"Hindi ko pa rin talaga alam Keira…" Ayokong manghula at ayoko na rin umaasa sa binubulong nitong puso ko na kung kanino pa pwedeng manggaling etong araw-araw na simple messages at flowers.
Napatitig ako sa hawak kong simple note.
Time is too slow for those who wait, too swift for those who fear, too long for those who grieve, too short for those who rejoice, but for those who love, time is eternity.
Kung posible nga lang na andito ka Keanne, ikaw ang hinihiling at dinadalangin ng puso ko na nagbibigay sa akin nito. Mukhang imposible pero gusto kong magkatotoo.
Natapos ang araw na ni anino ni Nancy ay hindi namin nakita sa loob ng classroom namin. Kinausap na ni Keira si Kendrick at sa pagkakaalam ni Kendrick ay wala naman sa kanyang nabanggit na problema o kahit anong bumabagabag kay Nancy.
"Nababahala na ako Thiara… I don't like what's happening."
Katatapos lang ng class namin at naglalakad na kami sa corridor. "I think Keira we'd better go to Nancy now."
"Sa tingin mo ba okay yun, baka kasi magulat siya at hindi siya handa at baka makaabala pa tayo."
"Alam mo kung ayan ang iisipin mo hindi rin natin malalaman kung anong nangyari sa kanya, kaya we'd better go to her place."
Tumango si Keira at mabilis kaming lumabas ng review center, diretso na sa bahay nina Nancy na nasa bungad ng lungsod ng Baguio.
"Tao po…" Halos limang minuto na akong kumakatok sa pintuan ng bahay nina Nancy pero wala man lang nagbubukas ng pintuan.
"Hindi kaya umalis sila ng pamilya niya? What do you think?"
Kilala ko si Nancy, kahit na may problema yan sa pamilya at kinakaya pa rin niyang bigyan ng solusyon.
"Nan-"
"Lumayas ka na rito sa pamamahay ko… Walang hiya kang babae ka…" Ng marinig namin yung ni Keira ay mabilis kaming pumunta sa likuran ng bahay nila Nancy kung saan nanggaling ang boses.
"Nancy!"
Tumakbo kami sa nakahandusay na si Nancy sa lupa. Binuhat ni Keira ang ulo ni Nancy at marahang tinapik-tapik. Ako naman napatingin sa taong nakatayo sa harapan namin.
Amoy na amoy mo ang basag na gin sa tabi at nangagamoy na pulutan na mukhang kaluluto pa lamang.
"Sino kayo? Anong ginagawa nyo dito?" Sabi ko na nga ba lasing ang lalaking eto.
"Good evening ho sir, kaklase at kaibigan ho kami ni Nancy."
"Wala akong pakielam kung sino kayo. Umalis kayo dito, mga tsismosa!"
Tatayo na sana si Keira pero pinigilan ko siya. "Hindi ho kami aalis dito hangga't hi-"
"Keira? Thiara?"
"Nancy? Anong nangyari sa iyo?" Buong mukha niya kasi ang puno ng pasa at bugbog magmula sa gilid ng kilay niya hanggang sa namumutok na niyang labi.
Umiling siya at bakas na bakas sa kanyang mata na maiiyak na siya.
"Why did you hurt your daughter?" Galit na galit na sambit ni Keira sa lasenggerong ama ni Nancy.
"Wala kang pakielam dun babae ka. Hindi ka parte ng pamilya na eto kaya wag kang makisasaw, umalis na nga kayong dalawa dito at baka hindi pa ako makapagpigil at isusunod ko na rin kayo diyan sa ginawa ko sa walang utang na loob na palamunin ko!"
Kahit na nahihirapan ay binuhat ni Keira si Nancy at bumulong sa tenga niya ng…
"Wag kang mag-alala Nancy, safe ka na dahil andito kami ni Thiara." Napatingin ako sa kanya at tumango siya.
Naglakad na kami at hindi pa kami nakakalayo ay malakas na sumigaw ang ama ni Nancy.
"Hoy mga tsismosa! Saan nyo dadalhin yang maldita na yan? Sige sa inyo na siya para mawalan na ako isang papalamunin!"
Napapikit ako at huminga ng malalim, sobrang nagpapasalamat ako dahil hindi naging ganyan si Papa. Kawawang Nancy…
"Ano na Keira... Saan natin dadalhin si Nancy?" Nakasakay kami sa jeep at nag-iisip kung saan namin dadalhin si Nancy. Hindi kasi siya pwede kina Keira dahil nangagapa pa rin sa pera ang Mommy niya dahil nga hindi pa nakakaahon sa pagkakautang dahil sa pagpapa-opera sa Dad niya at mas lalong hindi pwede sa bahay ni Tito dahil tiyak papagalitan ako nun at ayaw na ayaw pa naman nun masangkot sa gulo.
"Isa lang ang naiisip ko…"
"Thiara… Keira… Gabing-gabi na at…" Napahinto siya at mabilis na kinuha kay Keira si Nancy.
"What happened to her?"
"Kendrick pwede bang dito muna si Nancy?"
Pumayag si Kendrick at sabi niya sa amin wag na daw kaming mag-alala dahil aalagaan niyang mabuti si Nancy lalo pa't andito ang Nanay niya na kagagaling lang sa France na matagal na palang nurse.
"Thank you ha."
"No problem. Mabuti pa ihatid ko na kayo pauwi."
Umiling agad si Keira at hinatak na ako. "Wag na we can manage." Napangiti na lang ako kay Kendrick. "Sige take care."
Lalabas na sana kami ni Keira ng gate nina Kendrick na biglang tinawag niya yung pangalan ko.
"Thiara sandali..."
Napahinto kami at napatingin sa humahangos na si Kendrick.
"For you..."
At hindi ko inaasahan na siya mismo ang mag-aabot sa akin ng envelope na may pangalan ko at apat na pirasong yellow mums!
He never felt that she cared
Turning to leave
Feeling her lonely stare
If only a secret love
Left more than a broken heart
Like a fool thinks he felt the start
Of what he hoped for so long
-Toto
Napatitig ako kay Kendrick lalo na sa hawak niyang envelope. Eto na ba yun? As in eto na?
"Kendrick… Paanong? Ikaw? Ikaw yung nagbibigay sa akin ng mga messages at flowers?"
Kumunot yung noo ni Kendrick tapos umiling siya. "I don't know what you are talking about Thiara."
"To whom this came from?"
Ngumiti siya tapos binigay sa akin yung envelope at flowers. "This is not from me…"
"Ha? Eh kanino nga galing yan Kendrick? Kung hindi sa iyo eh bakit meron ka niyan at binibigay mo pa kay Thiara?"
Hinawakan niyan yung balikat namin ni Keira. "I don't know why I have this feeling that I am being criticize. Calm down girls, I will explain to you." Nagkatinginan kami ni Keira at napatango na lang sa sinabi ni Kendrick.
"You have left the classroom very early, right?" Tumango kami ni Keira at napagtanto kong maaga nga kaming lumabas eksaktong pagkatunog ng bell.
"Medyo malayo na kayo sa corridor ng biglang may babae na lumapit sa akin at tinanong kung kaklase daw ba ako ni Thiara Walton. Sabi ko oo tapos may nagpapa-abot daw sa kanya ng envelope na hawak mo at tsaka bulaklak."
So may nagpaabot lang pala kay Kendrick. Kung gaano hindi siya yung secret admirer ko pero sandali kung hindi siya yung nagpapadala eh kanino niya pinapadala yung mga sinasabi niyang letters sa akin?
"Wait lang Kendrick bago tayo bumalik dun sa girl na nagbigay sa iyo nito, I want to clear something." Siniko ako ni Keira at base sa reaksiyon ng mukha niya hindi niya alam yung sasabihin ko at tama yun wala nga siyang alam tungkol dun.