Ikalabing-tatlong Kabanata
NGITNGIT akong napatampal sa 'king sentido nang hindi na maputol-putol pa sa pakikipagtitigan si Ailyn sa dalawang nilalang na wala naman yatang pakialam na nakita sila ng ibang tao. Talagang nakipagtitigan pa sila!
Pilit ko silang pinanlakihan ng mga mata, pero para yatang sa paningin nila ay wala rin akong reaksyon sa nangyayari. Mariin kong kinagat ang loob ng aking kaliwang pisngi.
Stay calm, Sania. Think! This needs a drastic call of measures! Isipin mong mabuti kung ano'ng gagawin mo!
"S-Sandali ... ano 'to, Sania? Namamalik-mata ba 'ko?" Kumurap-kurap pa si Ailyn. Hindi na natinag ang pagkakaawang ng kaniyang bibig.
Mabilis kong sinamaan ng tingin ang kakawag-kawag pang mga buntot ni Akinse. He stilled, pero ang mga tainga niya naman ang gumalaw! At si Baito! Shit, si Baito! Pumapagaspas pa ang mga pakpak niya!
"Sania! Ano 'to!" Tuluyan na 'kong binalingan ni Ailyn. Magkasalubong ang mga kilay niya ngayon at nagngingitngit ang mga ngipin.
Tumaas ang mga kilay ko. "Ba't ka muna galit?"
Umirap siya. "Duuuuh! Dahil dito! Paano mo nagawang itago 'to sa akin!" bulyaw niya. "I need your reason! I deserve an explanation!" Hinampas pa talaga niya ang hamba ng pintuan.
Blinking repeatedly, napahawak ako sa 'king dibdib.
"Bakit ... Bakit parang kasalanan ko?"
Ba't ang sama ng tingin niya? E, kung tusukin ko 'yang mga mata niya na 'yan?
Mula sa pagsasalubong ng kaniyang mga kilay ay bgla siyang humalakhak kaya napaawang na lamang ang bibig ko habang nakatitig sa kaniya.
"Grabii, Sania! Galing mo talaga sa on-the-spot na acting-an!" Tinapik-tinapik niya ang likuran ko. "Pero kulang ka pa emosiyon mo! Kailangan mo pa ng feelings! Palagi kang monotone, taragis ka!"
Nagbuntonghinga na lang ako. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba pagiging dense ng babaeng 'to o ano.
Pasimple kong nilingon ang dalawa. Their head were both tilted sideways.
For a moment there ... I was ready to confess. Kahit man lang kay Ailyn, hindi ko na itatago ito.
Pero mabuti na rin sigurong 'di siya nag-iisip ng mas komplikadong bagay mula sa mga nakita niya. Kaniya lang, napapaisip ako ... hindi ba siya nilalamon ng mga fantasy-ng anime na pinanonood namin? Grabe, napakaengot niya.
"So, ano nga 'to, Sania? Surprise mo sa akin? Magco-cosplay party ba tayo?" asang-asang tanong niya.
Kumunot ang noo ko. Ha? Surprise? At sino siya para pagkaabalahan kong i-surprise? Mahal ang effort ko, 'no.
Salitan ko silang binalingan. Siya pati na rin sina Baito at Akinse na nakatitig lang din sa amin.
Ano'ng sasabihin ko?
"Oo, Maria Ailyn, ang galing nilang mag-cosplay, 'no? Parang totoo."
Nanlaki ang mga mata ko nang makita sina Kuya Ihara at Kuya Mago na pawang nakangiti. Nakasilip din silang dalawa sa mga nilalang na nasa loob ng silid ko. Kailan pa sila naro'n?
"Cosplay?" Umawang ang labi ko. Ano'ng sinasabi nina Kuya?
Biglang tumingin sa akin si Kuya Ihara at saka kumindat. Ganoon din si Kuya Mago. Umawang muli ang mga labi ko.
Wait ... does he ... they ... don't tell me...
Nang mapagtanto ko ang sinasabi nila mabilis akong gumawa ng mga rason sa isipan ko. Go, Sania. Huwag ka na munang mag-isip ng kung anu-ano ngayon. Total, sinungaling ka naman kaya...
"Kuya, bakit sila, nakabihis na? Kayo, hindi pa?" tanong ko sa 'king sariling tono. Napatingin silang lahat sa akin.
"So, totoo ngang magco-cosplay party tayo?" Bumilog ang bibig ni Ailyn. "Taragis? Seryoso! At ... at kasama si Ihara ko—ehem—Kuya Ihara pala. Hihihi..."
"Oo, Maria Ailyn. Pinauna lang namin 'yang dalawa!" Ngingisi-ngising anas ni Mago bago sumenyas sa mga nilalang na naroon pa rin sa kanilang kinatatayuan.
Pasimple ko rin silang tinanguan, sumenyas na lumapit sila. Ngingisi-ngising tinulak ni Baito si Akinse na mukhang ayaw pang umusad.
"Aaa ... mga pinsan namin ni Kuya Ihara ... galing sa ... ibang bayan ... kararating lang kaninang umaga." Tahimik kong pinagalitan ang sarili. Ano ba 'yon, Sania! Ano'ng pinsan?
Tumango naman si Ailyn, para bang nagniningning ang mga mata habang nakatitig sa dalawa. Para nga naman kasi silang fictional character na biglang nabuhay. Mga mukha pang anime. Hindi sila mukhang mga cosplayer lang ... dahil totoo namang hindi sila cosplayer. Ano ba 'yan! Magulo!
"Ito si Baito at ito naman si Akinse..." Pinagmasdan ko ang dalawa.
Bahagya akong napanguso nang mapansin kong mariin silang nakatitig kay Kuya Mago, hindi man lang pinapansin ang kaibigan ko. Si Kuya Mago ay nakatitig din ngunit nandoon pa rin naman sa bibig niya ang ngising palagi niyang suot sa kaniyang bibig.
Ano'ng mayroon? Naiinis din ba sila sa pagmumukha niya kaya wagas sila kung makatitig?
"Grabii! Anime fan din kayo? Ang galing ninyong mag-cosplay, bagay! Ang cute ng mga props ninyo! Parang totoo!"
Napaigik kaming lahat nang biglang hilahin ni Ailyn ang isa sa pares ng pakpak ni Baito. Ang huli ay nanlaki ang mga mata at puwersahang napatalikod dahil sa ginawa ng kaibigan ko.
"Tingnan mo, Sania! Dali! Dali! Saan mo nakuha 'tong costume nila? Para talagang may laman 'tong pakpak niya, o! Pati 'tong mga balahibo! Para talagang nakabaon! Tamo, hihila ako ng ilan!"
Nakagat ko ang mga daliri ko nang hilahin niyang parang nananabunot ang balahibo sa pakpak ni Baito. Napatitig ako sa mukha ng huli—para siyang naiiyak!
"Ta-ta-ta..." Narinig ko pa ang marahas na paghugot ng hangin ni Baito.
Diyos ko po, Ailyn!
"M-Maria Ailyn—" T-in-ry pang lumapit ni Kuya Mago, pero nakalipat na si Ailyn sa harap ni Akinse.
Tinitigan siya ng huli. Bilang si Akinse ay matangkad na nilalang, para bang naging mataas na gusali siyang mahirap abutin. Kumalma naman ako roon. Mabuti at hindi niya maaabot ang mga tainga ni Akinse—
Napahiyaw ang kaawa-awa kong alaga nang dakmain ni Ailyn ang mga buntot niya at mahigpit 'yong niyakap, parang halos putulin niya sa higpit. Nanggigigil pa ang pagmumukha ng babaita!
"Ang lambot! Parang totoo talaga! Amazing!" hiyaw ni Ailyn. "May battery ba 'to? De-baterya 'to, 'no! Gumagalaw pa mag-isa, o!"
Kaagad akong tumakbo at niyakap si Akinsen para mapigilan siya nang makita kong idadamba niya ang matutulis niyang kuko sa kaibigan ko, kasabay rin niyon ang paghila ni Kuya Ihara sa kaniya palayo.
Diyos ko! Kahit ano, 'wag lang ang buntot ni Akinse! Sasakmalin niya ang kahit na sino 'pag buntot niya na ang nasa linya!
"Ako? Gusto mo bang makita kung sino ang iko-cosplay ko?" nakangiting tanong ni Kuya Ihara kay Ailyn. Parang nabato and kaibigan ko lalo't hanggang ngayon ay hawak pa rin ng kuya ko ang galang-galangan niya.
Ramdam ko ang pagsusumiksik ni Akinse sa leeg ko kaya marahan kong sinuklay ang malambot niya buhok. His cute little growls invaded my ear. Naiilang ko ring nginitian si Baito na namumula ang mga mata habang nakanguso.
"O-Oo naman, b-babe—Ay, Kuya pala. S-Sino bang ipo-portray mo?" tanong ni Ailyn, parang napapatid na ang paghinga.
"Secret muna..." At saka siya kinindatan ni Kuya Ihara.
Napailing-iling na lang ako habang itinutulak nang muli papasok sina Akinse at Baito sa loob ng kuwarto ko. Bahala na muna si Ailyn doon sa labas. Total, hindi na rin naman ako sigurado kung humihinga pa siya.
"Ivenashi! Huwag mo akong pigilan at gigilitan ko ng leeg ang kaibigan mo, mortal!" Matapos kumawala sa akin ay iyon kaagad ang inibulyaw ni Akinse, galit na galit at balak pang tumungo ulit sa pintuan.
"Ang pakpak kooooo..." Nakangusong tinititigan ni Baito ang kaliwa niyang pakpak na sinabunutan ni Ailyn kanina.
The skin didn't show off, pero kapansin-pansin ang pagkabawas ng kaniyang balahibo roon.
"Pagpasensiyahan n'yo na, please. Padalos-dalos lang talagang kumilos 'yon kapag na-e-excite." Pilit kong pinakalma si Akinse na pulang-pulang ang mukha. Halos maging linya ang itim sa kaniyang gintong mga mata.
"Heh! Ipinagtatanggol mo pa!" sagot nito nang pilit kong hinarangan ang pintuan.
Tumaas ang kilay ko. "Akinse ... upo."
Magic circle flashed under his feet. Noo'y puwersahan siyang napaupong-aso sa tiles.
"Huwag mong ginagawa 'yon sa akin, mortal!" protesta ni Akinse, nagngingitngit ang mga pangil habang nakatingala sa akin. "Wala kang karapatang utusan ako, mortal—"
Hindi ko na siya pinansin.
"Ganoon ba kumilos ang lahat ng mga taong gaya ninyo, Sania? Masiyado naman yata kayong masiyahin." Tumagilid ang ulo ni Baito habang umuupo sa dulo ng kama. "Ngunit hindi ka naman ganoon nang una tayong magkita."
Natural, sinakal mo 'ko noon, e.
Bahagya na lang akong ngumiti imbis na sabihin ang saloobin ko. "Basta, umakto kayong normal mamaya kapag nandito na siya. Saka na ako magtatanong kung bakit nandito kayo, mag-uusap tayo ng masinsinan ka kapag wala nang ibang tao."
At isa pa ... sina Kuya Ihara at Kuya Mago. Kailangan ko rin silang makausap. Bakit parang may alam sila?
Wala paalam ay lumabas ako ay binuksan ko ang pinto at lumabas. Natanaw ko si Ailyn na malaki ang ngisi habang naghihintay sa tapat ng kuwarto ni Kuya Ihara.
"Sania! Malayo pa ang birthday ko, pero masiyado mo yata akong mahal! Ang agang surprise nito!" hiyaw niya agad nang makita ako.
Ngumiwi ako. Ano?
"Assuming ka naman. Kapal ng mukha mo." Hindi ako magsasayang ng effort sa kaniya, 'no.
"Ayie! Tsundere ka pang babaita ka!" Bumungisngis siya. "Sana, ini-spoil mo na 'ko para nakapili ako ng iko-cosplay ko't nakapagpaganda ako para kay Ihara ko!"
Iiling-iling akong dumaan sa tabi niya. Tagalog naman yata ang sinasabi niya, pero hindi ko siya maintindihan.
"Uy! Saan ka pupunta! Spoil mo 'ko! Sinong iko-cosplay ni Ihara!" tawag niya pa habang pababa ako ng hagdan.
Nagkibit-balikat ako. Aba, malay ko. Hindi ko nga alam na may cosplay party kami ngayon, e.
Dumiretso ako sa nakabukat na front door ng aming bahay nang makarinig ako ng munting sigaw mula sa labas. Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makitang tawang-tawa si Isaiya habang naroon ang batang si Dette-Dette sa bungad ng aming nakabukat na gate. Hawak ng kapatid ko sa buntot ang ngiyaw nang ngigaw na si Alpha habang idinuduyan niya, sadyang ipinapakita kay Dette-Dette.
"Hahaha! 'Yan, o! Marunong talagang lumipad si Alpha! Ayaw mo pang maniwala!" anas ng bunso kong kapatid.
"Isaiya-ng tao! Baliw ka! Ibaba mo si Alpha!" bulyaw ng nagngingitngit na si Dette-Dette, sa kaniyang braso ay nakasabit ang plastic na tingin ko'y may lamang mga yelo. Paniguradong galing na naman siya roon sa tindahan kaya napadaan dito sa tapat namin.
"Nyenyenye~ Ewan ko sa 'yo, Bernadette! Taba mo!"
Umawang na lamang ang bibig ko nang dumukot si Dette-Dette ng isang yelo sa plastic na dala niya at malakas iyong inihagis sa kinalalagyan ni Isaiya. Sumabog ang tubig sa stonepath ng aming bahay mula sa gate.
Nanliit ang mga mata ko roon. Yelo ba ang itinitinda ng tindahan sa tabi namin o iced water?
"Hahaha! Duling! Hindi ako tinamaan—"
Basang-basa na si Isaiya at ang dala niyang si Alpha sa pangalawang hagis ni Dette-Dette ng yelo—iced water—sa kinalalagyan niya.
That's the time I took my retreat. Bahala ka riyan, Isaiya, kasalanan mo 'yan.
Patungo ako ng kusina nang marinig ko ang boses nina Kuya mula sa ikalawag palapag. Tumingala ako at tinungo ang kinalalagyan nila.
"Bagay? Ngayon ko pa lang 'to naisuot, pero ... okay lang ba?" Ngumiti pa talaga si Kuya sa harapan ni Ailyn.
Nanliit ang mga mata ko roon. Kuya ... mamamatay 'yan, 'wag kang masiyadong pa-cute.
Kuya Ihara was wearing Karasuno's volleyball uniform, iyong number nine. I remember him buying that outfit, pero ito nga yata ang unang beses niyang isinuot iyon. Ang alam ko nga'y fan siya ng Haikyū.
Pati na rin ang suot ni Kuya Mago ay sa kapatid ko rin. Shohoku's number seven basketball jersey. Mabuti't may petish si Kuya when is comes to sports anime. Kung sino ang magustuhan niyang character, talagang gagagayahin niya.
Imbis na sa kusina'y pumanhik ako roon para mas makita pa sila ng malapitan.
"B-Bagay na bagay sa 'yo, K-Kuya..." anang Ailyn na pilit pang iniipit ang buhok niya sa likuran ng kaniyang tainga kahit wala na siyang mahawing hibla ng buhok, kulay na lang ay pati ang patilya niya, isama niya.
"Ako? Ako, Maria Ailyn? Guwapo ba? San!" Asang-asang tumingin sa akin si Kuya Mago nang makitang tumabi ako kay Ailyn.
"Gago. Ang gago mong tingnan!" Umirap si Ailyn at biglang ngiti nang makitang nakangiti rin ang kapatid ko.
"Sania, kayong dalawa ni Ailyn ... magbihis na rin kayo." Lumawak ang ngiti ni Kuya. "Magpa-party pa tayo."
Nanlaki ang mga mata ko. Pati ako?
"Dali na, Sania! Pahiramin mo 'ko sa mga collection mo!"
Napangiwi na lamang ako habang nagpapahila sa kaibigan ko.
I'm an anime fan. I bought merch, posters, costumes, and such. Pero hindi ko pinangarap mag-cosplay sa tanang-buhay ko.
"Excited ka naman. Sino bang gagayahin mo ?" tanong ko.
"Sino pa? 'Yong favorite nating dalawa! May costume ka n'on! Binibida mo pa sa akin dati 'yon, e!" aniya.
Kumunot ang noo ko. "Ha? Sino ba?"
The despicable grin plastered on her lips.
"Si Kofuku!"
Punyetang pinkeuphilia. Overall pink pa ang gusto.