webnovel

Ang Kaligayahan

Editor: LiberReverieGroup

"Guro"

Hindi na mapigilan ni Bai Yang ang kanyang sarili at nagtanong,

"Narinig ko po kung gaano kaepektibo ang mga Dao Yin technique, pero gaano po sila kaepektibo? Paano po nito mapapabilis ang proseso ng pagsasanay ng genetic energy?"

Isang middle age na lalaki ang sumagot sa kanyang katanungan: "Ganito iyon Bai Yang, kung gagamitin mo lamang ang 'Wu Xin Xiang Tian' technique sa pagsasanay, ang mga cells mo ay mapupuno ng enerhiya sa loob lamang ng limang minuto!"

"Pero kung gagamitim mo ang mga Dao Yin technique, ang kapasidad ng mga cells mo ay tataas. At dahil nga tumaas ang kapasidad ng mga cells mo ay maaari ka ng magsanay sa loob ng 8 minuto o kahit na 10 minuto o kung hindi kaya ay higit sa 1 oras!" sabi ng lalaki na nakatingin sa grupo nila Luo Feng. "Naiintindihan niyo na ba ang tungol dito?"

Matapos niyang marinig ito ay napagtanto ni Luo Feng na.

"Nakakapagpalakas ng kapasidad ng bawat cell ang mga Dao Yin technique na ito" sabi ni Luo Feng sa kanyang sarili. Ang pagabsorba ng mga cell natin sa mga enerhiya na nanggagaling sa kalawakan ay parang tao lang na kumakain nang tatlong beses sa isang araw para magkaroon ng lakas. At kung gagamitan mo ito ng Dao Yin techniques ay maari mong mapakain ang taong ito ng lima hanggang sa sampung beses sa isang araw.

Ngumiti si Jiang Nian at sinabing "Kung hindi mo gagamitin ang mga Dao Yin Techniques, isipin mo na lang na ang mga enerhiyang nakukuha ng mga cell mo ay isang unit lamang! At kung susubukan mo namang gamitin ang technique na ito, ang enerhiyang kaya nang makuha ng mga cell mo ay magiging dalawang units na o baka umabot pa sa tatlong units at higit pa! Sa madaling salita, ang pagsasanay ng isang taong gumagamit ng Dao Yin Techniques ay kayang tumbasan ang sampung taong pagsasanay ng isang tao na hindi gumagamit ng mga technique na ito."

Nagusap usap ang mga fighter tungkol sa mga Dao Yin techniques. Ang bawat isa sa kanila ay maraming gustong ikuwentong mga karanasan sa paggamit nito bilang bahagi ng kanilang pagsasanay.

"At tungkol naman sa pinakamalakas na fighter sa buong Dojo of Limits na si 'Hong', gumawa ito ng siyam ng uri ng mga Dao Yin techniques. At kung sasali ka at gagawa ng mga bagay na kapakipakinabang sa Dojo of Limits ay magkakaroon ka ng pagkakataong mapagaralan ang mga pinakamahirap at pinakaepektibong mga uri ng Dao Yin technique" tukso ng isang fighter habang tumatawa ang mga ito sa grupo nila Luo Feng.

Hangad ng lahat ng mga makakapangyarihang tao sa mundong ito ay nangangarap na magkaroon ng napakaraming fighters sa kanilang bansa.

"Guro" Biglang tawag ni Luo Feng kay Jiang Nian.

"Ano iyon?" Tugon ng gurong si Jiang Nian habang nakatingin ito kay Luo Feng "May problema ba?"

"Sino po ang lalaking may silver na buhok na lumabas kasama ng punong guro kanina? Paano niya pong nagagawa na mapigilan ang lahat ng lakas sa paligid niya sa pamamagitan lamang po ng isang tingin? Ano pong klaseng kapangyarihan mayroon ang fighter na iyon?" Hindi pa naririnig ni Luo Feng na ganito kalakas ang kayang gawin ng isang fighter kaya siya napatanong sa kanyang guro.

Natawa ng mahina si Jiang Nian nang marinig niya ito. Habang ang mga fighters naman na nasa paligid niya ay hindi na nakapagpigil at tumawa na nang sobrang lakas.

"Ang taong iyon na lumabas kasama ng punong guro ay isang spirit reader bata! Mas kakaunti ang bilang ng mga spirit reader kaysa sa ating mga fighter" sabi ni Jiang Nian habang patuloy na tumatawa ng malakas ang mga fighter sa paligid niya "fighters din ang mga ito bata! Pero sila ang pinakakinatatakutan sa lahat ng mga fighters"

"Isang Spirit reader?" gulat na gulat na sinabi si Luo Feng sa kanyang sarili.

Nabasa na ni Luo Feng ang tungkol sa mga spirit readers sa internet. Lahat ng article na nabasa niya ay nagsasabi na ang mga spirit readers ay may kakaibang mga kakayahan na hindi pangkaraniwan sa isang fighter. At kakaunti lamang ang bilang nito sa populasyon ng mga fighters.

Pero hindi na binanggit sa internet kung gaano katakot takot ang mga ito.

"Malalaman mo rin ang tungkol sa kanila kapang naging isa ka nang ganap na Fighter bata" tumatawang sabi ni Jiang Nian sa kanya "Osiya, tapos na ang buwanang prospective fighter exam ngayong araw. Puwede na kayong tatlong umuwi. Pero siguruhin niyo muna na nakumpleto at naibigay niyo na ang mga dokumento bago kayo lumabas ng silid. Kokontakin namin kayo sa loob ng ilang araw. Sige, makakauwi na kayo"

"Opo guro!"

Naglakad ang tatlo palabas mula sa training hall. Muli naman silang binantayan ng mga armadong guwardiya hanggang sa makalabas sila ng sector.

����

Matataas ang ngiti ng tatlong ito noong makalabas sila ng Ming-Yue sector.

"Ako nga pala si Bai Yang. Galing ako sa nangungunang military academy sa Jiang-Nan. Ang pamilya ko naman ay nakatira sa Yang-Zhou city kaya nagkaroon ako ng pagkakataong kumuha ng exam habang bakasyon pa namin" at inabot nito ang kanyang kamay para makipaghandshake "Ikinalulugod ko kayong makilala pareho"

Sa nangungunang military academy ng Jiang-Nan?

Pinaplano dati ni Luo Feng na magaral doon.

Tumawa si Luo Feng at tumugon "Ako nga pala si Luo Feng at siya naman si Yang Wu. Pareho kaming nanggaling sa Dojo of Limits sa Zhi-An region.

"Siguradong magiging napakaganda ng kinabukasan mo Luo Feng. Hindi lahat ng tao ay kayang maging isang fighter kahit sa isang elite class na military academy kung saan ako nagaaral" masayang naging magkakaibigan ang tatlo. Lalo na kay Luo Feng na naging isang prospective fighter sa murang edad. Alam niya na magiging isa itong napakaimportanteng tao para sa kanya sa hinaharap.

Tumawa naman si Yang Wu sa kanyang tabi at sinabing "O tama ng satsat. Parte ng kapalaran natin ang pagpasa sa exam sa iisang lugar at sa iisang araw. Napakasaya ng araw na ito para sa atin kaya humanap na tayo ng makakainan para makapagkuwentuhan tayo ng maayos at higit sa lahat, para magcelebrate!"

"Sige" Nakangiting tugon ni Bai Yang.

"Tara na" tumatawang tugon ni Luo Feng kay Yang Wu.

Silang tatlo ay sabik na sabik dahil sa pagpasa nila sa prospective fighter exam. Pumili sila ng makakainan at sabay sabay na kumain ng tanghalian. Matapos nito ay naghiwahiwalay na sila para umuwi sa kani kanilang tirahan.

������������

Nakainom si Luo Feng na sumakay ng subway pauwi, naghihintay ito ng tamang panahon para sabihin sa kanyang pamilya ang magandang balita.

Pero napakaraming tao na nakasakay sa subway sa oras na iyon. Natatakot siya na magkaroon ng kaguluhan sa puntong marinig ng mga taong nakapaligid sa kanya na isa na siyang prospective fighter. "Tatawagan ko na lang siguro sila pagbaba ko rito sa subway"

At pagtapos bumaba sa line 1 ng subway ay maglalakad naman siya ng mahaba papunta sa Zhong-An road station ng line 11.

"Tatawag nako ngayon kina mama at papa" Sabik na sabik na si Luo Feng na sabihin sa kanila ang magandang balita.

Isang Prospective Fighter…

Napakahirap lang ng pamilya niya, ang kanyang nanay at tatay ang nagtatrabaho maghapon upang may maipakain lang sa kanila. Maging siya man ay natuto ring magtrabaho para makatulong sa kanyang mga magulang. Sa wakas nagkaroon din ako ng maipagmamalaki para sa pamilya ko!

Kinuha ni Luo Feng ang kanyang cellphone habang nasa Zhong-An road station ito at tumawag sa kanyang pamilya…

[BEEP..... BEEP.....]

Sandaling naghintay si Luo Feng pagkatapos niyang idial ang number sa kanyang cellphone.

"Hello." Boses ng kanyang kapatid ang sumagot sa kanya sa kabilang linya ng cellphone, tumatawang sinabi ni Luo Feng na "Ako ito"

"Hindi mo na ba nakikilala ang boses ng kapatid mo? Hahaha siyempre naman pumasa ako. Ok ok" Masayang sinabi ni Luo Feng habang hawak hawak ang kanyang cellphone "Hm andiyan ba si mama? Pakausap naman sa kanya"

"Hello, si Feng po ito ma" tuwang tuwa na sinabi ni Luo Feng sa kanyang ina na nasa kabilang linya.

Maluha luha si Luo Feng nang marinig niya ang sabik na sabik na boses ng kanyang ina. Nagbunga na rin ngayong araw ang kanyang mga paghihirap sa loob ng ilang taon. "Tatlong beses na po kayo nagtatanong ma. Nakapasa po ako sa exam. Ibibigay po ang application forms sa bahay sa loob ng ilang araw"

"Nagtanghalian na po ako kasama ng dalawa pang nakapasa sa exam ma" tumatawang sabi ni Luo Feng "Tawagan ko po si papa? Opo huwag po kayong magalala, tatawagan ko po siya maya maya. Opo alam ko po"

Napakataas ng ngiti ni Luo Feng pagkatapos niyang makipagusap sa nanay at kapatid niya, nung ibaba niya ang kanyang cellphone.

Kaligayahan, kasiyahan ng loob!

Hindi ba ang lahat ng pagsasanay ni Luo Feng mula pagkabata ay paghahanda para sa araw na ito?

Kinontrol ni Luo Feng ang kanyang hininga at pinakalma niya ang kanyang sarili kung hindi ay hindi niya makakausap ng maayos ang kanyang ama sa cellphone. Sa pamilyang ito, si Luo Hong Guo ang nagsisilbing haligi ng tahanan! At bago pa man maging isang elite member si Luo Feng ay kinailangan muna nilang umasa sa kinikita nito para mabuhay sa pang araw araw.

At kahit na nagtatrabaho rin ang nanay niya ay kailangan din nitong magpahinga para maalagaan ang dalawa niyang anak, lalo na kung ang isa sa mga ito ay may kapansanan.

Napakahirap ng mga pinapasok na trabaho ng kanyang ama para mayroon silang makain sa araw araw. At minsan pa ay dumating sa punto na nagkakaroon ito ng mga pinsala sa katawan sa hirap ng kanyang trabaho.

"Hindi mo na po kailangang maghirap sa katatrabaho mula ngayon pa" sabi ni Luo Feng sa kanyang sarili.

[BEEP..... BEEP.....]

Ang tunog na nanggagaling sa kanyang cellphone habang hinihintay nitong sagutin ng kanyang ama ang tawag.