webnovel

QUARTER PALACE [FILIPINO]

Quater Palace is a private place in an unknown abandoned palace. Power, Authority, and Wisdom. You have to be careful who to trust.

Enialaqt · Filem
Peringkat tidak cukup
38 Chs

TITA MOMMY BEYBE

Sabrina Federez POV

"Ano na gagawin nyan?" tanong ni Rhina kay Abram

Hindi naman nakasagot si Abram at tumingin kila Harper at Evu. Napatingin naman kila Ethan at Donny na mukang nagiisip din ng gagawin.

"It's 7:30 already, 20 minutes before dinner" saad ni Pev

Napatingin naman ako sa clock na nakuha kahapon sa NeedHall. Napatingin ako uli sa iba pero hindi naman sila gumagalaw.

"Ethan, malayo ba room nyo?" bulong ko

Napatingin naman sila, sinenyasan ko sila na manahimik dahil ramdam ko ang tatlong tenga sa kaharap na pinto.

Tumango naman si Ethan

"Saktong malapit sa pinto ng Main door ung kwarto namin. At kaharap lang ng buong floor nato." bulong din nya

"Hindi tayo makababa dahil hindi tayo sigurado kung may bantay ba sa hagdan." saad ko

"We have walkie talkie" bulong ni Donny at inilabas ang walkie talkie sa bulsa

Lumayo sya sa pinto at medyo pumasok sa cr. Nagpipindot sya don.

"Hello? hello?hello over?"

"Oo, tignan nyo nga kung may bantay sa hagdan hindi kami makalabas. Magddinner na, hindi din tayo makalabas panigurado bibilangin lahat ng gang na bababa over"

"Gagi tangina? Meron?Putcha naman gutoms nako over!" pabulong na sigaw nya natawa naman ung iba samin

"Sige sige bahala na may biscuits naman kayo dyan diba?baka maya maya pa kami makaalis, paguwi nalang namin ipapaliwanag. Yes madam, napasabak si Ethan HAHAHA oo sige bye over"

After makipagusap ni Donny gamit ang walkie talkie ay umayos na sya ng pwesto at nagkamot ulo

"May nakabantay daw, pero hindi magbibilang ng gang" bulong nya

"What do you mean?" tanong ko naman

"May nakabantay pero walang nagbibilang?" tanong din ni Abram

"Hindi lang guard ang mga nakabantay, ang nakita daw is andon din ung mga binugbog nyo, ang narinig daw ni Lester ay hindi makareklamo or makaalert ung mga binugbug nyo and ung guards dahil mahuhuli din sila" magulong paliwanag hayz

"Wait, so may mga usual guards talaga then may mga guards din na kasama ung mga galing sa side branch pero hindi makagawa ng alert signal sa usual guards dahil mahuhuli sila na kumakampi sa side branches since they're bias, am i correct?" at inayos nga ito ni Pev

"Yes" tango naming lahat

"So it means makakalabas lang tayo pagumalis na ung mga guards na kampi sa side branches " saad naman ni Faye

"Mahihirapan tayo" bulong ni Abram

"Yes, sa pustura palang nung mga yon halatang kayang maghintay hanggang umaga para lang maresbakan tayo eh" asar na ani ni Ethan

"Kailangan nating kumain" bulong ni Abram

"Sino ba kasing tangang umubos ng isang upuan lang ung mga biscuits natin?" asar na bulong ko

"I think we can help" bulong ni Rhina

Magkatabi sila ni Cury na nakaupo sa sahig, sa left ni Cury katabi si Ethan, nasa kama ko naman sila Pev and Faye, sa kama naman ni Abram nakahiga si Abi katabi si Harper. Syempre katabi ko si Abram na nasa lapag at nasa pinto ng cr si Donny.

"How?" tanong naman ni Pev

"Nabanggit ni Donny si Lester na kagang namin. Andon ba si Lester?" tanong ni Rhina kay Donny

"Yes, ang sabi kumatok daw sya and nagbigay ng information."

"I know you guys have connections sa lahat right? Including cafeteria, pwede naman siguro tayong magpabigay ng letter sa mga connections nyo and kami ang kukuha." paliwanag ni Rhina

"But it's dangerous" sabat naman ni Evan

"Oo nga, sigurado namukahan kayong dalawa ni Cury kanina. Ung si Lester nalang and ibang gang na pwedeng tumulong samin ang pupunta" saad ko sabay ngiti sa kanila

"Pero hindi pwedeng magpadala ng letter sa oras ng Dinner. Busy lahat ng tao sa cafeteria, kung kaya nyo pang tiisin, tiisin nyo. Magpapadala tayo ng letter after ng Dinner Time, kung saan nasa loob na lahat sa kanya kanya nilang dorm" anyunso ni Harper

Nakatitig lang sya sa natutulog sa Abi. Si Abi na may medyas sa dalawang kamay hanggang braso. Naka short lang din sya at sando para hindi kumulob ang init galing sa allergy. Napainom na sya kanina ng gamot at malaki ang tulong non dahil nawala ang matinding pamumula.

"So ganito tayo hanggang mamaya?" bored na tanong ni Abram

"Kung gusto mo lumabas kana, magdinner kana, kumain kana, magpakabusog ka" saad mo sabay irap

"Umpisahan nalang natin gumawa ng letter" ani ni Faye at kumuha ng papel at ballpen

"Good Evening Tita Beybe,

This is Black Society from Wex Field Main Building. We are hoping that you can help us with our dinner tonight because it's our second day at Quarter Palace and we already have a problem and can't go outside our droms. There are 12 people here at our dorm. 8 pips from our gang, 2 pips from underground, and 2 pips from Grey Field.

Hope you can help us!"

1?2?3?4?8?9? ilang beses naba binasa ni Abram yan? Tangina ulit ulit nalang kanina pa. Bored na daw sya at gutom.

"It's 9:30 pm, anuna?" sabog na tanong ni Donny

"Antok, Pagod, Gutom grabe kawawa nako mamamayat ako dito sa QP" sabog na din si Ethan

"Nakputcha anong hinihintay natin dito? Milagro?" sabong din si Evu syempre

"Ano bang sabi Donny?" tanong ni Faye

Naka dukduk na din sya at nakasandal na din sa kanya si Pev.

"Andon pa daw, dun nga daw kumain eh" asar na bulong ni Donny

"Tangina gago, hindi kona kaya wtf" bulong ni Abram

Ang last kain namin is nung lunch pa.

"10pm na" bulong ni Donny

"Pwede naba Harper?" bulong ni Abram

"Not-"

Napatingin kaming lahat sa pinto nang may kumatok, tumayo naman ng walang ingay sila Rhina, Cury, Donny, Ethan at dumiretso sa cr. Humarang naman si Abram sa harap ng Cr at nagkunyaring tulog.

"Sino yan?" tanong ko

Walang nagsasalita pero tuloy tuloy parin ang katok.

"Si Jimmie" bulong ni Rhina

"Huh?" tanong ko

Lumabas naman sya ng Cr at lumapit sakin.

"Si Jimmie yan, knock code namin yon" bulong nya

Napatango naman ako at inopen ang pinto habang nasa likod ng pinto si Rhina. Si Jimmie nga at may dalang pagkain.

"Jollimacfc Delivery" bulong nya at natawa naman ako

Binuksan ko na ang pinto at pinapasok sya. Isasara ko sana agad pero pumasok din ng tuloy tuloy si Lester at hinila ang pinto.

"Here's the Dinner, sorry late hindi kasi kami makalabas mg Cafeteria sa Dinner Time and marami pa din naglilinis" paliwanag ni Jimmie

Takam na Takam kami at nakuhang pumwesto sa lapag ng nakaayos ang pwesto pero walang nagsalita. Natawa naman silang dalawa na may hawak ng paperbags.

"Eto 12 na unli rice, ang ulam Afritada, Lechon, Sisig, at beef steak. Eto ung mga inumin."

Nang mailapag nya iyon ay nagunahan kami sa pagkuha.

"Wait pano pala ung gang ko?" nabiwatan ni Ethan ang hawak na kutsara

"Nadalan nadin, kaya hindi ako kasama ni Jim sa pagkatok" nakahinga naman silang maluwag

"Eh kayo?kumain naba kayo?" tanong ko sabay lunok sa lechon

" Yes, habang naghihintay sa Third Floor Dirty kitchen. Nalate talaga kasi inuna din namin dalhan ung kasama namin na nasa ospital."

Tumango naman ako at ngumiti

"Eh pano pala- ay puta" tanong sana ni Abram pero nabilaukan na

"You can ask later after eating" pilit ngiting ani ni Jimmie habang tinitignan si Abram na uminom

"Gumawa pa kaming letter, ang plano is ipapadala namin ung letter sainyo at ipapabigay sa connections namin" saad ni Faye

"Hmm yeah we expected that, pero nung andon na kasi sa cafeteria ay kailangan din namin makiusap para may pagkain ung mga asa hospital namin. And we actually use your gang names para mabigyan. " paliwanag ni Lester

"Okay lang ba yon?sorry kailangan talaga" sabi pa ni Jimmie

"Huy ano kaba! okay lang! natulungan nyo din naman kami kanina" kako pa sabay subo ng afritada

Nagkamay nako para feel na feel.

"Pero buti may nakausap kayo?" tanong ni Ethan

"Actually, nanay ko ung main cook ng third floor. Hindi lang ako lumaki sa kanya pero kilala ko sya" bulong ni Jimmie

Nagulat naman kami

"Diba lahat ng anak o kamaganak ng mga nag-"

"Yes, pero dahil hindi ako lumaki sa kanya at napaadopt ako pagkaanak ay wala kaming kahit anong connection sa papel. It's a secret, once na makarating iyon sa main guard ay mapapaalis ako sa gang " napatango naman kami sabay zip ng bungaga natawa naman sya

"Don't look at us like that, gutom talaga kami" saad ni Ethan sabay kagat sa balat ng lechon

Nakatingin kasi si Lester and Jimmie sa aknya na may hawak ng lechon sa left hand at may sinusubong kanina sa right hand. Ngayon ko lang din napansin na lahat kami ay nagkamay na.

Tumingin ako kay Harper na tahimik na kumakain pero may katabi syang isang styro ng Afritada. Patingin tingin sya kay Abi kung magigising ba.

"Napakain na si Abi kanina kailangan kasi after magtake ng meds may laman ang tyan nya. Saktong may cup noodles palang nakasabit sa bag ni Abram" saad ko at kinuha ang isang mineral water na may pagkamalamig

"Yes, buti nga meron at naghiram kami ng pampakulo ng tubig sa tapat. Nakakain na sya may saing na din ung sa tapat eh, nagalala din kaso namumula talaga sya kanina" dagdag ni Faye

Napatango naman si Harper at tumuloy sa pagkain. Walang may alam kung anong relasyon nilang dalawa, pero alam naming lahat na meron.

"Grabe ang sarap ng Afritada pakshet" ani ni Ivan at sunod sunod na sumubo

"Sa true tangina, pati tong lechon sosyal ganito ba pangwelcome satin lechon" si abram na lasap na lasap ang balat ng lechon at sinasawsaw sa cravy

"No, actually it's a tradition. Nagpapalechon sila kada may Quartz na sasabak sa mabigat sa misyon" napatingin naman kami kay Rhina

"Huh?" NAPAHUHHH KAMING LAHAT TARAY

"It's a tradition na ang sabi pagsinimulan nyong maayos at masaya ang misyon ay magtatapos itong maayos at masaya rin" nakangiwing paliwanag ni Rhina

"Who made that fucking logic?" tanong ni Ethan

"Gets, so may isang gang na sasabak sa mabigat na misyon ngayong araw kaya may palechon?Grabe gusto ko din ganito ung sasabak tayo sa misyon tapos may palechon para sa mga quartz because of the one and only, us!" mayabang na saad ni Abram habang nakatitig sa kisame at hinahimas ang tyan

"Best Feelings, I guess" dagdag ni Evu na ganon din ang pwesto

"Uwi na tayo Tan, inaantok nako" nakapikit na saad ni Donny

Nakatayo sya at nakasandal sa double deck namin na nakapikit. Mas maganda raw nakatayo para bumaba ang kinain. Well, tama naman kaso pabagsak na talaga sya.

"Let's go" aya ni Ethan at humikab na rin

"Uy Rhina, malapit lang ba dorm nyo?" tanong ko at lumapit sa kanila

" Actually, sa ospital lang din kami magsstay" bulong nya

"Ha bakit?" tanong ni Faye

"Kasi hindi kami papapasukin sa main door ng dorm wala kasi si Pao. Ung ibang kasama namin sa floor is takot kay Pao, pero sigurado dahil sa nangyari kanina baka nakaabang na sila sa amin." paliwanag ni Cury

"Let's go then" ani ni Harper sabay tayo

Nagulat naman silang apat, ngumiti kami sa kanila at kumindat. Napangiti rin sila Ethan at nagayos na.

"Sab, Ivan, and Pev" napatayo naman kaming tatlo

"Luh, bat hindi ako?" reklamo ni Abram pero pabulong lang

Nagbleh lang ako sa kanya at nagsuot ng slippers at nagponytail. Nagayos na din kami ng damit, nakapantulog parin naman pero syempre kailangan ng ayusin basta basta kasi kanina.

"What floor?" tanong ni Harper

"3rd Floor kami" sagot ni Lester

"Oh btw Ethan sabi mo yata kanina sa isang floor lang tayo right? huh ang gulo ng building" saad ko ng makatabi ko si Ethan sa paglalakad

"Okay, As far as I know. Ang main floor called lobby. May dalawang hagdan na makikita sa lobby, isa sa right and sa left and gitna nila ang elevator at may island stool bar sa tapat ng dalawang elevator." paliwanag ni Ethan

"4th Floor kami at Room 1" sabat ni Ivan

"5th Floor kami and Room 10" sabat ni Donny

"Nagkagulo lang kanina nung sabihin mong makatapat lang ang floor natin " natatawang ani ni Harper

"Oo nga, eh wala namang ibang daan sa harap kundi daanan ng elevator eh" nakangiwing saad ko

Naglalakad na kami pababa sa parang paikot na hagdan. Wala nang taong pababa or paakyat kami nalang. Tahimik kami at tila nakikiramdam sa paligid, wala naman akong masense na may nakikinig samin pero ng tumapat kami sa pinto ng 3rd floor ay parang naginit ang paligid.

Tanginang san nanggagaling tong init na pakiramdam?

Napatingin naman kami sa paakyat. Sila Pao, gulat silang nakatingin samin at tila kuminang pa ang mata ng iba. Nagmadali sila sa pagakyat, umurong naman si Harper upang bigyan sila ng pwesto para mabuksan ang pinto

Nakakabinging katahimikan ang bumungad sa amin. Pumasok ang buong gang nila Pao, kasunod kami nila Harper at Ethan. Sobrang tahimik, pero lahat. Lahat ng tao sa floor na ito, 80 heads are here infront of us. May ibang nakaupo sa sahig, sa lamesa, sa sofang mahaba, may nakasabit pang duyan, may mga nakatayo sa pinto at ang mga matang nanunuod ngunit nasa loob ng mga kwarto.

"Welcome to 3rd Floor, the floor for underground gangs" anyunso ni Pao at tumabi sa gilid

Tumabi silang walo sa amin nang nakaharap. Humakbang paharap si Harper at Ethan habang nasa likod kami nila Pev, Ivan at Donny.

"We, the Black Society of Wex Field"

"And the Grievous Gang of Grey Field"

"Will under the whole gang of Dunlion XXX from the Underground. I want to you guys to know that while we are inside of Quarter Palace, I don't want to hear bad news that the Dunlion gang has been hurt or beaten up. As long as we are here, the gang of Dunlion is under our Gang." anyunso ni Harper habang nakatingin sa lalaking magisang nakaupo sa sofa

Nakasandal sya at nakapadikwatro ang upo habang sumisitsit ng sigarilyo. Nakangisi sya na tila ba parang may nakakatawa sa binaggit ni Harper.

"Will under your gang?why?Dunlion Gang doesn't even need that because they are going home next week!" ani nya sabay hagalpak

Nasira ang katahimikan kanina at nagsimula silang tumawa at maghahampas sa pader. Maingay, sobrang ingay. Nang mapansin ni Harper ang pagasim ng muka ko ay umurong na sya at ngumisi.

Naglakad ako ng diretso sa lalaki at nakipagtitigan sa kanya. Tumatawa parin sya, tumatawa parin sila. Ang ingay, sobrang ingay nakakairita.

Saktong pagharap ko sa lalakinat tumingala sya sakin at walang habas ko syang sinampal. Akala mo ay dumaang anghel at nanaig ulit ang katahimikan.

"Let's see next week, who's going home then" ani ko sabay higit sa sigarilyo nya sabay tapon sa sahig at tinapakan.

Hinawakan nya ang pangang nasampal ko at iniharap iyon sa direksyon ko. Nakangisi sya habang nakatingin sa upos ng sigarilyo na inapakan ko.

Go home, Asshole.