webnovel

Panimula

Sa isang silid kung saan maraming aporador ng mga chemical mga bula at usok ay nagkalat, abala ang isang matanda sa kanyang ginagawang pagsusukat sa mga chemical at paghahalo nito. Natigil ito sa kanyang ginagawa nang may pumasok sa laboratoryo. "Sir we find a body." Sagot nito. Nangunot naman ang kilay ng matanda ng harapin niya ito. "What? Where?" Hindi nag salita ang taohan nito sa halip ay iginayak siya nito at sinundan naman ng matanda ang taohan nito, dinala siya nito sa isa sa kanyang mga silid sa kanyang tahanan.

"Ito po, Sir." Pagkahila ng puting kumot ay bumungad dito ang isang babaeng sugatan at hindi na humihinga. Napaayos naman ng kanyang salamin ang matanda. "Nakakaawang bata." Anang sabi nito.

May pumasok namang ideya sa kanyang isipan nang pagkatitigan niya ang babaeng nasa harap niya. "Dalhin niyo siya sa laboratoryo ko. Alamin niyo rin kung may naghahanap ba sa batang ito." Tumango naman ang kanyang taohan atsaka sinimulang buhatin ang bangkay nang babae at nilisan ang silid.

•••

Makalipas  ang tatlong buwan.... Nakaharap ngayon ang matanda at nakasilay ang masayang ngiti nito sa kanyang labi habang kaharap ang kanyang panibago at matagumpay nitong likha.

"Hindi talaga ako makapaniwala at naging matagumpay ang lahat." Ani nito sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang dalagang na sa kanyang harapan na natagpuan lamang ng kanyang taohan makalipas ang tatlong buwan na wala na itong buhay ngunit ngayon ay nasa kanyang harapan at buhay na buhay.

Nakangiting lumapit ang matanda sa dalagita at hinawakan ito sa tuktok ng ulo nito at hinimas himas ang buhok nito na parang isang manika. "Handa ka na ba sa iyong pagbabalik Scienca Li 0.1?" Tanong ng matanda. Hindi nagsalita ang dalaga sa halip ay dahan dahan lamang itong tumango habang nasa iisang direksiyon parin ang kanyang tingin.

°°°

Enjoy! And please keep on supporting Reborn of Scienca=))

MallowsYeon25creators' thoughts