ako napapalibutan ng ganitong mga tao?

Para hindi na sila mapansin ay tumingin ako sa bintana. Iniyukom ko ang nag-iinit kong palad sa itaas ng aking armrest.

Si Akinse ... mukhang hinahanap na niya ako.

"Uy, saan ka pupunta?" biglang tawag ni Ailyn nang tumayo ako, patungo na sa pintuan upang makalabas.

"Sa baba, bibili lang ako ng tubig."

I was in a haste stepping down on the staircase that I wasn't able to do my last step right. Ramdam ko ang pagkabog ng malakas sa 'king dibdib kasabay ng nakalululang pakiramdam ng pagkahulog.

Ngunit bago pa akong tuluyang bumagsak sa sahig ay ramdam kong may humila sa akin para makatayong muli ng maayos. A strong grip encased around my waist, pulling me straight.

"Ano ba'ng kamangmangan ang ginagawa mo, mortal! Muntik ka nang masaktan!"

That raspy, almost feel like growling, deep voice of Akinse made me turn. Magkasalubong niyang kilay ang bumati sa mga mata ko nang tuluyan ko siyang maharapan.

"L-Lumayo ka! Masyado kang malapit!" biglang asik niya nang magtagal ang titig ko sa kaniya. Biglang tulak niya kaya napaatras ako ng kaunti mula sa kaninang pagkakayakap niya sa baywang ko.

"Hinahanap mo 'ko?"

Iyon ang kaagad ang lumabas sa 'king mga labi imbis na makipag-argumento pa sa kaniya.

Napanguso siyang bigla, masikap na iginagawi sa iba ang mga mata niyang kahit pa hindi madilim ang paligid ay para bang nagliliwanag pa rin.

I just hope he didn't catch too much attention because of those gorgeous eyes, though, I also know, it would be impossible.

"Akinse ... hinahanap mo ba 'ko?" pag-uulit ko sa 'king tanong.

After a long moment of him, stubbornly refusing to look at me, he finally said, "Kanina pa..." Yumuko siya, marahang kinakalikot ang laylayan ng kaniyang pang-itaas. "Simula nang umalis ka."

Behind the scenes

L O U R D E L L

KANINA pa masama ang loob ko dahil sa walang'yang si Kris. Naiirita talaga ako 'pag nakikita ko ang lalaki 'to na sa sobrang inis ko, parang gusto ko na lang siyang ihampas na palitong itim siya. Masyado na siyang mabubuhay ng payapa. Kailangan ko nang kumilos...

Lumiit ang titig ko sa kamay ng walangyang lalaking ito na nakapatong sa armrest ni Ailyn. Ano ba ang ginagawa ng lalaking iyan at nakabantay siya sa tabi ng nitong kaibigan ko ngayon?

"Bespren~ Ipagsulat mo na kasi ako~" ungot ng walang'yang lalaki sa—all capslock—besfriend ko.

"Oo na, wait lang kasi! Tatapusin ko muna 'tong akin!" sagot pa ng isa pang taragis na si Ailyn sa kaniya.

"Hoy! Ba't mo inuutusan 'yang ipanulat ka, ha? Ba't 'di ikaw ang magsulat mag-isa mo!" Pinanlakihan ko ng mga mata ang lalaki.

"Ba't nangingialam ka?" walang ganang sagot nito.

"Kasi naiinis ako sa 'yo!" bulyaw ko na bahagyang nakaagaw ng atensyon mula sa mga kaklase naming wala akong pakialam. Ang mabuti na lang talaga, lumabas si Ma'am.

"Bago ka mainis sa akin, itanong mo muna kung natutuwa ako sa 'yo." Mas lalong nawalan ng gana ang dating niya kaya mas lalong nakakaasar.

"Ba't 'di mo na lang kasi layuan si Ailyn!" muli kong asik. "Best friend ko 'yan, e! Best friend ko!"

"E, bespren ko rin 'yan, e!"

"Kayong dalawa, manahimik kayo, bago ko kayo tuluyang pag-untugin!" Napasunod na lang ako ng tingin kay Ailyn nang padabog siyang tumayo at umikot patungo sa dapat na puwesto ng kasalukuyang absent na si Vanessa. "Ikaw, lalaki! Nawalan na ako ng gana! Diyan ka! Magsulat ka!"

"Peste ... panira kasi 'yong isa riyan."

Tinaliman ko siya ng tingin. Ano pa 'yang ibinubulong-bulong niya? At bakit tumabi siya sa akin!

"Umalis ka nga riyan!"

"Bakit? Puwesto mo? Puwesto mo?"

Gigil akong napakagat sa labi ko. Kumukulo ang dugo ko sa lalaking 'to!

"'Di ba, totoo 'yong kung sino raw ang palaging nag-aaway, sila ang magkakatuluyan?"

Parang nanlaki ang tainga ko nang marinig ko ang walang emosyong boses ni Sania sa 'king likuran.

"Oo nga, 'no?" Iyon naman ang boses ng paniwalang-paniwalang si Ailyn. "Kaya pala 'pag nakikita kong nag-aaway 'yang dalawang 'yan, parang napapa-lowkey ship ako sa kanilang dalawa kahit na medyo nakakabusit pagbabangayan nila."

"Kris-Dell na ba?" panggagatong pa ng katabi ko sa gawing kanan na si Jhoma. Aba! Busy lang kanina 'to sa pagsusulat, a!

"Ang pangit ng ship n'yo, parehas na buto-buto!" sabat ng nangingibabaw sa panlalait na boses ni Lyca.

"Ay, basta! Magmula ngayon, itinatatag ko na ang Kris-Dell fans club!" anas ng walang'yang si Ailyn. "Ako ang presidente!"

Pinanlakihan ko ng mga mata si Kris. Tamad na tamad pa siyang nagsasalit-salitan ng tingin sa kuwarderno niya't sa whiteboard, halatang napilitang magsulat.

Hindi ba siya magpoprotesta? Bingi ba s'ya o ano?

"Bagay~" Tulugan nang nagsabay-sabay ang panggagatong ng iba naming kaibigan.

Hindi...