webnovel

Kabanata I

HER POV

Sa aking pagmulat, liwanag ang unang bumungad. Sa paggala ng aking paningin ako'y nasa isang silid. Sa isang silid kung saan ang raming mga bagay ang naroon. Nang ang aking paningin ay nabaling sa isang direksiyon isang matandang lalake ang aking nakita.

Nakangiti ito saakin at tila ay tuwang tuwa sa kanyang nakikita. Tinignan ko lamang ito at pinag-aralan ang kanyang kilos.

"Hindi talaga ako makapaniwala at naging matagumpay ang lahat." Biglang ani nito sa kanyang sarili na siyang ikinalito ko.

Ano ang ibig nitong sabihin?

Sinundan ko lamang ito ng tingin ng ito'y magsimulang maglakad papalapit saakin. Bigla itong tumigil sa aking gilid at naramdaman ang paghaplos nito sa aking buhok.

"Handa ka na ba sa iyong pagbabalik Scienca Li 0.1?"

Scienca Li 0.1? Ako ba ang tinutukoy niya?

Hindi ko alam kung bakit pero dahandahan nalamang tumango ang aking sarili.

*TOK! TOK! TOK! TOK!*

Bigla nalamang nag-anggat ang aking kamay at napahawak sa aking dibdib. Ano ang tunog na iyon? Ano ang pakiramdam na iyon?

"Ingatan mo iyan Scienca, dahil iyan ang magsisilbi mong pinakaiingatan sa lahat ng bagay para mabuhay ka." Nalilito man sa sinabi ng matanda ay binalewala nalamang ang kalituhang nararamdaman.

•••

"Scienca?" Tawag saakin ni Papa. Agad naman akong napalingon sa direksiyon na pinangagalingan ng kanyang boses.

"Are you okey?" Tanong nito habang papalapit saakin. Nakasuot ito sa nakagawian nitong kasuotan na slacks, polo, at ang lab gown nito at maging ang kanyang salamin.

Isang linggo ang makalipas ng magising ako at sabihin saakin ni Dr. Martinez o ni Papa ang tungkol saakin. Kung paano niya ako muling binuhay... Napahawak nalamang ako sa bakal kong Puso at mapatingin sa kaliwang bakal koring kamay.

Dahan dahan naman akong tumango at sumagot. "Ayos lang po ako." Naramdaman ko na naman ang haplos ni Papa sa aking buhok.

"Mabuti kung ganon. Huwag mong kakalimutan ang mga paalala at bilin ko sa iyo ha."

"Opo, masusunod." Ngumiti naman Ito bago ako iniwan at nagtungo sa paborito nitong libangan.

Napaharap naman ako sa salamin na nasa aking likuran. Pinagmasdan ko ang aking Sarili, ang kabuoan ng aking sarili. Kung aking pagmamasdan ay normal lang ang lahat at maayos. Napaangat ang aking kaliwang kamay at napahawak sa aking mukha.

*Meeeoowwww! Meoww!*

Napalingon ako sa pusang nagpapaikot ikot sa aking paa. Umupo naman ako at hinimas himas ito, bigla itong naglakad palayo at may kinuha. Ang aking guwantes, kinuha ko ito at hinimas ito sa kanyang ulo bago sinuot sa aking kaliwang kamay ang guwantes sa aking bakal na kamay.

"Dr. Martinez patawad po kung ngayon lang po ako nakarating. Ano po ba ang inyong ipapagawa?" Naglakad ako papalapit sa pinto kung saan nakarinig ako ng tinig ng isang boses. Dahan dahan akong yumuko at sumilip sa isang maliit na butas.

"Okey lang iyon Mr. Gilbert ang mahalaga ay nakarating kayo." Sagot ni Papa sa kaharap niyang lalake na hindi gaanong katandaan katulad niya.

"Gusto ko sanang ibilin muna sa iyo si Scienca 0.1 kilala mo na naman siya diba? Kaylangan ko kasi umalis ng bansa para sa isang mahalagang proyekto na aking gagawin kaya hindi ko alam kung paano ko pa maalagaan at masisiguro ang kaligtasan niya. Kaya gusto ko Sana na saiyo muna siya iwan at ibibilin."

"Walang problema Dr. Martinez ako na ang bahala sa kanya." Ngiting sagot ng lalake.

"Panatilihin morin Sana ang sekretong iyong nalalaman Gilbert. Hanggat maari ay ayaw kong may makaalam tungkol sa kataohan ni Scienca. Nagkakaintindihan ba?"

"Pangako Dr. Martinez. Itatago ko itong sekreto." Sagot nito at saka sila umalis sa harap ng pinto ng aking silid.

"Aalis si Papa? So ibig sabihin ba nito makakalabas narin ako sa mansion? Pero sino ang lalakeng iyon?" Pagtatanong ko sa sarili.

Itutuloy...