webnovel

King and Queen of the Night

Shanaia Aira's Point of View

VALENTINE'S day na at mamayang gabi na ang JS prom namin.Maaga akong nagising dahil pupunta ako ng school para tumulong sa pag~aayos dun sa venue kung saan gaganapin ang prom.Kasama ko rin si Venice at Charlotte at yung iba pang officers ng bawat section.

Bumangon na ako at agad naligo.Pagkabihis ko ay agad na akong bumaba para sa breakfast.Nandoon na ang parents ko pati na rin si kuya ng tumungo ako sa dining area.

" Good morning everybody! " masayang bati ko sa kanila.

" Oh good morning.Happy Valentines sweetie." turan ni daddy at hinalikan ko sya sa pisngi.

" Happy Valentines din sa inyo,mom, dad and kuya. " bati ko rin sa kanila at sabay halik din sa bawat isa.

" Okay na ba yung gown na isusuot mo mamaya sa prom? Maganda yung napili mo ha, nasilip ko sa room mo kagabi. " sabi ni mommy.

" Ah opo mom tinulungan po ako ni Gelo at nung friend nyo,si tita Ali sa pagpili nun. " sagot ko.

" Good. Mamayang hapon pupunta yung kinuha kong mag-aayos sayo, be sure to be here before 5pm." saad muli ni mommy.

" Ah yes mom,before lunch tapos na kaming mag-ayos sa school,marami po kasi kaming pinapupunta ngayon para tumulong." sagot ko kay mom.

" Mabuti naman para may oras ka pa na makapag-beauty rest.Yung jewelries na gagamitin mo nandun na sa drawer mo,nilagay ko na kanina." sabi muli ni mom.

" Thank you mom."

" Ako ba maghahatid sayo sa school ngayon baby o si Gelo na? " tanong naman ni kuya Andrew.

" Ikaw na ngayon kuya, sabi ko kasi kay Gelo siya ang maghahatid at susundo sa akin mamayang gabi. "

" Alright, dalian mo bunso para hindi tayo ma-late. "

" Okay kuya! " at pinagpatuloy na namin ang aming breakfast.

Habang nasa byahe kami ni kuya Andrew papuntang school, tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Gelo ang nag-text.Binati lang ako ng happy valentine's tapos nag reply lang din ako ng ganun din sa kanya at sinabi ko na magkita na lang kami mamaya.

Natapos naman kaming mag-ayos ng venue before lunch kaya naman nakapag-pahinga na ako ng bongga nung dumating yung kinuha ni mommy na mag-aayos sa akin.

Nang matapos nya akong ayusan,namangha ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin.Gahd,ako ba to? Light lang ang make up ko pero ang ganda ng kinalabasan.Pansamantalang inalis ko muna yung salamin ko at pinalitan ko nung contact lens na madalang kong isuot. Ayoko kasi ng contact lens parang nagluluha ang mga mata ko. Pero ngayong gabi, tiisin ko raw muna sabi ng make up artist.

Pinuri ako ng make up artist at nakangiti naman akong nagpasalamat sa kanya. Tumayo ako at tinulungan nya akong isuot sa akin ang kulay dark blue na gown na binili namin ni Gelo.Simple but elegant.Plunging neckline sya pero naka-body stockings ako.Isinuot ko rin yung mga jewelries na binigay ni mommy na bumagay naman sa suot kong gown.Pagkatapos isinuot ko na ang sapatos ko na kulay silver na may katamtaman lang ang taas ng takong.

Pagkababa ko ay nandun na si Gelo sa living room at nagbabasa ng magazine. Nang maramdaman nyang may bumaba ng hagdan ay inangat nya ang tingin nya mula sa pagbabasa.

Natulala sya ng makita ako.Jusko,pati ba naman bestfriend ko nagandahan yata sa akin?

" Kanina ka pa ba Gelo? " tanong ko sa kanya.Hindi sya kumikibo,nakatingin lang sya sa akin.Hala! namatanda ba ito?

" Huy! Ariel Angelo sabi ko kanina ka pa ba? " ulit ko.Haha.ang cute nyang tignan kasi medyo nakaawang pa ang labi nya.

" Huh! Sorry baby,ano kamo? " tanong nya na medyo nagulat pa.

" Wala! Sabi ko tara na baka ma-late pa ako." inis kong turan,ang gwapo-gwapo bingi naman.

Habang nasa byahe papuntang school hindi kami masyadong nagkikibuan.Panay lang ang tingin nya sa akin.Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng damuhong ito.Tititigan ako tapos magbubuntung-hinga.Nakakairita.

" Anyare sayo? " hindi na nakatiis na tanong ko.

" Ha? wala.Wala naman." sagot nya.

" Wala? eh kanina ka pa tahimik dyan,may problema ba tayo? " Naiirita na ako hindi ko alam kung napapangitan ba sya sa itsura ko o ano,panay lang ang tingin nya na may blangkong ekspresyon.

" Magkaka-problema tayo dahil dyan sa itsura mo ngayon.Ang ganda-ganda mo kasi. Siguradong marami na namang magkakagulo sayo mamaya sa school nyo." halos pabulong lang na sabi nya,medyo nakakunot pa ang noo nya at mahigpit ang pagkakahawak nya sa manibela.

" Ano kamo? Hindi kita maintindihan, bakit ka ba bumubulong kasi? " dyahe naman sa taong to hindi ko maintindihan masyado sinasabi pero base sa itsura nya parang nayayamot sya sa itsura ko.Akala ko pa naman nagandahan sya kanina sa akin. Gusto ko na nga sanang maniwala kanina na maganda rin ako tulad ni ate Shane.

" Gelo kung hindi ka nagagandahan sa ayos ko,sabihin mo na lang hindi yang ganyan na parang may problema tayo." nayayamot na turan ko at ng tignan ko sya ay parang nagulat pa sya sa sinabi ko.

" Hey! wala akong sinasabing hindi ako nagagandahan sayo,problema ko nga yang sobrang ganda mo kasi siguradong marami na namang aali- aligid sayo nyan." tuloy tuloy na sabi nya na hindi na iniintindi yata kung ano lumalabas sa bibig nya.

" What? grabe ka naman friend nagiging paranoid kana naman." nangingiti ko ng turan,paano ba naman kasi ang advance na namang mag-isip nitong taong to.Pero ang saya lang kasi nagandahan daw sya sa akin at ngayon problemado pa sya sa mga aaligid daw sa akin.

" Ah basta,huwag kang maglalalapit at makikipagsayaw sa mga kumag na guys, tapos huwag ka ring iinom ng kung ano man ang iabot sayo.Dun lang ako sa parking lot para mabantayan kita kahit paano." yamot na turan nya.

I just heaved a sigh.Umandar na naman ang pagiging over protective nitong kumag kong bestfriend,paano ko mae-enjoy ang huling taon ko sa junior high school kung wala akong magandang memories ng JS prom.Sayang naman ang gayak ko kung magbubutas lang ako ng bangko.

" Okay fine! " I just replied para matapos na lang ang usapan.

Pagdating ng school dumiretso na sya ng parking lot at dun na lang daw sya maghihintay sa akin.Bago ako bumaba ng kotse ay katakot-takot pa ang bilin ng lolo nyo.Akala mo naman batang musmos ako kung pagbilinan nya.

Pagpasok ko ng venue ay marami ang bumabati sa akin.Hinanap ng mga mata ko ang dalawa kong kaibigan at hindi naman nagtagal ay nakita ko sila.

Lumapit ako sa kinaroroonan nila at masaya akong nakipag beso sa kanila.

" Wow grabe Aira ang ganda-ganda mo lalo, siguradong pag-aagawan kana naman ng mga admirers mo nyan." kinikilig pang sabi ni Venice.

" Naku grabe ka naman besh, saan banda yung ganda ko? kayo nga dyan ang gaganda nyo. Wala ba kayong bantay na dalawa ngayon? " tanong ko na ang tinutukoy ay sina Kevin at Clyde.

" Hinatid lang kami dito kanina pero babalik din sila mamaya para sunduin kami, alam mo na Valentine's day kaya may date kami. " sagot ni Charlotte.

" Ikaw sinong susundo sayo mamaya? Valentine's day ngayon wala ka bang date? " pang-aasar pa ni Venice.

" Duh! para naman may boyfriend ako tulad nyo.Huwag ng mang-inggit dahil pag ako nagka boyfriend who you kayo sa akin." mataray kong sagot kay Venice.Palibhasa sinagot na niya si Clyde after a month ng panliligaw nito sa kanya then si Charlotte naman kakasagot lang kay Kevin nung isang araw at talagang hinabol pa sa Valentine's day.

" Pikon mo friend.Kasi naman kaya ka hindi magka-boyfriend masyadong mahigpit ang body guard mo.Try mo kayang maki mingle sa mga boys ngayon I'm sure maraming mag-uunahan sayo dyan para maisayaw ka." saad ni Charlotte.

" Naku besh hindi pwede nasa parking lot lang ang gwapo kong body guard hindi pwede ang kalokohan ko ngayon." natatawa kong saad.

" Bakit makikita pa ba nya kung makikipag-sayaw ka mamaya? ang layo kaya ng parking lot dito." sambit ni Venice.

" Oo nga naman besh, baka matulog na muna yun si Gelo sa kotse dahil maiinip yun at isa pa kailangan enjoyin na natin ngayon dahil huling JS na to at moving up na tayo next month." sabi pa ni Charlotte.

" O sya tama kayo, kaya tara na and have some fun." untag ko sa kanila at humalo na kami sa iba pa ng mag-umpisa na ang program.May mga nag speach chuchu muna tapos may nag perform pa sa stage na mga guest then ng matapos na ang program kumain na kami sa buffet na nasa kabilang side.In fairness,maraming pagkain at drinks ngayon unlike last year na bilang lang ang putahe,ngayon may pa lechon pa.

" Sino kaya ang mapipiling King and Queen of the Night? " tanong ni Venice.

" Ewan.Pero sana this time isa na sa ating tatlo ang mapili." sabi naman ni Charlotte.

Hindi na lang ako kumibo,wala naman akong interes sa mga ganun, okay lang kung mapili o hindi.It's no big deal. Para sa mga magaganda lang yun.

Nang matapos kaming kumain ay unti-unti ng pumunta sa dance floor ang ibang students na may kanya-kanya ng partner.Ilang saglit lang ay may lumapit na rin sa aming tatlo para makipag-sayaw.At gaya nga ng pinag-usapan namin kanina inenjoy namin ang gabi sa pakikipag-sayaw sa mga classmates naming boys.

Nung halos papalalim na ang gabi, nag-announce ang principal namin na pipili na ng King and Queen of the Night at ang mapipili ay sasayaw sa gitna ng dance floor na sila lang.

Umikot ang spotlight, kinabahan ako ng huminto sa akin ang ilaw at dun sa class escort namin na si Jaytee.

Gawd, bakit sya? Ang tagal ko ng hindi kinakausap ang taong to mula nung bastedin ko sya nung second year kami.Grabe naman kasi ang bata pa namin nun.

" Our King and Queen of the Night is none other than Jake Terrence Arellano and Shanaia Aira Gallardo.You may now proceed to the dance floor." nagpalakpakan ang lahat at may sumisigaw pa na nang-aasar dahil alam naman sa buong school ang panliligaw nun sa akin nitong si Jaytee.

Nilahad nya sa akin ang kanyang kamay at dinala nya ako sa gitna ng dance floor.Grabe kinakabahan ako lalo na nung isinasayaw nya na ako sa gitna,medyo nanginginig ang mga kamay ko na nakapatong sa balikat nya.

We're the king and queen of hearts 🎶

Hold me when the music starts🎶

All my dreams come true🎶

When I dance with you... 🎶

" This is really a dream come true for me Aira, you're so beautiful tonight." basag ni Jaytee sa katahimikan.

Hindi ko alam ang sasabihin ko,nakatingin sya ng diretso sa mata ko.Shocks ang gwapo din nya para syang younger version ni Tom Cruise. Isa sya sa mga tinitilian ng mga kababaihan dito sa school.Nagtaka nga sila kung bakit binasted ko ang ganito ka-gwapo at katalino na nilalang.

Simple lang naman ang rason ko kung bakit ko sya binasted. Hindi kami bagay. Masyado syang gwapo para sa akin na mukhang Betty la Fea. Marami lang nanliligaw sa akin kasi natsa-challenge sila. Oo, matalino ako at talented. Sikat din ako sa school dahil kapatid ko ang superstar na si ate Shane at bestfriend ko ang matinee idol na si Gelo. Pero physically, wala akong kumpiyansa sa anyo ko. Sabi nila kamukha ko si mommy pero hindi ako naniniwala kasi sobrang ganda kaya ni mommy.

At marahil ang isa pang rason kung bakit wala akong sinasagot sa mga manliligaw ko? Simple lang.....

Si Gelo....