webnovel

SOON TO BE DELETED 3

--- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart --- Date started: November 4,2019 Date finished: June 13,2020

3IE · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
97 Chs

♥♡ CHAPTER 11 ♡♥

♡ Syden's POV ♡

"Ano ba kasing nangyari?" nag-aalala kong tanong habang kasama ko si Dave sa paglalakad sa hallway pero hindi naman siya nakasagot dahil pagkarating namin sa tapat ng kwarto nila ay kumatok ako. Unang katok ko pa lang ay parang wala siyang balak na pagbuksan ako ng pinto kaya sa pangalawang pagkatok ko, nilakasan ko na para siguradong maririnig niya ako. 

Ilang segundo kaming naghihintay na bumukas ang pintuan pero wala talaga siyang balak na buksan ang pintuang nasa harapan namin, "Hoy! Sean Raven, buksan mo 'tong pintuan!" sigaw ko habang malakas na kinakatok ang pintuan. 

"Bubuksan mo ba 'to o sisirain namin?!" galit kong tanong dahil wala namang sumasagot sa loob. 

"ANO BA?! BUKSAN MO 'TONG PINTUAN SABI!" sigaw ko pa ulit habang pilit na iniikot ang door knob pero wala pa rin talaga kaya hinarapan ko si Dave at pinagtaasan ko siya ng kilay. 

"We're going to break this d*mn door!" saad ko dito kaya nagtaka siya na parang ayaw niya. Tsk!

"What?! No!" saad naman nito.

"Anong no? Paano tayo makakapasok sa loob kung hindi natin sisirain 'tong pintuan?! As if namang papapasukin tayo ng magaling kong kakambal" 

"Tapos kapag nasira? Ano? Paano natin gagawin 'yan? Alam mo namang ayaw na ayaw kong lapitan ang council para lang humingi ng tulong" saad niya. Tsk! Kwarto kasi nilang dalawa 'to eh kaya ayaw na ayaw nilang may nasisira lalo na itong pintuan. Mas maarte pa 'tong mga lalaki na 'to kesa sa mga babae.

"Hindi naman kasi mangyayari 'to kung hindi mo siya iniwan kagabi. Ano ba kasing nangyari?" tanong ko sa kanya at nagkibit-balikat. 

"Hindi ko siya iniwan kagabi. Siya ang nagpalayas sa akin!" saad naman niya. 

"Ewan ko sa'yo, Dave Axelle. Basta kailangan nating sirain 'tong pintuan para makapasok tayo sa loob baka napano na yung magaling kong kakambal" sambit ko naman at muling hinarapan yung pintuan at saka sinipa 'yon. 

"And one thing, wala ka bang susi?" muli ko siyang hinarapan ng maalala ko ang bagay na 'yon. 

"Naiwan ko sa loob kahapon" saad naman nito na napayuko pa at nagkamot.

"Hindi ba tig-isa kayo ng susi? Nasaan yung isa?"

"Naiwan nga yung dalawa sa loob ng kwarto" saad niya kaya irita ko siyang tinignan. 

"Ano pang silbi ng susi na 'yon kung naiwan mo lang rin pala sa loob?" hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa isang 'to. 

"So kung pinaalis ka ni Raven kagabi, saan ka natulog?" tanong ko kaya muli niya akong tinignan. 

"Nakitulog ako kina Stephen at Caleb" sagot naman niya.

"Ewan ko sa inyo basta sirain na lang natin 'to" saad ko na muling tinignan ang pintuan. 

"Kanino natin ipagagawa pagkatapos?" tanong niya irita ko siyang tinignan ulit. Mukhang lasing ang isang 'to kaya wala sa sarili niya. Ang daming tanong!

"Problema ba 'yon?! Edi gawin mo. Umamin ka nga sa akin, lasing ka ba?" tanong ko sa kanya at tinignan lang ako nito. Mukha nga kasing lasing. Hindi na ako magtataka dahil baka may hang-over siya at antok na antok pa.

"Ano?! Sisirain mo ba 'to o isusumbong kita kay Dean?" tanong ko at napangiti ako ng masama kaya mukhang nagising naman ang diwa nitong si Dave. Pangalan pa lang kasi ng muffin ko nakakatakot na eh.

"Eto na nga sabi ko. Ikaw lang naman yung may ayaw eh" saad niya na sinipa yung pintuan at bumukas naman 'yon, "Kaya mo naman palang buksan mag-isa bakit hindi mo pa ginawa kagabi?" saad ko dito at diretso na akong pumasok sa kwarto nila. 

Lumapit ako sa kama ni Raven at hindi ko iisiping siya ang nakikita ko ngayon na nakahandusay sa harapan ko. Anong nangyari sa lalaking 'to? 

"Hoy! Sean Raven, anong nangyari sa'yo?" hindi makapaniwalang tanong ko dito.

Paano ba naman kasi yung itsura niya, punung-puno ng bote ng alak sa sahig pati na rin sa kamay niya at lamesa tapos halatang lasing na lasing siya. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito. I mean, nakita ko rin naman siyang nalasing dati dahil kina Dave pero hindi ganito kagrabe. Ano bang nangyayari sa lalaking 'to?

"HOY! TUMAYO KA NGA DYAN!" sigaw ko dito at napahawak ang magkabilang kamay ko sa baywang ko. Nagising naman siya pero tinalikuran din kami  ni Dave at humarap pa sa kabilang side. Tignan mo nga naman!

"Ano ba kasing nangyari? Bakit nagkaganito 'to?" tanong ko kay Dave na itinuturo si Raven. 

"Nagpasama kasi sa akin kahapon" saad naman niya umupo sa kama niya. 

"Saan?" nagtatakang tanong ko. 

"Aamin dapat siya kay Leigh eh kaso..." pagsasalita niya na napatingin kay Raven at muling tumingin sa akin.

"Hindi naman namin alam na may boyfriend na pala siya. Kausap niya kahapon si Leigh para umamin kaso biglang dumating yung lalaki" sambit ni Dave na ipinagtaka ko pa. 

"May boyfriend si Leigh?" nagtatakang tanong ko habang napapaisip ako. Madalas ko naman siyang kasama pero wala siyang naikukwento sa akin at muli akong napatingin kay Raven. 

"Hindi mo ba alam Sy?" tanong ni Dave kaya ibinalik ko sa kanya ang tingin ko at umiling ako, "Wala siyang nababanggit sa akin tungkol dito" saad ko na nilapitan si Raven at muling nagkibit-balikat, "So totoo nga na gusto mo siya?" tanong ko sa harapan niya dahil gumagalaw-galaw naman siya kaya paniguradong gising na 'to. 

Dahil sa tanong ko, finally humarap siya sa akin at kumukurap pa, "You didn't even tell me na may boyfriend na pala siya. I hate you, Bliss Syden" saad nito na parang batang maliit kaya natawa na lang ako. Seriously?!

"Kung alam ko, edi sana sinabi ko na sa'yo. Kakasabi ko nga lang na hindi ko rin alam hindi ba? So nagkakaganyan ka dahil doon?" sarcastic kong tanong dito at hinawakan pa niya ang ulo niya na paniguradong masakit dahil sa pagiging lasinggero niya. 

"The hell I care" saad nito na muli akong tinalikuran. 

"Is that a good reason para magpakalasing ka ng ganyan? Tignan mo nga ang sarili mo!" sambit ko dito. Dahan-dahan itong bumangon at umupo sa kama niya habang nakatayo ako sa harapan niya. Napahawak siya sa ulo niya at iritang nagsalita, "Ano ba kasing ginagawa niyo dito? Kauma-umaga"

"Kauma-umaga, lasing ka" sagot ko kaya irita niya akong tinignan.

"Tapos pati 'tong kasama mo, dinamay mo pa diyan sa bisyo mo" dagdag ko pa kaya tinignan niya si Dave at halatang mas nainis pa ng makita niya si Dave. Tignan mo nga naman, siya pa yung galit. 

"Paano ba naman kasi...Dave's voice was really pissing me off!" sagot niya kaya pansin kong natawa na lang din si Dave na parang hindi makapaniwala kaya nagkatinginan kami at napailing. 

"Tsk! Ikaw nga 'tong nagpalayas sa akin kagabi eh!" 

"Guys, stop it okay?" umupo ako sa tabi niya kaya tinignan niya ako. My brother have grown. May gusto na talaga siya. He's becoming a real headache now. 

"So ganon mo ba talaga siya kamahal?" tanong ko na ipinagtaka niya.

"What?"

"Nilublob mo ang sarili mo sa alak at nagpakalasing dahil sa nangyari kahapon. Alam ko masakit, pero hindi naman tama na gawin mo 'yan sa sarili mo" saad ko dito. I guess, I just have to stay by his side this time. 

"It's my first time to feel something like this. I wasn't aware what could've happened" saad nito na napayuko at tinignan ang magkahawak niyang kamay.

"Alam ko naman 'yon but remember this, hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo" saad ko kaya napatingin siya sa akin. 

"Kung alam ko lang, hindi ko na sana tinuloy yung plano ko kahapon para hindi na masakit" saad nito na tinignan ako. 

"At least sinubukan mo hindi ba? Kung hindi mo ginawa 'yon kahapon, baka ngayon nag-iisip ka pa rin ng paraan kung paano ka aamin sa kanya while you were not even aware na may boyfriend na pala siya" saad ko at bahagyang ngumiti. 

"So, anong balak mo niyan?" tanong ko. 

"Bro, just find the girl who always give you gifts" saad naman ni Dave kaya napatingin kami sa kanya at may iniabot siya kay Raven kaya kinuha ni Raven 'yon. Tinignan ko rin ang box na iniabot ni Dave sa kanya at nalaman kong chocolate ang laman noon. 

"Kanino galing to?" tanong niya kay Dave.

"I don't know. Palaging may nagpapadala sa'yo niyan. Bakit hindi mo na lang hanapin kung sinong nagbibigay niyan at 'yon na lang ang ligawan mo. Mas malaki pa chance mo hindi ba?" tanong ni Dave kaya pinalo ko siya sa braso at napalayo sa akin, "Ano ba, huwag mo ngang turuan!" sambit ko dito para tumigil siya. Turuan ba naman 'tong kakambal ko? Tsk!

Muli kong hinarapan si Raven para magsalita at tumingin naman siya sa akin, "Mas maganda pa, iwasan mo muna si Leigh kung ganon hangga't hindi ka pa handang harapin siya" 

"Mabuti pa nga. Hindi ko naman kasi alam kaya siguro sobrang bigat sa loob ko na isiping masaya na pala siya sa piling ng iba" saad nito kaya bahagya akong napangiti pero hindi ko ipinahalata sa kanya. In love nga talaga siya, pero ano pa nga bang magagawa ko? 

"Just do something and don't stay here all alone para naman hindi mo naiisip palagi yung nangyari, okay? I know what you feel, pero ganyan talaga. You must always be ready na masaktan, kasi nagmahal ka. Kung hindi ka nagmahal, therefore hindi ka masasaktan" saad ko dito at napangiti naman siya ng konti bago muling yumuko. 

"Be strong, Sean Raven" dagdag ko pa at ginulo ko ang buhok niya bago ako tumayo at tinalikuran siya. Tinignan ko si Dave at sinenyasan ko siya na samahan muna si Raven at mukhang nakuha naman niya 'yon kaya't dumiretso na ako sa may sirang pintuan. Muli ko silang hinarapan kaya napatingin sila sa akin, "Huwag ka na ulit magpakalunod sa alak or else lulunurin talaga kita" sambit ko kaya napangiti si Raven at napailing kaya umalis na ako. 

Bago ako tuluyang lumabas ay sinilip ko ang hallway at tahimik naman kahit may mga iilang estudyante na naglalakad. Pagkahakbang ko pa lang papalabas ay nasalubong ko nanaman ang babaeng 'to kaya napabuntong-hininga ako, "Hi girl! Miss me?" saad nito kaya nagkibit-balikat ako. 

"Anong ginagawa mo dito, Roxanne?" tanong ko sa kanya kaya pinag-taasan niya ako ng kilay. Ang sakit pa naman sa mata ng pula niyang labi at damit.

"Napadaan lang. By the way, where's Dean?" tanong nito kaya't mas tinarayan ko pa siya.

"Bakit mo naman siya hinahanap?"

"Tinatanong ko lang hello? Ano nanaman iniisip mo diyan" saad nito. 

"Bakit ako ba tinatanong ko si Clyde sayo?" sagot ko sa kanya. 

"Just because we're friends kaya natural lang naman na hanapin ko siya right? Tsaka pwede ba girl, kontento na kami ni Clyde sa isat-isa so don't ever think na aagawin ko yung sayo. Ang bantayan mo, that Savannah girl na gustong dumikit sa boyfriend mo" nagtaka ako sa sinabi niya pero muli ko rin namang nakuha ang ibig niyang sabihin. Kung dati, siya ang kinaiinisan ko dahil dikit siya ng dikit kay Carson, ngayon ibang tao na. 

"Hindi ko na siya kailangang bantayan kasi ako lang naman ang mahal niya" proud kong sagot kay Roxanne. 

"Fine, so hindi mo pa ba nakita si Dean?" muli niyang tanong. Bakit ba ang daming naghahanap sa muffin ko? 

"Hindi namin siya kasama kasi pinatawag daw siya ni Clyde, so maybe magkasama sila. Bakit mo ba kasi siya hinahanap?" 

Napahawak sa ulo si Roxanne at napayuko kaya muli akong nagtaka. Ano bang problema ng babaeng 'to?

"Ewan ko ba 'don kay Clyde, palagi siyang wala sa mga lugar na pinupuntahan ko. Alam mo dapat talaga sa dalawang 'yon binabantayan natin, paniguradong may ginagawa nanaman silang kalokohan. Come on, lets find 'em" saad niya kaya tumango na lang ako since si muffin naman talaga ang balak kong puntahan ngayon. 

Naunang naglakad si Roxanne kaya sinundan ko na siya, "Wala ka bang napapansin sa dalawang 'yon?" pananalita ni Roxanne kaya napatingin ako sa kanya.

"Sino?" tinignan niya ako habang naglalakad pa rin kami. 

"Phoenix Vernon and Savannah Burleson" saad niya kaya napaisip ako. 

Ang alam ko lang naman sa dalawang 'yon, bukod sa member sila ng student council....sa tuwing nakikita ko si Savannah Burleson, kumukulo ang dugo ko lalo na sa mga tingin niya kay Dean. Even Phoenix Vernon also known as Fin. Hindi ko alam kung ano ang totoong dahilan ng paglapit at pagdikit niya sa akin.

"Hindi maganda ang pakiramdam ko sa dalawang 'yon. Looks like they have plan at 'yon ang aalamin ko"

This time, tumigil kami sa paglalakad. 

"That's what we think too" saad niya.

"Hindi ka ba natatakot?" tanong ko sa kanya kaya't nagtaka siya.

"Natatakot saan?"

"Remember Chained School, Prison School and Curse Academy back then, kilala ng bawat isa ang mga kalaban nila or time came na nakikilala rin natin ang mga kalaban natin, right? Pero ngayon, wala tayong idea kung sino ang mga kalaban natin, kung ano ang plano at pakay nila. We only have nothing" pahayag ko. 

"Remember Mr. Wilford's last words ng magsara ang mga wall. The only way to escape is to kill one another and be the last man standing. Paano tayo makakasigurado na kapag tayo na lang ang natira sa lugar na 'to, palalabasin tayo? Ang inakala nating Mrs. Lim na masama, siya pala ang gustong tumulong sa atin but in the end namatay siya. Wala rin namang nakakaalam kung bakit tayo dinala at kinulong sa lugar na 'to. Dead or alive, each of us are screaming for help from the outside pero imposible 'yon that's why we need to defend ourselves para mabuhay. Being weak and scared...it's useless. You should fight for your life" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tinalikuran na niya ako kaya sumunod na lang ako sa kanya habang nag-iisip pa rin ako sa mga pangyayari. 

Nang medyo malayo-layo na ang nalakad namin ay muli siyang tumigil sa tapat ng isang classroom kaya napatingin ako doon, "Here they are" nakita namin sila na umiinom at nakita din nila kami kaya sinenyasan kami ni Clyde na pumasok. Maraming bote ang nakalagay sa harapan nila dahil may lamesa doon, may dalawa rin naman bakanteng upuan sa tabi nilang dalawa kaya doon kami umupo ni Roxanne. 

Napatingin ako kay Dean at wala siyang hawak na bote at parang hindi naman siya umiinom, nakatingin din naman ito sa akin at nakangiti siya, "Buti napunta kayo dito?" tanong ni Clyde kaya sinagot siya ni Roxanne, "We're just having fun. Buti magkasama kayo, samantalang dati kulang na lang magpatayan na kayo?" sagot niya kaya napangiti kaming lahat. 

"Past is past" sagot naman ni Clyde na muling uminom at ganon din naman ang ginawa ni Roxanne. 

"Wanna drink?" tanong ni Clyde sa akin kaya umiling ako, "No thanks" hindi pa rin naman ako komportable dahil minsan na niya akong tinorture at never akong magiging komportable na kasama siya. Medyo nagiging komportable na din naman ako kay Roxanne ng konti. 

"So how's your brother?" tanong ni Dean kaya napatingin ako sa kanya.

Napabuntong-hininga muna ako bago siya sinagot, "Drank"

"Ha? Bakit?" nagtatakang tanong niya. It's unbelievable, I know. 

"Well, sa atin na lang 'to. He's deeply in love with Leigh" saad ko na ikinabigla ni Roxanne. Hindi naman ako magtataka kay Dean kasi kahit siya naman, napapansin niya ang galaw ni Raven kapag nandyan ang presence ni Leigh.

"Oh my! Is that true?! Si Gwen?!" hindi makapaniwalang tanong ni Roxanne.

"Kaso nalaman niyang may bf si Leigh kaya ayun, naglasing"

"Seriously ginawa ni Sean 'yon?" tanong ni Dean na natatawa kay tumango ako. 

"Oo. Hindi ko alam anong magiging reaksyon mo kung nakita mo ang itsura niya kanina" 

"But Gwendolyn's boyfriend is Kevin, right Clyde?" tanong ni Roxanne kay Clyde at tumango naman si Clyde, "He's one of my members. Tell your brother na kung kailangan niya ng tulong, I'm here. Pambawi ko na rin sa kasalanan ko sa inyong dalawa dati" sagot niya na tinignan ako kaya nagtaka ako. 

"Para saan naman? Eh kakasabi mo lang na member mo ung bf ni Gwen dba?"

"Just ask Gwendolyn about it" saad ni Roxanne.

"About what?" pagtataka ko. 

Nagtinginan si Roxanne at Clyde kaya mas nagtaka pa ako lalo na noong ngumiti silang dalawa ng masama at sabay na uminom, "Anong ibig nilang sabihin?" tanong ko kay muffin. Ang labo naman kasing kausap ng dalawa niyang kaibigan. 

"Sweetie, ganyan lang talaga sila. Don't mind them" saad nito na inakbayan ako. 

"Hindi ko naisip na ganitong klasing relasyon meron ang mga kaibigan mo" bulong ko sa kanya kaya natawa siya. 

"Don't mind them" saad niya sa akin kaya tumango na lang ako at sumandal pa sa balikat niya habang nakaakbay siya sa akin. 

"By the way, have you seen the game room?" ipinatong ni Roxanne ang hawak niyang bote sa lamesa habang si Clyde naman ay nakahawak pa rin sa boteng pinag-inuman niya. 

"What?" pagsasalita ni Clyde. 

"Well, it's a room na wala pang nakakapasok. The door is locked but what's scary about that..." tumingin ito sa paligid at bahagyang lumapit sa amin para bumulong, "May naririnig daw silang naglalaro sa loob" pahayag niya na ipinagtaka naming tatlo, "What? What do you mean may naglalaro sa loob?" tanong ko. 

"Sound of computers and any other things about games" saad pa niya na hindi ko naman gaanong nakuha, "Make it literal as a game room" dagdag pa niya. 

"No one ever tried to get a glimpse of the one or people playing inside that room. They waited all day pero walang lumabas. Wala rin namang nakakita na may pumapasok sa kwartong 'yon because it's locked. Sinubukang sirain, pero sadyang matibay. It was made of metal after all and looks like there's a code para mabuksan ang pintuang 'yon" pahayag ni Dean kaya napatingin ako sa kanya, "Parang ngayon ko lang narinig ang game room na 'yan?" saad ko naman sa kanya. 

"Well, that room wasn't there back then, it suddenly appeared out of nowhere, sweetie" saad naman niya na ikinataas ng balahibo ko. Biglang lumitaw ang kwartong 'yon at may naglalaro sa loob? Strange. 

"Pero paano naman nila nasabing may tao nga sa loob?"

"Girl, it's because may naririnig silang naglalaro sa loob. As simple as that. Ang problema lang, wala silang nakikitang pumapasok o lumalabas sa room na 'yon. Sabi ng iba, it might be a ghost but I don't believe it" sagot ni Roxanne. 

 "It's better to avoid it" saad naman ni Clyde. 

Game room? 

Ngayon ko lang narinig 'yon. That's strange. 

To be continued...

Welcome back, Heartfilias. Ang tagal ko ng hindi nakapag-update. Sorry po kasi busy sa studies these past few weeks kaya hindi na rin ako nakapag-announce. Good to see you again.