webnovel

The Forbidden: Awaken (Filipino Ver.)

The Forbbiden Trilogy, Book 1: Sania has been living a simple life with a supporting family and friends. She could never wish for more. But unexpextedly, her perfect life changed when she foolishly entered the secret place and unexplainably had the magical seal. Now, together with her friends, they will experience the a sudden turn of events that they never knew that could ever exist. Not in their life time.

unmannered · Fantasi
Peringkat tidak cukup
19 Chs

12 - Oh, my gosh

Ikalabing-dalawang Kabanata

"SANIA, tomboy ka ba?" Mula sa akmang padukot ko ng isang piraso ng Nips Deluxe ay sinabi iyon ni Ailyn sa akin. Nabitin ang aking paghinga at dahan-dahan ko siyang binalingan.

"Ano'ng... sinabi... mo?" I asked monotonously rather sounding offended. Ang balak kong pagkain ay napurnada at ibinalik ko ang kulay luntiang Nips mula sa pula nitong plastik. Nawalan ako ng gana.

Pati siya ay para bang naninimbang din sa itatanong. Mula sa kama niya ay umayos siya ng pagkaka-Indian sit. Nakita ko pa ang pag-bounce niya mula sa malambot na kutson ng kama at ang kasalukuyan niyang itinutuping mga damit ay ibinaba niya mula sa pagkakapatong ng mga ito sa kaniyang hita.

"E-E kasi naman, e! Hindi ko na talaga kayang manahimik tungkol dito! Kailangan ko na talagang mag-comment dahil 'di na ako matahimik!"

Mula sa mukha kong walang nababahid na emosyon ay nagtaasan ang mga kilay ko. Wow, ha? Nagpigil pa pala siya niyan?

"Ang daming clue, Sania! Napakaraming ebidensya!" anas nito at ipinakita ang mga daliring kaniyang binibilang.

"Una, ilag ka sa mga lalaki. Para bang nandidiri ka pa," anas nito. Ngumuso ako. Hindi, a. Mapili lang talaga ako sa mga nilalapitan ko.

"Pangalawa! Ano nga ulit 'yong sinabi mo nang magtangkang manligaw sa 'yo 'yong guwapong taga-STEM? Ang sinabi mo? Hindi ka interesado!" Nanlaki ang bilogan niyang mata. Tumutok ng husto ang mahaba niyang pilikmata sa itaas.

E, ayaw ko nga. I am rooting for my studies. Ang club namin ay isa pa sa mga isinasaayos ko kaya bakit ko dadagdagan ang stress ko? Pabigat lang 'yon.

Napakamot ako ng kilay at rumolyo mula sa pagkakadapa ko sa kaniyang kama, nahiga ako at tinitigan ang mga kuko ko habang hinihintay ang pagpapatuloy niya sa pagsasalita.

"Pangatlo! Pangatlo, ha! Nakikita kita... Nakikita kitang hinahagod ng tingin 'yong mga legs o kaya boobs ng mga pokpok na nakikita natin sa daanan! My gosh!" Pinaypayan niya ang kaniyang sarili, stressed sa mga walang kabuluhang pinag-iisip niya.

Masama bang tingnan kung may peklat ba ang binti ng mga babaeng 'yon? Aba, nakakahiya. Ang lalakas ng loob nilang mag-daisy duke kung pangit naman ang binti nila. At hindi boobs ang pinagmamasdan ko kundi 'yong design ng damit. Duling yata 'tong Ailyn na 'to.

"Pang-apat! Kung manamit at kumilos ka pa minsan, para kang... para ka talagang tomboy!"

"'Yon na 'yon? Ebidensya na 'yon?" walang gana kong saad. Muli kong inabot ang Nips Deluxe na ibinigay niya sa akin kaninang pumasok ako rito sa kuwarto niya at akmang susubo ay muli na naman siyang nagsalita.

"Mayro'n pa!" giit niya.

Tumango ako at isinubo na nga ang isang Nips, "ano na naman?"

"Tingin ko... Tingin ko ay may crush ka sa akin!"

Pagkaliit-liit ng Nips na may mani sa loob, pero nagawa ko pa ring mabilaukan doon. Kaagad akong lumundag paalis ng kaniyang kama at tinakbo ang pinaglalagyan ng pitsel na may lamang juice upang makapagsalin ng inumin.

"Nako, Sania, ha! Tanggap kita kahit ano ka man, pero please lang, 'wag kang ma-develop sa akin!" pagpapatuloy niya sa pagsasalita habang mabilis kong nilalagok ang inuming isinalin ko sa baso.

"Alam mong si Ihara lang ang gusto ko! Please lang, pigilan mo..." Ma-drama pa siya no'n habang sinasambit ang mga nakakakilabot na bagay na 'yon.

Malakas kong inihampas sa side table ang basong aking hawak.

"Ang kapal ng mukha mo," mariin kong saad na hindi kumukurap nang maharap ko siya.

Bulag ba 'tong babaeng 'to? Nakikita niya kung paano ako mabaliw kapag K-Pop at Anime na ang pinag-uusapan. Punung-puno ang Wattpad library ko ng mga boyfriend scenario fan fictions tapos ang bintang niya'y tagilid ako? Abnormal. Napakaabnormal.

"E, totoo naman kasi, e! Pero hindi rin kita masisisi," asik niya bago nagpatuloy sa pagtutupi. "Nakaka-fall naman kasi talaga ako."

"Alam mo? Madalas, kinukuwestiyon ko 'yang katinuan mo," I said flatly.

Ngumuso siya at iniamba sa akin ang isang unan kaya hinagisan ko na siya ng isa bago niya pa magawa. Sumapol 'yon sa mukha niya kaya natawa ako.

Nang matapos siyang makapagtupi ng mga damit na dadalhin niya papunta sa amin ay lumabas na kami sa kaniyang kuwarto. Sabado na bukas kaya nagpasiya kaming mag-Anime marathon sa bahay, hanggang Linggo siya roon kaya nag-iimpake ng ilang damit.

"'Di pa 'ko naliligo! Maaga pa naman kaya sa inyo na lang ako makikiligo, ha?" Humagikik ang bruha na para bang may naiisip.

Kinikilabutan ako habang pinagmamasdan siyang tulala sa hangin. Bakit? Ano na namang pagpapantasya ang ginagawa ng babaeng ito?

Sa kanilang sala ay nadaanan namin ang kaniyang mga kapatid na si Aeron at si Angelica. Wala ang mama't papa nila dahil parehong nagtatrabaho sa malalayong lugar.

"Alis na kayo, 'Te?" tanong ni Angelica nang makita kami nito. Panandalian niyang tinigilan ang ginagawa. Sinilip ko iyon, nagdo-drawing.

"Oo, Linggo na 'ko ng hapon o gabi uuwi, ha? O kung may kailangan kayo, nariyan lang sa kangkongan ang bahay nitong ate Sania n'yo! O, Aeron! Please lang, igiban mo 'yong mga drum, ha!" Ngumuso ako at pasimple na lang kumaway sa magkapatid. Nauna na ako sa labas at doon na lang naghintay.

Nababakas na ang panghapong langit nang magsimula kaming maglakad ni Ailyn sa gilid ng daanan. Sa 'ming maliit na compound village ay ito ang oras na pinakamaganda para maglakad-lakad dahil tahimik. Kulay kahel na ang kulay ng kalangitan at nagliliparan ang mga ibon na para bang pauwi na sila sa kanilang mga tahanan.

"Sayang, wala si Lourdell," saad ko. Ngumuso ang aking katabi habang tumatango.

"Luluwas daw sila ng Bulacan, e, kasama pa si Dian. May family reunion." Pumalatak siya, "sana all may family reunion."

"Kung ano man 'yon," tugon ko't muling bumaling sa langit.

Biglang humangin kaya naamoy ko ang samyo ng dapit-hapon. Magaan 'yon sa pakiramdam at para nakakawala ng mga isipin.

"Excited na akong makitang muli si Ihara ko na naka-pantulog. Ang tagal na noong huli akong nakitulog sa inyo, e." Tumango ako. September pa yata 'yon, matapos ang birthday niya. Naging hectic ang schedule namin matapos n'on, idagdag pang nag-camping kami noong sem-break.

Ang totoo, nagdadalawang-isip pa ako, pero minsan lang mag-aya ng binge-watching itong kaibigan ko. Kung tatanggi ako, na siyang hindi ko ginagawa, ay paniguradong magtataka ito. Si Akinse, isama pa ngayong nasa bahay na rin si Baito, ay nanganganib na makita niya. Mabuti na lang at wala ang dalawa ngayon sa bahay.

Natatawa pa rin talaga ako sa mga nangyari nitong dumating sila. Kung bakit matagal na nawala si Akinse at kung paanong kasama niya na si Baito sa kaniyang pagbabalik.

Kanina ko pa pinagmamasdan ang nag-aaway na si Akinse at Baito sa isang piraso ng hotdog. Akinse has his claws pointed at Baito's human bird-like form and the latter has his jet wings spread wide. Sa gitna nila ay ang kulay brown na hotdog. And Akinse... He's... He's a dog— a white little fox to be exact.

"Sandali... Sandali... Naguguluhan pa ako..." bulong ko. Hindi nila ako pinansin at nagpatuloy sa kanilang tahimik na pagbabanta sa isa't isa.

"Ako ang nauna rito, nilalang na mabuntot! Umalis ka kung ayaw mong magsisi!"

Akinse hisses. The white litte furball stood on his paws menacingly. Pero dahil ang liit niya ay naging cute siya sa paningin ko.

Pero mabilis akong umiling. Get a grip on yourself, Sania! Nakakita ka na naman ng cute n'yan, e!

"Sandali! Sinabi ko nang sandali!" sigaw ko. Doon sila napatingin sa akin.

Napaatras ako nang bigla na lang napalibutan ng bughaw na usok ang hayop na Akinse. Nang unti-unting mawala ang usok ay nakaayos na siya sa dati. His golden eyes narrowing in fury.

Hawak-hawak ang nagsusumikip kong dibdib ay napaupo ako sa talim ng aking kama. Ulit-ulit ko 'yong tinapik upang maibsan ang paninikip.

"Ayos ka lamang ba, Sania?" Lumapit sa akin si Baito.

Pati siya, unti-unting bumabaon sa likuran niya ang malapad niyang pakpak hanggang sa iyon ay mawala. Ang wirdong parang itim na ugat na nakaimprinta sa kaniyang mukha patungo sa kaniyang leeg ay dahan-dahan ring naglaho.

Kumunot ang noo ko sa mga nasaksihan. Mas lalo tumindi ang paninikip sa 'king dibdib kaya nagpumilit akong huminga ng malalim para kumalma.

"Hoy, mortal! Ano'ng nangyayari sa 'yo?"

Napairap ako at iiling-iling na napatitig sa 'king paanan.

"Ano'ng nangyayari? Ano'ng nangyayari? Ito! Kailangan ko ng paliwanag sa mga nangyaring 'to!" anas ko. Tumingin ako kay Akinse ngunit iniwas niya lamang ang kaniyang mga mata at saka humalukipkip.

I'm actually astounded at how Akinse wasn't able to become a chubby little tubby with his animal form despite his, seems like, endless cycle of eating and sleeping. Mukhang siyang tuta. Sobrang cute na tutang soro.

"Magpaliwanag kayo... Bakit ka narito, Baito? At bakit... Bakit nagkaganoon si Akinse?"

Baito pouted. Ang itim niyang mga mata'y parang walang pupil. Nakatatakot kung pagmamasdan dahil parang nakalulunod.

"Ito ang dahilan, Sania... Ang dinig ko'y parati mo na lamang iniiwang mag-isa ang aking matalik na kaibigan. At dahil nais niyang sumama sa 'yo ay humingi siya sa akin ng tulong upang makagawa ng paraan upang maisama mo siya sa lugar na tinatawag mo raw na..." Bumaling siya kay Akinse, "ano nga ulit iyon?"

"I-Ivenashi! Hindi ako humingi ng tulong sa iyo! Ikaw lamang ang nagpumilit na sumama!" Peke pa siyang umubo, "i-is... iskul! Iskul ang tawag ng mortal na 'yan sa lugar na kaniyang pinupuntahan!"

"Huh?" Kumunot ang noo ko. "Bakit? Gusto mong sumama sa akin sa school?"

"H-Hindi ko gusto! Kailangan lamang sapagkat taglay mo ang aking sagisag! Hindi ko maaaring ialis ang tingin ko sa 'yo dahil marami ang mga sasalakay kapag nagkataong napansin nila na wala ako sa 'yong tabi! A-At h-huwag kang tumingin ng ganiyan s-sa akin! Sinabi ko nang h-hindi ko gusto! Kailangan lamang! M-Magkaiba 'yon!"

Ang lapad siguro ng ngiti ko kaya gayon na lang ang hiya ni Akinse at hindi makatingin sa akin. Ngumuso ako at pilit na itinago ang ngiti para hindi na siya mahiya pa.

"Bakit hindi mo sinabi kaagad? Isasama naman kita kung gusto mo talaga, e."

"H-Heh! Hindi ko nga g-gusto!"

Hindi ko pinakinggan ang mga paliwanag niya. Matagal siyang nawala para makapaghanap ng paraan para lang makasama sa akin? The feeling of giddiness slowly building inside me. Wala pa man ay nai-imagine ko nang may dala-dala akong pagkaliit-liit na tuta sa school ay na-e-excite na ako. Hindi ko na kailangang pagtitiisan ang mga kabaliwan ng mga kaibigan ko dahil may sarili na akong pagkakaabalahan.

"At ikaw, Baito, bakit ka rin narito?"

"Ako? Natural! Kung babantayan ka ng aking kaibigan ay narito naman ako para bantayan siya! Matalik na magkaibigan kami magpakailanman!"

"Hoy, Sania! Bakit tumatawa ka mag-isa riyan, ha? Kinakausap mo na naman ang sarili mo?" Mabilis kong pinutol ang pagngiti ko sa sa 'king sarili dahil sa walang habas na umaatikabong side comment ni Ailyn. Magkasalubong ang mga kilay nito ang wirdong-wirdo ang tingin sa akin.

"May naalala lang ako," sagot ko. At huminto sa paglakad.

Sakto kaming huminto sa tapat ng gate ng aming bahay nang mapatingin kami sa batang tumatawag sa kabilang bahay, sa tabi ng amin. May tindahan doon kaya paniguradong bumibili ang batang babae.

"Hi, Dette-Dette!" tawag ni Ailyn sa pansin ng bata. Gumawi ang tingin sa amin ni Dette-Dette. May hawak itong puting pusa sa kaniyang malulusog na bisig.

Mahiyain ang bata kaya ngumiti lamang ito sa amin.

"Bumibili ka, Dette? Lakasan mo 'yong tawag mo," anas ko. Tumango siya at muling tumawag, pero mukhang wala pa rin yatang nagbebenta sa loob ng tindahan kaya lumapit na kami ni Ailyn.

"Ano bang bibilhin mo?" tanong ko.

"Yelo po," mahinhing anas nito. Tumango ako at tinitigan ang pusang hawak niya.

"Bago yata 'yang pusa mo? Ngayon ko pa lang 'yan nakita." Tumango siya, "pinaampon po sa amin ng tita ko."

"Anong pangalan?" tanong ni Ailyn sa 'king tabi.

"Isaiya po," sagot ni Dette-Dette. Nagkatinginan kami ni Ailyn bago humagalpak ng pagtawa.

"Bakit naman 'yan ang pangalan?" natatawa kong tanong.

"Para iinisin ko po si Isaiyang tao." Tumaas ang isang sulok ng labi ng bata habang nakatingin sa bahay namin.

Kinagat ko ang labi ko habang naiisip ang kapatid ko. I remember him annoying this little girl. Mapagmahal sa pusa si Dette-Dette kaya 'pag nakikita siya ni Isaiya ay sa harap niya mismo, itinitiwarik niya si Alpha kaya asar na asar sa kaniya itong isa.

"Uy~ Ganiyang-ganiyan nagsimula 'yong kapit-bahay namin, be! Grabi, grabi. Bata pa lang, may chemistry na~" pakantang anas ni Ailyn. Siniko ko siya. Napakadumi ng utak nito. Bata pa sila, 'no. Grade four pa nga lang itong si Dette-Dette, e.

Nagpaalam na rin kami matapos lang naming tumulong sa pagtawag sa tindahan si Dette-Dette, bumibili yata siya ng yelo. Nang makapasok kaming tuluyan sa bahay ay naroon si Isaiya at nasa aktong ihe-headbutt si Alpha na siyang nagkukumahog sa hawak niya.

"Isaiya~ Nakita ko 'yong forever mo sa labas~" pambungad ni Ailyn.

Umirap na lang ako at bahagyang natawa. Wala rin namang pakialam si Isaiya, mukhang hindi nakuha ang sinasabi sa kaniya ni Ailyn.

"Ate Ailyn, dito ka po matutulog po ngayon?" pagpapa-cute ng kapatid ko. Umiling ako at hinila ang bag ni Ailyn mula sa kaniya kaya napatingin siya sa akin.

"Akala ko ba maliligo ka na? Dali mo, seven-thirty tayo mag-ii-start, kakain lang muna tayo ng hapunan," paalala ko. Tumango siya bago inilibot ang tingin sa paligid, parang may hinahanap.

"Si Ihara ko?"

"Yes?"

Napatingin kami sa gawing patungong dining. Lumabas doon si Kuya Ihara habang si Kuya Mago'y nakaakbay sa kaniya.

"San! Maria Ailyn!" Kumaway sa amin si Kuya Mago. 'Di siya pansin ni Ailyn dahil ito't mahigpit ang hawak sa akin.

"May narinig ako, may naghahanap sa akin?" nakangiting tanong ni Kuya habang nagsasawsaw ng mangga doon sa hawak niyang platito. Mukhang bagoong iyon base sa 'king naaamoy.

Kinukurot ni Ailyn ang balat ng braso ko kaya napapangiwi akong bahagya. I could also faintly hear her repeatedly saying 'juskupo'.

"Ako 'yon. Hinahanap kita, Kuya," sagot ko.

"Hindi kaya. Si Ate Ailyn 'yong nagtanong." Bigla ang pagbaling namin sa bunso kong kapatid sa sopa na mukhang busy na naman sa pagmamalupit kay Alpha.

"Hmm? Hanap mo 'ko, Ailyn?" nakangiting tanong ni Kuya sa kaibigan ko. Parang pati yata ako ay nalagutan ng hininga dahil ang sakit na ng palapulsuhan ko dulot ng mahigpit na kapit ni Ailyn doon.

"A-A... E... N-Natanong ko lang naman, K-Kuya... Hehehehe..." Pulang-pula siya kaya natatawa na rin ako.

"Ako? Ba't 'di ninyo ko hinahanap?" nakangusong saad ni Kuya Mago. Sipsip niya ang manggang kaniyang isinawsaw doon sa platito.

"At bakit naman kita hahanapin, ha!" Biglang high-blood ang dating ni Ailyn nang balingan si Kuya Mago. Nawala rin ang ngiti niya at parang nangitim pa yata ang kaninang namumula niyang mukha.

Tumawa nang tumawa si Kuya Ihara kaya parang dinaanan na naman ng anghel ang paningin ni Ailyn. Umiling na lang ako at muli siyang ginulo, ipinaalala sa kaniyang hindi pa siya naliligo.

"Nakakahiya!" bulong niya. Madaling-madali na siyang umakyat sa kuwarto, pero ayaw niyang iwanan ng tingin si Kuya.

"Dito ka ngayon?" tanong ng kapatid ko. Mabilis na tumango ang kaibigan ko habang iniipit pa ang kulot-kulot niyang buhok sa likuran ng kaniyang tainga.

"A! Anime marathon?" Sabay naming tinanguan si Kuya.

"Ate! Sama ako!" biglang entra ni Isaiya. Sinamaan ko siya ng tingin kaya napanguso siya. Bawal siyang magpuyat, 'no!

"Try n'yo 'yong Kimetsu no Yaiba!" suhestiyon ni Kuya Mago bago kumindat. "Oo, try n'yo. Maganda 'yon," dagdag pa ng nakangiti kong kapatid.

"S-Sigi, hihihihi..." Lapad ng ngiti nitong si Ailyn.

Para hindi na humaba pa ang usapan namin ay hinila ko na siya patungo sa itaas. Male-late kami sa pinanggagawa niya, e, twenty-four episodes pa naman ang panonoorin namin ngayon.

Nang matapat kami sa pinto ay panay pa rin ang pagsasabi niya kung gaano raw kaguwapo si Kuya Ihara. Sunud-sunod rin ang paghugot niya ng malalim na hininga at nasa ibang dimension pa yata ang kaniyang tingin.

Iiling-iling kong binuksan ang pinto ng aking kuwarto. Gano'n na lang ang lakas ng aking pagsinghap nang makita kong naroon si Akinse at Baito.

"Sania! Bakit? Napa'no ka— Oh, my gosh!"