webnovel

12. Confused

(3rd Person POV)

Halos nakanganga at hindi makapaniwala ang ibang Elementalist sa nagaganap na laban sa pagitan ni Shantell at Kael.

Hindi nila inaasahan na makakayang makipagsabayang ng babae sa lalake. Alam nila kung gaano kahusay si Kael sa pakikipaglaban ngunit ngayon ay nakikita nilang nahihirapan din ito sa labang nagaganap.

Tuloyang nawalan ng malay si Shantell dahil sa natanggap na sipa mula kay Kael. Tatakbo na sana sila upang tulongan ito ngunit mas nagulat sila dahil sa biglang pagbuhat ni Kael kay Shantell papunta sa clinic.

"What's the meaning of that? " di makapaniwalang sabi ni Almira habang sinusulyapan ang dalawa na papaalis.

"Makinig kayo, itutuloy natin ang susunod na laban next week. At pakisabi sa dalawang yun na pasado sila sa aktibidad ngayon" nakangiting sabi ni Ginoong Marcus.

Napahanga siya ng dalawa, lalong lalo na si Shantell. Ngayon niya lang nakita ang mga ganoong galawan sa pakikipaglaban at parang bihasang bihasa ito.

Nagsisunuran naman ang iba sa clinic. Naabutan nilang nakahiga si Shantell sa higaan habang si Kael naman ay sinusuri ng  manggagamot ang mukha nito.

"Maayos na ang kalagayan niyong dalawa ngunit kailangan magpahinga ng inyong katawan, lalo na siya" sabi ng manggagamot habang nakaturo kay Shantell.

Nakanginga naman sila Shia sa narinig at pinagmasdan ang natutulog na si Shantell.

"Ako na ang magbabantay sa kanya" suhestiyon ni Shia. Tumango naman ang iba at lumabas na. Ngunit napatigil si Damon dahil tinawag ito ni Shia.

"Pakidalhan kami ng makakain" napataas ang kilay ni Damon sa sinabi ni Shia.

"Ano mo ako? Katulong? Bleee" binilatan nito si Shia at akmang aalis na sana ngunit,

"Okay, sasabihin ko nalang kay Shantell na huwag na magluluto ng kanin dahil hindi ka mapaki-usapan" napahintong muli si Damon at alanganing ngumiti kay Shia.

"Ikaw naman Shia ha ha ha hindi ka mabiro ito na" napangisi si Shia dahil dito. Naalala niya kase nung sinubukan ni Damon na magluto ay pinagalitan siya ni Shantell dahil naging lugaw daw ang kanin o di kaya naman ay alanganin sa luto, minsan naman ay overcooked. Hahaha

Ilang segundo lang ay bumalik na si Damon na may dala dalang pagkain at binagsak ito sa lamesa. "Ayan na mahal na prinsesa" sarkastik na sabi ni Damon.

Ngumiti ng matamis si Shia "Thank you! "

"Wait lang. Sigurado ka bang binili mo to? " tanong nito kay Damon.

Sinungitan naman ito ni Damon. "Oo naman, alangan naman ninakaw ko yan? Tingin mo saken? Magnanakaw? "

"Bakit? Hindi ba? " napakamot si Damon ng batok.

"Aishhh! Jan ka na nga! " at padabog itong umalis na ikinatawa naman ni Shia.

(Almira POV)

Naglalakad ako patungo sa Veranda dahil nakita ko doon si Lucas na mag-isang nakatayo.

"Something's bothering you? " napaharap ito sa akin at umiling. Si Lucas ang pinakatahimik sa amin. Madalas lang siyang magsalita. Talo niya pa si Kael sa sobrang tahimik nito.

"You think about her too? " tumango siya ng bahagya na ikinangiti ko.

"I feel like" he pauses for a second and take a deep breath before he talks again. "I'm thousand step from her, no we. I feel like we can't reach her, She has this superiority awra that I always feel" napahinga ako ng malalim sa sinabi niya. Sumasang-ayon din ako sa sinabi niya.

Mind you, sa akin lang nagsasalita ng mahaba yan since I'm his best friend. Magkakilala na kami since child.

"I feel the same way too, then why are you bothered? " napalingon siya sa akin. Alam kong may alam siyang hindi ko alam at nagdadalawang isip siyang sabihin ito sa akin.

Hindi naman ako nasasaktan dahil doon, I know may rason kung bakit hindi niya masabi.

"I'm not sure yet, need some proof. Don't worry your the first one to know" ginulo niya ang buhok ko bago tuluyang umalis sa harap ko. Napangiti ako when he always did that. Yung ginugulo ang buhok ko.

Napaisip ko sa sinabi niya kanina. It is a strange feeling not me but my element which is air. I don't know why but there's a time that my element is scared. It scared sometimes when I see Shantell being serious and calm like in the battle of her and Kael.

Parang natatakot ang elemento ko at gustong kumawala sa katawan ko at tumakas at lumayo. Yung malayo sa kanya.

Napahinga ako ng malalim at tinignan ang sikat ng araw. The same color of her aura. Just who the hell are you Shantell?

(Shia POV)

Abala ako sa pagkain ng mga prutas ng nakita kong nagising na si Shanty!!

Buti naman at maayos na ang lagay niya! Grabe din kase si Kael walang awa! Wala siyang puso!

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Bahagyang tumango si Shantell. Binigyan ko siya ng isang bulaklak na kulay puti. Nakatiklop pa ang bulaklak upang mapreserve ang amoy nito. Mabango ito at masarap sa pakiramdam at nakakatulong na maalis ang nararamdamang sakit ng katawan at ulo.

Tinanggap niya ang bulaklak at nagpasalamat. Gagamitin ko na sana ang element ko para buksan ang bulaklak pero nanlaki ang mata ko dahil sa pagtanggap niya nito ay tuluyang namukadkad ang bulaklak.

"Wow!!! Paano mo nagawa yan? " galak kong tanong habang tinuturo ang bulaklak. Halata namang naguguluhan siya kaya ngumiti na lang ako.

Pinagmasdan ko siyang inaamoy amoy ang bulaklak, makikita sa mga mata ni ang kaginhawaan. Nagpasya na kaming umalis sa clinic at umuwi sa dorm.

"Maraming salamat Shia ah. Naabala pa kita" tinignan ko siya ng nakangiti.

"Wala yun! Kung gusto mo magpasalamat ay kay Kael dapat dahil siyaang nagdala sayo sa clinic" napataas ang kilay niya dahil hindi niya yun ineexpect. Palihim akong napatawa dahil dito.

Kung tutuusin bagay sila ha, wahh!!! Support ako sa kanilang dalawa.!

Pagdating namin sa dorm ay dumeretso ako sa silid ko. Nilibot ko ng tingin ang buong silid. Nababalutan ng mga ugat at dahon ang buong pader ng silid ko, may mga bulaklak din dito. Basta para siyang harden na kwarto, kahit saan ka tumingin ay may bulaklak.

Napaisip ako kanina sa nangyari sa clinic. Hindi yun kusang mamumukadkad kong wala kang elemento ng Nature o koneksyon mula dito.

Hindi ko alam kong paano niya iyon nagawa pero kung may posibilidad ngang kaya niya din yun, or may koneksyon siya sa elemento ko, napasinghap ako sa aking iniisip!

Imposible! Hindi maaaring may higit siya sa isang elemento!