webnovel

Reincarnated as a Stupid Princess of Devuniake World

Jane Necton, a skilled military captain, gets kidnapped and her soul ends up in another world from books. Male leads from those books come to life, making her life chaotic. Her experiences in this book-inspired world can be both good and bad, depending on how she navigates them.

Pen_Palooza · Fantasi
Peringkat tidak cukup
16 Chs

Chapter 1

Jane/Hellevi Pov

Jane Necton as a Hellevi Thana Finnegan

Nang imulat ko ang aking mga mata, ang una kong nakita ay isang kulay ube na kisame. Nilibot ng aking mga mata ang buong sulok ng silid--Lahat ay kulay ube at walang kulay na naiiba. Nasaan ako?

Ha! Masamang damo talaga ako. Biruin mo, ilang bala ang tumama sa katawan ko pero buhay pa rin ako. 

I wonder how many days I've been unconscious and just lying in this fancy bed--Purple bed. Sinubukan kong igalaw ang katawan ko at napangiti ng walang sakit na naramdaman. Napatingin ako sa braso ko ng may napansin akong kakaiba, nanliit ang mga braso ko at naging makinis ang balat ko. 

Have I been lying in bed for so long that I have lost weight and my skin is like this? 

''P-prinsesa Hellevi, buti na lang at nagising na po kayo sa malalim mong pahinga. Sana ho hindi muna kayo bumangon sa iyong higaan baka mapagod ka.''

Nabaling ang atensyon ko sa isang dalagang nasa mid-20s na kakapasok lang sa ng silid. Nakasuot ito ng maid's dress-- A black and white dress.

May dalang tray na may babasaging baso at pitsel na may lamang Purple yam juice. Inilagay muna nito ang tray sa center table ng maliit na sala ng silid bago humarap sa akin, magalang itong yumuko at nagtanong.

''Kamusta na ho ang iyong pakiramdam, Prinsesa? May kailangan  po ba kayo? Tatawagan ko ba ang family physician para obserbahan ang kalagayan nyo?''

Nakatulala lang ako habang nakikinig sa sunod-sunod na tanong ng babaeng nasa harapan ko.

''Prinsesa, masama ba ang pakiramdam mo? halatang--''

''Tumigil ka! Sino ka?''

Mabilis ang naging galaw ng babae at nakita ko nalang itong nakaluhod sa sahig at nagmamakaawa na huwag parusahan.

''Patawad sa aking kawalan ng galang na tanungin ka, Prinsesa. Hindi na mauulit, Patawad''

''I'm asking you!''

Mariin kong ipinikit ang mga mata at marahang minasahe ang tungki ng ilong dahil sa iritasyon na nararamdaman. 

Wag kang magpadala sa nararamdaman mo, Jane. Kailangan mong malinawan tungkol sa kung ano ang nangyayari!

''Ako po si Laura, ang iyong Personal na katulong mula noong labindalawang taong gulang ka''

Magalang na sagot ng babae na si Laura pala. Pero ano ang sinasabi niya na personal assistant ko siya, wala ako nun.

''I--What h-happened?''

imbes na tanungin ko kung anong pakulo ito, nagtanong na lang ako ng isang katanungan na maaaring magbigay sa akin ng impormasyon.

''Nagka-amnesia po ba kayo dahil sa pagkabagok ng iyong ulo?''

''Amnesia?Pagkabagok ng ulo? Ano ba talaga ang nangyari na naging dahilan ng aking pagkakabagok?''

May ideyang pumapasok sa isip ko kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon pero napakaimposible ng bagay na iyon dahil sa libro lang ito umiiral.

''Natagpuan ka ng mga kawal sa tabing ilog, walang malay at duguan ang ulo. Dinala ka po agad dito sa palasyo at pinagamot. Dalawang linggo ka nang nakahiga sa kama at parang walang buhay, kung hindi ka po nagising ngayon, baka bukas ipalibing ka ng pamilya mo.''

May habag sa boses niya na nagpakulo ng dugo ko. Hindi ko kailangan ng awa.

''Tigilan mo yan! Hindi ko kailangan ng awa mo o ng iba.''

''M-mahal na P-prinsesa''

+++++

Kumpirmado na tama ang ideya sa aking isipan. Nasa katawan ako ng isang Prinsesa--At nasa ibang mundo ako.

Ipinaliwanag sa akin ni Laura ang lahat pero hindi ko sinabing wala akong alam, sinabi ko lang na wala akong maalala sa nangyari.

I am in the body of eighteen-year-old Princess Hellevi Thana Finnegan. Hellevi has brown layered hair with curtain bangs, porcelain skin, blue eyes, 5'10'', a pointed nose, naturally pink lips, and an hourglass body.

Si Hellevi ang bunso sa apat na anak ni Haring Yubert Finnegan. Ang panganay ay si Gilbert na dalawampu't pitong taong gulang at ang sumunod ay ang kanyang kambal, si Helbert na isang minuto lang ang pagitan--Si Gelbert ay may magandang pangangatawan, maputi at may asul na mga mata na pareho nilang namana sa kanilang ama Samantalang si Helbert ay may perpektong pangangatawan, kayumangging balat at kayumangging mga mata na minana sa kanyang Ina. Ang sumunod sa dalawa ay si Phoebe--anak ni King Yubert sa ibang babae, hanggang leeg lang ito ni Hellevi, makinis na balat, hanggang balikat ang itim na buhok at itim na mga mata base sa paglalarawan ng author na natatandaan ko dito.

I'm inside my favorite story ''My Half Sister is My Rival'' by Mysterious_Queen so somehow I know something about what happened, is happening, and will happen in this story, it's just that I didn't finish the last chapter of the story because we embarked on my last mission

Si Hellevi ay kilala bilang 'stupid' na prinsesa sa mundo ng Devuniake, kaya naman kinasusuklaman siya ng mga mambabasa ng mundo. she is also desperate to win the heart of one of the male characters in this novel and the only problem is the most demonic and emotionless male lead talaga ang napusoan. Kahit anong gawin niya, talo pa rin siya kasi Engaged na ito at ang kapatid niya kaya natalo ang bruha at naisipang magpakamatay ngunit naunahan siya ng taong gustong pumatay na siyang dahilan kung bakit ako nandito sa katawan na ito at mararanasan ng aking kaluluwa ang sakit--pero dahil ako si Jane, babaguhin ko ang kwentong ito sa aking mga paraan.

''Prinsesa, Handa na ang iyong paliguan''

Sabi ni Laura sa akin na kalalabas lang ng banyo. Nakaramdam ako ng lagkit sa katawan ko kaya naisipan kong maligo. Pumasok ako sa banyo ay namangha ako ng makita ko na lahat ng gamit sa banyo ay kulay itim hindi tulad sa labas na lahat ay Kulay ube.

Tinanggal ko lahat ng saplot sa katawan ko at binasa ko ang hubad kong katawan sa Jacuzzi tub. Nakakarelax ang tubig pati na ang bango ng mga kandilang nakapalibot sa bathub.

Pagkaraan ng ilang minuto ay sinimulan kong isipin kung ano ang magiging buhay ko sa loob ng kwentong ito. Paano ko malalampasan ang hamon ng bagong buhay na hindi mamamatay sa huli? Buhay pa ba ang katawan ko sa Earth?

There are so many questions that no one can answer.

Natapos na akong maligo at nagsuot ng robe bago lumabas ng banyo. Pumunta ako sa isa pang pinto at tumambad sa akin ang puting closet na may napakaraming damit, Karamihan sa mga ito ay kulay ube na ikinasakit ng aking mga mata. Argh! Ayaw ko ng violet.

Bago pa man magbihis ay kumuha na ako ng mga kahon na pwede kong paglagyan ng mga damit na hindi ko gusto, itatago ko na lang sa halip na idisplay. Akin naman na ito!

Pagkatapos magbihis, kumuha ako ng damit na isusuot at nagbihis-- Pinili kong magsuot ng puting tank top at itim na palda na hanggang tuhod na ipinares sa Itim na ankle boots. Hinayaan ko na lang na nakalaylay ang mahabang buhok ni Hellevi na ngayon ay buhok ko na.

Hindi na ako naglagay ng kolorete sa mukha dahil ang Hellevi na ito ay may natural na kagandahan na maipagmamalaki na matagal niyang tinago sa makapal na make up--Akala kasi niito ay hindi siya kagandahan kaya hindi siya pinapansin ng male lead.

*o*

Reaksyon ni Laura paglabas ko sa Closet, halos mabitawan niya ang tray na may lamang teapot at baso. Pinapalitan ko ng tsaa ang juice na dinala niya kanina dahil mas gusto ko ang tsaa kaysa juice.

''P-prinsesa, i-ikaw ba yan?''

Gulat na tanong niya matapos makita ang mukha ni Hellevi na ngayon ay mukha ko na ng walang make up at nakabihis ng maayos. Hindi violet girl

''Expect the unexpected, Laura''

makahulugang sabi ko sa kanya at nagsimulang uminom ng tsaa. Balak kong libutin ang Buong Lungsod ng Finnegan na pagmamay-ari ng mga Finnegan na pinamumunuan ni King Yubert Finnegan--Ama ni Hellevi. Ama ko na rin.

so I guess I was...

Reincarnated as a Stupid Princess of Devuniake World