webnovel

Kabanata 1

CHAPTER ONE:

THE AGREEMENT

●●●

Gaie's Point of View

"Saan n'yo ako dadalhin?!" pagsisigaw ko nang tuluyan nila akong ipasok sa loob ng isang itim na van.

"Nasagot na po namin kayo ng ilang ulit. Sigurado ka ba rito, Kline?" pagpipigil ng iritasyon ng isa sa kanila.

"Ahh, Oo nga pala...sorry. Pero sa'n nga ba talaga tayo pupunta?"

Nagtinginan sila sa isa't isa at animo'y pagod na pagod ng magpaliwanag sa akin. "Malalaman niyo rin ho, mamaya. Tumahimik na lamang po kayo."

"Wow, demanding," bulong ko sabay umirap sa hangin.

MANSION DE TAÑEDO

"Bakit tayo narito?"

"Ikaw na nga ang sumagot diyan, Usher," naiiritang wika n'ong Kline ngunit ngumiti rin kaagad ng peke sa akin.

"I wonder why Mr. Tañedo chose her."

Pumasok kami sa isang silid na triple na ata ang laki sa bahay na inuupahan namin.

Wow, ang ganda!

"Mister Usher, kunan mo nga ako ng picture," suyo ko sa blangko na ang mukhang si Usher.

"I'm sorry, miss but taking pictures here in this mansion is prohibited. Magagalit si Madame Helena,"ani Usher na wala pa ring emosyon ang mukha.

"Hmp, ano ba namang klaseng rules 'yan. Ang damot," nakangusong bulong ko.

Isang maganda at eleganteng babae ang pumasok sa silid. Dahilan para kabahan ako ng bonggang-bongga.

"Please sit down," mahinhin niyang turan na sinunod ko naman.

"So, we're here to formally sign the agreement between both parties," aniya na wala man lang akong kaide-ideya sa mga lumalabas sa kanyang bibig.

"Po? Agreement?"

"The Agreement about marrying my son. I thought my husband told you about the agreement?"

"Marrying your son?... Who?" Itinagilid ko ang aking ulo dahil wala akong kaalam-alam tinutukoy niya.

Ah!

Kasal. Tungkol lang pala sa kasal.

"Sign this first before I'll continue talking about my son."

Dahil lutang ako at gusto kong marinig ang mga sasabihin niya, walang pagdadalawang-isip ko itong pinirmahan nang hindi man lang nagbabasa.

Ibinigay niya ito sa lawyer na nasa gilid niya at kaagad niyang pinalabas lahat maliban sa aming dalawa.

"Don't you dare turn your back now that you've decided. I hate people with that attitude," banta niya na tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tila ba nagugulumihan.

"I've heard from my husband that you're an heiress of a well-known company. Hmm, to be honest how you look like now, upsets me."

"P-Po?" nanginginig kong tanong.

Heiress?

Are they mistaken me of someone? Wait. Don't tell me 'yong kaparehas ko ng dress kanina ang hinahanap ng dalawang lalaking iyon?!

OMG!

Lagot!

Paano ko 'to sasabihin sa kanya?

Nakakatakot pa naman ang babaeng ito!

Naghahanap ako ng lusot nang bigla kong matanto ang nangyayari...

NAPIRMAHAN KO NA ANG AGREEMENT.

"Wait, a-ako ba? M-Magpapakasal sa anak niyo?" kinakabahang tanong ko.

Pero hindi ako 'yong heiress na tinutukoy niya. Namumulubi nga ako ngayon, e!

"Well, you'll marry my son on private. So, your uhm..." tinignan niya ulit ako mula ulo hanggang paa tsaka dinugtungan ang mga sasabihin. "relationship with my son is a hidden secret too. He'll become your secret husband. Your looks won't interfere." Bakas ang disgusto sa kanyang mukha nang sabihin niya ang mga ito.

Tsk, kung makalait!

"Bakit niyo po ipapakasal ang anak niyo sa 'di niya mahal? Isa pa, college pa lang po ako...a-at—"

"So what? This is our matter. Ikaw mismo ang lumapit sa asawa ko at h'wag na h'wag mong tatangkaing tumakas. Accept the consequences."

"S-Sorry po, that's not what I've meant."

"You'll gonna marry my son, for business purposes and for his grandmother. No questions anymore, gotta go."

Ang ganda-ganda niya pero ugaling kalye. Psh. Ni ayaw niya lang man akong pakinggan.

Bahala kayo, 'di ako magpapakita ulit.

"Oh, I remember. Don't you dare try escaping because there's no other way out unless you're de@d."

Napaawang ang labi ko. "A-Ano bang kalokohan at gulo 'tong napasok ko?" nanlulumo kong tanong sa sarili habang sinusundan ng tingin ang pag-alis n'ong bruh*ldang si Helena.

Bw*sit talaga!

Vhiencents' Point of View

"Son, I've met your fiancé earlier. She's a bit weird and not that... outstanding. Cleo, why would you pick someone like her? She's not even perfect for our child," my mom mumbled.

"Look at you and your standards again. Stop saying nonsense stuffs, Helena. Sabi ng sekretarya kong napakaganda raw ng mapapangasawa ni Vhien."

Here we go again with that sh*t.

"Gotta go. I'm full," paalam ko sa kanila na nagsasagutan pa rin tungkol sa mapapangasawa ko.

I hope to divorced her.

I'll marry that woman for grandma but I'll do everything to get rid of that garbage.

Who cares how she looks like.

She's just our toy.

Mabuti na lang at simula na ng pasukan. I'll gotta be out of this h*ll. Makakalimutan ko pansamantalang itatali na ako.

FAST FORWARD

Habang naghahanda ng gamit para sa paglipat ko sa dorm ng Zhenvalle University, biglang nagbukas ang pinto at iniluwa nito si mommy.

"Son, I know you're still angry but please don't you think of disobeying this time. I'll help you to get rid of that dirt. Just don't..."

"Stop reminding me of the wedding. Mawawalan lang ako ng gana," I interrupted.

"You'll meet her next month—"

"Mom, could you just leave me alone? I accepted the fact that I'm no longer free to decide. Now, let me have my peace of mind."

Zhenvalle University is the only place where I can be in peace. I hope no one interrupts this time.

Gaie's Point of View

Zhenvalle University, I'm coming!

Masaya akong naglalakad bitbit ang mga bag na inihanda mismo ni nanay. I'm so happy to finally enter my dream school.

"Acck, ang saya-saya nito," kinikilig sa saya kong sambit habang patalon-talon sa daang binabaybay ko.

Nang biglang narinig ko ang pagkasira ng strap nitong bag na aking suot-suot. Ramdam ko ang pagkahulog nito sa kalsada dahilan para matigilan ako.

20 seconds na lang at mag-go-go na ang traffic light. Hudyat na pwede na akong sagasaan.

Oh My Gashgash!

"Ba't ba kasi ang daming inihanda ni mama?" Para tuloy akong mag-ma-mountain climbing.

Pa'no ko 'to bibitbitin ngayon?

"Iwan ko na lang kaya 'to?" Itinagilid ko ang aking ulo na kaagad ko ring iniling-iling.

"'Di pwede. Nandito mga panties ko. Alangan namang 'di ako magsuot n'on sa school." Kinatok ko ng tatlong beses ang aking ulo para matauhan subalit naalerto akong bigla sa nakita.

Sinundan ko ng tingin ang lumulutang ko ng bag. Mali, pinulot pala ito ng isang...

"Pogi mo," wala sa sariling sambit ko na nagsisimula ng mag-isip ng pang out of this world.

"Harang ka," masungit niyang sambit. Rinig ko ang pagsira ng fairytale na nabuo ko sa aking pantasya.

Tinaasan niya ako ng kilay sabay tapon ng bag ko sa gilid ng daan. Dahilan para mapuno ito ng putik dala ng putikang parte ng kalsada. "Sabing harang ka. Tabi nga,"pagsusungit niya ulit na ikinanganga ko.

Nabato ako sa nakakagag*ong ginawa niya. Sinundan ko siya ng tingin habang papasok siya sa isang eleganteng sasakyan.

Halatang matapobre!

"Tangime mo!" Napatalon ako sa gulat dahil malakas niyang ipinatunog ang kanyang sasakyan. Napatakbo ako palayo ng wala sa oras.

"Kung sino ka mang walang puso ka, hindi ka sana matahimik! Grr!" Nawala tuloy 'yong saya ko kanina.

"Are you okay, miss?" Isang matandang babae ang lumapit sa akin habang abala ako sa pagpulot ng bag ko. Nag-aalala niyang tinignan ang naputikan kong bag.

"Okay lang po ako. Ikaw po, gusto mo po ba ng tulong, lola?" Naalala ko bigla na kailangan ko na palang umalis kaya binigyan ko na lamang ang matanda ng pera sa pagmamadali.

"Kunin n'yo po 'tong isang daan. Pasensya, 'yan lang po ang meron ako. Mukhang hindi pa kayo kumakain. Ingat po!" Kahit nahihirapan ay nagmadali ako sa pag-alis sapagkat magsisimula na ang pasukan.

Sana pala 50 pesos lang binigay ko. Wala akong pambili ng..."Tumigil ka nga, Gaie. 'Yong kademony*han mo, gumagana ulit. Naibigay mo na kaya walang bawian."

Ghad, late na ako!

Sa kakamadali at sa kamalas-malasang pagkakataon, nalaglag ulit ang bag na yakap-yakap ko. Ito pa, n'ong yumuko na ako para kunin ito ay narinig ko ang pagkapunit ng jeans na aking suot-suot.

"Tang ineng 'to. After five years, ngayon mo lang naisipang mapunit?"

Ayoko na talaga!

Mabilis kong pinulot ang nabasa kong bag. Nasa public area ako kaya marami na ang nakatingin sa akin.

"Uhm," tikhim ng kung sino sa likuran ko. Dahan-dahan ko siyang hinarap at bumungad sa akin ang mala-anghel na mukha ng isang lalaki. Tinanaw ko ang suot-suot niyang school I.D. at natantong schoolmate ko siya.

Layl Kajin Monceller.

"Miss, y-your jeans...uhm," tumikhim siyang muli at kaagad naghubad ng jacket sa harapan ko mismo. Dahilan para takpan ko ang aking mga mata. "Use my jacket," anito na sinilip ko sa pagitan ng aking mga daliri.

N-Nakita niya kaya 'yong punit kong...?

OMGEE! Kahiya!

Nag-aalinlangan ko itong tinanggap na nagsisimula ng manginit ang magkabilang pisngi. Tumango-tango siya na puno rin ng pag-aalinlangan at tinalikuran na ako. Bitbit ang dalawa niyang bagahe.

"W-Wait, pa'no ko 'to isasauli?" naibulong ko na lamang sapagkat papalayo na siya sa akin.

FAST FORWARD

ZHENVALLE UNIVERSITY

Pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko dahil sa putikan kong bag. Narinig kong karamihan ng nasa school na ito ay mayayaman.

Edi wow.

"Excuse me, alam mo ba kung nasaan ang Room 48?" nahihiyang tanong ko sa babaeng nakasalubong ko. Inayos ko ang aking salamin dahil tinitigan niya ako ng matagal.

"Dunno. Your smell sucks," maarteng tugon nito na bigla akong nilayuan na nakatakip pa sa ilong nito.

Napayuko ako dahil sa sinabi niya. "Mali bang pumasok ako sa mundong 'di ako nararapat?"

"Need help?" Nabigla ako sa pagsulpot ng lalaking tumulong sa akin kanina. Nginitian niya ako kaya kahit papaano ay gumaan ang loob ko.

"Ah, k-kasi..." Naiwan sa ere ang mga sasabihin ko nang pulutin niya ang dalawang bag na bitbit ko kanina.

"Room number?" aniya na hinihintay ang magiging sagot ko. Nang walang makuhang tugon ay tinitigan niya ako at sinundan ang aking tingin. He wave his left hand in front of me. "Miss?"

"Ahh, 48! Oo, 48!" wala sa sariling sagot ko na impit niyang ikinangiti.

Nakakahiya!

Pinagtitinginan kami dahil sa anghel na kasama ko. Ang bait-bait niya sobra. May next candidate na ako sa magiging crush ko.

Landi mo, Gaie. Tigil-tigilan na ang kakanood ng romantic dramas.

"T-Thank you," nahihiyang sambit ko na sinagot niya lang ng tango at mabilis na lumisan.

I burried my face on my palms in shame. "Sana makita kita ulit," bulong ko at tuluyan ng kumatok.

Paige's Point of View

Nakatutok pa rin ako sa cellphone ko baka sakaling tawagan na ako ng sekretarya ni tito Cleo. Nakakapagtaka lang dahil pumayag na siyang ako ang magiging asawa ni Hile.

I asked and begged tito Cleo myself but until now, there's no update at all.

Natigil ako sa pagsulyap sa cellphone ko nang makarinig ng pagkatok sa pinto.

"Yes?" bungad ko sa isang babaeng kulot ang buhok at may bilugang suot na salamin.

Nahihiya siyang ngumiti dahilan para masilayan ko ang nagniningning nitong braces.

She's cute tho'.

"D-Dito 'y-yong r-room na ibinigay sa akin," nauutal niyang sagot sa mga nagtatanong kong tingin.

Napa 'O' ang aking bibig at sandaling pumikit-pikit bago tuluyang natantong siya ang isa sa mga roommates ko.

"Come in. Welcome in here," pagngiti ko na mas lalo niyang ikinayuko.

I find her interesting. Hmm.

Gaie's Point of View

Ang ganda ni Paige!

Nahihiya ako sa kanya dahil ang bait-bait niya at ang layo-layo ng ganda niya sa akin. Magkaklase rin pala kami. Architecture rin ang course na kinuha niya.

Salamat naman at may makakasundo ako.

FAST FORWARD

Hindi nakisabay si Paige sa akin kaya nauna na ako sa classroom. Pagdating ko ro'n ay halos wala ng bakanteng upuan.

Saan ako uupo?

"P-Pwede ba ako rito?" nahihiya kong tanong sa babaeng abala sa pagsusulat.

"No."

"Ah...s-sige."

Tang ineng saan ba ako uupo?

Tatlong tao pa ang pinagtanungan ko bago ako nakahanap ng mauupuan. Tulog siya kaya hindi siguro 'to makakapagreklamo.

Vhiencent Hile Tañedo.

Ganda ng name, pang rich kid talaga ang datingan!

Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya dahilan para pag-usapan ako ng lahat. Anong meron?

Don't tell me, anak 'to ng mafia boss kagaya ng nababasa ko sa novels?

Aish, fiction pa more!

Binalewala ko na lamang sila at inilabas ang ruler sa bag ko para simulan na ang paggawa ng template. Nahirapan ako sa paghila rito kaya hinablot ko ito sa abot ng aking makakaya. Tuluyan ko nga itong nakuha ngunit tumama ang dulo ng ruler sa ulo ng natutulog kong katabi.

Sobrang bilis ng pangyayari na hindi ko maiproseso sa utak ang aking nagawa. Napatakip ako sa aking labi at tila nilayasan ng kaluluwa.

Tang ineng masakit 'yon!

Napalakas ata.

Lagot na!

Like it ? Add to library!Thank you so much!

unbotheredcloudcreators' thoughts