♡ Dean Carson's POV ♡
...FLASHBACK...
"Sa tingin niyo ba papayag ako sa plano niyo?" tanong ko sa presidente at kay Phoenix. Magkatapat kaming dalawa ni Phoenix habang nakaupo naman ang presidente sa pwesto niya.
"Dean Carson, hindi ko hihingiin ang tulong mo kung kaya naman naming gawin 'to ng wala ka." sagot ng presidente.
"Bakit ako?"
"Dahil ikaw lang ang pwedeng pagkatiwalaan ni Savannah...at tiwala niya ang kailangan natin dito." sandali akong natigilan habang inaalala ang lahat ng sinabi nila sa akin.
"Bakit ako papayag na tulungan kayo kung alam kong mawawalan ako?"
"You'd lose everything temporarily but remember that all of your sacrifices won't be wasted. It's for the sake of everyone."
"Kapag pumayag ako sigurado bang walang mapapahamak sa mga kagrupo ko, especially my girlfriend?"
"You're doing this for them, not for us. You are the hope of everyone." at sa sinabi niyang 'yon, tuluyan na nila ako napapayag. Alam kong darating ang araw na ang desisyon kong ito ang unti-unting papatay sa akin.
After that, bumukas ang exit ng secret room kaya inihatid ako ni Phoenix palabas, "Listen to me Phoenix Vernon, I promised to her that I will never hurt her pero alam nating dalawa na darating ang araw na ako mismo ang mananakit sa kanya. Wala akong tiwala sa'yo dahil alam kong gusto mo siya but because you like her, alam kong hindi mo siya pababayaan habang wala ako. I want you to protect her habang wala ako." saad ko na hinarapan siya kaya natigilan kami.
Tumango siya at ngumiti, "I know that she loves you. Kahit masaktan siya, ikaw pa rin ang pipiliin niya, Dean."
"Always make her feel secured even though I am not there. Through my absence, I want her to feel me around sa pamamagitan mo. Sa tuwing umiiyak siya, samahan mo siya. Huwag mong hahayaan na umiyak siya ng mag-isa. Ayaw kong hahawakan mo siya but in case she really needs comfort, then comfort her. Tandaan mo..." at tinapatan ko siya, "Babantayan mo lang siya, pero akin pa rin siya. Wala kang gagawin sa kanya na hindi ko magugustuhan, nagkakaintindihan ba tayo?"
"Don't worry, I'll do my best to protect her and I will always be by her side habang wala ka."
"Katulad ng gusto niyo ni Fortune, gagawin ko ang gusto niyo kaya gawin niyo rin ang gusto ko." tinalikuran ko na siya pero may iniabot siya sa akin kaya natigilan ako at napaharap sa kanya, "That's your medicine. Wala kang ibang iinumin kundi ang gamot na 'yan..." saad niya at naghihinala ko siyang tinignan, "Kung gusto mong malaman kung bakit madalas sumakit ang ulo mo, take it. Someday, you'll understand why we're making you do this." at 'yon ang huling beses na nagkausap kami bago ako tuluyang pumunta ng Curse building.
...END OF FLASHBACK...
Planado na ang lahat bago pa man ako nakapunta sa Curse building dahil kinausap na nila ako. Galit na galit pa ako kay Phoenix noong mga oras na 'yon but I had no other choice but to trust him. Good to know na hindi niya sinira ang pangako niya sa akin.
Kasalukuyan akong nakaupo sa kwarto kung saan kami nagkikita-kita habang inaalala ko lahat ng nangyari dati. Sinabi ko kay Julez ang totoo noong nahanap ko siya kaya hindi na siya pumayag na bumalik pa kami dahil alam niyang mangyayari ang lahat ng 'to. Alam niyang pare-pareho kaming masasaktan sa mga mangyayari.
Alam kong masasaktan ko si Syden at ang grupo pero tama si Phoenix...ngayon ko lang naiintindihan ang lahat kung bakit kailangang ako pa ang gumawa nito. Sobrang sakit isipin na lahat sila, galit at wala ng tiwala sa akin but I chose to do it anyways. Ang mahalaga, mailigtas ko silang lahat at sisiguraduhin kong makalalabas sila ng buhay sa impyernong 'to.
"Ready?" napatingin ako kay Finn na binuksan ang pintuan at halatang hinihintay ako, "Is everything ready?" pabalik kong tanong.
"Everyone is. Ikaw na lang ang hindi."
"Then let's end this." hindi na ako nagdalawang-isip na tumayo at lumabas. Katulad ng inaasahan, nadatnan ko ang mga member ni Fortune na hinihintay na rin kami, "Listen dark eagle, sumunod kayo sa plano and this time...no mistakes. Everything must be done perfectly. Understand?" iniyuko naman nila ang ulo nila kaya alam kong nakuha nila ang ibig kong sabihin. Nilagpasan ko na sila kaya sumunod sila sa akin.
Matatapos din ang lahat ng 'to.
Isang bagay lang ang naiisip ko habang naglalakad kami, ang mailabas ko silang lahat dito...hanggang sa hindi kalayuan ay natatanaw ko na ang kwarto kung nasaan si Savannah lalo na't may mga nakabantay pa rin doon kaya tumigil kami sa isang sulok at hinarapan ko sila. Napatingin ako sa suot kong relo dahil ito ang mahalaga sa mga oras na 'to, "We still have 15 minutes bago pasabugin ni Myrtle ang game room. Paniguradong magkakagulo at kagaya ng nasa plano, doon niyo pa lang ako tutulungan."
"Be careful." napatingin ako kay Finn at tumango ako, "Same with you." pahayag ko na tinalikuran na silang lahat para puntahan si Savannah.
Pagkalapit ko doon ay pinagbuksan naman ako ng pintuan ng mga miyembro niya. Natagpuan ko siyang nakaupo sa gitna. Ang inuupuan niya, it looks like a couch. Hindi rin naman kalakihan ang kwarto at may dalawang lalaking nakabantay sa magkabilang-gilid nito, "Where the hell have you been?" iritang tanong niya na halatang hinihintay ako that's why I had to put this disgusting act again.
Umupo ako sa tabi niya and wrapped my arm around her waist. Isang hawak ko lang, tila nakakalimot na siya kaya sumilay ang ngiti sa mga labi niya, "I'm sorry, I had to make sure na walang makakaalam sa nangyari kay Oliver. I already disposed him." pahayag ko na mas ikinangiti pa niya. Siguradong walang makakaalam na buhay pa siya.
"It's okay. Alam ko naman na ginawa mo 'yon para sa akin. Thank you." saad niya na muli nanaman akong hinalikan kaya kahit diring-diri ako, nakikisabay na lang ako dahil kailangan. Walang araw na hindi ako nandiri sa bawat halik at hawak niya sa akin.
Nang lumayo siya sa akin, unti-unting naglalaho ang mga ngiti niya and I had to show concern, "Is there something bothering you?" tanong ko kaya ngumiti siya ng masama.
"Gumagalaw ang ilang miyembro ng dark eagle nang hindi ko nalalaman. Tell me..." at diretso kaming nagkatitigan, "Ikaw ba ang may pakana nito?" ang presidente ang kumokontrol sa kanila. Fortune is the leader of the second group.
"No. Why would I do something na hindi mo magugustuhan? And what do you mean by that?"
"I see..." tumango siya at muling nagsalita, "Alam kong hindi mo naman magagawa 'yon sa akin cause you love me right? Some of the members are doing something without my permission. Gumagalaw sila ng hindi ko alam. Soon, they will surely going to attack me at hindi ko alam kung sino ang nasa likod nito." pahayag niya kaya may kung anong tuwa akong naramdaman na hindi ko ipinakita.
"If you are uncertain about it, why don't you ask for Mr. Wilford's assistance?" gagawin ko ang lahat para lang malaman ang tinatago niya. Napatingin siya sa akin at natigilan, "Why do you even have to bring up that matter?" nagtatakang tanong niya.
"Why? I thought siya ang may hawak ng dark eagle? Hindi niya ba tayo matutulungan? Especially you? I will do anything for you pero ayaw ko rin na may mangyaring masama sa'yo. I am just concern about you, Savannah." kung kinakailangan kong umiyak, gagawin ko para lang mapaniwala siya kaya hinawakan ko ang isang kamay nito and had to show sympathy.
"Are you really that afraid to lose me?" dahan-dahan niyang hinawakan ang isang pisngi ko.
"I can't lose you." I really can't lose Bliss Syden.
"So please, save yourself and let me handle this." pakiusap ko sa kanya. Kayang-kaya ko siyang patayin ngayon kung wala lang sanang nakabantay sa kanya at kung hindi ko lang kailangang malaman kung nasaan ang kwartong itinatago niya. Magaling ang mga dark eagle at kapag pinatay ko si Savannah ngayon, ako ang titirahin nilang lahat at mahihirapan akong kalabanin sila.
"I can't promise dahil hindi ko alam kung sino ang kumakalaban sa atin, Dean. Sylvester is already dead. I don't even know kung anong gagawing hakbang ni Fortune dito. Ang tagal na rin niyang hindi nagpapakita sa akin."
"Don't worry, just wait for them at sigurado akong may plano na sila. They will surely help you." They really have a plan against you.
"I'm really sure na may aatake sa atin ngayon pero hindi ko alam kung sino." saad nito na nag-iisip ng malalim kaya patago akong napangisi. It's time.
Napatayo kami ng makarinig kami ng mga pagsabog...mula sa building na 'to at sa iba pang building. Nakarinig rin kami ng mga ingay sa labas kaya biglang lumabas si Savannah at nakita niya ang mga nagsisitakbuhan at nagsisigawang mga estudyante. Nang makita siya ng mga miyembro niya ay nilapitan nila siya, "Where are they going?" natatarantang tanong niya na ikinailing ng isang miyembro nito, "We still have no idea what happened-- "
"Ano pang ginagawa niyo dito?! Find out what's happening!" sigaw nito sa kanila kaya sabay-sabay silang napayuko bago sila nagsialisan. Muli akong napangiti ng masama nang makita kong umalis lahat sila. Isinara ni Savannah ang pintuan at muling lumapit sa akin, "Stay here, okay?" tumayo ako at tinalikuran siya pero pinigilan niya ako, "Wait! Please, don't leave me." pakiusap niya sa akin. Wait! Is she afraid? For the first time?
"But I have to. Hindi pwedeng nakaupo lang ako dito kung nagkakagulo na-- "
"No! I'll be the one to find out what's really happening, Dean. Ako dapat ang makakita kung anong nangyayari. But I need to show you something first. Can I trust you?" pahayag niya kaya nakaramdam ako ng tuwa at hinarapan siya. Kitang-kita ko ang nangungusap niyang mga mata. Katulad ng sinabi ng presidente, Savannah wants to witness things bago siya magsabi kay Mr. Wilford kaya siguradong hindi niya hahayaang ako ang umalam sa kung ano man ang nangyayari.
"Of course. What is it?"
Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako doon, "Come with me." naglakad siya papalabas kaya napasunod ako sa kanya. Sumalubong naman sa amin ang mga miyembro niya na halos kakarating lang.
Napatingin naman ako sa lugar kung saan ko iniwan sina Phoenix at nakita kong naghihintay pa rin sila. Patago akong tumango para sabihin sa kanila na sundan kami, "Follow us." sambit ni Savannah kaya sumunod ang mga miyembro niya sa amin.
Habang naglalakad kami, rinig na rinig namin ang sigawan ng mga estudyante at paniguradong nakalabas na ng building ang iba. Pag-akyat namin, pumasok kami sa library at pumunta sa bandang dulo kung nasaan ang records' office. Lumapit siya sa isang book shelf na nasa kaliwa at pumunta sa dulo noon, "Help me." saad niya na ipinagtaka ko, "What?"
"Just help me." lumapit naman ako doon at nakita ko siyang hinihihila ang book shelf kaya tinulungan ko na siya. Patago akong napangiti nang mapag-alam kong dito niya pala itinatago ang kwarto na sinasabi nila. Nang mahila namin ng tuluyan ang book shelf, nakita ko ang isang pintuan. Dito pala nakatago ang kwarto na hinahanap ni Fortune?
May kinuha siyang susi sa bulsa niya at mabilis 'yong binuksan para pumasok. Bago ako sumunod sa kanya sa loob ay napatingin ako sa library na kitang-kita pa rin dito sa loob. Nakabantay pa rin sa amin ang mga miyembro niya at sigurado akong nasa labas na rin sina Phoenix kaya pumasok na ako sa loob. Biglang sumindi ang ilaw kaya tinignan ko ang paligid.
Hindi kalakihan ang kwarto at walang kagamit-gamit bukod sa nag-iisang lamesa na nasa gitna. May isang bagay rin na nakapatong doon na hindi ko maipaliwanag kung ano. This room is also bulletproof. Napatingin ako sa pintuan ng kusa itong nagsara at tumunog. May umilaw na kulay pula sa gitna nito, "It's a timer." saad ni Savannah na nakatayo sa harap ng lamesa kaya napatingin ako sa kanya.
"Kapag binubuksan ang pintuan na 'yan, the timer will start automatically. Naka-oras lang ang pagpasok natin dito."
"And if it stops?" tanong ko, "It won't open until 2 hours so before 30 minutes end, we need to go out."
"So we need to wait for 2 hours para makalabas kung sakaling abutin tayo ng 30 minutes?" tanong ko na ikinatango niya, "Yes even though I have the key. The timer will stop after 30 minutes so we still have 28 minutes left or else maghihintay tayo ng dalawang oras bago tayo makalabas." tinignan niya ang relo niya bago ibinalik ang tingin sa akin. Napatingin naman ako sa kaisa-isang bagay na nakapatong sa lamesa na nasa harapan niya.
"What is that?" tanong ko kaya napatingin siya doon, "It's a hologram. It connects me and Mr. Wilford." so ang bagay na 'to ang kailangan kong sirain?
"What will happen if it would be destroyed?" tanong ko kaya tinignan niya ako, "Then everything is ruined. It connects everything from inside and outside of this campus that's why Mr. Wilford could monitor what's really happening here. I'll be needing to communicate with him right now dahil hindi ko alam kung ano na talagang nangyayari." saad niya na pinindot 'yon kaya biglang lumitaw sa harapan namin ang isang imahe. It's the image of the whole Heaven's Ward High including Curse Academy. Tila isa itong mapa.
"I need to talk to Mr. Wilford." sambit niya na tila may hinihintay pero walang lumilitaw kundi ang mapa pa rin ng buong campus, "Again, please contact Mr. Wilford." saad nito ngunit wala pa ring nangyayari. I don't even know when's the right time to destroy that thing pero kailangan ko ng maunahan si Savannah bago niya pa makausap si Mr. Wilford, "Sh*t! Bakit ba hindi siya sumasagot?" saad pa niya na natataranta na hanggang sa mapatingin kami sa labas ng makarinig kami ng ingay na tila may nangyayaring gulo.
So Phoenix already attacked them? Napatingin ako kay Savannah nang hawakan niya ang braso ko, "Please contact Mr. Wilford for me." pakiusap niya na tinalikuran ako at aktong lalabas siya ay pinigilan ko siya. It's time.
"What do you want me to say?" kalmado kong tanong dahil alam kong hindi na siya makakalabas pa ng buhay sa kwartong 'to, "Tell him na nagkakagulo na dito. We need back-ups from the outside. I'll be right back." aktong bubuksan niya ang pintuan ng pigilan ko ulit siya, "No, you can't go out."
"I know you are concern, pero kailangan kong alamin ang nangyayari." at tinalikuran niya ako kaya humigpit na ang pagkakahawak ko sa braso niya at marahas siyang iniharap sa akin, "And who said that I am really concern, Savannah?" sarkastikong tanong ko na ngumiti ng masama.
"Because I know that you love me."
"As far as I know, it's only Bliss Syden whom I really loved." nanlaki ang mata niya at natigilan dahil sa sinabi ko, "N-no! M-makinig ka sa akin! Ako ang mahal mo! Pinaglalaruan ka lang ng babaeng 'yon, Dean-- " hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko gamit ang dalawa niyang kamay at alam kong desperada nanaman siya.
"Enough!" sigaw ko at hindi na napigilan ang galit na nararamdaman ko dahil sa lahat ng ginawa niya, "Do you really think I would love someone like you?! Ang akala mo ba hindi ko alam na pinapaikot mo ako?! Come on, I know everything, Savannah!"
"N-nooo!! You're lying! Imposibleng alam mo ang lahat! I did everything to make you believe me! I did everything to make you mine!"
Mahigpit kong hinawakan ang buhok nito at itinulak sa pader para tapatan ng kutsilyo ang leeg niya, "And we also did everything to make you believe all of this." sarkastikong saad ko na muli niyang ikinagulat, "We?"
"Ang akala mo ba napapaikot mo ako? Well, you were wrong...because all this time, ikaw ang pinapaikot namin."
"That's not true! No one can do this to me!"
"But we already did it! We planned everything, Savannah. Your president is really clever." at natawa ako.
"K-kasabwat mo si Fortune dito?!" hindi makapaniwalang tanong niya, "Of course. She planned everything."
"That traitor!" galit na saad nito na hindi naman makagalaw dahil nakatutok pa rin sa kanya ang hawak kong kutsilyo, "No. She's not a traitor, she's just doing her job as the president."
"Makakarating kay Mr. Wilford ang lahat ng 'to and I'm sure that he will do everything to kill all of you! Manloloko ka!!!" nilapitan ko pa siya lalo, "You were the one who deceived all of us! Alam ko lahat ng ginawa mo sa girlfriend ko at sa grupo ko! At hindi ko palalampasin ang lahat ng 'yon, Savannah." masama kong saad dito.
"So you knew that I poisoned your girlfriend?" at ngumiti siya ng masama na mas ikinagalit ko pa, "And that she will no longer live?" mas itinutok ko pa sa kanya ang kutsilyo ng sabihin niya 'yon, "The poison is now taking effect on her. It's okay if I will lose you as long as you will lose her too-- " natigilan siya ng mas higpitan ko pa ang pagkakahawak sa buhok niya na alam kong nasasaktan na siya, "Hindi ako nananakit ng babae...unless I really have to."
"Accept the fact that you will no longer live together, Dean Carson. If you only you had given me a chance, kaya kong ibigay sa'yo lahat ng kaya niyang ibigay and we no longer have to act like this. We could be a happy couple."
"Happy couple? Sa bawat oras na kasama kita, nasusuka ako but I had no choice but to act wisely though it was all disgusting."
"So this is your plan? To make me believe that you've finally fallen in love with me?"
"You're wrong because you forced me to fall for you by making me believe na pinapagaling mo ako when in fact nilalason mo na ang isip ko. Thanks to your president because your plan didn't work." muli akong ngumiti ng masama.
"So it was the president who have been controlling the other group against me?"
"Kung hindi ka lang sana tapat kay Augustus, then you don't have to go through this."
Aaminin kong mahirap kalabanin si Savannah dahil sa tagal na nakasama ko siya, nakita ko ang bawat kilos at galaw niya. Mahirap siyang kalabanin pero dahil din sa pakikisama ko sa kanya, I managed to memorize her every move at madali na lang para sa akin ngayon na patumbahin siya. Ito ang isa sa mga rason kung bakit gusto ni Fortune na kunin ko ang tiwala niya, para mapanood ko ang bawat galaw niya. Sa ganitong paraan, hindi ako mahihirapan na patahimikin siya.
In fact, she's really better in fighting than me.
Sinamaan niya ako ng tingin at bigla akong naitulak para tumakbo papalabas kaya mabilis ko rin siyang hinabol at kagaya ng nasa isip ko, pagkaharap niya sa akin ay may kinapkap ito sa bulsa niya. Nakita niyang ngumiti ako ng masama kaya napatingin siya sa bulsa niya na walang laman kaya ibinalik niya ang tingin sa akin, "Looking for this?" itinaas ko ang isa ko pang kamay na ngayon ay hawak ang kutsilyo niya. I took it earlier habang nag-uusap kami na hindi niya namalayan.
End of part 1...