12 Wu Xin Xiang Tian

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Opo," sagot ni Luo Feng habang siya ay tumatango.

Tumatawang sinabi ng Punongguro na si Wu Tong na: "Ok, ang susunod ay si Bai Yang"

Masayang lumakad si Luo Feng papunta kay Yang Wu. Mahinang sinabi ni Yang Wu sa kanya: "Congrats crazy, isa ka ng prospective fighter. At pagkatapos mong maipasa ang combat fighter exam ay magiging isa ka nang tunay na fighter!" Mahinang sinagot din naman ito ni Luo Feng: "Alam kong makakapasa ka rin sa reaction speed test ng walang kahirap hirap kapatid na Yang. Pagkatapos nito ay sabay nating kukunin ang combat fighter exam"

"Okay," sabik na sagot ni Yang Wu sa kanya.

Matapos nito ay pinagtuunan na nila ng pansin ang estudyanteng nakasalang sa exam.

Isa ang pumasa at isa ang bumagsak matapos kumuha ng dalawa pang estudyante ng pagsusulit na ito.

"Ang huli ay si Yang Wu!" sigaw ng punongguro na si Wu Tong.

Nagbuntong hininga si Yang Wu. Matagal niya nang hinihintay ang araw na ito. At dahil lagi siyang bumabagsak sa speed test, unang beses niya pa lang na sasalang sa reaction speed test para maipakita ang kanyang reaction speed sa Limit Hall.

"Huwag mon ang palampasin ito!" Sabi ni Luo Feng bilang suporta kay Yang Wu.

"Huwag kang magalala"

Humakbang ng malaki si Yang Wu para pumasok sa pulang circle. Matapos nito ay pinindot na ng punongguro ang pindutan at nagsimula nang umikot ng barrel ng machine bago ito magpakawala ng mga gomang bala sa loob ng bilog.

Mabilis na gumalaw si Yang Wu sa loob ng bilog.

"Hm?" nasusurpresang sabi ni Luo Feng habang pinapanood niya ang mga galaw ni Yang Wu "Napakatigas ang pangangatawan ng kapatid na Yang. Pero ang kanyang pamamaraan ay napakaepektibo. Napakaliit ng mga galaw niya para maiwasan ang mga bala. Hindi rin niya nagagamit ng husto ang 3.6 meter na sukat ng bilog. At gumagawa lang siya ng mga maliliit na hakbang para maiwasan ang mga balang papunta sa kaniya.

Napakaliit ng mga galaw niya pero napakataas naman ng dodging rate nito.

"Magagamit mo ng gusto ang pamamaraang ito sa totoong pakikipaglaban. Pero para magawa mo ito, kinakailangan mong maging precise sa bawat galaw mo. At sa isang mali mo lang ay maari kang mawasak ng halimaw na kinakalaban mo!" pagusisang sabi ni Luo Feng sa kanyang sarili. Para kay Luo Feng, isa itong napakaepektibo ngunit napakadelikadong technique.

Na para bang pagsayaw sa dulo ng patalim.

[BEEP!~~~] Matapos ang isang minuto ay tumigil sa pagikot ang barrel ng machine.

"Sa loob ng isang minuto ay natamaan ka ng 52 beses at hindi natamaan ang pulang ilaw ni isang beses. Pumasa ka!" sabi ng punongguro na si Wu Tong.

Isinara ni Yang Wu na nasa loob pa rin ng pulang bilog ang kanyang mga kamao nang mahigpit. Naglabasan ang mga ugat niya sa kanyang mga biceps at nagsimulang maluha ng kanyang mga mata. Matagal na niyang hinintay ang araw na ito. Sa wakas ay natupad na niya ang kanyang pangarap. Mayroon na lamang siyang isang exam na kailangang maipasa bago makuha ang pinakamimithi niyang titulo, ang maging isang fighter.

"Yang Wu" nakasimangot na tawang ng punonggurong si Wu Tong sa kaniya "Ang technique na ginamit mo ay nabibilang sa 'Ru Wei' class. Habang nakikipaglaban sa mga halimaw, gumagamit ka lamang ng maliliit na hakbang para makailag sa mga atake nito. At dahil hindi ka gumagalaw ng masyado ay puwede ka pang makagawa ng ibang gawalaw na kasabay nito sa loob lamang ng mabilis na oras na siyang makakapagpanalo sa iyo"

"Pero napakahirap imaster ng technique na ito. At kahit naestimate mo na ang kamay ng halimaw at lumampas ng kahit na dalawang centemeters, At kahit na nagkamali ka lang ng isang beses ay puwedeng tumama sayo ang matatalim na kuko nito at hatiin ka sa dalawa kaya.."

"Pinapayuhan kita na umiwas ng mas malayo kapag nakikipaglaban sa mga halimaw. Bigyan mo ang sarili mo ng mas malayong lugar" Payo ng punongguro na si Wu Tong "at dahil sa nakikita kong lakas mo, subukan mo munang imaster ang mga basics. At kapag nagawa mo iyon ay siguradong makakakuha ka ng mas mataas na resulta"

Nasurpresa si Yang Wu at tumatango itong sumagot ng "Opo punongguro"

"Isapuso mo ang mga payo ng punongguro sa iyo Yang Wu. Iwasan mo ang pagiging makasarili sa pagsasanay sa martial arts. Sadyang napakalakas ng 'Ru Wei' class pero hindi pa ito kaya ng katawan mo kaya wala rin itong kuwenta para sa iyo. At kung pipilitin mo pa ring gawin ito ay makikita ka ng lahat na parang isang nanggagaya na hindi magaya ang tao o ang bagay na gusto niyang gayahin at sa huli ay pagtatawanan ka ng mga ito" seryosong sinabi ng kanyang guro na si Jiang Nian sa kanya.

Masayang sinabi ng punongguro na si Wu Tong: "Tatlong mga estudyante ang nakapasa sa prospective fighter exam ngayong buwan: ito ay sina Luo Feng, Bai Yang at Yang Wu"

Napuno ng saya sina Luo Feng, Yang Wu at Bai Yang.

Kung wala lang ang mga senior fighters sa paligid nila ay marahil nagsisisigaw na ang mga ito sa sobrang saya.

"Makinig kayo sa akin, ang susunod na gagawin niyo ay ang pagpirma niyo sa combat exam contract. Pumunta na kayo rito upang pumirma" at matapos niyang sabihin ito ay lumingon ang punongguro na si Wu Tong sa isang lalaking may silver na buhok at nakasuot ng itim na robe at tumatawang sinabi na "Patawad po sa paghihintay niyo ng matagal na oras kapitan. Halika na po."

Kapitan?

Nagulat ang tatlo sa narinig nila. Ang punongguro ay ang head ng Limit Hall sa Yang Zhou city at mayroon siyang napakalawak na nasasakupan. Kung tinawag niya bilang 'kapitan' ang isang iyon ay sino at ano naman kaya ang posisyon ng lalaking iyon na may silver na buhok at nakasuot ng itim na robe?

Tiningnan ng lalaki si Luo Feng at ang mga kasama nito. At sa loob ng ilang sandali ay naramdaman ni Luo Feng na para siyang hinihigop ng mga mata ng lalaking iyon na para bang isang black hole. Agad siyang nanginig at nagising sa katotohanan. "Ano ang nangyari sa akon kanikanina lang?" Ilang sandali pa ay nakita rin ni Luo Feng ang dalawang kasama niya na nakatulala at wala sa kanilang mga sarili.

"Sadyang nakakatakot dahil sa isang tingin lang nito ay nawawala na kami sa aming mga sarili" Nagugulat na sinabi ni Luo Feng sa kanyang sarili.

Katakot takot talaga ang kakayahan niyang ito.

Kung mawawala ang isang tao sa kanyang sarili bago pa man ito magsimulang makipaglaban sa isang paghaharap ay puwede kang magising sa katotohanan sa puntong nasaksak ka na sa puso ng kalaban mo.

Ngumiti ang lalaking may silver na buhok at surpresang tumingin kay Luo Feng.

"May talento ka bata. Pagbutihan mo pa" sabi ng lalaki habang nakangiti ito ng kaunti.

"Huh, kahangahangang pagpipigil din sa sarili mo. Heh" nakatangong tugon ng punonggurong si Wu Tong sa lalaking may silver na buhok.

Matapos nito ay umalis na sina Wu Tong at ang lalaking may silver na buhok.

"Anong nangyari?"

"Anong nangyari sa sarili ko?"

Nagising na rin sa katotohanan sina Yang Wu at Bai Yang. Nanlamig ang kanilang mga pawis habang inaalala kung ano ang nangyari sa kanila kanikanina lang. Maging si Luo Feng man, si Yang Wu o si Bai Yang man ang tatanungin…. Wala pa silang nakikita sa buong buhay nila na mas nakakatakot pa kaysa sa lalaking iyon na may silver na buhok.

"Kanina pa tayo inoobserbahan ng lalaking ito na may silver na buhok. Pero hindi ko napansin na nandoon siya bago pa man ang mga pangyayaring ito." Namamanghang sinabi ni Luo Feng "Nang walang kaingay ingay ay para ba siyang wala sa mga panahong iyon. Nakamamangha. Pero hindi…."

Noong sinusubukan niyang alalahanin ang mukha ng lalaking iyon na may silver na buhok ay nagulat siya nang marealize niya na

Ang tanging bagay na naaalala niya lamang dito ay ang kanyang mga mata at hindi na niya matandaan kung ano ang itsura nito.

"Kayong tatlo, lumapit kayo rito"

Napangiti ang gurong si Jiang Nian at ang mga kasama nitong mga fighters noong makita nila ang tatlo, "Sumunod kayo sa amin papunta sa training hall"

Naglakad sila paalis sa reaction speed testing room pabalik sa napakalaking training hall.

"Ito ang magiging kontrata niyo para sa fighter combat exam" Kinuha ng matabang beteranong fighter ang isa sa tatlong mga kontrata mula sa sulok ng training hall "Kapag sumali na kayo sa fighter combat exam, wala ng responsibilidad ang Dojo of Limits sa pagkamatay niyo! Siyempre ay napakababa naman ng death rate sa mga naganap na fighter combat exam"

Tinanggap ng tatlo ang kontrata at binasa ito ng maigi.

"Ang ikinababa ng death rate ay ang kinataas naman ng injury rate nito" malalim na sinabi ng kalbong astig na lalaki "Makikipaglaban kayo sa mga halimaw sa combat fighter exam hanggang kamatayan! At siyempre, magiging basic lang ito ng inyong pakikipaglaban sa mga halimaw. At kapag magisa na kayong nanghuhuli ng mga halimaw pagdating ng panahon, asahan niyo na mag katakot takot pa ang magiging mga karanasan niyo sa pakikipaglaban sa mga halimaw kaysa sa naranasan niyo sa magiging exam nito sa susunod na buwan. Kaya kung hindi niyo ito maipapasa ay wala kayong karapatan bilang maging isang fighter"

Nang marinig ito ay tumingin ang tatlo sa isa't isa.

Simple lang ang nilalaman ng kontratang ito, na walang magiging pananagutan ang Dojo of Limits sa inyo kapag namatay kayo sa kalagitnaan ng exam.

Hindi na nagdalawang isip ang tatlo at agad na pinirmahan ang mga dokumento gamit ang kanilang mga pangalan.

"Okay"

Ang gurong si Jiang Nian na nakatayo sa gilid nila ay ngumiti at sinabing "Mabuti kung gayon, ang magiging exam niyo ay gaganapin sa unang araw ng august kaya magkakaroon pa kayo ng isang buwan para makapaghanda. Kailangan niyong maghanda ng mabuti sa loob ng isang buwan na ito." Matapos niya iyong sabihin ay naglakad si Jiang Nian papunta sa isang keyboard sa tabi niya at mabilis na nagtype. Hindi nagtagal ay isang article ang makikita sa malaking screen na nakakabit sa dingding ng training hall.

Tinatawag itong--��Genetic Energy Technique����

"Huh?" Makapigil hiningang sinabi ni Luo Feng.

Ito ang rason kung bakit napakalakas ng katawan ng isang fighter, at ang iba ay nalalagpasan pa ang mach speed sa sobrang bilis na kaya nilang abutin! At kung bakit kayang humiwa ng napakakapal na bakal ng mga gamit nilang mga patalim! At siyempre ay hinding hindi ito mapapantayan sa ngayon nila Luo Feng at ng kanyang mga kasama.

Bakit malalakas ang mga fighter?

Dumedepende kasi sila sa kanilang genetic energy!

"Noong nainfect ng RR virus ang sangkatauhan sa tinatawag na Grand Nirvana Period, ang mga genes natin ay nagsimulang magevolve para labanan ang virus na ito" nakangiting kuwento ng gurong si Jiang Nian "Nageevolve ito hanggang dumating sa isang punto na naaabsorb nito ang mga mahihinang enerhiya ng cosmos. Napupunta ang mga enerhiyang ito sa bawat cell ng ating katawan! At habang ikaw ay nasa prosesong ito, ang iyong mga genes, buto, cells, dugo, organs at balat ay patuloy na mageevolve para maging mas malakas!"

"Ang mga buto mo ay magiging mas malakas ng sampu hanggang isang daang beses kaysa sa diyamante. Sa sobrang lakas naman ng mga organs mo ay makakayanan mo nang pigilan ang iyong paghinga sa ilalim ng tubig sa loob ng kalahating oras, at mas matagal pa!"

"Ang lahat ng ito ay magmumula sa mga enerhiyang inabsorb at dinevelop ng mga cells mo. Magiging lakas ang mga iyo tatawagin sa madaling salita na—genetic energy��"

Matapos nito ay itinuro ni Jiang niang ang article na nasa screen: "Ito ang technique na makapagpapalakas ng inyong mga genes—Ang Wu Xin Xiang Tian* technique�� Ito lamang ang natatanging technique na inyong magagamit para sanayin ang mga genetic energy ninyo."

Agad na binasa nang maigi ni Luo Feng ang laman ng article.

Genetic energy, human gene enhancement, at pagdepende sa evolution!

"Ganoon pala iyon" Naintindihang maigi iyon ni Luo Feng matapos niya itong basahin ng maigi.

Hindi ito kayang sanayin ng mga normal na tao dahil hindi naangkop ang mga genes nila. At kapag naabot na ng iyong kamao ang lakas na 900kg, ang bilis na 25m/s, at ang reaction speed na kinakailangan para maging isang prospective fighter, puwede na ang iyong genes para sa pagsasanay. 90% sa mga prospective fighters ay kaya nang magsimula sa pagtetraining!

"Puwede niyo nang simulan ang pagsasanay sa genetic energy simula ngayong buwan" nakangiting sabi ng gurong si Jiang Nian sa kanila "At ang pinakamahalagang 'Dao Ying' technique ay puwede niyo lamang sanayin pagkatapos niyong maging isang fighter.

May isang paraan lang ang mayroon sa buong mundo para sanayin ang genetic energy.

Pero mayroong milyon milyong mga Dao Yin technique. Ang pagsasanay sa Dao Yin technique ay makapagpapabilis ng iyong genetic energy ng sampung beses. Kaya ganoon na lamang nila iniingatan ang mga Dao Yin technique.

*Ito ay literal na nangangahulugang five hearts towards the sky na medyo wirdo kung gagamitin ko kaya hindi ko na ito binago.

avataravatar
Next chapter