webnovel

Chapter 35 The White and Black King

((( Luis )))

It's make me happy na nakauwi na ng Bansa si Rhen, pero babalik parin daw siya sa makalawang linggo. Nagulat nga ako ng supresahin niya ako sa Companya namin. Matagal na ang relasyon namin na kunti lang ang nakaka alam, almost 10 years na. Ilang beses na din ako nag propose sa kanya, lagi akong tinatagihan dahil marami pa daw siyang pagkakaabalahan, mas mabuti na lang daw kung nasa ganitong relasyon na lamang daw kami muna. Pero isa lang ang itinatago ko na impormasyon na ayoko ikumpirma sa kanya... "May interest ba siya sa Younger Step Brother ko?"

Ako, mahal ko siya ng higit pa, nauunawaan ko kung bakit ayaw pa niya mag settle down, pero sampung taon? Ano pa ba ang hinihintay niya?

"Luis." gising ni Rhen sakin, at paglingon ko sa kanya, sumalubong ang nagpapakalmang ngiti sa akin.

"tulala ka dyan."

"Ok lang ako, may iniisip lang about the Wedding Anniversary ng Parents ko."

"Seventeen years na din sina Auntie Janine at Uncle Leonard."

Tumango lang ako. Seventeen Years na walang Ina si Sean.

"Ayaw mo talaga ako kausapin?"

Ngumiti ako sa kanya.

"Malalim kasi talaga ang iniisip mo. Wag mong sasabihin magpopropose ka na naman."

"Bakit kung Oo sasagutin mo na ako?" Pabiro kong tanong ngunit may laman ito.

"Ano ba, parang di mo ako iniintindi, alam mo naman na kapag asawa mo na ako… matitigil na yung career ko."

"You dumped me again." sabi ko na may ngiti sa labi.

"Darating tayo sa point na yan. Ito na ba ang bagong address ni Sean?"

Sean. Oo papunta kami sa kanya ngayon para personal na ibigay ang inbitasyon na hawak ni Rhen, siya na lang daw ang magbibigay dito. Kahit may nararamdaman ako kay Rhen na di maganda, di ko na lang ipinakita sa kanya. Halatang nanabik siya na makita si Sean.

((( George )))

Sinalubong ko ang di inaasahan na pagbisita sa pamamay ari ni Master Sean si Master Luis at nagalak ko naman na makitang kasama nito si Miss Rhen. Ang nag iisang kaibigan na babae ni Master Sean.

Halatang namangha si Miss Rhen sa nakikita niya...

"Parang dinala niya sa Pilipinas ang England. Wow.." Hindi nga nagkakamali si Miss Rhen, na ang desinyo ng Mansion ni Master Sean, ay kinuha sa bansang England.

" Sasabihin ko lang kay Master Sean na dumating na kayo."

Ngunit bumalik ako sa kanila na di ko kasama si Master Sean.

"Master Luis, Miss Rhen, sumunod kayo sakin."

Nakaupo sa hardin si Master Sean at hinantay ang pagdating ng dalawa. Nakalapag sa mesa ang isang chess board, na ang ibig nitong sabihin, gusto nito makipaglaro kay Master Luis.

"Sean! Ganda nang pinatayo mong bahay."

"I'm pleased you like it Rhen, do you want it?" biglang pag aanunsyo ng pang iinis ni Master Sean kay Master Luis.

Alam namin na merong interest si Miss Rhen kay Master Sean. Kaya naupo sa kaagad sa harapan ni Master Sean si Master Luis, at isang pawn ng chess ang inurong.

"Whoever the winner on this game will be the escort of Miss Rhen at the upcoming event. If you don't mind Luis."

Ngumisi lang si Master Luis na halatang naging iritable. Na ang nais naman talaga ni Master Sean na mainis ito hangang ilabas nito ang tunay na pagkatao. Ngunit nanatiling kampante...

"In return Sean, you will give this mansion to Rhen."

Biglang tumawa si Master Sean.

"Do you know what that means Luis?"

Saka itinapat ni Master Sean ang horse nito para abangan ang paglabas ng Queen ni Master Luis.

"I built this Mansion for my Future Wife." na ikinamula ni Miss Rhen. "But if you win, why not."

Next chapter