webnovel

QUARTER PALACE [FILIPINO]

Quater Palace is a private place in an unknown abandoned palace. Power, Authority, and Wisdom. You have to be careful who to trust.

Enialaqt · Filem
Peringkat tidak cukup
38 Chs

WELCOME

SABRINA POV

"HOY GISING! GISING NA BS!! HOY MGA PANGIT TANGINA NYO GISING" napatakip ako sa tenga at napaupo agad

"Gago, anong oras na?!" tanong ko agad

Kita ko si Pev na kalalabas lang ng Cr bagong ligo, nakaayos na pati si Abi. Kita ko ding tuyo na buhok ni Evu at Harp. Si Abram naman ay papasok na sa Cr.

"Ayan gising na si Panget!" napatingin ako kay Ivan na sobrang energetic

tanginang to maaga natulog e

"Tanginamo" mura ko sa kanya

Tumayo nako at ililigpit sana ang higaan ay inunahan nako ni Ivan.

"Magready kana damit after magayos ng lahat, sa cafeteria na number 1 tayo" nataranta naman ako pati pala si Faye

Kita ko naman sa higaan ko nakaayos na damit.

"Naglabas ako akin e, so nilabas kona din sayo" saad nya at inaayos ang sapatos nya

_

"ALL GANGS! ANNOUNCEMENTS! EVERYONE!! TRAINING HALL HAS IT'S OWN UNIFORM!! YOU'RE NOT THE ONE WHO'S GOING TO DECIDE WHAT TO WEAR AT TRAINING HALL!! "

Nakailang ulit yon at nanlumo si Abi. Dahil don sya excited sa kung ano ang isusuot habang nagttraining.

"Let's go, kailangan na natin makapunta sa cafeteria" saad ko at nagpauna ng maglakad

Hindi na sila nagpalit dahil dagdag oras lang. Kasabay pa naming nagbukas ng pinto ang katapat na kwarto.

"MORNING!!" bati naminn

"good morning, aga nyoo" sabi naman nung Denise

"kailangan eh magkagulo pa sa cafeteria" saad ko nagtaka naman sya

"huh bakit?"

"pang 1 kasi kami" nanlaki mata nya at tumango

"ah oo nga need nyo maaga-" may sasabihin pa sana sya kaso tinawag ulit sya sa kwarto

Lumabas naman sila Abram kaya naglakad na kami palabas ng floor. Expected na namin na maraming tao na sa hagdan pero onti palang pala.

"3:20 na pala, ang onti palang naglalakad sa hagdan" bulong ni Faye

"Tara na, medyo malayo Cafeteria. Sa cafeteria nalang magdaldal" utos ni Harper kaya sinunod na namin

Pagkababa namin ay medyo puno na ung Main Hall dahil marami ng pababa galing sa ibang hagdan at sa elevators.

Malalaki ung mga elevators parang kaya nya dalawang gang sa loob. Nagtuloy tuloy lang kami sa paglalakad.

3:50 ng saktong makapasok kami sa floor namin dito sa cafeteria. Umupo muna kami at naghintay ng Announcement dahil nakakahiya naman pipila ka agad.

4:00 AM

"TABLE ONE" sigaw nung isang asa counter

Tumayo na agad kami at sunod sunod na pumila. Hindi ako iinom ng kape, magwawater nalang ako dahil baka magtae ako. At gaya ng sa pinagusapan halos lahat ng ulam ay kumuha kami para share share.

"wag magkape" bilin sa amin ni Harper ng paupo na sa mesa

"don't eat too much guys okay?" tumango na din kami sa bilin ni Abi

"Ano kaya ulam mamayang tanghali?" ligaw na tanong ni Ivan habang kumakagat sa tinapay

"So araw araw need natin 3am magising para maaga dito" saad ko

"Tangina, prang wala pang isang oras tulog ko ah?" mura ni Evu

"Kaya we need to fix it okay?dapat 9:30 or 10 dapat tulog na tayo so we can have a 5 hours sleep" labag sa loob ang pagkakasabi non ni Abi

tangina 5 hours tapos hardcore training?aus lang haha cnu b nmn kmi pra bigyn ng 8-9 hours slip

"Hmm, dapat sakto lang ang kain sa umaga para may energy sa 6 hours na training. Pero titignan muna natin kung gaano kahira ung training" paliwanag ko

"Yea, sa dinner tayo babawi ng pagkain." sabi ni Pev sa gilid ko

"mas matagal pa ung training kesa sa tulog natin" dagdag ni Abram natawa naman kami

"Sarap ng champorado biten" bulong ni Ivan

"Ano kayang uniform natin later?sana cute" syempre si Abi yan

"Ay nakita nyoba Gang nila Denise dito?" tanong ko at naglikot ng tingin

"Sabrina" napaayos agad ako ng upo at kumagat sa apple sa tawag ni Harper

"Wag ka titingin sa paligid, may mga table pang hindi kumakain. It's 4:50 am na, tapos naba kayong kumain?" tanong nya

Napaayos din sila ng upo, at nagmadali sa pagsubo ng pagkain. Kinurot pako sa gilid ni Abram.

Niligpit na yon at pinagsama sama ang mga plato. Tumayo na kami at naglakad ulit palabas ng walang tingin tingin sa paligid.

"Kumakain na ang gang nila Denise" bulong sakin ni Harp ng makalabas na kami napatango naman ako

"Saan na tayo pupunta nyan?" tanong ni Faye

"Sa Training Hall" sagot ko

"where??" abi

"tatanong tayo sa guard kung paano makapunta don saktong 6 ang sabi ni Leo ay dapat andon na tayo" sagot nman ni Harper

"huh e 5 palang" takang tanong ni Pev

"Baka for ready things ganon diba magpapalit pa tayo clothes?" Abi

Nangmakalabas kami sa Cafeteria Hall ay pasikat na ang araw. Medyo malulam pa sa daanan simula sa sec u papunta sa dorm.

"PVVVTTTTT!PVVVTTT" napatingin naman kami sa tapat ng need room kung saan may mga nakapila

"NEWBIE'S LINE UP HERE" ang nakalagay sa karton na nakataas

"pila daw tayo" sabi naman ni Evu at nagpauna na maglakad

Sumunod naman kami at lumapit sa mga nakapila. Onti palang sila pero parang may magsusuntukan na.

"Newbie?" tanong nung lalaking may hawak ng pangpaswit

"Yea, kahapon kami dumating" sagot ni Harper

"Field?" tanong ulit pero may hawak na syang parang logbook

"WEX FIELD" sagot ni Evu

"place?"

"Duanripoz City" sagot ni Abram

"Building?" tanong nung lalaki habang natatawa pa

Narinig ko ding nagbubulungan na ung ibang gangs at natatawa.

"WEX FIELD, MAIN BUILDING, BLACK SOCIETY" sagot ko medyo nilakasan kona para tumahimik sila

Napaubo agad ang lalaki na may paswit at nanahimik ang ibang gangs sa paligid.

"Thank you, line up here. Walang training ngayon, pero iikot kayo sa buong training hall at buong Quarter palace" napatango nalang kami

After 20 mins ay inanunsyo na kumpleto na raw lahat ng newbie. Kami ang asa pinakauna pila tangina?

"Bat naauna tayo?may mas nauna naman satin kanina ah?" tanong ni Ivan

"By building kasi ang pila" sagot naman nung kabilang pila na sa kabilang hagdan daw sila dadaan

"Main building kasi kayo kaya nauuna kayo" napatango nalang kami

Sa paglalakad ay nakatabi rin naming pila ang Grey Field. Main building din pala sila, syempre sinabi agad ni Ivan kasi nagtanong sa kanya jowa nya.

"Kinakabahan ako" bulong ko kay Harper na nauuna sa amin katabi si Evu

Katabi ko si Abram, katabi naman ni Abi si Pev, Faye to Ivan.

"Parang may mangyayari" bulong din ni Abram

Napakalbit naman si Abi sa amin.

"Bakit?"

"Ano binubulong nyo?" tanong nya napatingin din sa amin sila Faye

"Di yata magadang nauuna tayo" saad ko narinig din yon ng kabila

"Just be alert, may mangyayari yata mamaya" Sabi nung Ethan na leader nila

"Wait, stop" sabi Abi

Natigil din ang Grey Field sa amin.

"Bakit?" tanong namin

"Bakit parang hinihiwalay tayo sa iba?" tanong ni Faye

Napatingin naman kami sa paligid at nakitang nakahiwalay nga kami. Saktong main building kaming dalawang gang dahil walang rep ang Duxx at Axe Field

"Tangina" mura ni Harper

"Bakit kayo huminto?tara na" aya nung lalaking may paswit

"Bakit kami nakahiwalay sa kanila?" tanong ko

"Dahil main building kayo"

"Kami lang ba main building sa lahat ng andito?" napaharap naman sa amin ang lalaki

"Oo, Sa Duanripoz City ang pinaka building ng lahat ng Fields at saktong kayong dalawang gang ang under ng main buildings. Galing din sa main buildings ang ibang andito pero hindi kasing main ng sainyo" paliwanag nya

"Pero bakit naman kailangan pang ihiwalay?" Ung isang babae sa grey field

"Dahil iba ung main nyo"

"No, bakit hindi nalang ipagsama sama ang mga main buildings. It's so weird" dagdag naman ni Abi

"Wag na maraming tanong lakad na" utos nya at naglakad na

"Wtf"

"May issue yta mga main buildings sa QP tangina to"

Naglakad na kami pero halata sa mga gangs na newbie na dinadaanan namin ay parang natatawa or natutuwa.

"Idk what's happening, have bad feelings for this. I want to call kuya Leon" bulong ni Abi

Katabi nyana si Harper, nauuna na ko at si Evu, Katabi ni Faye si Ivan, si Pev at Abram. Nagiba din ang posisyon ang kabilang gang.

"TH101- TH110 MGA NEWBIE HERE, DITO DIN KAYO MAGTTRAINING BUKAS" halos lahat ng dinadaan na training room ay walang tao

"Bakit walang tao?" tanong ni Shiela

"Dahil may opening para sa mga newbie dito, hindi ba sinabi ng main buildings nyo" natatawang sagot nung lalaki

"that's it" bulong ni Harper

"andon silang lahat?" tanong ni Lesia

"yes, kanina pa" ngising sagot nung lalaki

"Hindi ba tayo pupunta muna sa Hell Hall?" si Harper

"After Training Hall"

"fck wala tayong kilala sa Training Hall" bulong ni Harper

Napatingin naman kami sa kabila at umiling din sila.

"May mga tropa dito pero hindi din kami mapakali" sagot nung Cyclin

Pagkasampa sa 3 floor ay nagelevator na kami paakyat sa main hall ng training hall. Asa taas daw iyon na nagkokonekta sa apat na buildings ng training hall.

"Kung andon lahat edi sobrang laki pala non" biro ni Abram

"Oo, don madalas humahatol. Nasa taas ng mga buildings ang main hall. Pero iba ang sa dorm na main hall nyo."dagdag nya

"Ah so may main hall din sa taas ng Quarter palace dorm?" tanong ko

Pero hindi nya sinagot dahil bumukas na ang elevator. Bumungad sa amin ang napakalaking arena. Saktong kalabas namin sa elevator ay kalalabas lang din ng Grey Field.

Sobrang laki, may tatlong malalaking screen at sobrang daming tao. Hindi ganon kaamoy ang hall siguro dahil nakaaircon ito.

"Nasan ung ibang newbie na kasama namin kanina?" tanong ni Shiela

"Nakaupo na" tangging sagot nya

"Ah san kami uupo?" tanong ni Faye

"Don" turo nya sa dulo

Dadaan pa kami sa gitna ng arena

"ha?eh free naman tong asa gilid ah?" tanong ni Ivan

"Kailangan nyo talagang dumaan dyan, dumaan din dyan ung mga kasama nyong newbie kanina"

"Eh bat nauna sila?" Donny

"Siguro ay inexplain nalang sa elevator lahat"

"pwede naman pala yon bakit pinaglakad mo pa kami hanggang 3rd floor? for tour?eh hindi ka nga nagsasalita" saad ni Ethan

"Tatalino nga naman ng mga taga main buildings hahah, pero andito na kayo eh. Dadaan kayo sa gitna sa ayaw at sa gusto nyo dahil kung-"

"Tara na" hindi kona sya pinatapos dahil sobrang dami nyang dada walang namang kwenta

Naramdaman ko namang sumunod din sila kaya nagpatulog nako.

"LET US ALL WELCOME! THE GANG UNDER THE MAIN MAIN BUILDINGS!!" napahinto ako ng sabihin yon ng mc pero hindi ko sya makita

Nanahimik ang buong arena. Pero dahil ayokong magmuka kaming tanga ay tinuloy ko ang paglalakad. Tumuloy din sila at pinanood kami.

Asa gitna na kami ng may marinig akong kalantog pero hindi kona pinansin.

"Diretso lang" utos ni Harper

"That red door is a elevator, mauna na tayo sa hell hall" saad ni Ethan

"May pasugod" Abram

"Diretso lang" Evan

"Huwag kang lilingon, Sabrina" Sean

"Sab, walk faster" Abigail

"Tatlo sa left, Tatlo sa right. May gumugulong papunta sa atin galing sa likod" Ivan

"Feeling ko ang ganda ko" saad ko

"putangina" sabay sabay na bulong sa likod ko

Napatingin ako sa gilid namin ng may humagis. Pero nanatili akong naglalakad hindi ko yon pinansin pero alam ko kung ano yon.

Smoke

"SAB-PEV PALIT, ABRAM-IVAN PALIT" bulong ni Harper

Pagkausok ng mga bomba ay lumipat ako agad at humawak sa kamay ni Abram. Asa pinakalikod kaming dalawa ni Abram at nangunguna si Harper at Pev, Faye at Ivan. Si Evu ang pumalit sa pwesto ko sa harapan kanina.

Nagsimula kaming maglakad sa ganoong pwesto at paliko liko pero tangina may naghagis ng itlog!

"eww" reklamo ni Abi

"Tangina ang lagkit" mura naman ni Abram

"Yuck ano to?kamatis?" rinig ko pang reklamo ni Ivan

"Tangina anong meron" mura ni Pev

Nagpunas ako ng braso ng may lumipad na itlog don. Yuck, naglakad pa kami kahit wala kaming nakikita. Sobrang ingay parang mga asong ulol na nakawala.

"AAAAAAAHH" sigaw nung asa likod naminn

Natumba sya dahil may lalaking tumatakbo tapos may nakadikit sa kanyang parang kama?para syang tanga pero malakas ung impact non kasi tumalsik sila

"TANGINA TAKBO" mura ko sabay hawak kay Abram

Hinawakan ni Harper si Abi at idinikit sa kanya. Si Ivan kay Faye at Evu and Pev. Tumakbo na kami kahit hindi namin alam saan ang punta.

"Tabi putangina mo" ani ko at tinulak ang humarang sa gilid ko

"Excuse me! Harper!" rinig ko pang reklamo ni Abi dahil sinapak yata ni Harp ung biglang sumulpot sa harap nila

Hindi nauubos ung smoke kaya nagpatuloy parin kami. Basta kita parin namin ang isat isa okay na y-

"TANGINA ANO TO?PINTURA?!" sigaw ko ng may biglang ulan na dumapo sa muka ko at kulay red yon

"GAGO PUTANGINA ANO TO?" mura ni Evu habang hinahawakan si Pev pero tinatanggal nya

"Bitaw kasi!"

"Wag ka makulit! pagikaw nahiwalay!"

"Takbo naa dali" naiirita ng saad ni Faye

Pero ng magtuloy tuloy kami ay biglang may humampas kay Harper.

"Fuck!"

"tangina sino yon" bulong ni Abram

"TANGA! PARANG NASA KULUNGAN TAYO!" mura ni Harper

Nang lumapit ako sa humampas sa kanya ay parang nasa kulungan nga kami. Bakal na yon na ibigsabihin ay nasa dulo na kami.

"5!"

"4!"

Biglang may nagbilang na parang asa malayo pero malakas yon.

"3!"

"2!"

"LIGHTS ON!!" sigaw ng nakararami

At biglang bumukas ang ilaw nawala ang smoke at kitang kita namin ang mga nagtatawanang nakaupo sa arena. Nagtatawanan sila habang hawak ang mga kamatis at itlog. Andon lahat, kitang kita din namin ang pwesto namin dahil asa pinaka gitna kami.

"Tangina?" mura ko

"WELCOME NEWBIE'S!! THIS IS HOW WE SHOW OUR WARM WELCOME TO OUR NEW FELLOW WARRIORS!! DO YOU GUYS ENJOYED IT?" tanong mung emcee na hanggang ngayon hindi ko parin nakikita

Nilibot ko ang tingin at kitang kita ang mga newbie na kasama namin sa pila kanina na nakahiga na dahil sa pagod may ibang nagpupunas ng damit at muka.

"Alam kong maraming magrereklamo sainyo dahil sa ganito pa naming paraan ipinakita yon. Anyways i don't care, we're going to have an attendance here. Say your Gang and count to 8 upang malaman kung kumpleto pa kayo!"

"Harper" tawag ko sa kanya ng tignan ko sya ay tumatawa na sya at umiiling

"Ayon si gagong leon oh" turo nya

Napatingin naman kami sa harap na parte ng mga bench at nakita si Leon na tawang tawa habang may hawak ng kamatis at itlog. Kasama pa nyang tumatawa ung ibang atty. na naginterview samin. At marami pa sila, halos lahat sila ay may hawak ng itlog at kamatis.

"Kuya?!" sigaw ni Abi

"TANGINA MO LEON!" sigaw ni Abram

"Hindi nagkwento ang gago" mura ni Evu

"I feel betrayed" bulong ni Faye

"Wag mo papatulan yan, Sab. Masama ugali" bulong ni Pev sakin

Nang hanapin ko ang sarili sa screen ay kitang kita muka kaming basang sisiw. Pinunasan kona ang sarili at nagayos.

"Ang lagkit ko wtf" mura ko at nagtali ng buhok

"FONUA GANG!"

"PASVUX GANG!"

"JAURZO GANG"

"BUENDEDE GANG"

"RED BULLS GANG"

"TAEUNGANG"

Nagbilang sila ng mga miyembro pero hindi iyon umabot ng 8. Napatingin sila sa paligid at nakita ung isa na nasa sahig at nagpapahinga na.

"Bat hindi kayo sama sama?"

"Humiwalay sya" sagot nung isa

Pinatayo naman nung lalaki ung asa sahig at tinanong.

"Bakit humiwalay ka?"

"For my safety?Hindi ko maliligtas sarili ko kung may hawak akong pitong miyembro-"

"Pwede ka ng umuwi" natahimik ang mga kasama naming newbie sa sinabi ng lalaki

"Huh?"

"Pwede ka ng umuwi" hinila ng tatlong lalaki ang lalaking nahiwalay sa miyembro

"Always remember. Pumasok kayong walo dito, maghihirap kayong walo, tataas kayong walo, at lalabas kayong walo."

"NEXT BLACK SOCIETY"

"1" sigaw ni Harper

"2" Sigaw ni Abigail

"3!" Sigaw ni Evu

"4!" sigaw ni Pev

"5!" Faye

"6!" Ivan

"7!"Abram

"8!" sigaw ko at nakitang pumalakpak si Leon

"Kumpleto tayo" bulong ko

"Syempre, humiwalay pangit" bulong ni Abram kaya natawa kami

_

"Hindi ba talaga kami magbibihis muna kuya?" tanong ni Abi sa lalaking hinila nya

Yon ung nagtatawag kanina

"Hindi nga pwede, nakaoras lang ang pagpunta sa Hell Hall kailangan nyo ng dumaan don" maarteng saad ng lalaki at tinatanggal ang braso sa kamay ni Abi

"What? I don't care about hell hall! i want to change now!" sigaw naman sa kanya ni Abi kaya medyo napaatras sya

sobrang dumi kasi namin.

"Abigail"

"Kuya" tumakbo naman si Abi kay Leo at sya na ang kinulit

"Hindi nga pwede Abi"

"Why ba nauna pa tong warm welcome nyo kung may pupuntahan pa kami?!" sigaw ni Abi sa kanya

"Kailangan talagang muka kayong kawawang papasok sa Hell Hall Abi" paliwanag ni Leo natahimik naman si Abi at mukang naintindihan na rin

Hindi nga naman magandang papasok ka sa Hell Hall ng maayos at mabango ang ayos tapos sila ay hayz.

"Let's go na" aya ni Harper at naglakad na

Ang usapan kanina ay hindi papansinin si Leon dahil sa nangyari. Ah bakit ba kunyari daw nagtatampo kami.