"Avery," he said.
How did he know my second name?
"Ow.....How do you guy's know each other hmmm?" Dr. Martin asked, looks like interested.
"Kase ganto yun kuya... Sa laguna kas---." i cut him off.
"No! I don't know him.... I don't really talk to strangers like him," pag tatanggi ko. He dramatically held his chest like he was hurt.
"Hoy Avery matapos mong gawing black board tong mukha ko! An-sakit kaya nung ginawa mo sa akin! Tapos ngayon sasabihin mong stranger?" pag rereklamo niya. Well deserve niya yun! After he said that Doc Martin chuckled on us. Kaya naman inis akong napabaling dun sa Migo at sinenyasan na itigil ang bibig niya.
"Ang cute niyo naman," Dr. Martin said.
Mag sasalita pa sana ako pero huli na ng dumating si Kuya Rail, pinapapunta kami sa isang tent para kumain. Habang nag lalakad hindi maawat ang bibig nung Migo.
"Hi Doc!" I rolled my eyes and look away. "Doc avery sa sunod ko na isasauli coat mo ha!" he added. Hindi ko siya pinansin at hinayaan nalang siyang mag daldal. Pumunta pa siya sa kapatid ko at nagulat ako ng tinignan nila akong tatlo. Anong tinitingin nila!? Tumingin pa ako sa likod pero wala namang tao. Bakit nila ako tinitignan!?
"Ruth come here," my Kuya said. I immediately go in his direction.
"Yeah?" i said. While putting my hands on my pocket.
"See Migo my sister is not a deaf." napaawang ang labi ko. Do i look like a deaf?! I gritted my teeth feeling annoyed, kung wala lang yung dalawang doctor dito baka may black eye na 'to!
When we're here in the tent Dr. Martin is in my side. It feel so good because he's taking care of me. How sweet!
"Kumain ka ng marami Ruth nakakasama sa kalusugan mo kung kaunti lang kakainin mo.. eto oh." He gave me a steak and he cut it. My heart started to beat faster when i looked at him. We're looking so close, i smell the mint in his mouth.
"Padaan nga." Biglang pumagitna sa amin si Migo, ang epal naman! Tinignan niya pa ako sa mukha hanggang sa dumako ang tingin niya sa aking plato. "Ayun! Andyan pala yung steak...naubusan ako eh," sabi niya pa. "Tignan mo dalawa dalawa steak mo, akin na nga yan!" Kinuha niya ang steak na binigay sa akin ng kuya niya at diretsho itong kinain. Nagulat ako ng bigla niya akong sinubuan, maging si Doc Martin ay nagulat din. "Para hindi ka magalit," saad niya at hindi pa nakuntento at kinurot ang pisnge ko. Nakatitig lang ako sa kan'ya habang kumakain naka-awang parin ang labi at hindi maka paniwala sa ginawa niya. Close ba kami ha! napaka kapal ng mukha! Inis akong kumain at hindi siya pinansin kahit na nag ku-kwento siya ng kung ano anong mga bagay.
"Salamat po Doc," saad sa akin nang matandang babae. Pagod na pagod akong pumunta sa tent para mag pahinga. Hapon na at pa-unti na ang mga tao. Pinag mamasadan ko ang mga doctor dito, napapaisip ako kung gusto ba nila ang ginagawa nila kase kung ako ang tatanungin...hindi. Nagulat ako ng biglang tumabi saakin si Doc Martin inabutan niya ako ng tubig, agad ko naman yun tinanggap.
"Pasensya ka na sa kapatid ko ganon lang talaga yun pero mabait yun," pag hihingi niya ng tawad. Napaismid ako at ininom ang tubig na dala niya. Sandali kaming nag kwentuhan ni Doc Martin, nakakatanggal talaga ng pagod ang mga kinu-kwento niya kahit na hindi ako maka relate. Para akong nakalutang sa langit, para bang walang tao dito sa mundo at kaming dalawa lang ang nag uusap, na manghang mangha ako sa kaniya. Baka naman gusto ko na siya kaya ganito ang nararamdaman ko.
Kapag nag papatawa siya hindi ko mapigilang mapangiti kasabay pa nito ang mabilis na pag tibok ng puso ko. Saglit kaming natigilan ng biglang sumulpot si Migo sa harapan namin. Inirapan ko siya nang ngumiti siya sa akin.
"Tara na daw kuya! Pwede ng mag pahinga sabi ni Doctora Celine! Tara na." Hinigit niya pa ang palapulsuhan ng kapatid niya, parang bata. Natigilan siya ng biglang tumunog ang cellphone ng kapatid niya, sinenyasan niya ito na mag hintay. Umalis siya at tuluyan ng nawala sa paningin naming dalawa.
"Tara ice cream," pang aaya niya. Hindi ko siya pinansin na para bang walang narinig. "Avery tara ice cream!" pangungulit niya pa.
"Ayoko nga! Bakit ako sasama saiyo? Close ba tayo?"
"At kailangan bang maging close kapag niyayaya? Sige na tara na pakipot ka pa." Bigla niyang hinigit ang palapulsuhan ko at inis akong sumunod sa kaniya. Natagpuan ko nalang ang sarili kong andito sa mini store, maraming tinitinda na mga sweet na pagkain.
Agad siyang kumuha ng ng tatlong ice cream na malalaki, napaka takaw!
"Pumili ka na dali akong mag babayad," sabi niya pa. Bumuntong hininga ako at walang pakealam na kumuha ng ice cream. Tapos na siyang mag bayad at nandito kami naka upo. Agad niyang kinain ang mga pinamili niya, mukhang tuwang tuwa na para bang ngayon lang kumain ng ice cream.
" Huwag mo nga akong tignan." Nagulat ako ng bigla s'yang tumingin, hindi ko alam na naka tingin pala ako sa kan'ya. Tahimik lang akong kumain habang siya naman ay dumadaldal. Bigla akong nasamid ng may nakita akong pamilyar na tao, doon ko napag tanto na si Kae yun. Agad akong nag tabon ng mukha at hinigit si Migo ng walang pasabi. Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa makaalis sa lugar na yun. Hingal na hingal ako ng tumigil kami.
"Hindi pa ako tapos kumain Avery! Bakit ka ba nang hihigit ha," pag rereklamo niya. Umayos ako ng tayo na para bang walang nangyari. Nag simula akong lumakad para tumungo kung saan kami nang galing. "At ngayon iiwan mo ko matapos mo kong hilahin?" Napairap nalang ako sa mga nirereklamo niya. Andaming nirereklamo ng lalakeng ito! Katulad nalang ng sayang daw pera niya pambili ng ice cream, hindi daw niya naubos yung pagkain niya o ano pa. Napaka reklamador talaga!
"Kanina pa namin kayo hinahanap," saad ni Kuya Rail. Tumabi saakin si Migo at umakbay pa.
"Doc nag date kami!" Proud na proud niyang sabi, agad ko naman siyang kinurot ng dahilan para mag reklamo ulit siya. "Aray... Ara-- ano ba!" Inis akong bumaling sa kan'ya at sinamaan siya ng tingin pero imbis na matakot nilabas niya ang dila niya at nang inis pa, masusuntok ko talaga toh !"Ang cute cute cute mo talaga Avery. Tama yan mainis ka lang." Kinurot niya nanaman ang pisngi ko at inis ko naman itong pina tanggal. Saglit kaming natigilan ng may narinig akong boses na pamilyar.
"Ruth." she called my name so i stiffened. I slowly look at her, oh no.She was shocked when she saw me...us.
"Kae..."