"Yeah maybe you're right Kuya. Thank you." Mukha ngang hindi niya ako tutulungan.
"Thiara, if your decision will go with him eto lang ang sasabihin ko, attend to my wedding next month as my bride's maid or I will curse you as my sister!"
Natawa naman ako sa sinabi ni Ate Corrs. If only I could see her face, I will laugh continuously. Alam kong she's just reminding me not to forget the most special day of her life and I know she will not curse me. Nag-iisa na nga lang niya akong sister!
"Opo hindi ko makakalimutan yun. Di ba I promised I will be your beautiful bride's maid?"
Natawa siya sa sinabi ko. "Ok sige. Basta take Kuya Tux's piece of advice. Go to Mama now in our boutique and explain to her." At binaba na niya yung telepono sa bahay namin.
I guess I have nothing to choose.
"Oh Miss Thiara, napadaan ho kayo?"
I smiled gracefully to Kelsi. She's my mother's secretary. "Oo nga eh matagal na nung huli kong punta dito sa shop. Si Mama?"
I immediately went to Hang and Top Boutique located in Tomas Morato. Eto yung main branch niya because we had two branches. The other one which just open last year ay nasa Ortigas.
"Nasa office niya ho siya and I think she is talking with her kumares."
"I hope I can talk to her."
"Oo naman... Ikaw pa… I know she missed you a lot." She stood up and I followed her to my Mama's office located in left wing near a small garden.
Si Mama talaga hanggang dito hindi pa rin hinihiwalay ang pagiging gardener and lover niya sa mga halaman.
Kelsi knocked three times before I heard my mother's reply.
"Bakit Kelsi?" I missed her voice so much.
"Mam, andito ho si Miss Thiara."
Pagkasabi lang niya ay nagbukas agad yung pintuan.
"Thiara!" And she hugged me tightly. "Mama naman parang one year tayong hindi nagkita dahil sa yakap mo. I miss you Ma."
Iniwan kami ni Kelsi. "Palabiro ka talagang bata ka, naglalambing lang naman ang Mama mo."
I smiled and followed her inside her office. It's been almost 5 months since I last visited her boutique. My Mama is Xaira Joanna Corinne Yutioco Walton; she is a much known fashion designer. She is already 60 pero hindi mo mapapansin kasi mas sexy pa siya sa amin ni Ate Corrs and she didn't look 60. When she married our Papa and had a family, she stopped her dream. Isa lang naman ang pangarap niya eh ang makapagproduce ng magagandang damit at magmanage ng boutiques. Kaya nga we are named after famous clothing's and accessories. Si Ate Corrs from Corsage, si Kuya Tux naman from Tuxedo at siyempre ako Thiara from Tiara. When Kuya Tux was in college and ako naman nasa elementary we pushed Ma to continue her dreams. At ngayon nga super successful na siya because she just manage two branches and known producer din siya ng mga damit sa mga malls!
"I expect you'll be here next week, mukhang napaaga ata. Is there something wrong?"
Sabi nga nila, Mom's know you even you didn't say a word. "Ma I have something to say."
Umupo siya at uminom ng kape bago napatingin sa akin. "I think that is something very important. What is it Thiara?"
God please give me strength. "Ma, you know that I loved my profession." Tumango siya sa akin. "But I have to push it aside first."
Nagulat siya at inaasahan ko na yun.
"Anong ibig mong sabihin? Bakit anong nangyari sa review mo? Hindi ba katatapos mo lang magtake nun. Thiara, naiintindihan ko na hindi natuloy yung una dahil sa operation ng Kuya Tux mo sa stomach pero ngayon… Ano naman ang dahilan mo?"
Just make it simple Thiara… "I'm a personal nurse of Alaine's boyfriend."
"What?!?!" Napatayo siya sa kinauupuan niya. "A nurse? You know I had cursed that profession!"
Tumango ako sa kanya. "Alam ko Ma pero kasi-"
"Tigilan mo yan Thiara dahil ayokong mangyari sa iyo ang nangyari sa Tita Xandra mo. Kaya nga hindi ko kayo pinayagan na kumuha ng medicine courses dahil dun!"
"Pero Mama magkaiba kami ni Tita at isa pa nangako na ho ako kay Alaine."
Umiling-iling siya sa akin. "Mas mahal mo ba si Alaine kaysa sa akin? Gusto mo bang mamatay na ako agad sa pag-aalala sa iyo."
Walang duda, parehas talaga si Kuya at si Mama. Ang hirap pakiusapan sana, andito si Papa para naman may kakampi ako.
"Ma, please intindihin mo naman ako."
"Hindi ako ang intindihin mo Thiara... Mamili ka… Itutuloy mo yan at magagalit ako sa iyo o ihihinto mo yan at susundin ako?" Pagkasabi niya nun ay lumabas na siya sa office niya at iniwan ako.
"Nahihirapan na ako...Sana andito ka" Nakatayo ako ngayon sa puntod ni Alaine. Kailan ko ba siya huling nabisita? At ngayon sobrang namimiss ko na siya.
"Please give me a sign if I'll continue…" Biglang may umihip ng malakas na hangin at tumunog yung mga bells sa bracelet ko. Yung bracelet na binigay niya sa akin.
I smiled and nodded immediately. Thanks Alaine...
I missed this house. Gabi na nga nakauwi ako sa bahay. Simula nga ng grumaduate na ako ay madalang akong pumunta sa bahay namin. Sa bahay na kinalakihan ko.
Pinuntahan ko yung kwarto ko at yun pa rin ang ayos parang walang pinagbago. Napangiti ako ng makita na walang Nagbago. Si Mama talaga hindi pinapagalaw yung kwarto ko kahit na three years na akong hindi gumagamit nito.
Pagkabisita ko sa kwarto ko ay diretso naman ako sa kwarto ni Mama. Pagkabukas ko ng pintuan as expected tulog na siya.
Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya sa likuran. Ganun ang parating ginagawa ko simula pa bata kapag may kasalanan ako o nagkakatampuhan kami ni Mama.
Napakagat ako sa labi. "I'm sorry Mama…" At napaluha ako habang papalayo sa kanya.
Hindi pa kumakagat ang liwanag ay gumising na ako. Hinalikan ko yung pisngi ni Mama tapos nilagay yung sulat ko sa side table niya. Tinignan ko muna siya bago tuluyang lumabas ng kwarto niya.
"Kumpleto na lahat ng gamit mo..."
Niyakap ko si Pola. "Salamat Pola. Ang bait mo talaga."
"No problem basta ingatan mo yung sarili mo at wag kang kakalimot na tumawag ha. Mamimiss kita..."
"Ikaw din… Sige baka mahuli na ako…"
Pansamantalang magpapaalam muna ako sa inyo. Babalik din ako pero ngayon kailangan ko muna harapin ang mga mangyayari sa akin sa Batangas kasama si Keanne.
If I give the word
You will move
If I do not give the word
You will not carry on random thoughts
Is that clear
Sir yes sir
You will not tell me what you think
I don't care what you think
What you think is irrelevant
-Hoobastank
Ang meeting place namin ay sa hospital kaya nagulat ako ng may nakita akong chopper sa harapan ng hospital!
"Thiara akala ko hindi ka na darating!"
Nakita kong kumakaway-kaway na sa akin si Mrs. Lacey. Nasa loob na siya ng chopper at panigurado andun na rin sa loob si Keanne.
"Sorry ho late ako..." Umakyat na din ako.
"You're just in time." Kinuha niya yung bag ko at nilagay sa tabi niya.
Dalawang seats lang yung makikita mo sa chopper. The first seat was occupied by Mrs. Lacey and my bag kaya ang ibig sabihin nun ay…
"Maganda siguro ko ngayon pa lang ay maging close na kayo ni Keanne."
Yeah, siya ang katabi ko. Good luck na nga lang kung magiging close kami.
When I looked at him, ayun parang wala lang. Nakatingin siya sa labas ng bintana at nung paupo na sana ako sa tabi niya, nagulat ako nung tumingin siya sa akin.
"Hindi pa ba aalis Ma? Andito na kasi yung VIP natin..."
Ang aga-aga ha Keanne wag mo akong asarin. "Excuse me hindi ako VIP." At umupo na ako sa tabi niya looking at the other way.
"We are going. Thiara, is this your first time to fly?"
Sasagot na sana ako ng oo, kaso naunahan ako nito ni Keanne.
"Isn't obvious? She even doesn't know to wear seatbelt." Pagkasabi lang niya dun kung lang napansin na kanina pa pala sila nakasuot ng seatbelt! Stupid Thiara!
"Keanne stop being rude to Thiara, you should treat her nicely." Lumapit sa akin si Mrs. Lacey at tinulungan akong maglagay ng seatbelt. Buti pa si Mrs. Lacey eto talagang si Keanne ang sama ng ugali!
"Thank you po Mam... Okay lang ho yun sanay na ako sa ugali niya."
Ngumiti si Mrs. Lacey at bumalik na siya sa upuan niya.
"In just 5 minutes we will take off…"
God help me, sana hindi ako mahilo at masuka! Pero kung masuka man sana sa mukha ni Keanne… Ang sama ko!
After 30 minutes ay nakarating kami sa Tagaytay. Ang bilis lang pala talaga pag ang travel mo ay by means of chopper, no hustle. Hindi ko man kailangan dumaan pa sa laging traffic na SLEX!
Unang ibinaba ng pilot yung mga gamit namin then si Keanne binuhat niya at pinaupo sa wheelchair. Sumunod kami ni Mrs. Lacey.
Isang bungalow type yung vacation house nila Keanne na may swimming pool at malaking garden plus nag-iisang island lang siya kaya napapalibutan siya ng puro tubig!
Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay may sumalubong sa amin na matandang babae at lalaki.
"Aling Susan! Mang Karyo!" Mahigpit na niyakap ni Mrs. Lacey yung dalawa.
"Buti naman ho Mam, nakabisita rin ho kayo dito. Keanne hijo, kumusta ka na?" Lumapit si Aling Susan kay Keanne.
"Alam mo bang sobrang nag-alala kami ni Karyo sa nangyari sa iyo."
"Marami hong salamat sa pag-alala, Yaya Susan..."
Yaya? Aba nagkaroon pala ng Yaya etong si Keanne!
Napatingin siya sa akin. "Good morning ho..."
"Good morning naman hija."
"Aling Susan at Mang Karyo, si Thiara ho ang personal na nurse ni Keanne at siya ho ang makakasama niya dito."
"Aba'y ang ganda mong bata! Kasing-ganda mo si Mam A-"Napahinto si Mang Karyo dahil siniko siya ni Aling Susan at nag-ehem si Keanne. Bakit kaya?
"Gusto ko ng umakyat, Mang Karyo paki-akyat nga ho ako."
"Mang Karyo pakipunta ho muna si Keanne sa office ko, susunod ho kami."
Ngumiti si Mang Karyo at binuhat na niya si Keanne at yung wheelchair naman niya ay binuhat ng piloto paakyat.
"Thiara, si Aling Susan ang yaya ni Keanne. Siya ang nag-aalalaga sa kanya sa tuwing napaparito si Keanne. Ituring mo rin siyang Yaya mo at kung may gusto ka, sabihin mo sa kanya."
"Salamat ho..." At naglakad na kami paakyat.
Nakaupo na si Keanne sa couch ng pumasok kami. Lumabas na sina Mang Karyo at Aling Susan para maghanda ng umagahan.
Umupo si Mrs. Lacey at umupo na rin ako malapit sa kinauupuan ni Keanne. Aba ang loko, sitting pretty talaga...
"I have to make this fast as I can because my flight will be by afternoon kaya Thiara, ikaw na ang bahala kay Keanne."
Tumango ako sa kanya. "First and foremost, Thiara you have the privilege in this house. You can use the swimming pool, kitchen or anywhere here as what you liked. In terms of rooms, you can choose what room where you want."