webnovel

Reaching Out For you

Ang isang bully sa isang pribado'ng paaralan at ang isang babae'ng 'di perpekto o nuknukan ng ganda ang itinagpo ng tadhana. Ngunit paano 'yon nangyari? Ang mga salita'ng "I Hate You", "'Di kita gusto", "Hindi'ng-hindi ako papatol sa'yo"- ay nauwi sa "I Love You", "Hindi kita gusto kasi mahal kita", at "Papatolin ko lang yung iba kung marami ka".

SofiaToffee · Teen
Not enough ratings
14 Chs

Chapter 6

Noel's POV

Kasalukuyan ako'ng nasa hallway, nag lalakad papunta sa room. Natigilan ako ng may makita ako'ng hindi pamilyar na mukha, well, alam ko'ng hindi ko kilala lahat ng studyante dito pero iba 'to, may aura na hindi ko maintindihan kung awtoridad, angas, pagmamalaki. Diretso lang ang tingin niya papunta sa likuran ko. Walang emosyon ang kaniya'ng mukha.

Nangunot ang nuo ko nang lampasan lang ako, nakapamulsa. At alam ko na'ng transferee na naman, dahil hindi ito naka uniporme ngunit may dalang bag. Nakaputi'ng long sleeve na naka tucked-in, itim na pants, may kulay dark brown na sinturon, brown leather shoes. Naka-fix ang buhok niya.

Tumigil ako sa paglalakad tsaka sinundan siya ng tingin. Pinanuod ko pa kung paano siya lumakad. Ayaw ko man aminin pero mas gwapo siya kaysa sa aming lima. Napailing-iling ako tsaka bumalik sa paglalakad papunta sa room. Nang makarating sa room, nakita ko'ng kakarating lang rin ni Xam pero sa kabila siya dumaan. Nakakunot ang mga nuo niya papasok.

Magkakatabi kami'ng lima ,kahit alphabetical order ang mga pangalan, 'di kami sumunod. Katabi ko sa aking kaliwa si Reo, sa kanan si Geo, sumunod si Xam tsaka Luejay. Nasa pinakadulo kami at alam mo naman kung ano ang ginagawa ng mga estudyante'ng naka upo sa pinakadulo? *Ngisi* Syempre nag-iingay. Hahaha.

"Garapata pala ah? Namoka" Narinig ko'ng mura ni Xam.

Sabay-sabay kami'ng apat na bumaling sa kaniya. Inis at irita ang nakikita ko sa mukha ni Xam, hindi ko maiwasang mag isip kung ano ang nangyari sa isang 'to. Ngunit hula ko'ng si Hana nanaman ang tinutukoy nito, siya lang naman ang may matindi'ng galit sa babaeng 'yon eh. Bumuntong-hininga ako, tumaas ang kanan ko'ng kilay ng makita ko'ng kumuyom ang mga kamao ni Xam.

Mukhang malala ang naabot ng ipis na 'to.

"'Nong nangyari pre?" Tanong ni Luejay.

"Yung babaeng 'yon!" Mahinang singhal ni Xam.

"Alam mo bud," Si Reo "Para ka'ng bata, sabihin mo nalang!" Mahina ring singhal nito.

Sinamaan ng tingin ni Xam si Reo na siyang 'di manlang natinag. Umiwas ng tingin si Xam, at sa halip na sumagot kay Reo, itinuon niya nalang ang buong atensiyon sa klase. Wala naman kaming magawa kundi ang sumunod nalang. Malapit ng mag lunch, dalawang oras nalang. Para sa iba ay matagal pa 'yon pero sa 'kin hindi. Na e-enjoy ko ang oras na lumilipas kaya hindi ko namamalayan ang tagal.

Nakinig kami, nag quiz pagkatapos. Hanggang sa umabot ng lunch.

New Character's POV

Ba't naman kasi lagi ka'ng nag tra-transfer?! Pati ako lumilipat ng dahil sa'yo!

Naglalakad ako papunta sa Dean's Office. Pagpihit ko ng daan pakaliwa, may nakita ako'ng bulto ng tao na papalapit rin ang paglakad. Nanatili'ng walang emosyon ang mukha ko. Hindi ako palatawa'ng tao, well, ever since that accident happened. Ba't naman kasi nag panggap pa ako ng hindi naman ako?. I regret that, badly.

Nang papalapit na ako, mula sa gilid ng paningin ko nakita ko siya'ng tumigil sa paglalakad. Ngunit sadya'ng wala akong pakialam. Nilampasan ko siya tsaka nag patuloy sa pagtahak ng daan papunta sa Dean's Office. Nang makita ko na ang sign sa itaas ng pinto. Kumatok pa muna ako, nang marinig ko'ng pinapatuloy ako, doon ko na binuksan ang pinto tsaka tumuloy.

Nagsusulat ang Dean ng makapasok ako. Tumikhim pa muna ako para makuha ang atensiyon ni Dean. Nag angat siya ng tingin, ngumiti ito ng napakaganda. Nginitian ko naman siya pero nawala 'yon agad. Minuwestra ni Dean ang upuan na nasa harapan niya, umupo naman ako sa kanan niya.

"You must be the new transferee, welcome to our school," Panimula niya, tinanguan ko lamang siya "Here is your schedule" Abot niya sa isang papel.

Tinanggap ko 'yon tsaka, binasa.

9:00 - 9:30 Biology

9:30 - 10:00 English

10:00 - 10:30 History

10:30 - 11:00 Computer Lab

11:00 - 11:30 Physical Education ( P.E. )

11:30 - 12:00 Lunch Break

12:00 - 12:30 T.V.E

Natinag ako ng mag salita ulit si Dean. "Also I have to remind you this, your schedule after lunch is not available," Kumunot ang nuo ko "The prof there can't attend the class for a week".

Dahan-dahang nawala ang pag salubong ng aking kilay tsaka napatango-tango sa kaniya. Nginitian pa muna ako bago ako sabihang pwede na ako'ng lumabas para humabol ng Lec. Hinanap ko ang Computer Lab. Habang nag lalakad papunta kung saan ang Computer Lab, which is I don't know, hindi ko maiwasang isipin kung asan ang babae'ng 'yon.

Hindi nalang ako nag abala'ng hanapin ang Com Lab, dumeretso nalang ako ng lakad ng makita ko ang entrance ng canteen. Nagutom ako bigla, wala pa'ng laman t'yan ko eh. Umupo ako sa isang bakante'ng mesa, nasa may unahan ako, means malapit ako sa binibilhan. Bumili ako ng gatas tsaka Vegetable salad. Tiningnan ko pa muna ang wrist watch ko bago ako umalis ng Canteen.

11:00 AM.

Hinanap ko nanaman kung saan ang Field. Nagtanong-tanong pa ako sa mga estudyante kung saan ang daan. Puro tili lang sinasagot sa 'kin. Tsk. Naiinis na hinanap ko'ng mag isa ang Field.

Sana 'wag kang magalit kapag nakita mo na 'ko..

Hana's POV

"Na-save mo na ba files mo?" Tanong ko kay Cy na nagsisimula nang mag ligpit ng gamit.

Kasalukuyan kami'ng nasa Computer Lab. Kakatapos lang naming tatlo gumawa ng lima'ng activity. Katabi ko si Cy, si Rex nasa kabila ngunit kaharap namin. Bawal rin mag suot ng sapatos sa loob ng Lab kaya kailangan naming hubarin ang mga sapatos namin. Tanging medyas lang ang suot naming tatlo.

"Oo, ikaw?" Aniya habang sumusuot ng sapatos.

Tumango ako kahit hindi naman ako nakikita dahil busy pa ito sa pag suot ng sapatos. "Oo". Ani ko tsaka shinut down ang computer. Pagkatapos, nag simula na rin ako'ng mag suot ng sapatos. Madali lang masuot yung akin dahil walang top. Yung kay Cy, meron.

Pag pihit ko ng tingin papunta kay Rex, nakaabang na siya sa pinto sa 'min ni Cy. Kinuha namin ang bag namin tsaka isinukbit sa aming balikat. Sabay kami'ng lumabas. Walang nag salita, naging matahimik ang pag lakad papunta sa P.E. namin. Nang marating namin ang Field, nandoon na si Coach pero yung iba'ng estudyante wala pa.

Bumalik kaming tatlo sa aming kanyia-kaniyang locker para kunin ang Uniform namin for P.E.. Nagbihis sa restroom tsaka bumalik sa Field. At ngayon, kompleto na kami. Lumapit kami kay Coach tsaka nakinig kung ano ang gagawin.

"Today, we will be playing Volleyball. I will divide you into two groups, Girls and boys, understand?" Gagad ni Coach.

Tumango naman ang lahat, kasama na ako.

"Okay, so I will pick 3 men and 3 women for the right side of the field and 4 men and 2 women." Nilibot niya ang paningin sa aming lahat.

Tumaas ako ng kamay. "I volunteer".

"Okay we have Hana, who's next?".

"Me sir" Tumaas rin ng kamay si Rex.

Tumango-tango si Coach. "May I remind you na lahat kayo mag pa-participate dito, kahit 'di niyo itaas 'yang mga pasmado niyo'ng kamay ay ako mismo ang tatawag sa inyo".

Tumaas ng kamay si Cy. Hanggang sa ma kompleto na kami. Position ko ay Libero, si Cy ay Setter, si Rex ay Middle Blocker. Ako ang una'ng mag se-serve. Bumuwelo ako medyo malayo sa Boundary line. Pinauntol-untol ko pa muna ang bola bago inihagis sa ere tsaka malakas na nag spike! Na recieve ng nasa kabila, napunta sa setter tsaka nag spike ang kanilang Libero.

Mabilis na tumalon si Rex tsaka blinock ang bola, bumalik sa kanila ang bola at malapit ng mapunta sa lupa ang bola. Ngunit na recieve parin yun ng Outside Hitter nila. Napunta sa setter tsaka muli'ng napunta sa Right side Hitter.

Matapos ang trenta minutos kakalaro, nakapagpahinga na rin kami. Kaniya-kaniyang pahinga mga 20 minutes and naligo kami. Of course hiwalay ang mga shower room. Meron Women's Shower Room, and Men's Shower Room. Bawal maligo agad kapag galing sa paglalaro or pawis na pawis, kung galing sa paglalaro, your muscles are still freshly used kaya sore pa ang muscles natin and pwede manakit kapag naligo agad. Pag pawis na pawis naman, maari magkasakit.

Pagkatapos mag bihis, may dala nga pala ako'ng extra na damit, sorry I forgot to tell ya'll hahaha. Pagkatapos mag bihis, pumunta kami sa Canteen and kumain. But, nope, gusto ko mag bago. So what I did was order a milk and an apple. Doon pa rin kami sa dati naming pwesto. Kumakain kami ng may tumapik sa balikat ko dalawang beses. Habang ngumunguya ng apple, binalingan ko ang tao'ng 'yon. Laki'ng gulat ko ng makita ko si Noel, at ang laki ng ngiti niya.

Tinaasan ko siya ng kilay habang kumakain pa rin ng mansanas. Ayoko mag salita habang puno pa ang bibig ng pagkain, it's disrespectful.

"May ginawa ka kay Xam kanina?" Nakangisi niya'ng tanong.

Nilahad ko sa kaniya ang palad, pinapahiwatig na mag humintay at huminto. Nilunok ko muna ang nginuya ko'ng mansanas tsaka nag salita.

"Bakit?" Kunot noo ko'ng tanong.

"Badtrip kanina pag pasok ng room eh".

Pinaningkitan ko siya ng tingin.

Anong badtr-

"Bwahahaha!" Malakas ko'ng tawa ng ma-realize kung ano ang tinutukoy niya.

Ang mga estudyante'ng malapit sa'min nag sipag balingan papunta sa gawi namin. Napapahiya naman ako'ng humingi ng tawad habang tumatawa. Napapikit ako tsaka napailing-iling.

"Na badtrip siya nung sinabihan ko siya'ng garapata?" Natatawa ko'ng tanong.

Tumawa naman siya ng malakas. "Yun yung sinabi mo? Tsk, sana sinabihan mo'ng uod" Napailing-iiling rin siya na para ba'ng na disappoint dahil iba yung nasabi ko.

"Ganito kasi 'yon, sinundan ako tapos sabi ko "Mukha ba ako'ng aso para lapitan ng garapata?". 'Di ko naman inaasahan na mababadtrip siya dahil sa simpleng asar".

"Pikon 'yon eh" Tumawa pa muna si Noel.

Magsasalita pa sana ako ng may tumabi kay Noel. Si Aso yun, at andoon nanaman ang galit na galit niya'ng tingin sa akin. Natatawa ako'ng bumaba ng tingin, nasisiyahan ako kapag nakikita ko ang mukha niya'ng naiinis lalo na't dahil lang sa garapata.

"Ano'ng ginagawa mo pre? Ba't kasama mo 'tong Balyena na 'to?" Rinig ko'ng sabi ni Xam.

Balyena pala ah? Ulol! Garapata!

Natawa pa ako ng masabi ko 'yon sa isipan ko. Umangat ako ng tingin kay Xam na may ngisi sa mga labi. Humarap ako sa kanila, naka upo pa rin. Isinandal ko ang likod ko sa mesa tsaka ang dalawang siko ko. Nakapande-kwatro ako'ng umupo. Kung titingnan, para ako'ng gangster kung umupo ngayon. Nagpapasalamat naman ako'ng nanatiling tahimik ang dalawa, ayoko sila'ng madamay sa ano man na gulo ang maabot namin ng Garapata na 'to.

"Wala, may sinabi lang" Pigil ang tawa ni Noel.

"Eh bakit tumatawa ka?!" Singhal ni Xam pero nanatili sa akin ang paningin niya.

"Kasi-".

"Kasi mukha ka'ng Garapata" Nakangisi ko'ng putol sa kaniya.

Umalis na siya sa tabi ni Xam tsaka lumapit sa 'kin. Hindi naman na ako natakot sa mga pagalit-galit niya sa'kin, nang malaman ko lang na pikon pala ang garapata'ng 'to nawala na ang kaba ko. Marami ako'ng pwede i-asar sa kaniya, at alam ko naman na hindi niya ako pwede'ng saktan. Umabot pa siya sa korte eh.

"Ano'ng sabi mo?" Nanggigigil niyang tanong. Ang dalawa'ng kamay nakapatong sa mesa sa magkabila ko'ng balikat. Gano'n kami ka-close.

Char.

"Mukha ka'ng garapata" Pag-uulit ko.

Bumaba siya ng tingin tsaka marahas na bumuntong-hininga. Nanatili siya'ng gany'an ng tatlong segundo bago pa ulit umangat ng tingin sa 'kin. Nandoon nanaman ang galit niya, galit nung nasa restroom kami. Kahapon. Ilang segundo pa ako'ng tinitigan, hindi naman nawala sa mga labi ko ang ngisi. Nang bigla nalang niya hinampas ang mesa, ng napakalas.

Now, I'm doomed. Cy and Rex are here for Pete's sake!

"One more statement-".

"What? Hinahamon mo 'ko?," Mas nilakihan ko pa ang pag ngisi ko "Try me".

"Pag 'di ka pa tumigil-".

"What? You'll beat me? Sasabihan mo na naman ako ng "Kung ayaw mo'ng lumabas ng walang galos" Peste'ng galos, anong gagawin mo?" Binigyan ko siya ng maangas na tingin, nawala na ang ngisi ko.

"Damn it! Stop cutting me off!" Singhal niya.

Naaamoy ko ang mabango niya'ng hininga kada salita niya. Ewan ko lang kung ano yung sa'kin bwahaha.

"Why would I listen to you?" Ani ko.

"'Cause if-".

"Hey stop it, that's enough" Narinig ko si Rex at mula sa gilid ng paningin ko.

Tinuro pa muna ni Xam ang hintuturo niya sa 'kin. "This is not the end" Bumalik na siya sa pagtayo.

"Bakit? Mukha ba'ng may nakikita na ako'ng sign na matatapos na 'to? Boy, this is just the beginning" Ani ko bago ko siya tinalikuran.

Tiningnan ko si Cy at Rex, parehas seryoso. I'm definitely doomed. Umiwas ako ng tingin tsaka nag patuloy sa pag kain ng mansanas. Ayaw ko man aminin pero medyo kinabahan ako sa huli niya'ng sinabi. But mostly, I felt proud of myself. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng nasa likuran ko bago ako makarinig ng yapak ng dalawang tao papalayo sa gawi namin.

"Hana" Tawag ni Cy pero nag bingi-bingihan ako.

"Hana" Pag-uulit nito sa nangangaral na tono.

Mariin ko'ng pinikita ang mga mata ko, napabuntong-hininga bago humarap sa kanila ng naka nguso. Ipinakita ko kay Cy ang pagnguso ko tsaka puppy eyes, pero hindi tumalab eh. Ipinikita ko kay Rex, ang seryoso niya'ng tingin naging malambot. Kung titingnan kami, para kami'ng pamilya. Si Cy ang nanay, Si Rex ang tatay tapos ako yung anak.

"Ano yun?" Nakanguso ko paring tanong kay Cy

"Anong ano yun?," Biglang tumaas ang tono ng boses ni Cy, galit na talaga "Hana, nararamdaman ko yung tensyon na pumapagitan sa inyo!".

"Hana, tell us the truth" Si Rex

Unti-unti na ako'ng kinakain ng guilt ko dahil sa paglilihim. Wednesday palang naman pero ba't ganito na umasta ang dalawang 'to?. Kumunot ang nuo ko. Ba't nga ba ganito ang dalawa'ng 'to? Parang mga magulang na pinangangaralan ang kanilang bata. Pero infairness ah, ready na sila. Hahaha.

"-Na!" Singhal ni Cy.

Napa-angat ako ng tingin sa kanila. Si Cy, nakatayo taka nakapamewang, si Rex naka upo prin pero naka pa 'L' na ang dalawang braso habang nakapatong naman ang baba sa kamay. Si Rex may masuyong tingin, si Cy, parang nanay na galit. Napabuntong-hininga pa muna ako bago sumagot.

"Kaaway ko yun" Tipid ko'ng sagot. Nawala na ang nguso at pagpapakitang awa ko.

Walang emosyon ko sila'ng tiningnan. "End of Discussion" Ani ko tsaka kinuha ang bag, isinukbit sa balikat tsaka lumakad papalayo.

Pumunta ako sa Field para mag pahangin. Wala ako sa mood ngayon makipag-usap sa kanila, at mas lalo ako'ng walang gana umupo ng matagal kaya dito ako pumunta. Mahangin dito tsaka may puno para tambayan sa ilalim. Chineck ko pa muna kung walang dumi ang lupa bago humiga. Itinabi ko na lang ang bag ko. Ipinatong ko ang kanang braso ko sa noo ko, ang kaliwa ay nakapatong sa may tiyan. Naka-bend ang isang tuhod, ang kaliwa hindi.

Para ako'ng nabunutan ng tinik ng makita ko ang ma-asul na langit kahit hindi naman dapat makaramdam ng kampante. Napapikit ako ng dumaan ang napakalakas na malamig na hangin, huminga ako ng malalim tsaka 'yon marahan na binuga. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko maisipang ilabas ang binili ko'ng libro mula sa bag. Nagbasa ako habang nakahiga, alam ko'ng bawal 'yon pero masyado ako'ng tamad para umupo hanggang sa matapos ang ilang chapter.

Nakadalawang chapter lang ako ng mag ring bigla ang phone ko mula sa loob ng bag. Kunot nuo ko'ng binaba ang libro tsaka inabot ang bag, nakahiga pa rin, 'di ko na inabala pang hanapin dahil 'yon na mismo ang nahawakan ko pagkapasok na pag kapasok ng aking kamay sa bag.

Mas tumindi ang pag kakunot ng nuo ko nang makitang No Caller ID 'yon. Kinabahan ako, wala ako'ng pinagsabihan ng number maliban sa mga magulang ko. Pilit ko'ng iniisip na baka prank 'to, yung mga nagsasayang ng mga load nila. Wala sana ako'ng balak sagutin ang tawag pero nang patayin 'yon ng nasa kabilang linya at nag message, nakaramdam ako ng pagka curious.

From: 09305992880

I followed you, yet you keep moving away. Stop.

Tumawag pa muli ang nag message. Ilang segundo na ang lumipas pero 'di ko magawang pagalawin ang mga kamay ko para pindutin ang Accept. Gusto ko'ng sagutin pero ayaw ng mga kamay ko. Ngayon, dalawa na ang missed call.

From: 09305992880

Answer the phone! Damn it!

Nangunot ang nuo ko sa pangalawang mensahe. MInumura na ako, peste siya. Sino naman siya para sagutin ko ang tawag niya? Random stranger lang siya and not to mention yung una niyang mensahe. He looks and sounds like a stalker for pete's stake! Siya pa talaga nagagalit dahil 'di ko sinasagot tawag nito'ng buang na 'to kung sino man 'to.

Napabuntong-hininga pa muna ako bago ulit na ipinasok ang phone ko sa bag. Nahiga ulit ako tsaka nagsimula na naman sa pagbasa. Ngunit hindi ko namalayan ang pagtulog ko doon. Nagising nalang ako nang mag ring na naman ang phone ko, ang pwesto ko ng makatulog ay nasa mukha ko nakapatong ang libro, nasa tiyan ko na ang dalawang braso ko. Dali-dali ko''ng kinuha ang phone mula sa bag tsaka wala sa sariling sinagot 'yon.

Ngunit huli na ang lahat nang pindutin ko ang accept. Tiningnan ko pa muna kung sino ang tumawag, same number. Kumunot nanaman ang nuo ko. Tiningnan ko kung anong oras na sa phone lockscreen ko. Laking gulat ko ng alas singko y trenta na!.

Dali-dali ako'ng nag ligpit ng libro. Umupo pa muna ako para makapag relax at makapag adjust ang katawan ko, nag srtetch ako bago nag patuloy sa pag ligpit. Akmang tatayo na ako ng may maramdaman ako'ng presensiya sa aking likuran!. Natigilan ako. Nakarinig ako ng kaluskos sa likuran ko, nilingon ko ang likuran ko. Para ako'ng natulos sa kinauupuan ko ng makita'ng walang tao. Kinabahan ako. Bumaling ako ulit sa phone ko nang mag ring 'yon.

Kinilabutan na ako. Hindi ko na ata kaya kung malaman ko'ng yung tao'ng nasa likuran ko kanina ay ang tao'ng tumatawag ngayon sa 'kin. Namatay ang tawag. Doon na ako kumilos, tumayo ako, isinukbit ang bag sa magkabila ko'ng balikat tsaka akmang hahakbang na ng lakad papapunta sa Exit ng Field, ng may marinig ako'ng boses sa likuran ko!

"I told you to answer my call, didn't I?".

Ani ng isang napakalalim na boses. Nandilat ang mga mata ko sa sobrang gulat! Naging mabilis nanaman ang paghinga ko, pinaghawak ko nanaman ang dalawa ko'ng kamay tsaka pinaglaro-laro ang mga buto sa likod nun. Pamilyar sa akin ang boses ngunit parang mas nag matured ito?.

"Hey, aren't you gonna ask why am I here?" Sarkisto nito'ng ani.

"W-why are you here?" Taka ko'ng tanong.

Narinig ko'ng tumawa ng mahina ang lalaki, ilang segundo pa ng maramdaman ko ang hininga niya sa may tenga ko!

"Still the same old Hana," Tumawa pa muna siya ng mahina "Silly girl.".

Nangunot ang nuo ko ng mabosesan ko kung sino ang lalaki'ng nasa likuran ko.

"A-axel?".

Toffee | S.E.