webnovel

MSH: Starts!

SIMULA

~❦~

"DO NOT READ IT OR ELSE...YOU'LL GET STUCK IN A PREPOSTEROUS AGREEMENT."

●●●

The Agreement;

Marriage Certificate.

That's what keep us connected.

That's when you became...my secret husband.

●●●

Vhiencent's Point of View

Wala ako sa sariling tumingin sa labas ng bintana nitong aking silid. I'll be tied up soon and I freakin' hate the idea. I need to think of a way to avoid this bullsh*t marriage.

"Son, please...just follow your dad's order. Stop complaining already. Everything we're doing is for you."

"I don't need a bride! Can't you understand?!" I hissed.

Kahit anong paliwanag 'di rin nila ako iintindihin. Welcome to my family! Where my opinions don't matter, where expectations were so high; where I am treated as a dog.

A sh*t!

Gaie's Point of View

Nagtatatalon ako sa saya nang makitang nakapasa ako. Papasok ako sa Zhenvalle University! I can't believe it!

Acck!

Naagaw ang aking atensyon ng babaeng nakasuot ng parehong dress na suot-suot ko ngayon. Ang ganda-ganda niya kumpara sa akin. "Malas talaga oh. Ikukumpara na naman nila ako sa kanya," bulong ko at pagkatapos ay bumuntong hininga.

Naglakad ako paalis at palayo sa park kung saan ako nanatili kanina. "Ba't nga ba ako umalis? Kasalan ko bang magkaparehas kami? Tsk."

Habang patuloy na nanlulumong naglalakad, namataan ko ang dalawang lalaki na panay ang sulyap sa akin

Is anything wrong?

"Sigurado ka bang siya ang pinapasundo ni boss?" naguguluhang tanong ng isang lalaking nakasuot ng sunglasses habang nagkakamot ng batok.

"Sabi, red dress. Kulot ang buhok at may dalang brown envelope. Siya na 'yan."

Rinig kong usap-usapan ng mga lalaki sa 'di kalayuan na ako ata ang tinutukoy. Lumapit sila sa akin at nginitian ako.

Galing, nakasuit pa talaga!

Para tuloy akong may mga poging bodyguards.

"Pinapasundo po kayo ni boss. Sumunod po kayo sa amin."

"Ha? Sinong boss?" nagtataka kong tanong habang inaayos ang aking salamin.

"Malalaman niyo rin po pagdating niyo r'on. Naghihintay na rin po ang magiging fiancé mo," malumanay na sambit pa ng isa habang iginigiya ako papasok sa sasakyan.

Ha?

Fiancé?

A-Ano?!

WARNING:

NAKAKAKILIG!

:>