webnovel

The Devilish CEO

There is a tale that a Devil Young Man, who owns a Candy Truck, processed the human flesh into Candies. Whenever and Whoever the Truck passed by, they were snatch and surprised nowhere to find, and who may know this person forgotten by all. This story was attached to the richest person in this world Where his named scared most of the children... SEAN HERALD... the devil Young Man. No one control him, no one dare to provoke him. Then at the young age, he control things that doesn't anticipated by others. He is the man behind the 72% owner of the business monopoly of the World. @International_Pen Hi there Readers, thank you once again for Patronizing my Novels TAGALOG NOVELS: 1. The Devilish CEO ( Completed ) 2. Your Stranger ( Completed ) 3. Your Lucky Charm (Completed ) 4. Doctor Alucard Treasure (Ongoing) ENGLISH NOVEL 1. Dearly Possessive Sweet Love ( Ongoing ) 2. The Devilish CEO ( English ) ( Upcoming ) Thank you so much

International_Pen · perkotaan
Peringkat tidak cukup
1032 Chs

Chapter 34 Purchased

((( SENA )))

Di ko maintindihan kung bakit napakasama ng pakiramdam ko at nangangalaite ako sa inis habang nakamasid ako sa magkasintahan na nagpapalitan ng opinion kung alin ang bibilhin... Ako dapat yan eh. Ako dapat ang nariyan sa posisyon mo ngayon Rhen. Bakit kasi ngayong araw ka pa nagpakita… may naiiyak na puso tuloy dito…

Heto ako nasa likuran nila at kasama ang bodyguard nila. At hawak ko ang shawl ni Mam Rhen. Ang ganda niya, parang Anghel sila na nahulog lang dito sa lupa. Na iingit ako. Taken na nga talaga ang

Prince Charming ko. Kakalumbay pero wala akong magagawa. Kasabay ng buntong hininga.

Kailangan ko na ba mag-move on…

Ang bango nang amoy ni Boss Luis kanina. Haist... Kaya lang bakit kasi... Di kaagad niya ako nakilala..

Pero wag Assuming Sena… mas mapapansin talaga si Rhen, sa sobrang ganda nito… at natitiyak ko gising siya noong nagpa-ulan nang kagandahan ang Diyos noon.

Ok lang yan Sena. Mabait naman ikaw… and masaya ka naman na makitang masaya ang Prince Charming mo right?

Oo… kaya no more hatred.

((( George )))

Lihim na umalis ng Pilipinas si Master Sean, at lihim ding bumalik dahil nagkasakit na naman ang kanyang Ama. Di na naituloy ni Master Sean ang pakikipaglaro sa Step Brother niya, dahil muli siyang inalalahanan ng kanyang Ama.

Diretso kami sa Probinsya kung nasaan ang kanyang Ama at bumalik din ng Manila. Dahil may inbitasyon na pinadala sa kanyang ama, at siya ang inutusan nito na dumalo. At ang sabi pa ng kanyang Ama, siguradong magiging masaya ang kanyang Ina kapag nakita siya nito na gustong tumutol ni Master Sean, ngunit para sa kanyang ama gagawin niya.

"Wedding Anniversary. Tss." Saka niya tinapon ang freesbie na hinabol ng mga K9.

" I am so disappointed..." mahina niyang sabi. At nilingon ako.

"Have you seen the ring of my father to his ring finger?"

"Master Sean, nakaligtaan ko tignan ang detalyeng yan."

"Inalis na niya. It means… di nga siya lalaban."

Sagot niya sa tanong niya kanina.

Bumalik yung mga aso, at muli niyang hianagis ... na walang pagod na nag aagawan ang mga aso sa pagdala nito sa kanya.

"Instead, he gave it to me." pahayag niya na di ko alam kung nasaan ang may ari ng tinig na yun. He is aggressive and motivate, but now... he sound miserable.

"I must show this to my stupid mother once at kunin ang kaparehas sa kanya. Alam mo kapag nakita ko siya, mapapatay ko lang ang babaeng yun. I really hate her!"

Lumapit sa kanya yung mga aso, at bigla niya itong sinipa. Napatakbo palayo sa kanya ang mga ito. At tinalikuran akong nag martsa papasok sa loob ng kanyang mansion.

((( SENA )))

"Halika dito dali..." mabait na yaya sakin ni Mam Rhen. May hawak siyang dress, kami lang kasing dalawa, kasi woman fitting room ito.

"Isuot mo ito."

Huh?

"Dali na." Sabay hila niya sa akin… at bigay ng dress sa akin.

Eh...

Nasa loob na ako ng fitting room... sinuot ko nga...

Isang light pink na dress... na napakasimple lang na silk made... pero ng tignan ko yung price tag.

Bagay naman sakin, nakakatameme lang ng price... pang isang taong sahod ko ito!

Babaeng yun, di ako mayaman katulad niya.

"Tapos ka na? labas ka na dali."

Paglabas ko, nagulat ako na andoon si Boss Luis,

"Wow, bagay sayo. Isuot mo yan sa darating na Company occassion." pahayag ni Miss Rhen.

Di makapagsalita si Boss Luis.

Pero nagawa niyang tumango. Hahaha, Nagpapatawa ba ang babaeng to, parang di nga ako darating sa Occasion na yun… Alam ko naman na Out of Place ako.

Saka ako tumalikod at nagbihis ng dati kong damit.

"Pati yung kanya, pabalot na din." sabi ni Boss luis.

huh? Ngumiti siya sa akin… " I will glad to see you on my Parent's Wedding Anniversary."

Personal ba niya akong iniimbintahan… Yun biglang naglaho yung inis ko sa kanila kanina.

At pagbalik namin ng Kompanya, hawak ko na yung paperbag. Hinatid lang nila ako saka sila umalis na dalawa. may date ata... Ingat na lang… Ako kalian kaya ako idadate ni Boss Luis.