webnovel

Anything 4U

Shanaia Aira's Point of View

NAKAHALUKIPKIP pa si Gelo habang palakad~lakad sa harap ko.Hindi maipinta ang gwapo nyang mukha dahil sa inis.Hinahayaan ko lang sya hanggang sa kumalma sya.Baka kapag nagsalita ako mag~away na naman kami.Bagong taon na, let there be peace on earth di ba?

Si Kevin umuwi na nung dumating si Gelo. Alam nya kasi na siya ang dahilan kung bakit sinumpong na naman ang tililing ng kumag na to.Kung alam lang ni Gelo ang dahilan kung bakit nandito si Kevin, I'm sure hindi na nagpuputok ang butse nya ngayon.But for now, hayaan ko muna sya sa trip nya.

" Akala ko ba binasted mo na yung mokong na yun? " wow ha! beast mode nga sya.

" Oo nga! "

" Eh bakit nandito na naman at tuwang-tuwa ka pa sa kanya kanina? May nangyari ba habang wala ako ha baby ? " tanong nya na sambakol ang mukha.Gusto kong matawa sa itsura nya kaya lang pinipigilan ko baka lalong mag~alburoto.

" Nagpapa~alam na manliligaw." maikling sambit ko,siguradong uusok na naman ilong nito dahil sa sagot ko.

" Manliligaw? manliligaw na naman? Akala ko ba tinigilan kana nung bugoy na yun? " sabi na eh.. hahaha.. sarap pag-tripan ng gwapo na to.

Hindi ako kumikibo, hinayaan ko lang syang isipin kung ano ang gusto nyang isipin.Sarap pang pag-tripan eh! Hehe.

" Haiissst baby, dyan kana nga ang gulo mong kausap!" yamot na nag- martsa paakyat ng hagdan.Tamo yun galit sa akin pero dun naman sa kwarto ko magmumukmok.

After a while, umakyat na rin ako baka nagpatiwakal na yung nag-aalburoto na yun kasalanan ko pa.

Pagpasok ko ng room nakahiga na patalikod ang damuho, nakaligo at naka-pantulog na.Hala at talagang dito pa balak matulog.

Pumasok na ako ng bathroom para maligo at magpalit na ng pantulog.

Nang matapos ako pumuwesto na ako sa bed at nag-pray.Tapos humiga na ko patalikod din sa kanya.Hmp.bahala nga sya dyan sa drama nya.

Nung medyo nangalay ako tumagilid naman ako sa kabilang side,tutal nakatalikod naman sya kaya hindi nya ako makikita.Saktong pagharap ko ay sya ring pagtagilid nya paharap din sa akin kaya medyo nagkagulatan pa kami.

Nakatingin lang kami sa isat~isa.Tinaas nya ang kamay nya at hinaplos nya ako sa mukha.

" Ano bang drama mo Angelo? Are you jealous of Kevin? " tanong ko habang inaalis ko ang kamay nya sa mukha ko.Kinuha nya ang kamay ko then intertwined our fingers.

" No, I'm not jealous. I'm just pissed coz you didn't even bother answer my calls tapos makikita ko nakikipag tawanan ka lang sa kulangot na yon."

" Alam mo nakakatawa ka, if you've just seen your face kanina mukha kang ewan.Totoo,nagpaalam si Kevin sa akin na manliligaw pero hindi sa akin kundi kay Charlotte.We hang out this fast few days with his friend Clyde.They're nice naman and Kevin wants to be friends with me.He accepted the fact that we can't be more than friends."

He then chuckled. Hindi makapaniwala sa naririnig nya mula sa akin at yumuko dahil as usual epic failed na naman sya sa mga kadramahan nya kanina.

" O ano ka ngayon? Ugali mo na kasi yang ganyan noh, mag~aalburoto muna bago alamin kung ano ang mga nangyayari.FYI, Kevin and I are just friends! FRIENDS ok?" I smirked at him emphasizing the word.

He faced me with a shy smile on his handsome face.

" Alright, I'm sorry. I was upset. I called you to pick me up on the terminal.Nauna na akong umuwi sa kanila coz I don't want to stay there for another couple of days.I'm bored to death and I wanna be with you tapos hindi ka naman sumasagot kanina, so I hailed a taxi na lang.Then pagdating ko dito andyan ka lang pala nakikipagtawanan sa kumag na yun."

" Ohhh.. Sorry naman! Wag kana magalit, malay ko ba na uuwi ka na.Next time hindi ko na aalisin ang phone ko sa tabi ko lalo na pag wala ka.So okay na tayo? "

He just smiled and pulled me closer to him.He kissed the top of my head.

" You know I'm so lucky for having someone like you in my life.Kaya naman kapag nakikita ko na may ibang pinagtutuunan ka ng pansin, pakiramdam ko sasabog ako,gusto ko sa akin lang ang atensyon mo.Madamot ba ko nun ha baby? "

" Ano pa ba tawag dun? Alam mo Gelo wag mong isipin na kapag may iba akong pinagtutuunan ng pansin eh nakalimutan na kita, hindi ganon yun. We're best friends and nothing can change that. At pwede ba, bawasan mo yung pagiging strict mo kasi baka dumating yung araw maging old maid na ako dahil ayaw mo akong paligawan, sayang ang nag-uumapaw kong kagandahan kung buburuhin mo oh. "

" Hahaha.. Asan baby ang nag-uumapaw ha? "

" Tse! grabe ka naman sa akin. Tulog na nga tayo baka hindi kita matantya dyan. "

" Hahaha. Pikon! Goodnight na baby ko. "

" Buset! goodnight na rin tatang! "

_______________

" Kevin, Clyde, this is Gelp, my bestfriend." pakilala ko sa dalawa kay Gelo isang hapon na sinundo nya ako at nandun rin yung dalawa para sunduin din ang mga kaibigan ko.

After the incident na inabutan ni Gelo sa bahay si Kevin, pinlano ko na ipakilala na sila sa kanya para hindi na kami mag~away.

" Pare nice meeting you both." tipid na turan nya.Suplado ng lolo nyo di ba?

" Sige mauna na kami sa inyo dadaan pa kami sa mall." paalam namin dun sa dalawa.Si Venice at Charlotte ay naiwan pa sa room dahil may pinapagawa pa yung teacher namin.Nagpaalam na ako na mauuna na sa kanila.

" Mall? ano gagawin natin sa mall? " tanong nya nung nasa loob na kami ng sasakyan nya.

" Hindi ko pa ba nasabi sayo? JS prom na namin sa 14'th, Valentine's day.Sabi ni mommy bumili na lang daw ako ng gown dun sa boutique nung friend nya dyan sa mall kaya dun muna tayo pupunta bago umuwi.May gagawin ka ba? Para kasing may problema ka dyan." puna ko sa kanya,para kasing bigla syang nalungkot dun sa sinabi ko.

" Wala naman.It's just that I want to take you out sana on Valentine's day,eh JS prom nyo naman pala yun.Last year naman hindi mismong Valentine's day nyo ginawa yun."

" Kasi po ngayon tumapat ng Friday ang Valentine's ,eh di ba kailangan friday night ang JS para walang pasok kinabukasan? Ano ba kasi balak mo? Ayan na ba kasi sinasabi ko sayo, kung may girlfriend ka eh di sana may ide-date ka sa ganyang araw."

" Sus baby ayan na naman tayo sa walang katapusang rants mo sa pagiging single ko.Sige maghahanap na lang ako ng maisasama sa Valentine's concert ng paborito kong band na N'Sync. Comeback concert nila at ang mahal pa naman nung nabili kong ticket."

" Wait,wait,wait,ano kamo? N'Sync ba kamo? Waaahhhhh Gelo nakakainis ka bakit hindi mo sinabi sa akin agad! alam mo namang favorite ko sila di ba? " pinaghahampas ko sya sa braso nya.

" Ano ba baby mababangga tayo! Eh surprise ko nga dapat sayo yun.Pero di bale maghahanap na lang ako ng pwede kong isama,sayang naman yung ticket.Baka si Keithlin pwede sya o kaya si Trisha or si Amanda na lang kaya? " pang-aasar nya.

" Ewan sayo! Kahit si Aida o si Lorna o si Fe pa yang isama mo,wapakels ako sayo! " humalukipkip ako at tinalikuran ko sya, dun ko sa bintana nilibang ang sarili ko sa pagtanaw sa dinaraanan namin.Nakakainis kung sinabi nya agad eh di sana hindi na ako nangako sa teacher ko na tutulungan ko syang mag-organized nung prom.

Nananahimik ako ng biglang may bumagsak na dalawang ticket sa kandungan ko.

" Oh eh ano to? Bakit binibigay mo pa sa akin eh hindi naman nga ako pwede dito? " turan ko sabay abot pabalik sa kanya nung mga ticket.

" Basahin mo kasi nang hindi ganyan yang itsura mo,mukha kang ewan baby."

Namilog ang mata ko ng mabasa ko yung ticket. " Herodes ka! 14 and 15 naman pala yung concert inasar mo pa ako.Nakakainis ka talaga! " sabay kurot ko sa braso nya.

" Aray! ano ba.Eh sa gusto ko 14 mismo manuod para kunwari romantic, since hindi naman pwede yung ka-date ko sa araw na yon kaya kinabukasan na lang.Baka kasi hindi lang hampas at kurot ang abutin ko pag hindi nya napanood yung favorite band namin." ngumiti pa ng pagka cute-cute ang damuho.

Ngumiti na rin ako ng wagas,nakakahawa sya eh.

" Aaawww Gelo,thank you. Best Valentine's day gift ever. " lumapit ako ng bahagya at humilig sa braso nya.

" Anything for you baby.Lahat ng makakapag-pasaya sayo basta kaya ko ibibigay ko."