webnovel

Project: Mystery

Life is a chess game. You gotta make a move to win the obstacles. Ferris University. The prestigious school where Mavis got transferred. Her mother only got her transferred because of issues in her previous school. But she has another motive: to finish the abandoned case of her late father. And as if destiny awaits her, she met Flare Furrer, known as the only detective in the university. But as her third day in university came, she found his new identity that led her to a more dangerous ride.

MQWrites · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
50 Chs

Chapter Thirteen: A Mystery called 'Love'

Mavis' POV

"Mav, can you give me your notebook in Prac Re?"

Ilang araw na matapos ang huli naming encounter sa mga school cases. And what I mean "last" ay literal na last encounter na namin 'yon. There hasn't been any murder cases going around the school campus ever since na binalita ang pagkamatay ni Veronica sa kanyang sariling dorm with us being the witness.

At ngayon, kakatapos lang ng aming pangalawang klase. Kinukulit ako ni Friar na ipahiram sa kanya ang aking Practical Research notes.

"Bakit ko naman ibibigay sa'yo? Hindi ka ba nag-take notes?" sabi ko sa kanya habang nilalagay ang binder sa aking bag.

"Mav naman! You know, I was tired on the mission last night at saka literal na ala singko na ng madaling araw ang dating namin."

"So? You got into school as a student even though puyat ka. Hindi ko na kasalanan kung nakatulog ka sa buong klase ni Miss."

Napabuntong-hininga siya at napaupo siya sa taas ng desk ko. Nilagay niya ang likod ng palad niya sa noo at nag-inarte na parang isang nagdadalamhating dalagita galing sa mga movie ng 70s.

"Hey, sis. Don't put your selfish acts on song thrush," rinig kong sabi ni Flare at biglang may binatong notebook sa desk ko. "Here. You can use mine."

Nagningning ang mga mata ni Friar at kinuha ang notebook ni Flare, at niyakap 'yon. "Walang bawian ah, Flare."

Nagkibit-balikat lang siya at umupo sa upuang hindi ko napansin na dala-dala niya. Tumabi siya sa akin at naghalukipkip.

"Ang weird mo ngayon, Sherlock wannabe."

Napatingin ako kay Lucas. "Ha?"

"Oo nga. Ang weird mo, kapatid," pag-segundo ni Friar habang binabasa ang notes ni Flare. "Wow! Ang ganda mo pala magsulat, brother."

"I never said my handwriting isn't decent enough."

"Right," nakasimangot na reply ni Friar at saka bumalik sa pagbabasa sa notes ni Flare.

Bumalik ang tingin ko kay Lucas. "Anong ibig mong sabihin weird si Flare, Luc?"

"Don't mind that smug. His comments has always been a circus."

"Masyado siyang, alam mo na, overprotectice sa'yo," turo ni Lucas sa akin. In-ignore niya ang panlalait ni Flare sa kanya. "Pero mas lalong nag-level up ngayon."

"Huh?"

Suddenly, Flare pulled me beside him. His am wrapped around my shoulder tightly. He glared at Lucas like a wild animal.

"Woah, woah, woah! Easy there, Sherlock wannabe. 'Di ko kukunin 'yang prinsesa mo 'no. May prinsesa na ako dito," aniya at tumingin kay Friar nang may naglalarong ngiti sa labi.

Sinampal siya ni Friar palayo sa kanya at namula ang kanayng pisngi. Halos mangiyak-ngiyak ang mga mata ni Lucas sa sampal habang nagmamakaawa ang mga matang nakatingin kay Friar.

"So, do you have anything in your schedule for today?"

Napatingin ako kay Flare nang marinig ang tanong niya.

"Ha? Bakit?"

"J-Just answer," sabi niya nang nakaiwas ang tingin sa akin.

Napanguso ako at nagtatakang nakatitig pa rin sa kanya. "Wala naman. Just going to study the recent lessons. Bakit?"

"Will you come with me to the mall this weekend?"

A-Ano raw? "Ha?"

"I will not speak it twice when you heard me clearly, song thrush," aniya nang nakaiwas pa rin ang tingin sa akin.

Pansin ko ang mas lalong pamumula ng kanyang mga pisngi at ang unusual niyang paggalaw ng madami sa kanyang upuan.

"T-Teka. Naguguluhan ako. Why are you suddenly inviting me? Ako? Talaga? Seryoso ka?"

Tinuro ko pa ang sarili ko para makapanigurado. Humarap siya sa akin pero nakaiwas pa rin ang tingin.

"Who else would I invite to? You're the only one beside me." He sighed. "Besides, I would not like to get on some acquainted business with the smug and my ugly sis."

Napatigil ang dalawa sa pag-aaway at napunta ang atensyon sa direksyon ni Flare. Unti-unting nagkaroon ng mga liyab sa mga mata nila at nagbalik ng masasamang salita kay Flare.

"Anong panget?! Ikaw ang panget!" sigaw ni Friar habang sunod-sunod ang pagpalo sa ulo ni Flare.

"Anong smug-smug ka diyan, Sherlock wannabe?! Hindi rin ako madumi para iwasan mo sa date-date na pinaplano mo na 'yan!" sigaw naman ni Lucas habang hinahampas siya sa braso.

Wala namang ginawa si Flare at nakaupo lang siya nang pa-de kuwatro, nakahalukipkip ang mga braso, at nakapikit ang mga mata hanggang sa huminto ang dalawa.

Nang mamayapa na ang sitwasyon, tumingin siya sa dalawa at nag-backfire rin ng reply sa mga 'to.

"Reasons why I shall not place myself in some ridiculous occasions with you fools. First, you always spend more money than me—"

"Hey! I'm more thrifty than you are!" sigaw ni Friar.

"Two," inilabas ni Flare ang sunod na daliri sa hintuturo, "Missions always following me and the occasion shall be postponed."

"Pinapatamaan mo yata ako sa t'wing kasama mo ako eh," reklamo ni Lucas.

"And third," nilabas niya ang forefinger, "I shall waste my breath and stamina for someone who is unworthy. Such scoundrels."

"Kapatid mo ako! Sama mo ah!" reklamo ni Friar habang nakanguso.

"Oo nga, oo nga! Alert, red flag! Red flag! Bleh!" panukso ni Lucas.

Natawa naman ako. Says who's also had bad blood. Ani ko sa aking utak.

"Well, well, pwede na naman kayong huminto na mag-away at Flare," tumingin siya sa akin nang tinawag ko ang kanyang pangalan, "shut it."

In an unusual manner, Flare sighed, leaned in the chair and shut his lips.

I blinked a few times, wondering what had just happened to him. Huh? He just didn't avoid my sudden order. Para siyang asong hindi makaayaw sa utos ng amo. Eh?

Nakarinig ako bigla ng palakpak at pagalingon ko ay si Lucas pala, nakatingin kay Flare habang nakabuka ang bibig sa gulat.

"Wow, I never thought na makikita ko si Flare na sumunod parang aso."

Lumingon si Friar sa akin at tinuro ang kanyang kapatid sabay sabing, "Anong pinakain mo?"

"Wala naman," inosente kong sagot. Lumingon ako kay Flare. "Also, I'll go. Doon sa invite mo, payag ako."

Nanlaki ang mga mata ng dalawa habang si Flare napatingin sa akin nang may gulat sa mga mata.

"Really?"

Makikita mo ang kinang sa mga mata niya kahit na ang mukha niya ay mukha pa rin yelo.

Tumango ako sa kanya at ngumiti siya sa akin. "Amazing. I'll inform you the arrangements after school."

~***~

Parang bumili ang oras at natapos na ang araw ng mga klase at Sabado na. Nasa kwarto ako ni Friar habang inaayusan ako ng buhok ni Ate Ren.

"Boo, boo. Buti ka pa mayroong date. Si Lucas hindi nag-aaya eh," reklamo ni Friar.

Nasa kama siya habang nakadapa. Malikot ang mga paa niya at nakasubsob ang baba sa kanyang braso.

"Flare's starting to be a real man, huh," malumanay na sambit ni Ate Ren. "There. All done, Mavis."

"Salamat, Ate Ren."

Tumayo na ako sa vanity ni Friar at lumingon sa kanya. Nakasubsob na ang buong mukha niya sa kanyang braso at halatang sumisigaw na sa sobrang pagkainggit.

"Malay ko sa kapatid mo kung anong pumasok sa isip at inimbitahan ako. And I don't know why I accept his invitation."

Huminto sa pagdabog si Friar at tinaas ang ulo para tumingin sa akin.

"Bakit nga ba?" inosente niyang tanong at umupo ng maayos sa kanyang kama. "Flare also would never, ever, E-VER invited someone na kakakilala pa lang niya. How many months had passed? One. Wala pa ngang kalahati ng last month nakakapunta ka na kaagad dito sa bahay namin. And you have the VIP seat from our father. As well as the nerve to get my twin brother in the palm of your hand sometimes, which is really odd."

Kunwari pa siyang nag-iisip habang sinasabi ang mga huling salita.

Napakibit-balikat ako. The truth is, I don't know how I could control Flare sometimes. At minsan, ang weird na ng galawan niya.

Even though I knew that we are only partners when there are crimes involved, hindi ko pa rin maiwasan ang pagiging maobserba sa t'wing laging nag-aalala si Flare sa'kin. It's weird, really!

"Oh, Mav. Bakit parang natulala ka yata?" rinig kong sabi ni Friar.

Nahinto ako sa aking pag-iisip at lumingon sa kanya. Nanunukso ang ngising nasa labi niya.

"Uy~ Kapatid ko iniisip mo~"

"Hm? What's wrong with that? Secretary siya ni Flare. Normal lang naman mag-catch feelings ah," komento ni Ate Ren.

"Eh, iyon na nga, Ate. Bihira na nga mag-catch feelings si bunso."

She is referring to Flare as "bunso".

Peke naman akong tumawa. Now, they're talking about Flare's future love life so casually nang kasama pa nila ako sa iisang kuwarto. At alam kong ako 'yong babaeng sinasabi nilang nag-ka-catch ng feelings si Flare.

Tumalikod na ako at nagpaalam. At habang sinasarado ko ang pintuan, sigaw ng sigaw si Friar ng, "Hindi pwede, hindi pwede!"

Hindi ko alam kung ano ang hindi pwede. I sighed again for the nth time. The people in this house are really all crazy people. Sa ibang paraan pa, dahil sa pagmamahal.

Naglakad na ako pababa at naabutan si Flare na naglalaro ng baraha. Pansin kong nakahinto siya at nakatitig sa isang card. Queen of Hearts.

Huh? Bakit kaya?

Maglalakad sana ako palapit sa kanya nang hindi ako napapansin ng biglang tumungo ang heels ng sandals ko. Huli na ang lahat nang lumingon na sa akin si Flare.

"You're here."

Bumaba na niya ang baraha at tumayo na, at saka humarap sa akin. He is just wearing a simple long-sleeve button-up shirt, tucked in black slacks. Kapansin-pansin din ang expensive na relo sa kaliwa niyang pulsohan at ang makinis na sapatos niya.

"Ayos na ayos ah," komento ko rito at nilagpasan siya.

Halatang sumusunod ang tingin niya sa akin. Ang ganda ko talaga, 'di maalis ang tingin eh.

"I might be rude to say you're not beautiful in that dress just because I read your thoughts again."

Gah! Mission failed ang aking beauty!

Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "But I'll let my stubborn side aside. I will bring satisfaction with you on this occassion. Perhaps, you would like any suggestions on our date?"

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko sa aking narinig. "D-Date? Date 'to?"

"Yes."

Lumakad siya palapit sa akin at in-offer ang kanyang braso sa akin. I linked my arms with him and we started walking.

"I supposed you're IQ is not that low to call this occassion a formal one."

Well, sumagi sa isip ko' yon since he said that it is only an acquainted date. But to think na ibang date ang binabanggit niya... Napailing-iling ako.

No, no, no, Mavis! Hindi ka pa nakakasigurado!

"Uh, Flare? Ang date ba na'to, acquainted?"

Please be, please be acquainted!

"No."

Hindi ko mapigilan mapanganga sa sinabi niya. "Ha?"

"Don't 'ha' me." He glanced at me. "I thought you knew that it is only an excuse for the two to quit bothering me on our date's discussion last time."

"Geh." Napangiwi ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin.

Flare looks backfired by my reaction. "You didn't go with that thought?"

"No," I said truthfully. "I mean, sabi mo lang kasi acquainted, 'di ba? Eh 'di naka-stick na ang thought na 'yon sa utak ko. What else pa ba ang iisipin ko?"

He sighed heavily as the door of the car in front of us opened. Hindi ko napansin na nasa labas na kami dahil sa pag-uusap namin.

Tinulungan niya muna akong makapasok sa sasakyan. Pumasok na rin siya at sinarado ang pintuan.

"Take us to the nearest shooting range," he said before leaning to the seat and crossed his arms and legs. "I thought you knew."

I rolled my eyes. "Well, duh, huwag mo i-expect na alam ko lahat ng nasa likod ng mga sinasabi mo. Besides," I leaned in the seat and crossed my legs as well. "Hindi ko pa ikaw lubusang kilala. You didn't catch feelings from me, that's why you want to have a date with me, right?"

Hindi siya sumagot sa sinabi ko. I glanced at him and his face is looking away from me but his ears and neck are red.

Nanliit ang mga mata ko sa aking nakita at bumuntong-hininga. So, Friar is right.

"Flare," tawag ko sa kanya. "May gusto ka ba sa'kin?"

I saw him flinched and that's where I got the answer I wanted. Napaharap siya kaagad sa akin at magbibigay na sana ng pinakamagandang palusot na maiisip niya pero pinangunahan ko na siya.

"You said you won't catch feelings."

There is the silence between us again. Kung ganito ang sitwasyon, alam na. Mayroong laman ang sinabi ko at kahit papaano may katotohanan ang mga salita ko.

Lumingon ako sa kanya at nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatitig siya sa akin. Walang halong emosyon sa kanyang mukha. His eyes are cold. His stare is a dagger. His presence is uncomfortable.

Nag-iba bigla ang naging atmospera sa loob ng sasakyan dahil sa mga salitang binitawan ko.

I gulped and stared back at him. "B-Bakit? Ba't ka ganyan makatingin sa akin?"

"I don't know."

Parang huminto ang oras nang marinig ko ang kanyang sinabi. Parang ilang segundo akong na bingi at natulala.

"Ha?"

"I don't know." Hinawakan niya ang kanyang ulo. "I don't know why I want to invite you on a date. Not an acquainted one, but something more. I don't know this throbbing feeling. It's all a mystery to me."

Napatitig ako sa kanya. Kumabog ng mabilis ang puso ko. "A-Ano?"

"I don't know why I want you, okay?!" sigaw niya sa akin.

That sentence seems to struck me inside and took my breathe away for a moment. Like I couldn't breathe in so much shock.

Hinabol ko ang hininga ko kahit na hindi ako tumakbong marathon. Sinusubukan kong huminga ng maayos kahit na maayos naman ang kondisyon ng air con sa loob ng sasakyan.

He wants me? Ha? Bakit?

As I think of the many reasons kung bakit niya ako gusto, hindi ko na namalayan na nasa shooting range na kami.

Flare helped me but I didn't much notice him. After he bought one room for us to play, I ignored him completely. I shot and shot and shot and shot and shot. Kapag naubusan ako ng bullet ay pinapalitan ko iyon ng panibagong baril at hinihit ang gitna ng target.

I'm still thinking. My thoughts are in a Rollercoaster ride. Why does he want me? What is really his true feelings?

He said na hindi siya magka-catch ng feelings sa akin.

'... Romantic relationships are somewhat the overpour to my soup. I shall not surrender myself to such ridiculous thing. '

I think that's what he said last time pero ngayon? Hindi ako sigurado kung kinain niya ba ang sarili niyang salita o hindi.

~***~

The day passed in a blur. I barely remembered what happened. Friar asked, Ate Ren asked, Light asked. Most of the girls asked about our date. About my date with Flare. Pero wala akong masagot. It was really a blur.

Hanggang sa nagkaroon kami ng Girls Sleepover sa malaking kwarto ni Friar.

"Ha? Anong ibig mong sabihing hindi mo alam?" tanong ni Friar sa akin at malakas na bumaba ang kamay sa kanyang kama kaya ramdam ang paggewang nito ng onti. "Huwag mong sabihing hindi ka nag-pay attention no'ng date niyo."

"I did not," sagot ko.

Friar slapped her forehead. "I'm so disappointed," malungkot niyang sabi.

"So, nagkaroon po kayo ng misunderstanding ni Kuya bago pa man kayo makapag-date? Sa sasakyan pa po?" tanong ni Light.

"Well, nagkausapan lang kami tungkol sa nararamdaman niya sa akin, then he told me he doesn't know why he wants me. Ngayon, ako naman ang naguguluhan."

"Ooh~ I know pretty well of what's that called~" nanunuksong sabi ni Yna.

Nakadapa siya sa kama katabi ni Friar habang nakalagay ang mukha sa kanyang mga palad. May ngisi na naglalaro sa kanyang labi.

"That mystery is called L-O-V-E," banggit niya. Mabagal ang pagkakasabi niya ng apat na letra sa huli.

Kumunot ang noo ko. "Ha?"

"L-O-V-E," pag-ulit niya. "Love. Ang nararamdaman ni Flare ay love. And I think it's the same for you?"

Ate Ren giggled. "I think I could not agree more with you, Yna."

"Dealing with love and in a relationship at the same time is an obstacle," ani Lia at tumingin sa akin. "Kaya mo ba? Kaya niyo ba?"

"Hoy, hoy, hoy! Teka nga lang! I just told you about what Flare told me no'ng nasa sasakyan kami. Of course, hindi ko rin ba alam. Wala pa akong nararamdaman sa kanya."

"Wala PA," nanunuksong banggit ni Friar. "Ibig sabihin, unti-unti ng nagkakaroon." Mas lumawak ang kanyang ngisi. "I'm looking forward on your and my brother's relationship, Mav."

"Akala ko mayroon na ikaw feelings ei, Ate Mavis." Ngumuso si Light. "Boo. Wala pa pala. Boo~ Boo!"

"Light! Hindi mo ako mapipilit!" malumanay kong sigaw sa kanya. "At saka," napabuntong-hininga ako. "wala akong panahong makipag-relasyon."

"But what if he really loves you?"

Napalingon ako kay Liz na nakaupo sa dulo ng kama, sa likuran ni Ate Ren.

"What if he wants you? What if he wants to stabilize a relationship na hindi lang master-assistant? What if... ang relasyon ninyo ay more than partners-in-crime? Anong gagawin mo?"

Ano nga ba ang gagawin ko? Ano ang gagawin mo, Mavis? Tanong ko sa sarili ko.

Yumuko ako at nag-isip. Hindi ko naman pwedeng sabihin na ikaka-catch ko ang kung ano mang ibigay sa akin ni Flare. Hindi ko naman pwede ring sabihin na irereject ko siya.

Ano nga ba ang gagawin ko?

Lumabas ang kasagutan sa utak ko. Kahit man hindi ako sigurado sa kasagutan naisip ko, hindi ko na napigilan ang sariling ianunsyo sa kanila.

"Nothing." Iyon ang aking sagot.

Sa mundong puno ng pag-ibig, ang misteryoso na tinatawag na "pagmamahal" ay hindi mo mabibigyan ng konkretong kahulugan.

Hindi ko kailangan ang misteryong iyon.

Hindi ko kailanman gustong makita ang nasa likod nito.

At hindi ko iyon hahayaang pumasok sa buhay ko. Sa magulo kong buhay na puno ng mas maraming pang misteryo...

... At sikreto.

###