♡ Hadlee's POV ♡
"Mauna na kayo, susunod ako" sambit ng babaeng kasama ni Icah na pareho naming ikinagulat. I don't know her pero sobrang ganda niya.
"Ano bang pinagsasabi mo- "
"Umalis na kayo!" sigaw niya at tumingin sa gilid niya kaya side view niya lang ang nakita namin dahil nakatalikod siya. Nakita ko ang mga mata nitong tila nag-iba at nakaramdam ako ng takot dahil sa mga mata niyang 'yon. Minsan ko ng nakita ang ganong klasi ng mata...pero hindi ko alam kung saan.
Hindi ko rin alam kung bakit magkasama sila ni Icah pero mas dapat kong katakutan ang grupo ng mga babaeng nakaharang sa amin ngayon.
"Hindi ka namin iiwan dito, Khai" sigaw ni Icah. Kahit hindi ko ito kilala ayaw ko rin naman na may mangyaring masama sa kanya ng dahil sa amin.
"GO!" sigaw nito na tinignan kami kaya hinawakan ko na ang kamay ni Icah para hilain siya.
"Tara na, Icah!" sigaw ko dito kaya napatingin siya sa akin at alam kong ayaw niyang iwan ang kasama namin ngayon pero wala ng iba pang paraan dahil pwede kaming mamatay lahat dito kapag nanatili pa kami.
"Pero hindi- "
"HALIKA NA!!" pinilit ko na lang itong hilain kaya napasunod siya sa akin at mabilis kaming tumakbo. Habang tumatakbo kami hindi ko mapigilang hindi tignan yung babaeng iniwan namin, nakikipaglaban siya ngayon at nabigla ako sa ginagawa niya dahil sa galing nitong makipaglaban. Ngayon ko lang siya nakita pero ang kilos at ang galaw niya, pamilyar sa akin.
Muli na lang akong tumingin sa harapan ko para hanapin naming dalawa si Maureen, "Paano kung may nangyari na sa kanya? Paano kung nahuli na pala nila siya at pinahihirapan ngayon?!" natataranta kong sabi kay Icah kaya hinawakan niya ang magkabilang-balikat ko, "Ano ba, Hadlee?!" sigaw nito kaya natahimik ako at diretsong napatingin sa kanya.
"Hindi mangyayari 'yon! Kilala natin si Maureen, hindi siya basta-basta sumusuko! Basta magtiwala na lang tayo sa kanya at maniwala tayong makikita natin siya okay?" saad nito kaya huminga ako ng malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili ko, "S-sige. Basta bilisan na lang natin ang paghahanap" saad ko kaya bahagya itong ngumiti at tumango.
Muli naming inumpisahan ang paglalakad kahit na maraming beses kaming may nakakabangga na mga estudyante at madalas ay tinutulak kami ng mga ito, sinusubukan rin naman naming magtago kapag nakakakita kami ng mga members niya.
Of course, we know them dahil minsan na kaming sumali sa kanila at sila ngayon ang mga killers sa building na 'to. Nagtago muna kami ni Icah sa isang laboratory ng makita namin sila at pagkalagpas nila, sumilip muna kami sa hallway para tignan kung may tao pa ba pero muling tumahimik kaya lumabas ulit kami para ituloy ang paghahanap kay Maureen.
Halos lahat ng nadadaanan naming rooms ay walang kailaw-ilaw at sobrang dilim na rin sa hallway. Halos sira na ang mga ilaw kaya doble ingat kami sa paglalakad. Tanging dugo at malansang amoy ang sumasalubong sa aming dalawa. Bukod doon ay ang sigawan ng mga estudyante sa malayo. Sa dulo ng hallway ay makikita ang isang pinto kung saan paglabas doon ay isang maliit na balcony. Madalas kaming tumambay doon pero hindi na ngayon dahil ayaw na naming makita ang sitwasyon sa labas kung saan makikita ang natitirang apat na building. Sa mismong tapat ng building na kinalalagyan namin ngayon, makikita ang Building 003, the Highest Supreme Territory.
Ang lugar na tinitingala ng lahat.
Natigilan ako sa paglalakad ng mapansin kong may isang babaeng nakatayo doon sa balcony sa dulo ng hallway, nanlaki ang mata ko ng umakyat ito sa may bakal doon and she spread her arms. Pipigilan ko sana siya pero ng tumingin ako sa tabi ko ay wala si Icah na mas nakapag-pakaba pa sa akin.
"Icah?" tumingin ako sa likuran ko at nakita ko siyang nakaharap sa isang office, nakabukas ang pinto sa tapat niya at tulala siyang nakatingin sa loob kaya nagtaka ako. Binalak ko na siyang lapitan at bago ako tumalikod ay muli kong tinignan ang babaeng nasa balcony pero wala na siya ngayon kung saan siya nakatayo kanina.
I'm really sure that she committed suicide and the spikes on the groud will surely welcome her body kapag bumagsak siya doon.
Nagmadali akong lapitan si Icah at napansin kong namumutla ito kaya tinignan ko na rin kung sinong tinitignan niya sa loob ng office na 'yon. Nang makita ko ang tinitignan niya ay napatakip na lang ako ng bibig at nanlamig ang pakiramdam ko na parang sasabog ako anytime.
Nagmadali akong tumakbo papunta kay Maureen na nakahandusay sa sahig at punung-puno ng dugo ang ulo niya. Hinawakan ko ang ulo niya at ipinatong sa mga hita ko, "Maureen, wake up!" mas itinapat ko pa sa akin ang mukha niya para marinig niya ako.
Lumapit na rin si Icah at pareho kaming naiyak lalo na't hindi siya gumagalaw, "Maureen, gumising ka!!" sigaw ni Icah dito na hinahawakan na rin ang mukha niya. Ilang segundo naming hinintay na magising siya at naiiyak na rin kami dahil hindi pwedeng mangyari ang iniisip namin ni Icah. Hindi pa siya pwedeng mamatay. Hindi namin kaya kapag nangyari 'yon.
Tinignan ko ang buong katawan nito para malaman kung may saksak ba siya o ano pero ng mapatingin ako sa kamay niya ay bahagyang gumalaw ito kaya muli ko siyang tinignan, "Maureen!?" saad ko hanggang sa dahan-dahan nitong buksan ang mga mata niya.
"Thank god, nagising ka" sambit ko at pareho kaming napangiti ni Icah sabay yakap sa kanya. Pagkatapos namin siyang yakapin ay inalalayan namin siya para makaupo ng maayos, "Ok ka lang ba? Anong masakit sa'yo? May sugat ka ba?" natataranta kong sabi pero bahagya lang siyang ngumiti at umiling.
"N-nahihilo lang ako ng konti b-but don't worry. I'm fine" saad niya at nakita nga namin ang sitwasyon niya pero napatingin ako sa ulo niya na dumudugo, "Ano bang nangyari?" tinignan niya kaming dalawa at napahawak siya sa ulo niya at bahagyang yumuko, "Pinukpok nila ako kaya nawalan ako ng malay" sambit nito kaya nagtaka kami ni Icah.
"Sino?!"
"Finally!" napatingin na lang kaming tatlo sa pintuan at nakita namin ang mga taong pinagtataguan namin magmula pa kanina. Sila rin ang dahilan kaya nagkahiwa-hiwalay kami because they are the killers kaya nagkakagulo ngayon. Puro babae sila at may hawak na iba't-ibang armas.
"What are you doing here, Lucile?" tanong ni Icah at pare-pareho kaming tatlo na sinamaan sila ng tingin habang nasa sahig pa rin kami at nakaupo.
"Well, we just want to play games with you, kagaya ng ginagawa natin dati, remember?" sarcastic na tanong nito. Lahat sila ay duguan, well hindi na kami magtataka dahil sa dami ng taong pinatay nila ngayon at alam namin na kami ang isusunod nila pero hindi kami papayag.
"Wala kaming panahon para magsayang ng oras. Umalis na kayo" seryosong sabi ni Icah.
"Kakarating lang namin, pinapaalis niyo na kami. Show us some good manners, parang hindi tayo lumaki sa iisang lugar. Nakalimutan niyo na ba ang itinuro ni boss sa atin?" saad nito na nakangiti ng masama habang masama rin namang nakatingin sa amin ang mga kasama niya.
"Good manners? Sa dami ng pinatay niyo, alam niyo pa pala ang two words na good manners?" sarcastic na saad ko.
"Kami lang ba? Pati rin naman kayo hindi ba? Don't act as if you are all innocent, lahat tayo mamamatay tao"
"Huwag mo kaming itulad sa'yo, Lucille" sagot ni Maureen na dahan-dahang tumayo kaya tumayo na rin kami ni Icah at inalalayan siya.
"Come on, stop acting innocently. You were all once became killers, weren't you?" saad nito kaya diretso namin siyang tinignan.
"Umalis na kayo dito" masama kong sabi.
"You formed Silent Alliance para paniwalain silang lahat na hindi kayo mamamatay tao, naghuhugas kamay ba kayo para itama ang mga pagkakamaling nagawa ninyo- " dagdag pa niya na ikinainis namin.
"Tumigil ka na!" sambit ni Icah na nakayuko at halos hindi na makita ang mukha niya ganon rin kami ni Maureen at nagkukuyom na lang ang mga kamay namin.
"Why Icah? Are you afraid to reveal what really happened to the respected family who adopted you?"
"Tigilan niyo na kami!" sigaw ni Icah pero mukhang wala silang balak na iwan kami dito.
"Icah, ano bang pinagsasabi ng babaeng 'to? Don't tell me gumagawa siya ng kwento para galitin ka?" tanong ni Maureen na masamang nakangiti kay Lucille.
"OMG! Don't tell me hindi nila alam?" tinakpan ni Lucile ang bibig niya na parang hindi makapaniwala kaya napatingin kaming dalawa ni Maureen kay Icah.
"Anong hindi alam?" tanong ko. Kitang-kita namin na galit na galit si Icah habang nakatingin kay Lucille at hindi siya makatingin sa amin kaya yumuko siya.
"Icah killed her own parents!" sigaw nito na ikinabigla namin.
"Hindi ako ang pumatay sa kanila!" sigaw naman ni Icah at nakita namin na naiyak ito habang galit na galit.
"Stop this nonsense, Lucille! Kayo ang mamamatay tao dito hindi kami!" sigaw ni Maureen.
"Nagsalita ang inosente! I know how you felt back then, Maureen" sambit ni Lucille kaya nagsalubong ang kilay ni Maureen.
"What?!"
"Noong nalaman niyong may stage 3 lung cancer ang kapatid mong babae you felt happy, right?" saad niya na parang natutuwa pa.
"H-hindi totoo lahat ng 'yan- "
"Because you felt insecure dahil totoong anak siya ng adoptive parents mo samantalang ikaw, adopted daughter lang nila- "
"Hindi totoo yan!" sigaw naman ni Maureen.
"Ako ang nakasama niyo sa labas at loob ng eskwelang 'to, imposibleng hindi ko alam. Pinalitan mo ang gamot na pinapainom sa kapatid mo kaya hindi siya gumaling sa sakit niya and the day she died natuwa ka dahil ang buong akala mo ikaw na ang magiging paborito. But it didn't turn out like that dahil sa sobrang lungkot ng magulang mo namatay sila at kasalanan mo yon!"
"You're wrong! Sinungaling ka! Hindi totoo 'yan!" sigaw ulit ni Maureen at pansin kong nanginginig siya kasabay ng pag-iyak niya. Nakita ko silang dalawa ni Icah na umiiyak at nanginginig kaya hindi ko na kaya pang makita sila sa ganitong sitwasyon.
Kinuha ko ang kutsilyo na nasa bulsa ko at mabilis na tinutukan ng kutsilyo si Lucille dahilan para manlaki ang mata nito sa gulat at masama ko siyang tinignan, "Isa pang beses na ilalagay mo sa hindi magandang posisyon ang mga kaibigan ko...I won't hesitate to cut every part of your body Lucille at uunahin ko 'yang dila mo..." nilapitan ko pa ito para bumulong sa tainga niya, "Para hindi ka na makapagsalita pa" tinignan ko siyang muli na halatang natakot sa akin lalo na't mas tinignan ko siya ng masama na sa tagal ng panahon ay ngayon ko lang ulit nagawa kahit ayaw ko. Muli ko ng ibinaba ang hawak kong kutsilyo at hinarangan ang dalawa kong kaibigan habang nakaharap pa rin kay Lucile.
Nagmadaling tumakbo papalayo ang mga kasama niya at nagmadali rin itong umalis pero bago niya ginawa 'yon ay muli siyang humarap sa amin, "Dark Eagle Society is waiting for you, three eagles" sambit nito bago kami iniwan at hindi na lang namin pinansin ang sinabi niya.
"Totoo ba lahat ng sinabi niya?" hinarapan ko silang dalawa at napansin na nanginginig pa rin sila na hindi makatingin ng diretso sa akin.
"P-paano kung sabihin kong oo, lalayuan mo ba ako!? Then go! Sanay naman- " hindi pa man tapos si Icah sa pagsasalita ay niyakap ko silang dalawa ni Maureen kaya alam kong nabigla sila.
"Since from the start, I knew" bulong ko habang nakangiti ng bahagya. I am just testing them kung aamin ba sila o hindi.
"A-alam mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Maureen.
"Of course" humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanila para tignan sila.
"Pero bakit ka pa rin sumama sa amin?" tanong ni Icah.
"Because we're friends" pinunasan ko ang mukha nilang dalawa dahil sa pag-iyak nila, "Sino ba ako para husgahan kayo, makasalanan din naman ako. No matter how bad your secrets are, I will still be here. Besides, hindi naman lahat ng sinabi niya totoo dba? Some parts were true but most of them were not" saad ko kaya matipid silang ngumiti.
A nightmare that was supposed to be just a secret.
But there's one thing, I know their secrets but they don't know mine.
Habang nakayuko silang dalawa, hinawakan ko ang isang kamay nila kaya napatingin sila doon at mahigpit nilang hinawakan ang kamay ko. Just like a flash, bigla akong napatingin sa may pintuan.
I saw her standing there. She has a long black curly hair and wearing the Heaven's Ward high uniform without any stains of blood. May suot din itong maskara. I don't know her face but I know who she is.
Kahit nakamaskara siya, I know that the student council president is smiling badly at us.
To be continued...