webnovel

The amazing Refrigerator

Rythm's POV

Mag-aalas'otso na ng gabi ng makauwi si Marcus.

Napakagana niyang kumain, mukhang nasarapan sa luto ko.

Hindi na rin pala siya hinatid ni General.

Pinasakay na lang siya sa dumaang jeep kanina.

mukha ngang hindi sang-ayon si Marcus kanina eh,

I wonder if he knows how to commute.

Anyways,

Nandito kami sa salas ni General ngayon habang nanunuod.

Hawak niya ang popcorn na magkasama pa naming binili sa grocery store nung isang araw.

Kukuha na sana ako sa bowl na hawak niya pero inilayo niya ito.

Kaya naman hindi ko napigilang ngumuso.

>o<

Tch.

Ano pa nga ba?

Walang epek sa kaniya.

Aish.

" Damot moooo " nasabi ko na lamang sa kaniya at saka pumunta sa kusina para kumuha ng kung ano mang pwedeng makain habang nanunuod.

Pabalik na sana ako sa salas ng makita ko ang sticky notes na naka'pin pa sa may refrigerator namin.

Hmm..

Oo nga pala.

Ito yung binigay sakin kanina ng lalaki na nagpunta dito.

Pinabibigay niya ito kay General.

Kinuha ko ito mula sa pagkaka'pin nito at saka nagtungo sa salas.

Nadatnan kong nakadapa na siya sa sofa.

Ng makalapit ako sa kaniya ay saka ko ibinigay ang sticky notes.

Kinuha niya naman ito ng nakatuon pa din ang atensyon sa pinapanuod.

Kaya umupo na ako sa sahig at nanuod.

" Bakit ngayon mo lang ito binigay sa'kin? "

Nagulat ako sa biglaang tanong ni General

" Eh pasensiya na. Hindi ko naalala eh, alam mo naman limitasyon ng memorya ko diba? "

Pabirong sagot ko na lamang sa kaniya sa kabila ng kakaibang tensyon sa aming dalawa ngayon.

Ewan ko ba.

Biglang nag-iba timpla ng babaeng ito ngayon.

Di ko alam kung galit ba siya o hindi.

Kalmado mukha at boses eh.

Pero iba kasi talaga.

Somethings wrong with her and also with that sticky notes.

-_-

Hindi naman na siya nagsalita pa ulit pagkatapos no'n.

Pansin ko lang na from the moment na binigay ko sa kaniya ang sticky notes ay sa cellphone na nakatuon ang atensyon niya.

Hmm..

" Anyare Gen? " di ko naiwasang magtanong sa kaniya.

" Wala naman. " simpleng sagot nito at ibinalik na ulit ang pokus sa panunuod.

" Hmm.. Sino pala 'yong lalaking naghahanap sa'yo kanina? Yung pogi na may tattoo sa leeg? " tanong ko at saka lumapit sa kaniya habang hawak ang remote.

Sayang.

Pogi sana eh, kaso may tattoo.

Ayoko kasi sa lalaking may tattoo.

Kahit maputi pa yan o hot.

Basta may tattoo? Nah. Inyong-inyo na.

Saksak niyo sa baga niyo uy.

¬_¬

" Kakilala lang. Kailan pala start ng class sa JPIU?( pronounced as JPU ) " - General

" Ahm. Start ng klase? By August pa daw eh. So medyo matagal pa don't worry. " sagot ko sa kaniya

Buti na lang talaga at ginawa nilang August ang start ng klase ng mga nasa Kolehiyo.

^_^

Medyo nawala na ang kakaibang tensyon mula kanina kaya naman prente na din akong nanuod.

Pareho na kaming nasa ika'tatlong taon ni Gen sa Kolehiyo.

HRM ang kurso ko habang siya naman ay kumuha ng Forensic Science.

So ayun, same University kami asusual.

Since first sem pa lang naman sa College kami naging magkaibigan nitong si General.

Alam ko, di ako friend niyan.

Walang kaibigan sa dictionary niya eh.

Ako lang naman nag'aadmit na kaibigan niya 'ko eh.

T_T

Ewan ko ba diyan.

Well, it doesn't matter to me naman.

Basta para sa'kin, she's a friend.

^^,

Hindi pa man natatapos ang palabas ay nagpasya na 'kong matulog.

Habang si General ay naiwang nasa salas.

Hay nako.

Matibay sa puyatan ang babaeng 'yon.

Bago pa man ako umakyat sa itaas ay may biglaang kumatok sa pinto.

Bababa na sana ako para i'check kung sino 'yon ng pigilan ako ni General.

Sinenyasan niya akong umakyat.

Naguguluhan man ako ay parang aso pa din akong tumango at sumunod sa kaniya.

Pero bago pa man ako sumunod ay hinila na niya ko papuntang kusina.

" Ba't di mo tingnan? Teka nga! Ano bang meron? " naguguluhan kong tanong sa kaniya

" Shhh. Wag kang maingay. Just follow me. " pagkasabi niya niyon ay binuksan niya ang refrigerator.

Pinaikot niya ang temperature control nito at saka itinapat ang green arrow sa Red line.

Anong trip niya?

-.-

Gusto niya bang maging yelo ang mga alak na nakalagay dito?

Syempre echos lang! Pero kahit na 'no! Malay natin, diba? Sayang naman yung mga pinamili namin.

Pero bago pa 'ko muling makapagtanong sa kaniya ay narinig namin ang malakas na pag-sigaw ng kung sino sa labas at ang malalakas na kalabog sa pinto namin.

Tumingin ako kay Gen

Natatakot na 'ko.

Humawak na 'ko sa may laylayan ng damit niya.

Feeling ko kasi konting sipa na lang sa pinto at mabubuksan na nila 'yon.

Makukuha na nila kami.

At mapa----

" There. Pumasok kana, bago pa nila tayo mahuli. " biglang sabi ni Gen at bumalik ako sa reyalidad.

Nakita kong may maliit na pinto sa loob ng ref.

WHAT?!?!?!

Sa loob?

May pinto?

Napatingin ako kay Gen.

Pero imbes na sumagot siya ay hinila at itinulak na niya ko sa loob niyon.

Hindi ko inaasahan ang biglang pagbagsak ko sa malambot na kutson.

Mayamaya pa ay kasunod ko na din siya.

Wala pa din akong ideya sa kung anong mga nangyayari ngayon.

Ang alam ko lang ay may mga tao sa labas ng bahay namin na gustong pumasok dito sa loob kaya napunta kami dito sa kwartong ito na puno ng malalaking flatscreen TV.

Kitang-kita namin ang mga naglalakihan at armadong lalaki sa labas ng bahay.

May pitong lalaki ang nasa tapat ng pinto na sumisipa dito.

At may iba naman na nakapalibot sa bahay namin.

O_O

Ohmyghad.

What's happening?

" Gen, anong nangyayari? Bakit may mga ganyang nilalang sa labas ng bahay natin? Papatayin ba nila tayo? " hysterical kong tanong kay Gen habang may kung anong tinatype siya sa keyboard

" Basta. Saka ko na ipapaliwanag. " kalmadong sagot niya sa'kin nang hindi inaalis ang atensyon sa ginagawa.

Paano niya nagagawang maging kalmado pa din sa ganitong sitwasyon?

Pinagmamasdan ko na lamang ang mga lalaking bakulaw na yon sa screen. Nawasak na nila ang pinto ng bahay namin.

ㅠ.ㅠ

Tch.

Inabot pa ng ilang minuto bago nila masira ang pinto namin.

Iba talaga kapag gawa sa puno ng Narra.

Matibay.

Samantala, naagaw ng isang pigura ng lalaki sa screen ang atensiyon ko.

Wait..

He looks very familiar

Sino nga ba siya???

Hmm..

Isip..

Isip..

Isip..

AHA!

Tama!!

Siya ang lalaking nagpunta dito kahapon.

Ang lalaking may tattoo.

Pero bakit?

Napalingon ako ulit kay General

" Siya yung lalaki kahapon Gen. Kaya ba siya pumunta dito kahapon at kaya ka ba niya hinahanap is para patayin ka? " tanong ko sa kaniya na nakapagpatigil sa ginagawa niya.

" No. " walang gana niyang sagot.

Magtatanong pa sana ako ng maramdaman kong nagsisimula na namang magbago ang timpla ng awra ni General kaya naman kahit naguguluhan pa din ay nanahimik na lang ako.

" May C.R ba dito? " tanong ko sa kaniya

" Oo. Hanapin mo na lang. " pagkasabi niya nito ay agad akong tumayo sa pagkakasalampak sa kutson at lumabas sa kwartong iyon.

Kung kanina ay nagulat ako sa nangyari sa refrigerator namin, ngayon ay nagulantang na naman ako sa nakikita ko ngayon.

Paanong nagkaroon ng ganitong kwarto at kalaking basement sa loob ng refrigerator namin?

Inilibot ko ang tingin sa buong paligid ko.

May anim na sasakyan

Big bikes..

At kung anu-ano pang gamit ang naririto.

Pero hindi na 'ko nagsayang pa ng oras at hinanap ko na ang C.R

Madaming room dito sa loob.

Halos sunod-sunod ang mga ito.

May mga markang kulay red na X ang iba.

Bawal sigurong buksan, sa isip-isip ko.

At dahil sa takot ko kay General, binalewala ko ang curiousity na nangungulit sa'kin habang binaybay ang corrigidor na ito.

Finally, narating ko na din ang C.R

Dali-dali akong pumasok sa cubicle

Akmang iihi na ako ng mapaisip ako bigla..

Lumingon-lingon ako sa paligid.

Wala bang CCTV dito?

Baka mamaya meron..

(-.-)?

Itinuloy ko na ang pag-ihi saka lumabas.

Haystt

Feeling ko sasabog ang pantog ko once na hindi pa 'ko nakaihi eh.

Sana naman panaginip lang 'to.

Nakakatakot kasi eh,

Never ko pa na-experience yung gantong mga scenes in real life.

Ano ba kasing pinagagagawa mo General?