♡ Roxanne's POV ♡
"Nakakapagtaka lang, dati galit na galit ka kay Syden na halos patayin niyo na siya ni Clyde tapos ngayon concern ka sa kanya? Sabihin mo nga sa akin Roxy, totoo ba ang pinapakita niyo ni Clyde o nagkukunwari lang kayo?"
Inikot ko na lang ang mata ko dahil sa tanong ng babaeng 'to. Tsk! Eto namang si Gwen kung makatanong as if I am not her leader. Well, whatsoever I just need to answer her 'so-called' concern question.
Habang naglalakad kami sa hallway, hinarapan ko siya kaya natigilan kaming pareho sa paglalakad at napatingin siya sa akin. Well, she's so beautiful kanino pa naman magmamana kung hindi sa akin.
"Believe it or not Gwendolyn, I and Clyde are really concern. Past is past at bumabawi lang kami ni Clyde kay Dean dahil kami naman talaga ang nag-umpisa ng gulo. Remember that the three of us were bestfriends, rights? We're trying to build up that relationship again kay Dean. One thing, nakita naman namin ni Clyde na sincere sila sa isa't-isa so we'll just support them. Bumabawi lang kami okay, you get it?" I said.
(sighed)
Why do I even need to explain my actions to her?
"So wala kayong masamang balak laban sa kanila?" she still have doubts about it. Whatever!
"What do you think?" I asked at diretso lang kaming nakatingin sa isa't-isa. Looks like Gwendolyn is trying to read my mind kaya nanliliit pa ang mga mata nitong nakatingin sa akin habang hinihintay ko lang ang sagot niya.
Napatingin na lang kaming pareho sa tabi namin ng mapansin naming may isang lalaking lumapit sa amin and seems like he's familiar.
"Can we talk?" tanong ng lalaking 'yon kay Gwen kaya napangiti ako. Looks like there's really something between the two of them. It's Sean Raven after all.
Halata namang nabigla si Gwen sa biglaang pagsulpot ng lalaking 'to. I guess I should give them some privacy. Baka makasira pa ako sa mala-romantikong pag-uusapan nila.
"Well, I guess I should leave now. Bye, my dear Gwen" I said na kinawayan ko pa kaya napatingin siya sa akin at tila naputulan ng dila ang babaeng 'yon. Nakita lang naman niya si Sean Raven, tsk! Can't she just tell the truth about her feelings?
I started to walk again across the hallway at naisipang puntahan na lang si Clyde. Nakakapagtaka lang kung bakit walang katao-tao sa hallway at napaka-tahimik. Well, kailangan ko na sigurong masanay sa ganitong surroundings. Nevermind!
Habang naglalakad ako, I ended up seeing the room number 11. Nanliit ang mga mata ko at natigilan sa paglalakad dahil doon. That is the room where Savannah stays. Hindi ko pa man nakikita ang itsura niya, kumukulo na ang dugo ko.
I started to walk again while having this heavy feeling. Bago ko pa man malagpasan ang room 11, biglang bumukas ito kaya natigilan ako sa paglalakad lalo na ng makita ko kung sino ang nagbukas ng pintuan.
"Look who's here?" I said na masamang tinitignan ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Masama itong ngumiti habang diretso kaming nakatingin ng masama sa isa't-isa. Sinara nito ang pintuan habang nakatingin pa rin sa akin.
"It's nice to see you again, Ms. Roxanne Vergara" sambit nito habang nakangiti ng masama. What's up with this girl? Whatsoever mas maganda naman ako sa kanya!
"Never ever call my name, Savannah. It makes me want to vomit. Greatly disgusting and so irritating!"
"Fine, then. So what are you doing here?" she asked. Is she really that concern? Ang sarap niyang itapon! If only I could do that, I won't hesitate!
"Do I need to explain it? I was about to surprise my precious Clyde but you have just came in my way. Should I thank you?"
"Should I feel sorry about it?" she said kaya't mas lalo pa akong nairita sa kanya.
"Second guard of the student council officer? Do you think you really deserve that kind of position?" tumigil ako sa pagsasalita at tinignan siya from head to toe, "You don't even fit to be one. Ano kayang pumasok sa isip ni Mr. Wilford to choose someone like you? Baka ikaw pa ang ikasira ng plano niya laban sa amin" I sarcastically asked at pinagtaasan siya ng kilay.
"Don't ever underestimate Mr. Wilford. Hindi mo alam kung anong klasi ng pag-iisip ang meron siya. He has this kind of mentality which makes him more genuine than others"
"I don't really care much about him. But let me tell you something" mas lalo ko pa itong nilapitan at nagkibit-balikat, "Whatever your plan is about Dean Carson and Bliss Syden, itigil muna. I'm giving you a warning" saad ko ngunit natawa lang siya.
"Is that a threat? Kung ganon, I am not afraid"
"That's not a threat. It's a command. Hindi mo alam kung anong kayang gawin ng Blood Rebels para sa kanilang dalawa" I said using an authoritative voice which made her totally frozen for a minute.
Tumalikod na ako para iwanan siya dahil hindi ko na kakayanin pang makipag-sagutan because I might unexpectedly kill her right now infront of me.
"Have you ever heard of the group Dark Eagle Society?" tanong nito kaya natigilan ako sa paglalakad at napaharap sa kanya. Ngayon, nakasandal naman siya sa pader.
"No. Why are you opening up that matter? If it has something to do with you, I don't care then"
Tinalikuran ko na siya at muling naglakad. Hindi ko na siya masikmura. Pagkaliko ko ay nagulat ako ng makita ko si Clyde na mukhang may hinahanap rin, "Thank god I finally found you Owen Clyde. Saan ka ba kasi pumunta?" saad ko dito.
"Ikaw pa talaga ang galit? Baka nakakalimutan mo, ikaw ang humiwalay kanina ng magkasama tayo" he said kaya napatingin ako sa ibang direksyon. He's right, ako nga pala ang humiwalay. Such a shame.
"Oh I forgot. So, it means kanina mo pa ako hinahanap?" tanong ko sa kanya na hinihingal at pawis na pawis. I made my babe tired.
"Isn't it obvious? Sa susunod kasi sabihan mo ako, kala ko napano ka na!" he said angrily kaya napangiti ako na ipinagtaka niya.
"Huwag mo akong nginingitian ng ganyan!"
"So you're concern?" tanong ko habang nakangiti pa rin.
"What do you expect? Nahihibang ka na ba?" iritang tanong nito kaya't mas lalo pa akong natutuwa. No one ever noticed kung gaano kaboring ang relasyon naming dalawa. But you know what? Kahit mukhang boring ang relasyon, we never thought of breaking up. Lately, nagiging sweet naman 'tong si Clyde kaya kahit paano nakakatuwang isipin. Looking at him while reprimanding me, I can't tell kung gaano kalaking kawalan sa akin kapag nawala siya. Sobrang mahal ko siya at alam kong mahal din niya ako but I don't know if he feels that much about me.
"Hey, I'm talking to you!" tila sasabog na ang tainga ko ng marinig ko ang pagsigaw niya.
"Ano bang problema mo?!" hindi ko rin naman inaasahan na masisigawan ko siya.
"Problema ko?! Lately, palagi kang lutang. Kanina iniwan mo ako. Tapos ngayon hindi ka nakikinig sa akin. Sabihin mo nga sa akin Roxanne. Is there something bothering you?!" tanong nito kaya ilang segundo ko muna siyang tinignan at napabuntong-hininga ako.
"Nothing. Masama bang isipin kung gaano kita kamahal?"
Those words suddenly came out of my mouth. Minsan ko lang 'to sinabi sa kanya. All along, wala naman talagang nagmahal sa akin ng totoo bukod sa kanilang dalawa ni Dean. But I kept on hurting them both in the end. Silang dalawa lang ang nagmahal sa akin kaya siguro pareho ko silang ginamit para sa pansariling kagustuhan ko. Right now, I'm sure of it. I love him. My Owen Clyde.
Natigilan siya sa sinabi ko at parang nawala ang galit niya. Hinawakan niya ang magkabilang-balikat ko kaya diretso kaming nakatingin sa isa't-isa and he just sighed, "Is that it?" he asked and I nodded.
"Sorry. Nag-alala lang naman ako. I love you too, Roxanne. More than you know" he said and I smiled. I can't help but to hug him. Namiss ko siya, so much. I also felt his tight hug kaya mas napangiti ako.
"Let's go?" tanong nito na tinignan ako so I asked him.
"Saan?"
"To our members" sabi niya kaya tumango na lang ako. Bakit pa ba ako mag-iinarte dba? Ibinaba nito ang dalawa niyang kamay na nakahawak sa balikat ko at hinawakan ng isa niyang kamay ang kamay ko at pareho kaming ngumiti.
Naglakad na kami sa napakatahimik na hallway at may mga iilan pa rin namang mga dumadaan na minsan ay umaatras dahil sa presensya namin. What can we do if all of them are afraid? Sanay na kami sa ganitong sitwasyon.
Pagka-akyat namin sa hagdanan, natanaw na namin kung nasaan ang mga members ko at members niya dahil ang iba ay nasa labas at nag-uusap. Nang makita nila kami ay pumasok sila isang classroom na mismong nasa tapat nila. Pagkadating namin ni Clyde doon ay akmang bubuksan niya ang pintuan pero mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kamay niya at hinila ko siya kaya napaharap siya sa akin.
"May problema ba?" tanong niya.
Binitawan ko ang kamay niya at sumandal sa pader. Nagkibit-balikat ako at muli siyang tinignan na nagtataka naman sa ikinikilos ko at halatang naghihintay na magsalita ako, "I need to tell you something" I said kaya't nagsalubong ang kilay niya.
"What is it?"
Tinignan ko ang paligid para siguraduhin muna na walang makakarinig sa pag-uusapan namin tapos hinarapan ko siya, "It's about those two. Bliss Syden and Dean"
"What about them?" napansin kong nag-uumpisa na ring ma-curious si Clyde sa sinasabi ko but I won't think twice to open up this matter. Should we tell Dean or not?
"Pumunta kami kanina ni Gwen sa kwarto ni Syden and it turned out na galing doon si Fin, I mean Phoenix Vernon. He did something terrible na natitiyak kong hindi gugustuhing marinig ni Dean"
"What did he do?" he asked with curiosity.
Hindi muna ako nagsalita ng ilang segundo thinking kung anong magiging reaksyon ni Clyde kapag narinig niya 'to, "Syden told me that he kissed her- but of course, she got mad. I can't blame her dahil hindi niya rin naman ginusto ang nangyari"
"How can you be so sure na hindi nga niya ginusto 'yon?"
"Come on, Clyde. You, yourself know kung gaano sila katapat sa isa't-isa. Bliss Syden can't do such thing as well as Dean Carson. Alam natin kung anong pwedeng mangyari kapag nalaman ni Dean ang tungkol dito, that's why Syden asked me not to tell anyone, especially her boyfriend. Pero kapag hindi nalaman ni Dean 'to, won't things get worse? Should we tell him or not?"
"Things must happen the way they should happen. Let's not interfere, Roxanne" he calmy said kaya nagtaka ako.
"Pero hindi ba mas magandang sabihin natin? What if balikan ulit ng lalaking 'yon si Syden and worse makita ni Dean?"
"Bakit tayo ang magsasabi? It should be Bliss Syden who must tell him what happened. If they trully love each other, they will tell the truth no matter how hard and thinking na may masasaktan. Sa ngayon, hindi natin alam kung sino talaga ang kalaban. This is a challenge for them lalo na't hindi natin alam kung sino si Phoenix Vernon at Savannah sa buhay nilang dalawa. Let the two of them handle the situation"
Napabuntong-hininga na lang ako. He's right. He has a point after all. Clyde and Dean Carson somehow have the same kind of mentality, mas angat lang ng konti si Dean sa kanya. We should just let things be and go with the flow.
"Fine. We'll just keep quiet"
"Kapag kailangan na kailangan na nila ng tulong, it's time to dig in with the situation" dagdag pa niya kaya tumango na lang ako.
Unknown enemies, huh?
Hinawakan niya ulit ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa classroom.
I trully want to save Clyde. Could he be the last man standing?
To be continued...