webnovel

Project: Mystery

Life is a chess game. You gotta make a move to win the obstacles. Ferris University. The prestigious school where Mavis got transferred. Her mother only got her transferred because of issues in her previous school. But she has another motive: to finish the abandoned case of her late father. And as if destiny awaits her, she met Flare Furrer, known as the only detective in the university. But as her third day in university came, she found his new identity that led her to a more dangerous ride.

MQWrites · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
50 Chs

Chapter Twenty-Two: Tale of A Five-Year-Old Girl (Part Two)

Mavis' POV

          Isang linggo na ang nakalipas nang kinidnap ako ng Ursula QWERTY.

         Sa isang linggo na nandito ako, nabalitaan ko na nakulong na ang ate na sana ay kikidnapin ako. Nalaman ko ang pangalan niya ay Crystal Matugan at isa din siya sa na-kidnap ng grupo at naging slave nila for the past few years.

           Paano ko nalaman iyon? Kinulit ko lang naman ang kaisa-isang kilala ko sa Ursula QWERTY, Kuya Eric.

           I also had a plan in mind. I don't know why I could think of that at this young age of mine, but I only know I counted how many days I've been prisoned in this pathetic hell.

          I know that I could not say any bad words at a young age, but I have known it since I was three when Mom agreed on Dad for me to come with him to the police station. I heard many of them cussed because of irritation, frustration, and many emotions that they derived just by saying those silly, dilly bad words.

         Hindi na ako nakaupo ngayon sa isang bangkuan. Malaya na akong nakakagalaw dahil tinanggal na nila sa pagkakagapos ang aking mga kamay but I was still prisoned.

        Binibigyan nila ako ng pagkain kahit kaunti. Swerte pa nga ako dahil binibigyan pa nila ako kaysa magutom na lang ako at mamatay.

         Tinanong ko ang isang kasapi ng grupo kung bakit nila ako pinapakain kung puwede naman nila akong pabayaan.

          Sabi niya, mayroon pa raw akong importansya na kakailanganin ng boss niya sa mga plano nito.

          But I have known for long I would be a slave in their organization like they did to Ate Crystal.

          These past few days, there have been clues. First, tinotorture nila ako. They whipped me, slapped me, and torture me as they like.

           Second, they are forcing me to fight other young slaves bare handed and with weapons. Nakakaawa nga lang ang mga nakakalaban ko na mas matanda kaysa akin, nasasaktan sila, nasusugatan sila, 'di tulad ko na sanay nang magkagalos.

           Third, they are forcing me to take meals to their Boss, na nalaman ko na ang codename ay Zex. Don't know why it is weird but yeah, that's the codename.

          And fourth, they put me in a weird white cocoon and put wires on me for me to be electrocuted, putting me into sleep and seeing 

           And speaking of, nakarinig ako nang pagbukas ng pinto. Napalingon tuloy ako sa direksiyon niyon at nakita si Kuya Eric.

           As usual, nakasimangot siya palagi dahil alam niyang kapag sinusundo niya ako para sa training, inaasar ko siya.

           Ngumiti ako. "Hi po." Kumaway ako sa kanya.

           Napabuntong-hininga si Kuya Eric at nilagay ang kanyang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. "Tara na. Magsisimula na ang training."

          Tumango ako at tumayo galing sa kinauupuan kong karton at lumapit kay Kuya Eric.

           Hinawakan niya ang aking kamay nang makalapit ako sa kanya at nagsimula na kaming maglakad. Sinarado niya ang pinto kapagpkuwan.

          While we are walking, we are passimg through the nasty, foul smell of the corridor; passing through metal, rusted doors and unpleasant people glaring and looking at me disgustingly like I was a trash that was being lost in some place I'd never been.

           Lumiko kami sa isa pang corridor. Wala nang masyadong kasapi ng grupo dito. Karamihan ng mga dumadaan ay mga slaves na labas-pasok sa isang double door na nasa dulo ng corridor.

           May mga goblets na nakadikit sa bawat gilid ng dingding. Mayroong mga nakasindi na apoy sa mga ito na nagbibigay-liwanag sa corridor.

           Dumeretso kami ng paglalakad hanggang sa makarating kami sa double door. Madali akong nakapasok kahit na maraming tao dahil may kasama akong kasapi ng grupo.

          Nagsiyukuan ang lahat kay Kuya Eric na para siya ang pinakamataas na rango sa lahat ng kasapi ng illegal na grupo.

          Kabaligtaran naman ang mga tingin nila sa akin. Masasamang tingin at inggit ang ipinukol nila sa akin ngunit binalewala ko iyon at diretso na tumingin lamang sa dinadaanan ko.

           Nang makapasok kami sa loob nang mapayapa, mas marami pa ang mga taong naroon. Karamihan ay mga batang edad lima hanggang labing walo ang mga naroon. Ang mga edad labing isa hanggang labing walo ay karamihang na-rape o nagahasa na ng grupo, ayon na rin sa kuwento ni Kuya Eric sa akin. Ang mga mas bata namang edad—lima hanggang siyam na taong gulang—ay tinatakot at pinaglalaruan ang kanilang isip upang makumbinse na isa silang kasapi ng mafia.

           Palaging karumal-dumal ang pinapagawa sa kanila at hindi naaayon sa kani-kanilang mga edad.

          Pero kahit iba-iba ang naging karanasan namin sa lungga ng mga masasamang taong ito, iisa lang ang nararanasan namin dito: pang-aabuso, pananakit, at pangpupuwersang makipaglaban sa kapuwa namin bata hanggang sa iisa na lang ang manalo sa pagitan ng piling lima.

          Umupo kami nang pabilog kasama ng iba pang mga bata at naghintay ng ilang minuto. Sumapit na ang alas-nuwebe. Tumayo na si Kuya Eric nang tiningnan niya ang kanyang relo.

          Panigurado namang nakaw iyon. Anang isip ko.

         Pumunta siya sa gitna. Lahat ng bata ay nagsipagtaas ng tingin sa kanya at nakinig nang magsimula na siyang magsalita.

          "As what you all already know, alam niyo na kung bakit kayong nandito at kung bakit namin pinapunta kayong lahat sa silid na ito. We have a time for training, and this is the time."

          Baka time of torturing and time of death and survival for us all. ani ko sa aking isip.

          "Alam niyo na ang mga gagawin ninyo. I will only tell kung ano ang gagawin bawat rounds, dahil ang iba sa inyo tila nakakalimutan ang mga rules natin."

         Tumingin siya sa isang direksiyon, sumama ang kanyang tingin, bago lumingon ulit sa madla.

          "First round: fighting bare-handed o paglalaban na walang gamit na armas. Tanging katawan mo lang ang puwede mong isangga o iatake sa kalaban mo. Combat skills lamang ang kailangan upang matalo ang mga kalaban

          "Second round: Fighting with weapons. This is the deadliest part of the training. Kailangan ninyong pumili ng armas na komportable kayong gamitin na puwede ninyong ipangsangga o ipang-atake sa kalaban. Hindi lang self-defense ang importante sa laban na 'to dahil kailangan namin makita kung paano rin kayo magaling umatake kahit na nasa panganib kayo."

             Natakot ang lahat sa sinabi ni Kuya Eric ngunit hindi na ito panibago sa akin. Bawat araw ay mayroon kaming training na ganito at halos kada isang araw ay may namamatay na sampu hanggang bente'y sinko na bata dahil lang sa second round.

         "Third round, ang dalawang tao na nagwagi at nalampasan ang dalawang rounds ay magtutunggali sa isa't isa. Puwede silang kumuha ng kanilang armas; dalawa hanggang tatlo lamang ang limitasyon.

           "Punta naman tayo sa mga patakaran para sa training na ito. Bawal magturuan. Iyan ang pinakaunang rule sa lahat kung hindi ay hindi kayo papayagang bigyan ni boss ng pagkain buong maghapon. Pangalawa, bawal maglaro ng mga armas. Hindi ako ang malalagot kapag nasira ang mga pang-training na famit kung 'di kayong mga bata. Pangatlo at pinakahuli, bawal ang duwag dito. Kung sino ang duwag, siya ang unang tigok sa laban. Pang-apat; bawal tumakas sa training kung 'di alam niyo na ang mangyayari sa inyo."

           Napalunok ang lahat at tumango habang ang mga mata nila'y kumikislap sa takot. Malungkot akong napangiti.

           Kahit ano namang gawin nilang pagtakas, hinding-hindi sila makakatakas because we are in their grasps. We will never escape the house of devils. We will never escape hell even if we want to.

            Mapait akong napangiti sa naisip ko. Nasa lungga kami ng mga masasamang tao, mamamatay-tao at higit sa lahat, mga hayop at—sorry for the word—gago.

            "Game?"

             Nagsitanguan ang lahat.

           "Wala ata aking narinig na mga sagot," sabi niya na may pang-aasar sa kanyang boses at inilagay ang kamay niya sa kanyang tainga. "Ano ulit iyon?"

             "Game na po kami!"

              "Ha?"

              Huminga nang malalim ang lahat at sabay nagsigawan ng, "GAME NA PO KAMI!!!" Pagkatapos niyon ay nagsiubuhan sila, kasama na ako roon.

             "Bueno," sabi ni Kuya Eric habang nakangisi. "Now, I will pick someone among all of you who will be trained today. Thanos!"

              Biglang pumasok ang isang lalaki na may makakapal na tila metal na braso. May hawak-hawak siyang bowl na naglalaman ng mga maliliit na papel na nakatupi.

              Lumapit siya kay Kuya Eric at huminto sa harap nito. Nilagay ni Kuya Eric ang kamay niya sa bowl at sinimulan ang paggulo sa mga papel.

             Kabadong-kabado ang mga batang nasa loob ng kuwarto, kahit ako. Sino ba naman ang hindi kakabahan at matatakot na mapili sa training na 'to?

            "First trainee!" Kuya Eric announced. Kabadong nakatingin ang lahat sa papel na hawak ni Kuya Eric. Binuksan niya iyon at binasa, "Alisha!"

            Nakahinga nang maluwag ang iba, pati ako, maliban na nga lang sa isang batang babae na biglang namutla at nanginginig na pumunta palapit kay Kuya Eric.

           Kumuha ulit ng isa pang papel si Kuya Eric. Napangiti si Kuya Eric nang makita ang pangalan na nakalagay sa papel. "Come forward..." Lumibot ang tingin niya sa madla at huminto iyon sa isang batang lalaki. Namutla ang batang lalaki, tanda na siya ang susunod na napili, dahil na rin sa uri ng pagkakatitig ni Kuya Eric sa kanya. "...Erwin."

           Ang namumutlang batang lalaki ay nakayuko at nakabagsak ang balikat na pumunta kay Kuya Eric.

          Ngumisi si Kuya Eric. "Dalawahin kaya natin ang pagbubunot," sabi niya dahilan para mas mamutla ang karamihan. Nilagay niya ulit ang kamay niya sa loob ng bowl at pagkahugot niya ng sariling kamay ay may nakuha siyang tatlong piraso ng papel. "Oops! Tatluhin na lang natin. Sayang naman ang papel na nahablot ko oh."

           Bigla nanahimik ang lahat at pigil hiningang nakatingin kay Kuya Eric. Binuksan niya muna ang unang papel.

           "Come forward, Quirellea," Kuya Eric announced. A young girl, looking twelve years old in age, stepped forward and went beside Kuya Eric as she shakes nervously.

           Binuksan ulit ni Kuya Eric ang pangalawa. "Come forward, Ronaldo," Kuya Eric announced. A boy, looking eight years old in age, stepped forward and coolly went to Quirellea's side.

          Binuklat niya ang last na nakuha niyang papel and smile crept over his lips. "Come forward..."

         This is it...

         "...Mavis."

         Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ko ang pangalan ko.

          Seryoso ako talaga?!

         Huminga ako nang malalim. This is it, Mavis. Wala ka ng kawala. Hahakbang na sana ako papalapit kay Kuya Eric nang nagtaas ng kamay ang isang batang lalaki.

         "Kuya Eric!" tawag nito. Lumingon naman sa kanya si Kuya Eric at napakunot ang kanyang noo.

         "Oh, Opel? May problema ka?"

          "Opo," sagot nito. "Dalawa po ang Mavis natin dito: Mavis Lia Throver po at Mavis Mae Corazon."

         I face palmed myself. Oo nga pala, dalawa ang Mavis dito. Ako at 'yong malditang Mavis na may pangalan ng buwan.

        "Oh..." Kuya Eric sudden realized it and looked again at the paper. "It is Mavis..."

        Nakatingin lahat kay Kuya Eric; hinihintay ang kanyang announcement kung sino ang mapipili. Kung ako ba o ang buwiset na isang Mavis na iyon na may pangalan ng buwan.

        Pigil-hininga na naman lahat ng bata na naroon nang hindi pa nagsasalita si Kuya Eric kung sino ang piling Mavis sa training.

        "... Throver."

        Lahat ay napabuntong-hininga at bakas sa kanilang mga mukha ang pagkasiya, samantala ako'y nabigla.

        Tiningnan ako ni Kuya Eric habang nakangisi. "Come here, Mavis."

       I shook my head and went forward. Halos lahat ay nakatingin sa akin na may mga ngisi sa labi.

       Ito talaga ang pinakahihintay nila. Ang makita akong mahirapan at may tali na ang buhay ko sa kamay ng mga kalaban ko. Tsk!

       "Ready... " Pumwesto na kami sa aming mga puwesto. Ang ibang hindi napili ay umusog sa gilid ng kuwarto upang bigyan kami ng tamang espasyo para makipaglaban. "Set..." I put my left foot backward, clunched both of my fists and looked at my opponents.

         Napahinga ako nang malalim bago sila matalim na tinitigan. "There's no turning back..."

         "Fight!"

        Nagsigawan lahat ng apat na bata at sumugod sa malalapit na bata sa kanila. Sumugod rin ako ngunit hindi ako sumigaw.

         Nagsimula na ang laban. May umatake sa akin ng isang suntok na hindi ko alam kung kanino galing ngunit naiwasan ko iyon nang mabilis. May nakita akong sumipa sa likod ko; si Alisha iyon. Kaagad akong yumuko at pinaulunan siya ng isang sipa palikod. Narinig ko ang pagbagsak niya.

          Tumayo ulit ako at wala na akong oras pang umiwas, dumapo ang suntok ng isang kasapi sa training at napaatras ako nang bahagya.

          Hinawakan ko ang puwesto kung saan ako natamaan at napa-igik ako sa, sakit nang dumapo lang ang balat ng daliri ko roon. Pagkatingin ko sa kamay ko, may dugong nakadikit rito.

         Something snapped on me when I saw the blood, my OWN blood.

        Dinilaan ko ang aking labi at nalasahan ko ang aking dugo. Ang lasa niyon ay parang isang metal na may kalawang. Dinilaan ko ulit ang aking labi at ngumisi.

        Tumayo ako nang diretso at pumikit. Tatlo na lang ang natitira na kailangan kong mapatumba: si Erwin, Quirellea, at Ronaldo.

        Nag-concentrate ako. Suddenly, I felt a pressure at my left side. Minulat ko ang aking mata at saktong dumapo ang kamay ko sa kanyang braso. Pinalaunan ko ng suntok sa tiyan at natumba siya. Pagkatingin ko ay si Ronaldo iyon. Wala akong awa na tinuhod pa siya sa bridge ng kanyang ilong. Napa-igik siya sa sakit. Hinawakan ko ang kanyang buhok at hinampas nang malakas ang kanyang ulo sa sahig.

         Nagulat ang lahat sa aking ginawa, maging si Kuya Eric ay hindi makapaniwala.

         Tumayo ako at tiningnan ang aking kamay. Dugo. Dugo ang nasa aking kamay. Dugo ng isang batang pinatay ko.

         Pero wala akong pakialam. Kailangan kong manalo. Lumingon ako sa natitira kong kalaban at saka sumigaw sa kanila, "Wala ditong kai-kaibigan! Pare-Parehas tayong lalaban dito at hindi kayo makakatakas pa sa tadhana ninyo." Tinaas ko ang duguan kong kamay at sinenyasan sila. "Come here. Quirellea, Erwin."

         Nagkatinginan sila sa isa't isa. Bahid ang takot sa kanilang mga mata. Nag-aalinlangan kung susugod ba sila o hindi.

         "Wala na tayong takas," rinig kong bulong ni Quirellea.

         Napatango si Erwin. "Kailangan nating labanan siya."

        Tumango si Quirellea at sabay silang tumingin sa akin. Nawala na ang takot sa kanilang mga mata at tanging determinasyon na lamang nila na mabuhay ang umaapoy sa kanilang mga mata. Their fists are clutched tightly and waiting dangerously to attack me any minute.

        "Gawin na natin 'to," wika ni Quirellea.

        Ngumisi ako at sumenyas. "Come."

        Sumigaw silang dalawa at sumugod sila sa akin. Mapait akong ngumiti.

         "Sorry, in advance." Tumakbo ako papunta sa kanila. "Yet not so sorry."

Third Person's View

          Sunod-sunod na pagsuntok, pagsipa, at pag-iwas ang tatlo sa isa't isa. Sunod-sunod ang mga puwersahang pag-atake sa bawat natitirang taong naroon.

           Suntok. Sipa. Ilag. Suntok. Sipa. Ilag. Suntok. Sipa. Ilag.

            Iyon lamang ang ginagawa nila. Paulit-ulit na routine. Parang isang cycle na, walang katapusan.

            Hanggang sa...

          Tinukod ni Mavis ang kanyang kaliwang paa at nilagay doon ang bigat. Umikot siya nang pa-kaliwa habang nakataas ang kanyang hita at paa.

           Wala nang oras para makailag pa ang dalawa. Parehas silang natamaan; si Ronaldo ay natamaan sa tainga habang si Quirellea ay natumba ni Ronaldo at malakas na bumagsak ang kanyang ulo sa sahig.

           Parehas silang tumba at tanging si Mavis lang ang natirang nakatayo; hinihingal at hinahabol ang kanyang hininga.

            Saglit na natahimik ang lahat at tanging ang paghinga lang ni Mavis ang naririnig.

           "Impossible..." rinig niyang sabi ng isang batang lalaki. "Napakaimposible..."

           "Unbelievable..." rinig niyang sabi ng isang babae.

           "Pa'no niya napatumba silang lahat?" nagtatakang tanong ng isa.

            "Hindi puwede! Hindi 'to pwedeng magkatotoo!" hindi makapaniwalang sambit ng isa.

            "Mamamatay-tao!" duro naman sa kanya ng isa.

            Nang marinig iyon ni Mavis, napalingon siya mula sa kanyang balikat. Nakita niyang may isang namutla na bata roon. Mukhang mas matanda iyon sa kanya at babae rin ito. Humarap siya rito kaya naman mas lalong namutla ang bata sa kanya.

            "Mamamatay-tao?" Natawa si Mavis. "Anong akala mo sa akin, ate? Hindi ako marunong pumatay? Por que't ganito ako kaliit."

             "Limang taong gulang ka pa lang, marunong ka ng pumatay. Isa kang demonyo!"

             Nawala ang ngisi sa labi ni Mavis. "Kung 'di ko gagawin iyon, mas mapapahamak ang buhay ko." Napatikom ang bibig ng babae nang binigyan niya ito ng isang matalim na tingin. "Kaya huwag mo akong diktahan dahil pati buhay ko, nakataya rin sa larong 'to."

              Napakunot ng noo ang bata habang nakatingin pa rin kay Mavis, na ngayon ay naglalakad na papunta kay Kuya Eric.

~***~

             Lumipas ang ilang minuto, natapos na ang laban ng pangalawang set ng grupo na maglalaban. Panalo ang babae na kaninang lumalaban sa kanya.

             Nalaman niya na pangalan nito ay Alice nang tawagin ang pangalan nito mula sa pagkakabasa ng papel ni Kuya Eric.

            "Now, for the last training. May we call Mavis and Alice to go in the center," sabi ni Kuya Eric.

            Pumunta sina Mavis at Alice sa gitna at nagharap. Ngumiti nang matamis si Alice sa kanya habang siya nama'y nakatitig lang dito. Nang mapansin iyon ni Alice, biglang napawi ang kanyang ngiti at napalitan ng matatalim na titig.

          "Sa tingin mo, malakas ka na por que't natalo mo ang apat na kalaban mo?" Naghalukipkip siya at tinaasan ako ng kilay habang 'di napapawi ang ngisi sa kanyang labi.

          "Bakit po? Por que't po ba napatay ko ang apat kong kalaban, malakas na po agad ako? Ba't tanungin niyo po ang sarili niyo? Mamamatay-tao ka rin po ah. At least, ako 'di ko pinagmamayabang ang lakas ko."

          Napawi ang ngisi ni Alice at namula ang pisngi sa kahihiyan nang marinig niya ang mga tawanan sa loob ng kuwarto.

         "Tumahimik kayo!" sigaw ni Alice dahilan para manahimik ang lahat. Ang tanging nakangisi lamang ay si Kuya Eric at si Thanos. Humarap si Alice kay Mavis nang may nagliliyab na mata. "Huwag mong iduro sa akin na ako ang mamamatay-tao dito dahil pinatay mo ang kaibigan ko! Pinatay mo si Quirellea!"

         "At bakit naman ako may kasalanan sa pagkamatay niya?"

         "Ikaw naman talaga ah! Kasi kayong tatlo lang ang natira at ikaw rin ang pumatay kay Ronaldo!"

         "Sila ang may desisyon na lumaban sa akin," malamig niyang sambit. "Ang training na ito ay hindi isang normal na laban na kapag ayaw mo na, talo ka na. Hindi ganoon ang konsepto po dito. Ang konsepto, mamamatay ka sa ayaw at sa gusto mo; lalaban ka kahit na ayaw mo na dahil nakataya ang buhay mo sa laban kaya kailangan mong maging mamamatay-tao para ma-defend mo ang sarili mo dahil kung hindi ka magiging isang mamamatay-tao ay mamamatay ka sa kamay ng kalaban mo. Sa kanya babakat ang dugo mo. Nasa kanya ang trauma. Nasa kanya ang isiping kailangan niyang maging masama."

           "A-Ano ba iyang p-pinagsasabi mo? "

          "Ang ibig sabihin ko lang, protektahan mo sarili mo. Dahil kung hindi ko matitiis ang sarili ko na patayin ka, ikaw na ang bahala kung ano ang gagawin mo sa akin, para mahiganti mo ang kaibigan mo, para mahiganti mo ang pagkamatay niya sa kamay ng kaharap mong mamamatay-tao ngayon."

           Napalunok si Alice at ngumisi naman si Mavis sa kanya.

          " So... Shall we?"

~***~

"Mavis, Mavis!"

"Hmm..."

"Hoy!" May sumampal bigla sa akin dahilan para mapamulat ako ng aking mga mata at napahawak sa aking pisngi. Napaupo ako at nanlalaki ang mga matang tumingin sa sumampal sa akin.

"Ano ba, Yna?! Bakit mo ako sinampal?!" naiirita kong sambit.

"Kasi... Sabi sa akin ni Friar hindi ka raw niya magising at bumubulong ka raw ng kung ano-ano. Nang madatnan kita dito, may mga binubulong kang pangalan," sabi niya at inosenteng ngumiti. "Kaya sinampal kita."

Napatigil naman ako. "Sino?"

"Sa una daw, pangalan ni Ruxinaire. Rux ka daw ng Rux kaya hayun, pinatawag si Rux." Tinuro niya ang taas ng puno kaya napalingon ako doon. Nakita kong nakaupo sa sanga si Rux habang gumegewang ang kanyang paa na parang bata. Kumaway siya sa akin. Binigyan ko siya ng ngiti.

Lumingon ulit ako kay Yna at nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Sunod naman daw, pangalan ay Alice. Umuungol ka raw kaya hindi masyadong maintindihan ni Friar ang mga sinasabi mo. Basta raw tinatawag mo ang pangalan niya."

Napatulala naman ako.

"Geez. Binigyan lang kita ng break para makapagpahinga, nakatulog ka na agad," naiiritang sinabi ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako sa gilid ni Yna at nakita ko ang naiinis na mukha ni Void.

Ngayon ko lang natandaan na pinagbigyan lang pala niya akong magpahinga ng ilang minuto.

"Dumating lang si Friar para bigyan tayo ng maiinumin, tapos nakita ko na lang ikaw na tulog," pagpatuloy ni Void. "Ginigising kita pero ayaw mong magpatinag kaya tinawag ko si Friar."

"At tinawag naman ako ni Friar," sabi ni Yna. "Sa ngayon, tinawag ni Friar si Flare kung sakaling hindi ko pa ikaw nagising. Oh, they're here!"

Napalingon ako sa likod niya at nakita ko nga ang tumatakbo na si Friar at Flare; nangunguna si Flare sa pagtakbo.

Dumiretso na siya sa akin at lumuhod. Nagulat ako nang hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tiningnan ang mga gilid niyon. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko nang tumitig siya sa akin.

"You okay?"

Tumango ako. Napabuntong-hininga naman siya at nabigla ako nang yakapin niya ako.

"Thank god, you're f*cking okay."

Napangiwi ako nang marinig ko siyang nagmura. Kumalas siya sa pagkakayakap pero ang mga kamay niya ay nasa balikat ko pa. Nilapit niya ang kanyang labi sa aking noo at hinalikan iyon.

"Oh! Tumigil nga kayo diyan," saway ni Void. "Kadiri."

"Bakit? Akala mo naman hindi mo ginagawa sa akin iyon," nakataas ang kilay na sabi ni Yna at naghalukipkip.

Nagkibit-balikat si Void at ngumisi. Napanguso naman si Yna sa kanya kaya lumapit siya dito at dinampian ng halik ang labi nito. Humiwalay rin sila agad sa isa't isa.

"Aww... Sana all," sabi ni Rux kaya naman napalingon kaming lahat sa kanya. Mukha namang nagulat siya kaya tumalon siya pababa sa puno at binulsa ang kanyang mga kamay at ngumisi.

"Saan mo naman 'yan natutunan ha, Rux?"

Napalingon si Rux kay Friar. " 'Yong ano?"

" 'Yong pa-sana all mo?"

"Ahh..." Mukha naman siyang nalinawan. Tumawa siya. "Sa Facebook lang," sabi niya at umalis.

Napailing-iling na lang si Friar at hinawakan ang kanyang noo. "That kid..."

Tumawa ako nang mahina at napailing din sa inasta ni Friar. Naramdaman ko ang isang braso na pumulupot sa aking balikat kaya napalingon ako pataas. Nakita ko ang nakakunot-noong si Flare.

"Are you sure that you are okay?" tanong niya.

Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. "Siguro, pagod lang iyon kaya napanaginipan ko iyon."

"Anong napanaginipan?" tanong niya.

Napailing ako. "It's nothing."

"You sure?"

"Yeah."

"Okay," sabi niya at tinanggal ang pagkakapulupot ng braso niya sa 'king balikat. Parang nalungkot ako sa ginawa niya pero nabuhayan ulit ako nang hawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop iyon. He tugged it lightly. "Let's go?"

Tumango ako at sumunod sa kanya. Sumunod na rin sa amin sina Void, Yna, at Friar. Nauna na si Rux na pumasok ng mansyon.

Habang naglalakad, iniisip ko pa rin ang tungkol sa panaginip ko.

I was just thinking about how I killed someone again and about my childhood. Pero bakit ako nakatulog? Well, makakatulog naman talaga ako dahil sa pagod but why that scenario again?

Ano ba ang pinapahiwatig ng panaginip ko at bakit ulit pinaalala sa akin iyon ng utak ko?

I don't know. I'm curious and confused. But maybe, I'll find out what's the meaning of it. Why my brain put me back in that day where I was kidnapped, where I killed many kids, where I met the mafia called "Ursula QWERTY".

I want to know. And I must find out the reason.

###