webnovel

SOON TO BE DELETED 3

--- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart --- Date started: November 4,2019 Date finished: June 13,2020

3IE · Teen
Not enough ratings
97 Chs

♥♡ CHAPTER 5 ♡♥

Warning: errors ahead...

♡ Syden's POV ♡

Kinuha ko sa bulsa ko ang susi ng kwarto ko habang papalapit sa pintuan. Pagpasok ko, inihagis ko sa may lamesa ang susi. Pagabi na rin kasi at pagkatapos naming mag-usap ni muffin kanina sa classroom na 'yon, napag-usapan namin na doon ako matutulog sa kwarto niya.

Hindi naman bawal ang ganon dito pero pinag-usapan kasi dati na dapat magkahiwalay ang kwarto ng mga babae sa mga lalaki pero minsan pwede din naman na magpalipat-lipat ng kwarto basta huwag lang daw naming ugaliin na gawin 'yon ng madalas.

Kaya ngayon, magpapalit lang ako ng damit pantulog tapos pupunta na ako sa kwarto niya para doon matulog. Ang saya ko nga eh, buti na lang at pumayag siya. Madalas ko nga siyang pakiusapan na kung pwede twice or three times a month akong matulog sa kwarto niya o kaya naman dito siya matulog sa kwarto ko pero ayaw niya dahil kahit paano ay nirerespeto niya pa rin naman daw ang privacy ko bilang isang babae kaya ayon, hindi ko alam kung maiinis ba ako o kikiligin kapag sinasabi niya 'yon pero at least naman napapayag ko siya ngayon kaya eto, excited ako. 

(/^▽^)/

Dumiretso agad ako sa cabinet para kumuha ng damit. Gusto ko sanang suotin yung ginagamit kong damit pantulog kaso manipis 'yon, paniguradong papagalitan at pagbabawalan niya ako, masungit pa naman 'yon kaya naisip ko na huwag na lang. Daig pa naman niya ang babae sa kasungitan niya.

( •́  •̀ )

Kumuha na lang ako ng simpleng t-shirt at yung jogging pants namin sa Heaven's Ward High ang pambaba para naman maayos pa rin tignan sa paningin niya kahit na matutulog lang naman kami. Pagkatapos kong kunin 'yon ay kinuha ko ang twalya ko na nakapatong sa may upuan at dumiretso sa cr para maghilamos na. 

....

Pagkatapos kong maghilamos ay ipinatong ko ulit sa upuan yung twalya ko at umupo ako para magsuklay. Habang nagsusuklay ako at nakatingin sa salamin, sandali akong napatigil at diretsong napatingin sa sarili ko dahil naalala ko lahat ng sinabi niya sa akin kanina lang tungkol sa kung paano siya nakapasok sa lugar na 'to.

It must have been hurt, my Dean Carson. Knowing na yung mismong pamilya niya ang nagpadala sa kanya dito sa lugar na 'to just because he knew what's the truth and that truth pushed him here, in this place, in hell. 

Oo, sinabi niya sa akin ang totoo kahit na alam kong nahihirapan siyang iungkat ang nakaraan.

Anong klasing pamilya sila?!

He told me the truth at sa akin niya lang daw sinabi 'yon. I thought na-frame up lang din siya pero mali pala ako.

He told me about Schulz family's illegal businesses at dahil nalaman niya ang totoo, hindi siya pumayag sa alok ng ama at mga kapatid niyang lalaki na sumali sa illegal businesses nila kaya't ipinatapon siya dito. Paano magagawa ng isang magulang na ipadala sa ganitong klasing lugar ang sarili niyang anak?

Tinitingala ng lahat ang pamilya niya but after what he told me, hindi ako makapaniwala pero sa kanya mismo nanggaling, alam kong totoo ang sinasabi niya. He even told me na wala pang nakakaalam bukod sa akin kung paano siya napunta dito dahil wala siyang pinagsabihan. Ang pinakahuling sinabi niya sa akin, he witnessed many people being tortured and slowly suffering kaya't tinulungan niya sila and those people are his members now. Obviously Blood Rebels kaya siguro ganon sila ka-loyal sa kanya.

But I knew for a fact na may kulang sa mga sinabi niya. Parang mayroon siyang hindi sinabi sa akin, looks like he's hiding something at hindi pa talaga 'yon ang kabuuan ng kwento niya. Pero alam ko naman na hindi niya sinabi sa akin ang lahat dahil may dahilan siya and I just need to respect it.

I can't force him to tell me something dahil alam kong lahat ng ginagawa niya, may dahilan. My man is not just a typical man, he's so mysterious which makes me more attach to him. Hindi ang katulad niyang lalaki ang mga nagugustuhan ko but I unexpectedly fell in love without even realizing it. Alam kong ibang-iba siya kay Blake at siya ang pinaka-kakaibang lalaki na nakilala ko. He's willing to sacrifice anything and everything just for me.

 

Kinatatakutan siya ng lahat because of what he did back then sa mga taong nagpahirap sa kanya. I can't blame him if that event turned him even worse. Nagkaganito siya ngayon dahil sa mga karanasan niya. No one saved him at walang tumabi sa kanya noong mga oras na kailangan niya ng tulong. I know he really needs someone to be by his side all the time and I am willing to be that one...until my last breath. I fell in love and slowly falling deeper for him. I'm willing to accept all of his flaws kahit gaano man kasama o kahit mali man, basta ang mahalaga mahal ko siya at mahal niya ako. 

Sandali akong bumalik sa normal at napansing natulala na pala ako habang nakatingin sa sarili ko dahil naalala ko lahat ng ikinwento niya sa akin kanina. Tinignan ko ang orasan at 9:11 pm na. Ang usapan kasi dapat before 9:30 nandoon na ako sa kwarto niya, kung wala pa daw ako ng ganoong oras, susunduin niya raw ako kaya tumayo na ako para lumabas ng kwarto.

Alam naman nating masyadong nag-aalala sa akin 'yon (。-_-。)

Inilapag ko sa lamesa sa harap ko ang hawak kong suklay at muling kinuha ang susi ng kwarto ko na nakapatong rin doon. Tumayo na ako para patayin ang ilaw at binuksan ko ang pintuan para makalabas na ako. 

Bigla na lang akong natigilan ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko. What the hell is he doing here ng ganitong oras? Gumawa ito ng ilang hakbang papunta sa akin kaya't napaatras ako habang nakatingin kami sa isa't-isa at tuluyan ng magdilim ang paligid ng isara niya ang pintuan.

Naramdaman kong nanginginig ang kamay ko ng makita kong masama itong ngumiti kaya't kinapa ko ang kutsilyo ko na nasa bulsa ko para kung sakaling lusubin niya ako ay madedepensahan ko ang sarili ko. 

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at pinipigilan kong kabahan para malabanan ko siya ng maayos habang patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin at ako naman ay umaatras. 

Natigilan ito sa paglalakad, "Is it bad for the student council first guard to check the student in the middle of the night?" saad nito. Sa ngayon hindi ko alam kung may hawak ba siyang armas o ano dahil madilim bunga ng pagpatay ko kanina sa ilaw. 

"You are one of the officers yet you don't know the rules. Alam mo bang bawal na basta-basta ka na lang pumapasok sa kwarto ng mga estudyante?" saad ko at alam kong napangiti pa siya ng masama sa sinabi ko. 

"I know" maiksing sambit niya.

"Then I will complain you para alam mo ang limitasyon mo-  "

"For sure you won't do that, Bliss Syden" pangharang niya sa pagsasalita ko kaya napangiti na rin ako ng masama. 

"I can do that- " muli niya akong hinarangan sa pagsasalita kaya't natigilan nanaman ako.

"Sigurado naman akong magugustuhan mo ang  gagawin ko, so no need to complain- " this time, siya naman ang hindi ko pinatapos.

"I can do that right no- " natigilan ako sa pagsasalita ng bigla niya akong hilain at naramdaman ko ang desperadong paghalik nito sa akin kaya't nabigla ako. Agad ko siyang itinulak at sinampal ng malakas dahil sa ginawa niya, "WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING, PHOENIX VERNON?!" sigaw ko dito.

I SWEAR, I'M GONNA KILL HIM!

Nakita kong napahawak siya sa pisngi niya at muli niya akong tinignan, "I'm just trying to steal Dean Carson's girl- " saad nito.

"That won't happen. Itaga mo sa bato, no one can tear us apart kaya tigilan mo na ako!" galit kong sabi sa kanya. 

"Fine, titigilan lang kita kapag sinabi mo sa kanya ang ginawa ko sa 'yo ngayon" saad nito na halatang natutuwa at tine-threaten ako na nakapag-patahimik sa akin. I can't just tell him that this guy kissed me. For sure magagalit siya sa lalaking 'to and I don't care but what's the matter there, baka magalit din siya sa akin. 

"What? Hindi ka makasagot?" sarcastic na tanong nito pero diretso lang akong nakatingin sa kanya. What shall I do?

Ano bang gusto niyang sabihin ko?! D*mn!

"Ano bang gusto mo?" tanong ko.

"Simple lang. Ikaw" sagot niya kaya matapang kong tinignan ito. 

"Wala akong oras na makipaglokohan sa'yo, umalis ka na" saad ko dito na nakangiti pa rin ng masama kaya binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin.

"What if I don't?"

"Don't drag me to my limit, Finn! Hindi mo alam ang kaya kong gawin. Lumayas ka na dito!" galit kong hinawakan ang kamay niya para hilain siya papalabas ng kwarto ko.

Nang buksan ko ang pintuan ng kwarto ko, natigilan at nanigas ng makita ko kung sinong nasa harapan ko. Bakit ngayon pa? Nakita kong nabigla rin silang dalawa at hindi makapaniwala sa nakikita nila lalo na't napatingin sila sa kamay kong nakahawak sa kanya kaya't binitawan ko rin agad ang kamay niya at hindi ko alam kung paano ako magsasalita.

I really hate this guy!!

"Good evening, ladies. I shall take my leave now" saad nito kaya masama ko siyang tinignan habang nakangiti pa rin ito ng masama sa akin. Pagkalabas niya ay bigla namang nagsalita si Roxanne, "Dean needs to know about thi- " tatalikod na sana siya pero hinila ko silang dalawa ni Leigh papasok sa kwarto. Tinignan ko kung may nakakita ba sa amin o may nakarinig kay Roxanne pero wala namang tao kaya kahit paano ay gumaan ang loob ko.

Sinara ko agad ang pintuan at humarap sa kanila na ngayon ay nakatayo sa harapan ko, "Lights off? In your room with that guy?" hindi makapaniwalang tanong ni Roxanne.

Kaya binuksan ko ang ilaw at hindi ko alam kung paano ako magsisimula, "Nahihibang ka na ba? Anong ginawa ng lalaking 'yon sa kwarto mo?" dagdag pa niya.

"It's not what you think. Biglaan siyang pumunta dito at pumasok sa kwarto ko. I didn't know na may plano siyang iba" saad ko.

"Anong plano?" tanong ni Leigh.

"You can't tell anyone about this" -S

"What is it?" -R

Umupo ako sa may kama at sinundan lang nila ako ng tingin, "He kissed me- pero hindi ko ginusto 'yon, hindi ko naman alam na gagawin niya 'yon" I said.

"What?! Seriously?!" parehong nanlaki ang mata nila sa gulat kaya tumango ako. Pinagtaasan ako ng kilay ni Roxanne at nagsalita, "If that's the reason then he needs to know about this" saad nito kaya tumayo ako at hinawakan ang kamay niya.

"You can't tell him!" saad ko.

"Girl, you need to tell him what happened. Alam mo naman kung anong klasing nilalang ang boyfriend mo dba? Kapag nalaman niya 'to sa iba, for sure magagalit siya sa atin, lalo na sa akin! Ayaw kong madamay sa galit niya" sambit niya kaya nagtaka ako.

"Bakit kasama ka?" dba sa akin magagalit noon si muffin kapag nalaman niya yung ginawa nung lalaking 'yon?

"Tingin mo ba kaya niyang magalit talaga sa'yo? For sure Dean will get mad at me kapag nalaman niyang alam ko ang ginawa sa'yo nung lalaking 'yon pero hindi ko sinabi sa kanya. Tsk! Ako ang pagbubuntungan ng galit noon kaya sabihin na natin sa kanya. Ghad I still want to live!"

"No! Please, Roxanne. Hindi naman niya malalaman" pakiusap ko.

"Paano kung malaman niya?" tanong nito.

"Hindi naman niya malalaman kung hindi mo sasabihin" sagot ko naman kaya napahawak siya sa ulo niya.

"The two of you are really giving me a real headache"

"Sige na. Let's just keep this a secret" pakiusap ko pa.

"Give me the best reason para pumayag ako sa gusto mo, convince me"

Napakamot ako ng ulo at napabuntong-hininga habang nakatingin silang dalawa sa akin, "Ayaw ko lang na magkaproblema kaming dalawa dahil sa ibang tao"

"Fine, let's just say walang magsasalita sa atin...paano kung si Finn ang magsabi sa kanya?" tanong nito na nakapag-pasakit pa ng ulo ko.

F*dge! Bakit kasi biglang umeksena ang lalaking 'yon?

"I think...hindi naman siya magsasalita. Una sa lahat, alam niya ang mangyayari kapag nagsalita siya"

"Fine, fine. Sana lang talaga hindi siya magsalita, Bliss Syden. This would be our first little secret. So stop pleasing me" saad niyo kaya napangiti ako at napatingin kay Leigh, "Huwag kayong mag-alala, sasabihin ko sa kanya pero hindi ngayon. Siya nga pala, bakit pala kayo pumunta dito?" tanong ko sa kanila kaya umupo na rin naman sila. Si Leigh sa tabi at si Roxanne sa tapat ko. Hindi ko nga alam kung anong meron sa babaeng 'to, gabing-gabi na naka-red dress pa at nakamake-up. What's new with her?

"Well, I and my dear Gwen decided to take a look in your room cause we're bored you know and to check on you but unfortunately...iba ang nakita namin. Tell me..." medyo lumapit ito sa akin kaya nagkatapan kami habang nakaupo, "Wala pa ba kayong ibang ginawa ng lalaking 'yon?" tanong niya.

"Wala nga! Siya yung bigla na lang na pumunta dito- "

"At hinalikan ka?" tanong niya kaya tumango ako, "What did you do after that?"

Napatingin ako sa kanilang dalawa bago nagsalita, "I slapped him! Of course, what do you expect me to do- "

"That's the spirit girl" tuwang-tuwa na sabi ni Roxanne. Hindi ko rin alam kung anong klasing takbo ng utak meron siya.

"What?" tanong ko.

"You should have just stabbed him directly para hindi ka na niya balikan" saad nito.

"I'm not that kind of person" sagot ko.

"Well, if that's you what can I do? Let's just both pray na hindi malaman ni Dean ang nangyari, if that happens we'll both die and it's fine with me, I'll just meet you in hell" saad nito kaya sinamaan ko na lang siya ng tingin.

"I hope hindi niya malaman at hindi ka na balikan ni Fin" saad naman ni Leigh na hinawakan ang balikat ko kaya napangiti ako.

"So, we'll leave now girl. Good luck to you and be careful" tumayo na si Roxanne kaya't sumunod na rin si Leigh sa kanya at ngumiti ako, "Thanks!" saad ko pagkabukas nila sa pintuan kaya napatingin sila sa akin.

"Bliss Syden, don't get yourself killed" saad pa ni Roxanne bago nila ako tinalikuran at isinara ko na muli ang pinto. Napangiti na lang ako at napaisip. Is she really that concern about me? Well, she's one of my friends now.

Samantalang dati, halos ipapatay na niya ako. Buti na lang at napakiusapan ko sila.

She's Roxanne Vergara.

To be continued...

Sorry po kung ngayon lang naka-ud ulit. I had to rest po kasi😊😅😭 Btw, happy new year majesties!😍