webnovel

Project: Mystery

Life is a chess game. You gotta make a move to win the obstacles. Ferris University. The prestigious school where Mavis got transferred. Her mother only got her transferred because of issues in her previous school. But she has another motive: to finish the abandoned case of her late father. And as if destiny awaits her, she met Flare Furrer, known as the only detective in the university. But as her third day in university came, she found his new identity that led her to a more dangerous ride.

MQWrites · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
50 Chs

Chapter Five: Suicide or Murder (Part IV)

Kumabog bigla ng sobrang lakas ang puso ko nang marinig ang codename na 'yon. Bumalik muli ang mga pansamantalang nakalimutan kong memorya sa senaryong iyon.

Akward akong napatawa at kinakabahang nag-iwas ng tingin sa kanya. "H-Ha? Mayroon bang numero dito at nasabi mo 'yon?"

"Huwag ka ng mag-maang-maangan, Mavis Sherlia Throver. Kasama ka sa eksperimentong iyon," aniya.

Napahinto ako ng tawa at mas lalong nadagdagan ang kaba ko. "H-Ha? Anong eksperimento?"

"You know what I mean," sagot niya. "You're a victim."

Napabuntong-hininga ako at winagayway ang kamay ko sa harap ng mukha ko. "I don't know what you're talking about." Mas mabuti ng 'di niya malaman na ako ang isa sa mga successful na experiments. "I am investigating a case right now. May kilala kang Alejandro Quinto?"

Nanlaki bigla ang kanyang mga mata. "ABM-11 Section B," turo niya habang nakakunot ang noo. "Same corridor as your section but in second floor. Why?"

Marahas akong napabuntong-hininga at binigyan na lang siya ng tipid na ngiti bago tumakbo uli para pumunta sa talaang gagawin ko.

Kahit na nakalagpas na ako sa kanya, nararamdaman ko pa ring tumitibok ng malakas ang puso ko. Hindi ko makalimutan ang codename na binanggit niya at ang phrase na "you're a victim".

Paano niya nalaman ang codename na 'yon? Bakit alam niya na isa ako sa mga biktima? Ano ang koneksyon niya sa organisasyon na 'yon?

Huminto ako sa paglalakad at tinaas ang aking tingin sa sign na nasa ibabaw ng pintuan. ABM 11-B. Huminga muna ako ng malalim bago nag-knock ng tatlong beses sa pintuan saka binuksan ito.

"Excuse me po. Nandito po ba si Alejandro Quinto?" kaagad kong tanong sa klase.

Nakatingin lahat sa akin pero napukaw ang tingin ko sa isang lalaking nagtanggal ng kanyang headset at tinaas ang kanyang kamay habang nakakunot ang noo.

"Ako si Alejandro Quint. Bakit?" tanong niya at lumapit sa akin.

"May kailangan akong itanong sa'yo. Pwede bang lumabas ka kasama ko? Saglit lang."

Nagtataka siya pero hindi na siya nagtanong at lumabas ng classroom. Pumunta kami sa gilid kung saan siguradong walang makakakita sa aming nag-uusap.

"Miss, ano ang tatanungin mo? Baka magbigay ka ng love letter sa akin katulad ng isa kong kaklase. Pasensya na pero—"

"Hindi 'yon ang pinunta ko dito," pagpigil ko. "Kilala mo naman siguro kung sino si Nathan 'no?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Teka. 'Yong Nathan ba na sinasabi mo..." Tumango ako. He sighed and slapped his face. "That idiot... Kakasabi ko lang sa kanya na 'wag siyang sumunod sa 'di niya kilala eh."

"May alam ka kung sino ang kasama niya bago siya mamatay?"

Napabuntong-hininga siya. Parang hindi man lang siya nagpanic na namatay ang kaibigan niya. "Oo. Alam ko. Magkaklase kami eh. Ako ang pinakamatalik na kaibigan ni Nathan. Kinausap ako no'n. Sumama daw ako sa kanya. Kasi raw, may kakausapin daw siya roon. Trini ang pangalan."

Tinuloy pa niya. Akala raw niya ay ang girlfriend ng kaibigan niya ang pupuntahan nito kaya pinagbawalan siya pero sinabi nito na hindi raw si Trini na girlfriend kung hindi ibang Trini.

"Nasaan ka na mga bandang 11:30 at 12:00?"

"Kakapasok ko pa lang ng classroom no'n kasi nga pinabalik lahat ng students sa classroom dahil may kaso 'di ba? Nakita ko na si Nathan ang biktima. Buong oras na 'yon nasa classroom ako, nakikinig ng music."

Tumango ako. "Isa pang katanungan. Last na 'to. Nakita mo ba si Trini, ang girlfriend ni Nathan, bago makapasok ng classroom?"

Nagliwanang ang mukha niya. "Oo, na-meet ko pa nga siya. Tinatanong niya sa 'kin kung nasa'n na raw si Nathan dahil daw nung pumunta siya sa rooftop, ang kaibigan lang daw niya nando'n. Bago nga lang 'yon nagsilabasan lahat ng students para malaman 'yung nangyari sa labas dahil nakarinig ng sigaw."

"Thanks." Pinabalik ko na siya sa classroom. Bago pa man ako makaalis, hinablot niya ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Tell me kung sino ang pumatay kay Nathan. I'll tell his parents."

Ngumiti ako sa kanya at hinatak pabalik ang kamay ko. "Sure. Pero hindi ikaw ang may karapatang sabihin 'yon sa magulang niya. Ang mga teachers dapat."

"But they need to also know what happened to their son," sagot niya nang may tipid na ngiti. He gave me a small wave. "Bye. Good luck with the case, miss."

~***~

I told Flare all the information I got from Alejandro. Buti na na lang pagbalik ko sa crime scene ay hindi ko nakasalubong si John. Panigurado na magkakaroon na naman kami ng usapan tungkol sa eksperimentong iyon.

"Now, the information is complete. I wanted you to call Inspector Reed and tell them to get the button."

"A button? Saan mo..." Nanlaki ang mga mata ko nang matandaan kung saan niya iyon posibleng nakuha.

A small smile escaped his lips. "I guess you came up with a conclusion on where I found it."

I nodded and call Inspector Reed hurriedly. Gusto ko na matapos ang kasong 'to.

~***~

"Let's start."

Nakabilog silang lahat kay Flare. Katabi niya ako at pinagmamasdan ang mga ekspresyon nila. Fiona's hands are fidgeting and eyes are shaking while looking at Flare. The inspector is waiting for the answer. Friar and Lucas are bickering again dahil may mga sinasabi na namang mga masasamang salita si Lucas tungkol kay Flare. And Eve is checking her nails again.

I mentally facepalmed myself. Seriously, hanggang ngayon ba naman, gusto niya pa rin tumingin sa kuko niya. Like, what is even in her nails?

"So, I will give you all two options," he said while putting two fingers in front of him. "One, revealing the culprit's name or two, deduction first?"

I heard Lucas yawn. "Kahit ano na lang. Malalaman rin naman natin kung sino eh."

"Lucas!" pagbabawal ni Friar sa kanya at lumingon kay Flare. "Sorry, Flare. Ah, sa'kin gusto ko malaman kung sino muna."

"P-Pwedeng kung sino muna?" sabi ni Fiona.

Eve just shrugged her shoulders and Inspector Reed said deduction first. Sinabi ko na gusto ko malaman muna kung sino. The votes are clear and the majority wins.

Flare sighed. "I would rather go with deduction but let's see..." He glanced at the two and exchanged his point as if he is playing a game. His finger suddenly stopped and pointed at a certain person. Their eyes widened in shock as Flare grinned in delight. "Ah, what a fine choice. No, not fine but very accurate."

Magsasalita sana ang culprit nang magsalita ang kanyang kaibigan, "Bakit...? Bakit mo nagawang patayin si Nathan...?" Mas visible ang panginginig ng mga mata niya ngayon. Napatakip siya sa kanyang bibig at napahakbang palayo. "All this time you lied to me! Bakit,,,? Bakit mo nagawa 'yon..."

Nakatitig lang sa kanya ang killer. Nawalan lahat ng kulay sa mukha niya. Like they are robbed by something important.

"H-Hindi... Hindi ako ang pumatay sa kanya. Makinig ka sa akin, Fiona," pagmamakaawa niya at humakbang palapit sa kaibigan niya, handang hawakan pero lumaya si Fiona sa kanya lalo.

"Huwag mo akong hahawakan!" galit na galit si Fiona sa kanya. "Mamamatay-tao ka!"

Mas lalong namutla ang mukha ni Eve at napayuko. Arms are bent down and eyes are stilled. Parang sinakluban na siya ng buong mundo sa lagay na 'yon.

"Now, we know the culprit. I shall discuss what happened." Parang hindi lamang naapektuhan si Flare sa pangyayari at may gana pang pumalakpak habang sinasambit ang bawat salitang binitawan niya. "The way how she deceived him through the rooftop isn't big of a deal. She is close with the victim. She is his girlfriend. He will trust her without a doubt. The suspicions that his girlfriend and his best friend killed him are half false. Neither the victim's girl best friend nor boy best friend are involved in the case. There is someone who helped her. Am I right, Miss Pietro?"

Unting-unti tumingin sa kanya si Eve. Napalitan ng galit ang mga mata nito at umatake kay Flare. Hinatak niya ang kuwelyo nito at nilapit ang mukha ni Flare sa kanya.

"Ikaw. You're just a student here and you have the nerve to point na ako ang killer ni Nathan?! Hindi ko alam kung pa'nosiya namatay. Hindi ko alam na pumunta siyang rooftop at hindi ako ang nagbasag ng ulo niya bago siya mahulog!"

"Bingo," nakangising sambit ni Flare.

Namutla na naman bigla ang mukha ni Eve at binitawan ang kuwelyo ni Flare. Inayos ni Flare ang kwelyo bago nilagay sa kanyang likod ang mga kamay niya.

"I did not tell anything about his head. Why did you suddenly say that? Because you did it to him. You witnessed it doing it to him."

She tried opening her mouth to speak but no words came out. Kaagad niyang sinarado uli 'yon at nag-iwas ng tingin.

"You knew you're the killer all along, right? Because you noticed you're missing a button on your uniform."

Napatingin ako sa blusa ni Eve. Totoo nga. May nawawalang isang button doon. How could Flare noticed that?

"Also, you do not have a habit of looking at your nails. You're looking at it because it might leave off a stain or your nail polish is erased on the point of your nails."

She shot a glare at him. I think she is planning to pounce on him again.

"You have no alibi on your statement earlier. It was confirmed by my sister since she asked the staff in the cafeteria. Yet, you have an alibi in the classroom. It was confirmed by the smug over there," turo niya kay Lucas.

"Hoy! Anong smug?!" reklamo ni Lucas. He gritted his teeth like a wild dog.

He ignored him and continued, "That means you are in the classroom but you didn't go to the cafeteria so you have free time on doing the crime."

"Pero ang time lapse ng nakita si Miss Pietro na nasa labas ng class room ay 10:30, 'di ba? Kaya hindi siya pasok sa time lapse kung saan namatay ang biktima," komento ni Friar.

Nagliwanag ang mukha ni Eve at sabay sabing, "That's right. I'm innocent. Wala ako sa crime no'ng nangyari 'yon."

"Of course, you were not there when the victim fell down. You have a companion with you." Nawala na naman ang masayang ekspresyon niya at natatakot na nakatingin kay Flare. "A few minutes ago, I told that the victim was with two people—one with his girlfriend and one with his best friend. The best friend part is false since my sister confirmed with the guard that Fiona is waiting for him on the bench until 12:00. So, there's a possibility you have a companion with you and that 'they' helped you on making the victim's body fell down in this very location and for you to make time on a forged alibi. Furthermore, you are not his girlfriend but his anonymous girl best friend. Miss Fiona is his real girlfriend."

"Ha?!" gulat na sambit ni Lucas. Even, I'm shocked. There's a lot on this case to unfold, huh?

"Sa tingin ko, hindi ko na siyang kayang itago pa," sabi ni Fiona at tumingin kay Flare. "I'm his girlfriend. Matagal na naming tinatago ang relasyon namin dahil hindi pa payag ang mga magulang niya na magkaroon siya ng jowa. Baka raw ma-trauma ulit so, he just introduced me as his best friend. Ayos lang sa akin, basta magkasama kami. We're nearly 3 years pero pinatay ng babaeng 'yan ang lalaking mahal ko!"

Eve shot a glare at her. "Ikaw! Ikaw talaga ang may kasalan ng lahat kung bakit ko napatay si Nathan! He left me for you!" turo niya dito. Tumawa siya ng malakas. "Kung hindi siya magiging sa 'kin, mas mabuti ng patayin ko siya para sa gano'n, mapapasa'kin na rin siya."

Tumulo ang mga luha sa mata ni Fiona. "Hayop ka! Hindi na 'yon pag-ibig, kababuyan na ang ginawa mo sa buhay ng isang tao! Wala kang hiya!"

"Pinagpalit niya ako sa isang stick na katulad mo! Mahina pa! Panget!" tuloy-tuloy na panlalait niya rito.

"Ay, wow. Parang may mali yata sa sinabi mo, besh." Napalingon kaming lahat kay Lucas. Nakangisi siya at naka-tilt ang ulo habang nakatingin ng diretso sa killer. "Huwag kang sinungaling. Perspective mo lang na pinagpalit ka niya kasi hindi mo pa tanggap na wala na ang relasyon ninyo. You tricked yourself na sa'yo pa rin siya kahit hindi na. That's called being possessive and obsessed. Nang malaman mo na may iba na siyang ka-relasyon, gusto mo sanang patayin ang bago niyang babae kaso parang mas mabuti na parehas kayo ng mararamdaman kaya pinatay mo na lang si Nathan. Tama ako, 'di ba?"

Nawala ang pagkamanyak na mukha ni Eve at natatakot na nakatingin kay Lucas.

His smile faded. "What a boring freak show. Sa sobrang obsess mo, manhid ka na sa future ng ibang tao. You did not give them a damn chance to feel love again. Kung sana hinayaan mo na lang sila at ikaw ang nag-move on, sana mayroon ka ng nahanap na mas better sa nang-iwan sa'yo. Eh, wala. You did something incredibly sinister than just to act like a saint with a tainted heart. You're really pathetic. Nagbulag-bulagan na nga sa pag-ibig, naging manika pa ng pag-ibig. Aw~ What a pity. Wala ka ng tsansa ngayon. Boom." He motioned a spark with his hand. "Wala. Wala na talagang tsansa. Forever ka ng single and to add up, baka mabulok ka pa sa kulungan. Ingat sa biyahe in advance papuntang impyerno," dagdag niya ng may matching wave pa.

Flare coughed and everybody's attention came back to him. "Going back, there's a strand of hair stuck in the rooftop's door handle. It was autopsied. Turns out the hair strand has a DNA similar to yours, Miss Pietro."

Flare also discussed that the blood on the rooftop was confirmed to be Nathan's. The autopsy also told that Eve's handprint is on Nathan's head yet no signs of any companion's fingerprints.

"Even though there is no evidence on your companion, I could say there is because someone witnessed you walking to the rooftop with someone except for Nathan. Now, tell me, who is your companion?"

Eve's knees are on the floor, looking down in defeat. Patong-patong na ang ebidensya at mayroon ng nakakapagpatunay no'n kaya wala na siyang takas.

Unti-unti siyang tumingin kay Flare at bubuksan ang kanyang bibig. "It is..." She bit her lip. "They're from Ca—" Hindi na siya nakatapos ng pagsasalita nang biglang may putok at sa isang iglap, bumagsak ang katawan ni Eve sa sahig.

Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang pagputok. There's a faint light on the rooftop. A sniper! Naka-black mask and black bonet siya. He is wearing a skull long sleeves at naka-tinted sunglasses.

Napakuyom ako ng aking kamao at tiningnan ng masama ang lalaki. Siya ang nasa picture na nakita kong hawak ng isang kasamahan ni Mommy nang iniimbestigahan ang pagkamatay ni Daddy. They did not know the killer's location kaya binuwag na lang nila ang kaso at ginawang "unfinished case". He is one of the lead suspects to that crime.

Tumakbo ako papuntang rooftop. Narinig ko ang sigaw sa akin nina Friar pero hindi ko iyon pinansin at patuloy ako sa pagtakbo. May mga nabubunggo akong tao pero wala na akong time para manghingi ng tawad. Kailangan ko mahabol ang taong iyon. Kailan ko siya mahuli!

Malakas na binuksan ko ang pintuan ng rooftop at tumingin sa paligid nito. Tinignan ko pa ang gilid ng pintuan, baka sakaling nandoon siya. Pero wala. It's all clear. Napasuntok ako sa sahig at napamura nang malutong. Damn it! Nakatakas siya!

Umihip nang malakas ang hangin kasabay niyon ay ang pagtingin ko sa isang bagay at nanlaki ang mga mata ko. Dinampot ko iyon at tinitigan.

Ang simbolong 'to...

"Mavis!" Napatingin ako sa aking likuran at nakita ko ang nag-aalalang, hinihingal at nagngangalit na leon na si Flare. "Why the hell did you—"

Napahinto siya sa pagsasalita nang tumayo ako at humarap sa kanya pero hindi ako nakatingin sa kanya kung hindi ay sa hawak ko na matigas na octagon-shaped na bagay na mayroong simbolo na nakalagay ang simbolo ng Leo sa zodiac constellation.

Malutong na napamura si Flare. Napatingin ako sa kanya at parang katulad ni Flash, mabilis na nahablot niya ang bagay sa aking kamay.

"Hoy!"

Sinamaan niya ako ng tingin kaya tinikom ko na lang ang bibig ko. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa habang nakatitig sa iniwang bagay ng sniper. Naputol lamang ang katahimikan nang magtanong si Flare.

"Where did you get this?" seryoso niyang tanong.

"Over there," turo ko sa lugar kung saan ko iyon nakuha.

"This is a symbol from one of our mafia's opponent organizations, Castell Organization."

Nang marinig ko ang pangalan na 'yon, biglang nanumbalik ang lahat ng memorya na nangyari sa ekspreimentong iyon.

Nakita kong humigpit ang paghawak ni Flare sa simbolo at matalim ang mga mata nakatingin sa kawalan. "Why are they doing this? We have a warning they will move soon but not to this extent."

"Kilala mo ang organisasyon nila?" tanong ko sa kanya. I need to know more about this organization.

What is the link between this organization to my father's date? Bakit nila pinatay ang tatay ko? Why do they need 'that' experiment? Ano ang purpose no'n? And what is the connection of that experiment?

Tumango siya. "Castell Organization is a recent organization but it was built illegally. We still have to investigate them further. Currently, they have connections inside this school, connecting to students doing crimes. Furthermore, there's also one confidential file about them that I can't talk about. Why? You know them?"

Should I tell him or not? tanong ko sa 'king sarili. Well, I guess it should not hurt me if I tell him.

"The sniper... Siya ang nakita kong isa sa mga lead suspects sa kaso ng Daddy ko." Napayuko ako at napakuyom ng kamao. Hindi ko mapigilan ang galit ko. Ayokong makita ni Flare ang galit sa mga mata ko. "I got an information from one of my mother's team that the lead suspect is from Castell Organization. Iyon ang lead suspect din ng isang private informant nila galing London dahil doon namatay si Dad."

Iniintay ko ang apakaseryoso niyang pag-de-deduct tungkol sa kaso ng Daddy ko. Yes, I'm expecting. He's a detective, right? Kung kaya niya ang mga kaso na na-witness ko kasama siya, maybe he could help me finish the case of my father as soon as possible.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hinila papunta sa kanya at niyakap ng mahigpit.

"I don't know if this would be considered a pity for someone but I know this is a huge burden for you and I could feel that."

Naramdaman ko ang mahinahon niyang paghaplos sa ulo ko at hinalikan ang korona ng aking ulo.

"We will track the Castell Organization and find a way to finish your dad's case. To end this illegal organization. Don't worry, the mafia will find a way."

Ngumiti ako at niyakap siya pabalik. Nakaramdam ako ng pagka-relief sa mga sinabi niya.

Tama. Soon, this will end. I will find the missing pieces of my father's case. I will find a way to go into the Castell Organization and end this all.

Inaya ako ni Flare na bumalik kung saan nangyari ang crime scene. Nakatawag na ng ambulansya si Friar para maidala sa ospital ang bangkay ni Eve. Si Fiona naman ay nagpasalamat dahil binigyan namin ng katapusan kahit papaano ang kaso ng kanyang boyfriend. Inspector Reed left with his officers to report the case on their headquarters.

As Friar and the rest of us strode down the hallway to go back to our room, I caught a glance of a person with a big lion tattoo on his arm, sleeves rolled up with a tinge of black sleeves underneath.

Napahinto ako at napatitig sa taong iyon. I noticed he is wearing the same uniform as ours. He turned a hallway kaya nawala na siya sa paningin ko.

"Mav." Napatingin ako kay Friar nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. "What's the matter?"

Umiling ako at tumakbo na papunta sa kanya. I linked my arms with her and continue to walk down the hallway while a question bothered my mind: Is that him?

###