♡ Syden's POV ♡
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko dahil sa pagkahilo. Sobrang sakit din ng ulo ko at ang sama ng pakiramdam ko. Halos buong araw na akong nakahiga at wala pa akong nagagawa. Hindi rin ako makaramdam ng antok at gutom. Wala akong ganang kumain at kahit gusto kong itulog ang sakit na nararamdaman ko, hindi rin ako makatulog. Nararamdaman ko na rin na sobrang putla ng labi ko at nanunuyo. Kapag nakakakita ako ng pagkain, parang nasusuka ako.
Habang malalim ang paghinga ko, biglang may kumatok sa pintuan kaya napatingin ako doon at napabuntong-hininga. Pinilit kong tumayo at humawak ako sa pader para hindi ako matumba. Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Dustin kaya kusa naman akong napaatras dahilan para mawalan ako ng balanse. Bigla kasi akong kinabahan nang makita ko siya. Hindi pa rin ako komportable, "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito na inalalayan ako kaya hindi ako tuluyang natumba at pinaupo niya ako sa kama.
"O-okay lang." hinawi ko ang kamay niya kaya napaatras siya ng konti. Ramdam na ramdam ko na rin ang pagtulo ng pawis ko kahit hindi naman mainit. Tumingala ako at pilit siyang tinignan, "Bakit ka ba nandito?"
Napabuntong-hininga siya bago inilahad sa akin ang kamay niya kaya napatingin ako doon. Nakita kong may hawak siyang parang sulat, "Kung iniisip mong ako pa rin ang traydor sa grupo, wala na akong magagawa, Sy. Pumunta ako dito para ibigay sa'yo 'to."
"Sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Nakita ko 'yan sa cabinet ni Oliver. Mukhang hindi na niya nagawang ibigay sa'yo 'yan." saad niya habang nakatayo sa harapan ko. Kinuha ko sa kanya ang sulat at nakita ko sa bandang baba nito na nakasulat ang pangalan ko kaya mabilis ko 'yong binuksan para basahin.
Sy, alam kong darating ang araw na hindi ko na magagawang sabihin sa inyo ang lahat. Sinubukan kong umamin sa inyo pero naunahan ako ng takot. Maybe, I don't really deserve to be one of the vipers. Kung sakaling makarating sa'yo ang sulat na 'to, ayaw ko ng sayangin pa ang pagkakataon na sabihin sa iyo ang lahat ng nagawa ko. Alam kong may mangyayaring hindi maganda sa'yo sa club pero pinili kong manahimik. I was afraid to tell you the truth because she has something against me kaya hinayaan ko siyang kontrolin ako. She asked me to kill Leigh, Stephen and Caleb, and that's exactly what I did. Lahat ng nangyaring kamalasan sa grupo ay bunga ng pagtataksil ko. Huli na para pagsisihan ko ang lahat ng nagawa ko but I was ready to die in order to pay for it. I am the traitor and someone like me don't deserve to live anymore. I'm really really sorry for what I did at maiintindihan ko, na hindi niyo na ako mapapatawad pa. Alam kong darating ang araw na pagbabayaran ko ang lahat ng 'to and that's the day you'll gonna read this letter.
-Oliver
"Matagal naming itinago ni Clyde ang hinala namin kay Oliver dahil hindi na kami komportable sa mga ikinikilos niya, kaya naisipan kong kalkalin muna ang mga gamit niya habang hinahanap pa rin natin siya para makakuha kami ng ebidensya kung sakaling may ginagawa nga siyang hindi alam ng grupo...at nakita ko 'yan." sambit ni Dustin. Kusa ko na lang nabitawan ang hawak kong papel at nakaramdam ako ng magkahalong lungkot at galit. Lungkot dahil sa naging sitwasyon niya at galit dahil sa pagtataksil niya, "Sy, is everything alright?" tanong ni Dustin na nagtataka sa akin.
Nakatingin ako sa kung saan at kusang napakuyom ang mga kamay ko, "S-siya ang traydor sa grupo, Dustin." wala sa sariling saad ko kaya kinuha niya ang papel sa sahig at binasa, "A-alam niyang mangyayari 'yon sa akin pero bakit hindi niya sinubukang pigilan?"
"S-siya rin ang pumatay kay Leigh, Stephen at Caleb?" hindi makapaniwalang saad ni Dustin habang nakatingin sa papel, "Kaya pala noong namatay si Leigh, halos kakarating niya lang sa staff room bago ibinalita ni Felicity 'yon sa atin...at bago natin nakita sina Stephen at Caleb sa kwarto nila, halos kakarating lang din niya sa atin. K-kaya pala duguan siya? Paano niyang nagawa ang lahat ng 'to sa atin, Dustin?" galit kong tinignan si Dustin na nakatingin na rin sa akin. Napaupo siya sa tabi ko habang hawak pa rin ang papel, "May hinala kami sa kanya..b-but I can't believe na magagawa niyang patayin ang mga kasama natin." ani niya, "So she had been able to control him kagaya ng ginawa niya kay Dean?" nag-iba ang tono ng pananalita ni Dustin na nakatingin sa kung saan at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.
"Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ko kaya napatingin siya sa akin, "Hindi niya 'to gagawin kung walang nag-utos sa kanya. Hindi ba sinabi niya sa sulat? Kagagawan 'to lahat ni Savannah, Sy. Gustuhin ko mang magalit ng sobra kay Oliver pero hindi ko mapigilan na mas magalit kay Savannah. She threatened him kaya niya nagawang traydurin ang grupo." natigilan na lang ako ng may maalala pa ako sa sulat ni Oliver.
"D-dustin, kung siya ang pumatay kina Leigh, Stephen at Caleb...a-ano yung sinabi ni Dean sa atin na siya yung pumatay sa kanila?" nauutal kong tanong dahil naguguluhan ako sa nangyayari. Natigilan din siya at sandali kaming nagkatitigan. Nagsinungaling ba si Dean sa amin? Pero kung hindi nga talaga siya ang pumatay kina Leigh, Stephen at Caleb...anong rason para sabihin niya ang lahat ng 'yon at akuin ang kasalanan na hindi niya naman ginawa?
"Bakit kailangan niyang sabihin sa atin 'yon? Anong rason?" dagdag ko pa.
Sabay kaming napatingin sa pintuan ng makita namin si Dave na halatang hinahanap kami. Mabilis siyang pumasok at lumapit sa amin ni Dustin, "M-may problema ba?" tanong ko dito. Nagbuntong-hininga siya bago nagsalita, "Masyado ng nagkakagulo ngayon pero sa tingin ko meron kang mas dapat na malaman, Sy." nagkatinginan kami ulit ni Dustin bago ko ibinalik ang tingin kay Dave kaya napatayo na ako, "Ano 'yon, Dave?"
"Hindi ko alam kung namamalik mata ba ako noong oras na 'yon but I'm really sure that I saw them."
"Sino?"
At ang mga sumunod niyang sinabi ang nakapagpatigil sa amin, "Nakita kong magkausap sina Dean at Finn noong isang gabi." nagkatinginan kami ulit ni Dustin.
"Nag-aaway ba sila?" tanong ko na ikinailing niya, "They were just talking normally. Hindi ko rin alam pero sa tingin ko nagsinungaling sa'yo si Phoenix. Matagal ka na niyang niloloko. Baka alam niya rin na lalasunin ni Savannah ang isip ni Dean pero hindi niya sinabi sa'yo." kahit pa sinabi ni Dave 'yon, ayaw kong maniwala na niloloko ako ni Finn. Hindi niya magagawa 'yon sa akin.
"Hindi, Dave. Hindi magagawa 'yon ni Finn." sambit ko, "Pero nakita ko silang magkausap ni Dean." pagpupumilit niya.
"Kung totoo nga ang sinasabi mo, ano namang rason para kunin ni Finn ang tiwala ko?"
"Hindi ko alam pero kailangan muna siyang layuan. Kahit ako, naguguluhan na rin sa nangyayari." kinuha ko kay Dustin ang hawak niyang papel at iniabot kay Dave kaya napatingin siya dito, "Ano 'to?" tanong niya na kinuha 'yon at binasa ang nakasulat. Pagkalipas ng ilang segundo, napapikit na lang siya habang pahigpit ng pahigpit ang hawak nito sa papel gamit ang isang kamay niya kaya tuluyan itong nalukot, "K-kailan pa 'to?" seryosong tanong niya at katulad namin ni Dustin, alam kong nakaramdam din siya ng galit nang mabasa ang nakasulat sa papel.
"Matagal na kaming naghihinala ni Clyde kay Oliver dahil nag-iiba ang kilos niya. Hindi kami naniniwalang nagpakamatay siya dahil malaki ang posibilidad na siya rin ang nag-iwan ng papel sa kama niya...kaya habang hinahanap natin siya, sinubukan kong maghanap ng ebidensya laban sa kanya at 'yan ang nakita ko." saad ni Dustin na itinuloy ko.
"Pero pare-pareho nating nabasa sa papel na handa niyang pagbayaran lahat ng ginawa niya. Ang dapat nating malaman, kung nagpakamatay ba siya, pinatay o nagtatago lang sa atin." saad ko na seryosong nakatingin sa kanilang dalawa, "Hindi natin alam kung ano ang totoo."
"At malalaman lang natin 'yon kung makikita pa natin siya." sagot ni Dustin.
"Ang ibig sabihin siya ang may ari ng singsing na nakita natin noon, Sy." sambit ni Dave, "Siya ang traydor sa grupo na matagal na nating hinahanap." saad ko naman kaya napatango siya na halatang malalim ang iniisip habang nakatingin sa kung saan, "Kaya pala sa tuwing may namamatay sa grupo, palagi siyang nawawala."
"Pero iisang tao ang dapat nating sisihin sa lahat ng 'to." sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan nang pumasok naman si Clyde na halatang kanina pa nakikinig sa amin, "It's Oliver the traitor, right?" tanong pa niya.
"Alam kong nagagalit tayong lahat dahil sa nalaman natin...even me because I didn't expect it. Pero iisang tao lang naman ang puno't bunga ng lahat ng 'to at siya ang kailangan nating gantihan."
"Lahat talaga gagawin ng babaeng 'yan para ubusin tayo." seryosong saad ko ngunit may halo ng galit. Kung galit kami kay Oliver, mas galit kami kay Savannah. Naisip ko na lang ang naging sitwasyon ni Oliver sa mga kamay niya. He had no choice but to do it.
"Kaya nga bago niya pa man magawa 'yon, kailangan na natin siyang maunahan." sagot pa ni Clyde, "Pero paano, ngayong napapasunod niya si Dean?" tanong ko. Nagkatinginan sina Dustin at Clyde bago ibinalik ang tingin sa akin, "Hindi ako naniniwalang tuluyang napasunod ni Savannah si Dean." saad ni Clyde kaya nagsalubong ang kilay ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Noong nilusob nila kaming dalawa ni Oliver, napansin kong hindi ako inatake ni Dean. Parang si Oliver lang ang pakay niya. Hindi ko alam kung ano ang pinag-aawayan nila pero galit silang nakatingin sa isa't isa. Sa tingin ko, Sy...alam ni Dean kung sino ang traydor kaya niya nilusob si Oliver. He still cares for the group." pahayag ni Dustin, "Kaya ba inako niya ang kasalanan ni Oliver at sinabi sa atin na siya ang pumatay kina Leigh, Stephen at Caleb?" tanong naman ni Dave.
"Malaki ang posibilidad na 'yan nga ang dahilan...sa tingin ko may nangyayaring hindi natin alam." sagot ni Clyde, "Kaya kailangan nating alamin." sabay-sabay kaming napatingin sa kanya ng diretso na halatang may pinaplano.
"Paano?" tanong ko.
"As Dave said earlier, nakita niyang nag-uusap sina Dean at Phoenix. Noong oras na ipagtabuyan ka ni Dean sa buhay niya, nag-umpisa ka ng dikit-dikitan ni Finn. Posible rin na humihingi rin ng impormasyon si Dean kay Phoenix."
"Impormasyon laban sa atin?" tanong ni Dave, "Yan ang hindi natin alam, kaya kailangan nating malaman ang totoo. Kukunin natin si Phoenix at pipilitin natin siyang magsalita." pahayag ni Clyde kaya nagkatinginan kami.
"Sigurado ka ba talaga dito, Clyde?" tanong ko na ikinatango niya, "Ito lang ang tanging paraan."
Sandali akong napaisip dahil sa plano ni Clyde. May parte sa akin na ayaw pumayag sa gusto niya dahil si Finn lang ang nasa tabi ko noong nangangailangan ako ng masasandalan pero kung wala na talagang mapagpipilian, wala na rin akong magagawa kundi pumayag sa gusto ni Clyde lalo na't kailangan.
"Fine, let's do it." sagot ko na ikinangiti naman nila ng masama habang nagkakatinginan.
Ngunit bigla naman kaming nataranta nang makarinig kami ng malakas na pagsabog kaya mabilis kaming lumabas nang makita namin ang mga estudyanteng nagsisitakbuhan sa hallway. Maraming nagsisigawan at ang iba ay nagtutulakan dahil sa takot at pagkabigla hanggang sa makita namin si Raven na papunta sa direksyon namin na halatang nagmamadali rin, "Anong nangyari?" tanong ko sa kanya na tumigil sa harapan namin habang hinihingal at pagod na pagod, "We need to get out of this building!" saad nito na ipinagtaka ko, "Ha?"
Itinuro niya ang direksyon kung saan pumupunta ang mga estudynate kaya napatingin kami doon, "Sumabog yung game room." saad nito na ikinagulat ko naman, "Paanong nangyari 'yon?!"
"Hindi ko rin alam pero dahil sa nangyari, nasira ang ibang part ng building kaya nagsisilabasan na ang iba."
"We won't still be able to go out because of the spikes-- " pinutol ni Raven ang pagsasalita ni Dustin at umiling, "The spikes were gone."
"Ano?!"
"They have been deactivated. Anyone is free to leave now. Kahit sa ibang building may mga sumabog kaya nagsisilaban na rin ang iba." nagkatinginan kaming lahat dahil naguguluhan kami sa mga nangyayari. May tumutulong ba sa amin para makalabas? Pero sino?
"Gawin na natin ngayon ang plano, Sy." napatingin ako kay Clyde nang sabihin niya 'yon, "Wala ng oras." dagdag pa niya na tinalikuran kami kaya sumunod na rin sa kanya sina Dave at Dustin na ipinagtaka ni Raven. Ngunit bago pa man ako malagpasan ni Dustin ay hinawakan ko ang braso niya kaya napatingin siya sa akin, "Sorry kung pinagbintangan kitang traydor sa grupo, Dustin." saad ko dahil nagsisisi ako sa ginawa ko sa kanya, "It's okay. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ko agad sinabi kung bakit nag-iiba ang kilos ko. Let's forget about it, ang isipin natin kung paano tayo makakalabas." ngumiti siya kaya ganon na rin ang ginawa ko at tumango pagkatapos ay umalis na siya para sundan sila Clyde.
"Gustuhin ko mang makisali sa plano niyo, pero hindi ko magagawa." pahayag ni Raven na ipinagtaka ko, "Bakit naman?"
"Nawawala si Felicity. Kailangan ko siyang hanapin." nag-aalalang sambit niya. Ganyan rin siya mag-alala kay Leigh date, "Umamin ka nga sa akin, Raven. May gusto ka ba sa kanya?" tanong ko kaya matagal kaming nagkatitigan na parang naputulan siya ng dila.
"Bakit ko naman magugustuhan 'yon? Magkaibigan lang kami." nag-iwas siya ng tingin sa akin kaya napangiti ako, "Huwag kang mag-alala kasi gusto ka rin niya." napatingin siya sa akin na halatang apektado sa sinasabi ko, "Tumigil ka nga. Paano mo nalaman ang nararamdaman niya?"
"Babae din ako, Raven. Syempre alam ko. Hindi lang kaibigan ang tingin niya sa'yo. It's more than friends. Believe me." nilagpasan ko siya at habang naglalakad ako palayo sa kanya ay nakaharap ako sa kanya habang nakangiti, "Tss! Magkita na lang tayo." saad niya, "Be careful, twin brother." sambit ko habang nakangiti na ikinatango naman niya kaya umalis na ako. Kung hindi lang talaga ako kailangan sa plano ni Clyde, mas gugustuhin kong samahan siya sa paghahanap dahil hindi ko pa rin maiwasang mag-alala.
Alam kong may parte na mahal niya pa rin si Leigh pero may parte rin na nagkakagusto na siya kay Feli.
To be continued...