webnovel

Reaching Out For you

Ang isang bully sa isang pribado'ng paaralan at ang isang babae'ng 'di perpekto o nuknukan ng ganda ang itinagpo ng tadhana. Ngunit paano 'yon nangyari? Ang mga salita'ng "I Hate You", "'Di kita gusto", "Hindi'ng-hindi ako papatol sa'yo"- ay nauwi sa "I Love You", "Hindi kita gusto kasi mahal kita", at "Papatolin ko lang yung iba kung marami ka".

SofiaToffee · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
14 Chs

Chapter 5

Hana's POV

Kasalukuyan kami'ng nasa canteen, nagutom bigla si Cy kaya niyaya kami ni Rex na samahan siya. 

Grabe'ng babae, kakakain palang sa Mall, kakain ulit.

Wala eh. Food is Life raw sabi niya. Si Rex, 'di ko ba alam kung bakla ba talaga ang isa'ng 'to o nag babakla-baklaan lang. Yung inaakto niya nung nasa mall kami, nawala bigla yung nipis ng boses niya. Bigla nalang- Boom! Ang lalim na. 'Di ako kumain tulad ni Rex at Cy pero uminom ako ng gatas. Pampatibay ng buto hehehe.

"Cy, Rex" Tawag ko sa atensiyon ng dalawa'ng busy sa pag kain.

"Yes, Nana?" Nakangiti'ng bumaling sa akin si Cy.

A-anong Nana?

"Ha?" Nauutal ko'ng sabi.

Bumalik nanaman sa isipan ko ang nangyari 6 years ago. Marahas ko'ng ipinilig ang aking ulo at winalang bahala ang memorya'ng 'yon. Pinakita ko naman ang nag tatanong ko'ng tingin pero may ngiti sa mga labi.

"Hahaha! Nana na tawag ko sa'yo, ayos ba?" Nakangisi na si Cy tsaka bumalik sa pag kain.

"Okay lang" Bored ko'ng ani tsaka binalingan si Rex.

Ngunit nagulat ako ng makita ko'ng nakatingin na siya sa 'kin. Bakit ba siya ganito?. Kapag haharap ako sa kaniya, nakatingin na siya sa akin. Tapos yung pag galaw niya sa dalawang araw na lumipas, parang may nag bago.

"Oh?" Kaswal na tugon ni Rex na pumukaw sa pag-iisip ko.

"Kung may Watermelon, ba't walang Airmelon? Walang Firemelon? Walang Earthmelon?".

Wala eh, inaabot ako ng topak palagi. Pagpasensiyahan at pasalamatan dahil napapasaya ko mga tao.

Natigilan sila'ng dalawa tsaka nag katinginan bago sa 'kin humarap. Ilang segundo silang natahimik bago tumawa ng napakalakas. Mabuti nalang at wala na masyado'ng tao dito sa canteen. Humampas-hampas pa sa mesa ang dalawa'ng palad ni Cy, si Rex naman nakahawak sa bibig ang kanang kamay tapos ang kaliwa nasa mesa.

Nakitawa na rin ako sa kanila. Masaya ako'ng nakikita silang tumatawa ng dahil sa mga walang kwentang jokes ko. Madami pa ako'ng reserbang jokes, logics, trivia and facts at gusto ko 'yon gamitin para patawanin sila. 

Yung nangyari kanina sa mall, 'di pa rin nawawala sa isipan ko. 'Di ko alam kung bakit gano'n nalang ang pag sagot ko kanina. Alam ko'ng ayaw na ayaw ko'ng mainsulto, maapi, mabastos, pero 'di ko inaasahang sasagot ako sa kaniya.

"Oy! 'Di ka pa ba naiihi?" Tanong ni Rex.

Taka ko naman siya'ng tiningnan. "Ha? Bakit?".

"Eh 'di pa kita nakikita'ng umihi eh, baka may depirensiya na yan" Sabay turo sa may puson ko.

"'Di pa bak-".

Naputol ang nais ko'ng sabihin ng maramdaman ko ang sinasabi ni Rex! Dali-dali ako'ng tumayo tsaka tumakbo papunta'ng restroom. At dahil mas malapit ang public, doon ako tumungo. Pumunta ako sa isa'ng cubicle at doon ko nilabas ang likido ko. 

Nang matapos ako'ng umihi, kinuha ko ang dala-dala ko'ng pocket wipes. Cleanliness. Nag wipes ako. Akmang pipihit na ako ng pinto nang may marinig ako'ng yapak ng dalawa'ng tao. Oo, dalawa. 'Di ko nalang tinuloy ay nais ko'ng pag bukas. Baka ang barkada nanaman ito ng Xam na 'yon. Dahan-dahan ko'ng sinara ang inodoro gamit ang takip nito tsaka doon umupo.

Ilang segundo pa ako nag hintay ng may marinig ako'ng pinto na sumara. Pinakiramdaman ko pa muna kung may tao pa ba o wala. Nang ma kompira, binuksan ko ang pinto ng cubicle tsaka tumungo sa sink. Nag hugas ako ng kamay ko tsaka chineck ang sarili ko. Tumungo ako sa pinto ng restroom tsaka pinihit doorknobqa. Pero, 'di ko mai-ikot. Kumunot ang aking noo habang pilit na binubukas ang pinto.

Kumabog ang kaba sa aking dibdib, agad na sinakop ng takot ang aking buong katawan. Nag papanik na ang kalooban ko, nag sisimula na nang mag pawis ang mga kamay ko. Naging mababaw ang aking pag hinga. Gusto ko nang maiyak, gusto ko nang sumigaw.

Sino naman kaya mag lo-lock sa 'kin dito?!

Pilit na sinisilip ang mga posibilidad kung sino ang gumawa nito. At ang kauna-unahang imahe ay ang lalaki'ng 'yon. Si Aso. Nanlaki mga mata ko nang may kamay na dumapo sa pinto na nasa harapan ko. Natulos ako sa kinatatayuan ko. 

Ba't naman kasi 'di ko chineck ang mga cubicle?! Peste'ng yawa! 

"Gusto kita'ng bugbugin," Panimula ng isang pamilyar na boses. Kay Aso. Mas lalo ako'ng natigilan "Pero dahil gusto ko'ng ikaw ang maalis dito sa school, 'di ko gagawin 'yon".

Inalis na niya ang kamay niya sa pinto. Malalaki pa rin ang mga mata ko, kamay ko ay dahan-dahang bumibitiw sa doorknob. Pinaghawak ko ang dalawa ko'ng kamay at nilaro-laro ang likuran non. Ilang segundo ang lumipas ng bigla nalang si Aso nag salita.

"Bakit mo ginawa 'yon?" Mahinahon ngunit hindi naitatago ang panggigil at galit sa tono ng boses nito.

Wala ako'ng masagot. 'Di ko alam ang tinutukoy niya'ng ginawa ko. 'Di ko alam kung ano ang ginawa ko para magalit siya nang ganito katinde. Nalilito ako, ang kanina'ng malalaki ko'ng mata sa gulat ay napalitan ng nagtatanong. Ang mga kilay ko ay nag salubong, kunot ang noo.

"Inuulit ko," Halata na nag pipigil na sigawan ako, na para bang nauubusan na ng pasensiya "Bakit. Mo. Ginawa. 'Yon." Inisa-isa niya ang mga salita sa huli.

'Di pa rin ako makasagot. Gano'n ang sitwasyon ng bigla nalang may pilit na pumihit ng doorknob sa kabila. Natauhan ako, akmang sisigaw ako ng takpan ni Xam ang bibig ko. Wala ako'ng magawa kundi ang manahimik nalang, baka mabugbog nga ako sa 'di inaasahang oras.

"Hana?! Andiyan ka ba?" Narinig ko ang boses ni Cy sa kabila.

Mariin ako'ng pumikit. Naiwan ko sila Cy na nag hihintay sa canteen, 'di rin ako nakapag-sabi'ng mag re-restroom ako. Gusto ko'ng kagatin ang kamay ni Xam para maalis sa bibig ko pero baka 'di pa ako makatakas ay mabugbog na ako. Dito mismo sa restroom.

"Manahimik ka kung gusto mo'ng lumabas dito ng walang galos".

Napa-hakbang ako ng marinig nanaman ang boses niya sa mismo'ng tabi ng tenga ko!. Ang pag hinga ko ay nanatiling mababaw, ang kamay ko ay nag papawisan, pati na rin ang noo ko pinagpapawisan.

"Ilagay nalang natin yung bag niya sa locker niya, baka may pinuntahang emergency" Narinig ko pa'ng sabi ulit ni Cy bago napalitan ng dalawang yapak ng paa papalayo sa amin.

Nabigla ako nang hawakan niya ang mag kabila ko'ng balikat tsaka marahas ako'ng pinihit papaharap. Gano'n nalang nang mapaigik ako sa sakit nang bigla ako'ng itulak sa pinto. Mariin ko'ng ipinikit ang aking mga mata, 'di ko man makita ang mukha niya ay batid ko'ng nakatingin siya sa akin.

"Sagutin mo 'ko kung ayaw mo'ng lumabas may galos" Halata sa boses ang pagtitimpi.

Paulit-ulit? Boomerang ka boy?

Mas diniin ko ang pag pikit ng maramdaman ko ang pag lapit niya, nararamdaman ko na ang init ng hangos ng kaniya'ng ilong sa aking noo. Batid ko nanaman na galit na galit na talaga ang isang 'to.

"Kailangan ko pa ba'ng ulit-ulitin para makapasok diyan sa utak mo?"  Nanggigigil at halos pasinghal na niya'ng sabi.

Ano ba kasi ang ginawa ko?!

'Di ko talaga alam kung ano ang ginawa ko. Mamatay pa siya ngayon na, wala talaga ako'ng alam. Wala nga ata ako ginawa sa isang 'to! Baka gumagawa lang ng dahilan para awayin ako ng aso'ng 'to!.

Tsk, aso talaga. Tahol ng tahol, bigyan ko kaya ng dog food at matahimik. Kairita!

"Hoy!".

Yung biglaang pag sigaw ni Xam sabay hampas sa pinto ang nag pabalik sa realidad mula panggugunam-gunam ko. Nagulat ako sa sigaw niya! Napakalakas! And worse, malapit sa tenga ko!

"Ano ba?! Tahol ka ng tahol! Kung bigyan kita ng dog food tatahimik ka ba?!" Nauubusan ng pasensiya ko'ng balik sigaw.

Nakakairita eh! Akala mo kung sino'ng nakakataas na tao kung makapagsigaw. 'Di ko maiwasang patulan dahil malapit na rin lumubog ang araw. Baka ma lock kami dito sa school! Kung sa Field ay okay lang pero nasa loob kami ng building, may daan ang Field papalabas, eh dito... 'di ko alam.

"'Wag mo 'kong sigawan!".

Tinulak ko siya papalayo sa 'kin tsaka muli'ng bumalik sa pag pilit na pag pihit ng doorknob. Bahala na kung masira, may rason naman ako. Narinig ko pa'ng marahas siya na napabuntong-hininga na para ba'ng- hindi, naubusan na talaga ng pasensiya!.

Hindi ko siya pinansin at nag patuloy lang sa ginagawa, kahit alam ko'ng para ako'ng tanga na pinipilit mabuksan ang pinto. Ilang segundo pa ang lumipas, matahimik at isa 'yong himala. Kumunot ang nuo ko ngunit nawawalan na ako ng pag-asa'ng makalabas.

 Napabuntong-hininga pa muna ako bago bumaling sa aso. Nakita ko siya'ng nakapamewang, nasa loob ng bulsa niya ang dalawa niya'ng kamay. Matiim na nakatingin sa akin, kinamumuhian ako. Nagtagpo ang mga mata namin, 'di naman nawala sa paningin ko ang galit na nasa mata niya.

"Ba't mo ginawa 'yon?" Ulit niya'ng tanong.

Mas lalong nangunot ang nuo ko. "Ano nga ba ang ginawa ko?".

'Di ko man intensyon na iparating 'yon ng may sarkasmo'ng tono, pero 'di talaga maiwasan eh.

"Ang yabang mo eh 'no? Baka nakakalimutan mo'ng transferee ka lang," Ngumisi siya ng nakakaloko "Kaya kitang patalsikin dito".

"Ano nga ba kasi ginawa ko?!".

"Ba't mo ininsulto si Kim!?" Mas malakas ang sigaw niya kumpara sa 'kin.

Natigilan ako sa narinig ko. Hindi ko inaasahang nag sumbong ang nobya nito. 

"Sinabihan niya ako'ng Anabelle tapos Majinbu!" Pagsusumbong ko rin.

Nakita ko naman siya'ng natigilan, ilang segundo pa siya'ng nakatitig sa akin bago umiwas ng tingin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Totoo naman kasi! Ba't nainis ka?!" Sigaw niya ulit.

"Eh totoo rin naman yung sinabi ko sa kaniya ah!? Sa sobrang kapal ng make-up ng nobya mo!".

Binalingan niya ako. Laking gulat ko nang sumugod siya sa akin! Nanlaki ang mga mata ko, bago pa man siya makalapit, pumunta na ako sa likuran niya tsaka siya tinulak papunta sa gawi ng pintuan. Mas mataas siya sa 'kin, hanggang dibdib lang niya ako. Halos mapasubsob siya sa pintuan sa lakas ng tulak ko.

"Gago ka ah!" Sigaw nito ng maka harap ako muli.

"Mas gago ka! 'Di mo binabantayan ng mabuti ang nobya mo!" Pagbibigay ko ng clue.

"Anong binabantayan!?".

"Monitor, namoka" Bulong ko sa huling salita.

"Kung gusto mo lumabas na walang-".

"Peste'ng galos! Wala ako'ng pakialam!" Sigaw ko.

Naiinis na talaga ako. Galit ko siya'ng sinugod tsaka tinulak papatabi para 'di niya maharangan ang pinto. Bum'welo ako tsaka malakas na sinipa ang pinto malapit sa may doorknob. Nasira 'yon malamang. Inis ko muli siya'ng tinapunan ng tingin bago padabog na umalis.

Nakakainis! Akala mo kung sino kung makapagsumabat. 'Di niya muna inaalam ang buong nangyari, bwiset! Tinahak ko ang daan papunta sa locker ko. Nang makarating, binuksan ko, laking gulat ko nang may nahulog mula sa bag ko. Isa 'yong papel, kinuha ko mula sa lupa tsaka binuksan.

Hana, umuwi kana sa dorm bago pa mag alas singko. Umuna na kami ni Rex kasi nababagot na raw siya, mahilig kasi maligo akala mo naman pinapalibutan ng mga germs, haha.

Kahit naiinis ako ng sobra, nagawa ko'ng tumawa dahil sa sinabi ni Cy. Ngunit natigilan ako nang may maramdaman ako'ng presensiya sa likuran ko! Nanlaki muli ang mata ko sabay kuha ng bag ko at bilis na sinara. Akmang tatakbo ako papalayo ng may humawa sa pulso ko!

Nanatili ako'ng nakatalikod kay Xam.

"Lampas alas singko na, sarado na ang lahat na pinto" Mahinahon niya'ng sabi.

Gulat ko'ng tiningnan ang wrist watch. 

Shit!

"The rooftop has the safest way to exit if you don't wanna be caught" Ulit niya'ng sabi.

Binalingan ko siya, nakakunot ang nuo. "Lead me to the rooftop".

"The doors are locked, rememeber?" Sarkiskto niya'ng ani.

Xam's POV

Alam ko'ng nakakagulat na bigla nalang naging mahinahon ang pananalita ko patungo sa kaniya. Pero kailangan eh. 

"Pano mo nagawa 'yon?" Taka ko'ng tanong sa kaniya ng sipain niya ang pinto ng rooftop at tsaka 'yon bumukas.

"Akala ko ba mag kaaway tayo, tapos ngayon.. tsk, ginagamit mo ba ako para makalabas dito?" Pandi-deretso niya sa akin.

Lihim ang napalunok. Nakuha niya agad ang intensiyon ko, 'di ko akalaing mababasa niya ang pang mamanipula ko. Wala pa akong nakilala'ng babae na nakakapag basa ng galaw ng ibang tao. Si Kim hindi gano'n kaya madali ko'ng makuha ang gusto ko. Well, pumapayag rin naman siya.

"Hindi" Tipid ko'ng sagot.

"Ulol, tara na nga!" Yaya niya papunta sa may hagdan pababa.

Ang hagdan na 'yon ay papunta na ng field, kung saan nakabukas ang pinto papalabas. Nang makababa, kaagad niya'ng tinahak ang daan papalabas. Batid ko'ng pupunta na ng dorm nila. Napailing-iling pa muna ako bago sumunod tsaka pumunta sa dorm namin.

Nang makarating, nagulat ako ng makita si Kim sa sofa nanonood ng tv. Muling pumasok sa isipan ko ang sinabi ng asungot kanina. 

Bantayan? Ba't ko naman babanatayan?

Sinara ko ang pinto. Bumaling si Kim papunta sa gawi ko tsaka malawak na ngumiti. Tumayo siya tsaka patakbo na lumapit sa akin. Binitiwan ko ang bag ko tsaka sinalubong siya ng yakap. Napabuntong-hininga ako bago niyakap siya ng mas mahigpit. Siya ang unang kumawala sa yakap ko.

"Oh? Inano mo yung babae'ng 'yon?" Excited niya'ng sabi.

"Ayun, wala namang galos pero sigurado ako'ng nagalit 'yon".

Napalitan ng pagkalito ang itsura niya. "Huh? Bakit galit? Diba dapat lungkot ang mararamdaman niya?".

Bumuntong-hininga ako. "I know babe, but mostly anger is gonna take over her emotions".

Medyo umaliwalas ang mukha niya. "Yeah, you're right. Let's go?".

Kumunot ang nuo ko. "Where?".

"Dinner" Ani niya sa malandi'ng tono ng boses.

TOMORROWNESSINATIONIZM

Hana's POV

Andito nanaman po tayo, panibagong araw, panibagong.. 24 hours haha char. Nandito ako sa Dean's Office, pinatawag ng loko'ng aso na si Xam na mukhang animal. Nakakainis! Ako pa talaga ang sinisi niya? Gago ba siya?.

Oo.

Nakaharap kaming dalawa sa Dean ng school na 'to. Nag sumbong raw kasi si Xam na mukhang animal na sinira ko ang pinto ng banyo. Ayaw ko'ng sabihin ang totoong dahilan, siguradong madadamay pa rin ako. And worse, baka warningan kaming dalawa. Edi paktay na, 'di ba?

"Dean, sinira ko po yung pinto kasi po na lock ako sa loob, 'di ko po alam kung sino ang nag lock" Palihim ko pa'ng sinulyapan si Aso.

Ngingisi-ngisi ang loko. Kung pwede ko lang talaga batukan harap-harapan kay Dean si Aso, ginawa ko na. Pero syempre, good girl ako- ahh well.. slight. Naka-upo sa swivel chair si Dean, ang dalawang braso nakapatong sa mesa, ang dalawang kamay pinaghawak, ang mga mata ay nag papalit-palit sa amin ni Aso.

Kung nakakamatay lang ang tingin, baka nasa libingan na ako dahil sa pagkakatitig sa 'kin ng Dean. Huminga ako ng malalim at tsaka maingat na ibinuga ang hangin. Walang emosyon ang ipinapakita ko'ng itsura sa kanila. Gusto ko'ng paniwalaan niya ako, gusto ko nang pumunta sa klase namin, gusto ko na'ng humiwalay sa Aso'ng 'to.

"So you're telling me.. that you have been locked inside the restroom yet didn't know who's the locker?".

Halos bumuga na ako ng tawa pero buti nalang at napigilan ko. Napangiti ako slight bwahahaha.

Locker ampota

"Sorry, I meant was the person who did it" Kaagad na bawi nito.

"Yes, Dean" Pormal ko'ng sabi.

Napabuntong-hininga ang Dean at napailing-iling pa'ng bumaba ng tingin. "Marami kasi ang bullies dito sa school, at isa na 'yan," Turo niya kay Aso "Be careful, next time, bring a friend will you? Chairman and I, we are doing our best so we could reduce the bullies. But this man right here is from a very rich family, they paid a big amount of money just for the school to accept him".

Share mo lang, Dean?

"It is unclear, Dean" Kunot-noong sabi ko.

Muli pa'ng napabuntong-hininga ang Dean. "Kahit ilang beses pa niyang i-bully mga students, we can't kick him out. But of course, he has limitation".

"Wala naman ako'ng tinanong about sa kaniya, Dean" Andoon nanaman ang malamig na tono ng aking boses.

Mahinang nataa ang Dean. "Pardon?".

"Nothing. Is our discussion done, Mr. Amore?," Baling ko kay Xam na hindi maipinta ang mukha "And Dean?" Baling ko kay Dean.

"Yes, you may go to our classes" Pagpapaalis ni Dean sa amin.

Ako naman ang unang tumayo tsaka pumunta ng pinto. Pipihitin ko na sana ng tawagin muli kami ng Dean.

"And one more thing," Panimula niya "Xam, stop bullying students, or else I mightcontact your parents if you reached or crossed your limitations".

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag sulyap ni Xam tsaka ulit na bumaling kay Dean tsaka tumango bilang pagpayag sa hiling ng Dean. Pinihit ko na ang doorknob tsaka lumabas. Nakahinga ako ng maluwag, para ako'ng sinasakal sa loob ng office na 'yon ni Dean. Sisimulan ko na sana ang pag lakad papunta sa silid namin ng may tumikhim sa likuran ko.

"Ba't 'di mo sinabi?" Tanong niya.

Nanatili ako'ng nakatalikod. "Sinabi ang ano?".

"Ang totoo".

Bumaling ako sa kaniya tsaka ngumisi, kumunot naman agad ang nuo niya. "Kasi kung sasabihin ko ang totoo, edi mapapahiya kita? Imagine, ikaw nag sumbong tapos ikaw pala may kasalanan?".

Natigilan siya, nag baba ng tingin.

"'Wag mo na 'kong gugulohin. Tapos." Tsaka ko siya tinalikuran.

Nag lalakad ako papunta sa silid namin nang may tumabi sa 'kin. 'Di man gano'n kalapit sa 'kin pero sapat na para sabihing nakikisabay. Binalingan ko ang tao na 'yon, at laking gulat ko nalang na si Aso ang nakita ko. Tumigil ako sa pag lalakad para tingnan kung sinusundan niya ba ako. At oo, tumigil siya tsaka taka na bumaling sa 'kin.

"Mukha ba ako'ng aso para lapitan ng garapata?" Tanong ko.

Ang nagtataka niya'ng tingin ay napalitan ng inis. 

Tsk, pikon.

"Ano?! Hoy! Sino'ng tinutukoy mo'ng garapata?!".

"Baka yung ibon".

Napailing-iling siya tsaka napabuntong-hininga. "Kawawa'ng ibon".

'Di niya na gets? Buang gudman.

'Di ko nalang siya pinansin tsaka nag simula nanaman sa pag tahak ng daan papunta sa silid namin. Gano'n narin ang aso dash garapata. Katabi pala ng room namin ang room nila, ngayon ko lang napansin. Nang makarating ako, tiningnan ko ang wrist watch ko.

10:30 AM.

Napagdesisyunan ko'ng hintayin nalang na lumabas ang last lec namin. Nang makita ko'ng papalabas na, sinalubong ko siya ng bati tsaka nag paliwanag kung bakit nawala ako sa kalagitnaanng klase. Pagkatapos nun, pumasok na ako sa classroom. Nakita ko pa sila Cy at Rex na nag-uusap. Napangiti ako nang bumaling sila sa gawi ko. 

Toffee | S.E.