webnovel

Chapter 3

"Ruth?.... Yeah ikaw nga! Hi!" My heart started to beat faster again when he smiled, my face heated.

Anong nangyayare nanaman saakin?

"Sir sainyo po?" the barista.

"Ganito nalang." Tinuro niya ang hawak kong milktea at muling tumingin saakin. 

" How are you? Kahapon kakakita lang natin."

"Yeah...im fine." I looked away and acted like im doing something in my phone.

"Are you sick? Bakit namumula ang mga pisngi mo?" Nilagay niya ang likod ng palad niya sa noo ko kaya naman muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko, ayan na nga sinasabi ko! Baka makita niyang mapula ang mata ko,nakakahiya naman! "Mukhang okay naman temperature mo. Okay ka lang ba?" Mabilis akong tumango at iniiwasan ang tingin niya.

"You're with someone or what?" He glanced in our table and i saw my friends staring at me.....us.

"Yes, my friends." I stopped scrolling and put my phone in my pocket. Lumakad ako sa table namin at umupo.

"Can i join?" he asked. Agad naman na tumango yung dalawa. Hindi ko maiwasan na mapangiti ng nag kasundo sila agad ng mga kaibigan ko. Hindi ko namalayan na nakatitig pala ako sa kaniya. He's so professional, bagay talaga sa kaniya ang pag do-doctor. Kapag may tanong sa kaniya sasagutin niya ng walang mali.

"Ay Doc Martin mahuhuli na kami sa presentation namin. Mauuna na po kami!" si Kae.

"Oo nga doc martin! Thank you po sa mga tinuro niyo," masayang ani ni Achilles.

"Ganon ba? Sige good luck sa inyong tatlo." Isa isa niya kaming nginitian, hindi nanaman maawat sa pag tibok ng mabilis itong puso ko nang huli niya akong tinignan. Ano bang nangyayari sa'kin?

"Lalo na saiyo ruth! Good luck. "Nawala ang kaba ko sa pag p-present dahil sa sinabi niya.

"Very good Ms. Jimenez. Clap your hands!" my prof commented. Ngumiti lang ako sa kanila at umupo sa upuan ko. 

Nag lalakad kami ngayon papunta sa sunken garden dito sa U.P. Masarap kase dun ang mga street-foods kaya dun kami bibili. Dala dala ko ang mga libro na babasahin ko para sa susunod na exam namin. May hawak akong milktea at payapang lumalakad ng biglang tumalsik sa pag mumukha ko ang iniinom ko.

"Ruth!" Narinig ko ang pag sigaw ni kae. Agad silang lumapit sa akin para punasan ang dumi ko. Nakita ko na nabasa ang mga libro na hawak ko. Nabasag ang salamin ko at tinignan ko ang suot ko na nagkaroon na ngayon ng malaking mantsa. Nakita ko na may tumulong sa amin na isang lalake na may hawak na tennis racket, nahagip ng mga mata ko ang tennis ball. Naningkit ang mga mata ko at napamura sa loob looban dahil napagtanto ko na yun yung tumama sa iniinom ko!

My eyes widened when he turned around. We both have the same reaction when our eyes met. 

"Ikaw?!" Sabay naming sabi. I know him! Siya yung huling nag donate ng dugo. 

"Migo nice sho--." May isang taong nag salita pa sa gilid, his lips formed to 'o' when he saw me. Shot? Eh kung sa kanila kong dalawa ibato yung bola! Nag iinit ang ulo ko pero mas pinili kong damputin lahat ng nag kalat dahil wala namang magagawa kung magagalit ako. Nag simula akong mag lakad papalayo at naramdaman kong sumunod sa akin ang mga kaibigan ko. Lagkit na lagkit ako sa sarili ko, bwiset!

"Doc s-sorry hindi ko s-sinasadya eh k-kase.." hindi niya na natapos nang pag sarhan ko siya ng pinto. Nandito ako sa banyo, tumingin ako sa salamin at nakita ko kung ano ang itsura ko. Hinubad ko ang coat ko at nakita na namantsahan din ang suot kong damit. Nag init nanaman ang ulo ko ng mapagtanto kong wala akong extra na t-shirt!

"Bwiset!"

Lumabas ako ng c.r para humiram ng damit.

"May extra t-shirt ka?" i asked.

"Huh? Wala eh," Kae replied. "Ikaw may extra ka ba dyan?" tanong niya kay Achilles.

"Wala din eh. Pero hihiram ako wait lang." Tatayo na sana siya pero kinuha ko ang kamay niya para pigilan siya. Nakatingin lang siya dun kaya naman dahan dahan kong binitawan yon. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan ang driver ko. Siguro mag pa-padala nalang ako ng damit.

"Doc ito oh t-shirt bagong bago yan." Humarap ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin." Sige na doc," pangungulit niya pa.

"Ruth sige na tanggapin mo na 5 minutes nalang mag ka-klase na tayo, hindi aabot ang driver mo niyan," Kae suggested.

Tumingin ako sa t-shirt na dala niya kaya naman binabaan ko ang pride ko at tinanggap yun, no choice kase. Bumalik ako sa banyo para mag palit. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I massage my head in frustration.

"Sobrang laki! Kasing laki ng sama ng loob ko!" pag rereklamo ko. 

Kae worriedly look at me when I came out. "Tara na," saad ko. Wala na ako sa mood,kanina napakagaan ng pakiramdam ko tapos ngayon? Naging letshe!

"Doc akin na yang coat mo, ako ng mag lalaba promise papuputiin ko!" I rolled my eyes when i heard his voice again, ang hilig niyang sumulpot. "Doc may masakit ba sa'yo? Gusto mo dalhin kita sa clinic? Anong gusto mong gawin ko doc? Lahat gagawin ko para lang mapatawad mo ako! Kahit pabugbog mo ko kahit pahirapan mo ako! Hindi kaya ng konsesya ko kung mananahimik ka lang," he added. Nag patuloy akong mag lakad at hindi parin natapos ang pangungulit niya. "Doc!" Saglit akong napatigil sa pag lalakad at hinarap siya.

"Pwede ba? Manahimik ka!" This asshole getting to my nerves. Nag lakad ulit ako at hindi maawat ang bunganga niya.

"Doc kahit hampasin mo ko ng raketa o kaya naman patamaan mo ko ng bola okay na okay lang!" 

"Eh di patamaan mo yung sarili mo!" inis kong sabi.

"Doc labhan ko nalang coat mo! Promise ibabalik ko. Promise maput---." Inihampas ko sa pag mumukha niya ang coat ko na puno ng mantsa. "Aray naman!" reklamo niya pa. Tinaasan ko siya ng kilay at ngumiti naman siya ka agad umaktong hindi nasaktan. "Doc ibabalik ko ito promise!" Bumilis ang pag lalakad ko para hindi na niya pa ako maabutan pa. Nag simula na ang klase ko at hindi parin matanggal ang init sa ulo ko.

Lumipas ang linggo at ngayon nandito ako sa kotse ng kuya ko. Nakatingin lang ako sa labas at nakikinig ng kanta. Sa makati ang punta namin kay naman malayo layo ang biyahe.

"How are you?"he asked.

"Im fine,i just..." I bit my lower lip, should i say na ayaw ko ng course ko?

"You just?" While typing something in his phone.

"Nothing." Hindi na siya nag salita pa, just like my dad, he's a dense too. They're all dense.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Bumungad sa akin ang court na puno ng mga tao. Naiisip ko na mapapagod nanaman ako. Pinag buksan ako ng pintuan ng kuya ko at inalalayan papunta sa isang tent.

"This is my sister Ruth, Ruth this is my nurses and co-doctors." They wave their hands and smiled. They talked about something and i can't catch them up. We started the program, im the one who's giving medicine to those people who checked them up. 

My heart beats faster again. From my peripheral vision, I saw him again, putting the white coat on the table before sitting down in front of me. He smiled at me." I saw you earlier....we met again," he said. His voice makes my heart flutter. What's happening to me? 

"Kuya okay na yung pinabubuha----." My eyes widened, ano daw? K-kuya? Nag pabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa, magkapatid sila? Saglit pa akong napatitig sa kanilang dalawa. Bakit hindi sila mag kamukha kung ganon? Tumayo si Doc Martin at pinakilala siya.

"Migo this is Ruth, Ruth this is migo." Dr. Martin said. I gave him a fake smile. Nilahad niya ang kamay niya at labag sa loob ko ang tanggapin iyon.

"Nice to meet you." He gave me a genuine smile so i looked away. "Avery." I stunned when he called me by my second name.

How did he know that?