webnovel

Project: Mystery

Life is a chess game. You gotta make a move to win the obstacles. Ferris University. The prestigious school where Mavis got transferred. Her mother only got her transferred because of issues in her previous school. But she has another motive: to finish the abandoned case of her late father. And as if destiny awaits her, she met Flare Furrer, known as the only detective in the university. But as her third day in university came, she found his new identity that led her to a more dangerous ride.

MQWrites · Masa Muda
Peringkat tidak cukup
50 Chs

Chapter Eight: Paint in Red (N-0000)

Three weeks had passed since my last trip to Furrer Family's mansion. Three weeks na rin ang nakalipas simula nang makilala ko si Ruxinaire. There is still no signs of any improvement about the Castell Organization. Kung meron man, puro kapalpakan lang ng mga crew ni Ruxinaire ang nababalita.

"I will contact you as soon as I have leads on your father's case."

Iyon ang sinabi sa akin ni Flare noong nakaraang linggo matapos nilang i-raid ang isang location kung saan nila nahuli ang mga members ng Castell Organization na nagkakaroon ng joint agreement sa isa pang organisasyon.

~***~

"... I'm in a field of dandelions

Wishing on everyone that you'll be mine, mine..."

"And I see forever in your eyes... I feel okay when I see you smile~ smile..." I sang through the music as I washed the dishes I had used this morning.

Nasa dorm ako ngayon at mag-isa lang naninirahan pansamantala. Si Friar kasi may inaasikaso kasama si Lucas sa mansion.

Matapos kong maghugas ay nagsuot ako ng damit panlabas. I just wear a simple white shirt na naka-tuck in sa isang light denim jeans. I put a white cap on and grab the keys of the dorm room bago ako umalis. Siyempre, may dala-dala naman akong maliit na bag para paglagyan ng mga importanteng gamit ko.

" 'Cause I'm in a field of dandelions... Wishing on everyone that you'll be mine~ mine~" pagkanta ko habang naghintay ng masasakyan sa daan.

Mayroon kasing bus stop na malapit dito sa dormitory kaya hindi na akong nag-abalang maglakad pa ng malayo. Ilang minuto akong naghintay hanggang sa mayroong magarang kotseng huminto sa harap ng bus stop.

The window slowly went down and I saw a familiar face darting their eyes towards me. "Yo," bati niya.

"Ruxinaire!" Napatayo ako sa gulat. "Anong ginagawa mo dito?"

"Coincidentally, I am on my way to the mall when I saw you waiting for a bus to come by. Gusto mo ba sumabay na lang sa akin, my lady?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "I said drop the 'my lady' thing. Mavis na lang."

"Okay then, Miss Lia."

"Lia?" kuot-noo kong reply.

"Oo, Lia. My lady's name is Mavis Sherlia Throver, right? I got it from your second name. And it's a cute name so I just have to go with 'Lia', my lady. Or is it kind of an inconvenience for you?" nakangising sabi niya.

Napabuntong-hininga ako at napairap. "Whatever," pagwagayway ko ng aking kamay sa harap ko at saka binuksan ang pintuan sa back seat.

"You don't want to seat on the passenger's seat?" turo niya sa passenger's seat matapos kong makapasok at sinarado ang pintuan ng kanyang mustang.

"Dito na lang ako," sagot ko at ginawang komportable ang sarili ko.

I leaned in the cushion and closed my eyes. I feel tired these days. Kahit na kakasimula pa lang ng pasukan three weeks ago, sobrang hirap ng pinapagawa ng teachers. Puro pinagpupuyatan namin ang mga projects and assignments. Plus pa ang sandamakmak na nakukuha naming documents sa club ni Flare. Walang hinto ang pag-agos ng mga gawain.

Ruxinaire started maneuvering the car and we drove to the roads. Kahit na sabihin mong nasa parteng walang masyadong trapiko ang dormitory ng school, the luck of no-traffic isn't with us today dahil na-stuck kami ng mahigit isang oras sa mahabang trapiko.

"Saan pala ikaw nag-aral noong bata ka pa, Miss Lia?" tanong ni Ruxinaire.

Sinimulan niya ang pakikipag-usap hangga't naghihintay kami na makausad sa trapiko. He is tapping his fingers impatiently on his mustang's steering wheel while looking at me through the rearview mirror.

"Homeschooled," maikling sagot ko sa kanya.

I leaned on the window of the car and sighed. Ayoko sa mga gantong conversations. It makes me feel sick why does my mother keep on protecting me.

"Ah. I have one childhood friend that's like that. Wala na nga lang akong balita tungkol sa kanya ngayon," pagpapatuloy ni Ruxinaire.

"Heh," bored kong reply sa kanya.

Umusad na ang aming sasakyan at nagpatuloy kami papuntang mall. Nang makarating, nagpasalamat at nagpaalam na ako sa kanya.

"... Mission: Red. Target: A businessman."

Paunti-unti bumibilis ang paglakad ko.

"You need to eliminate the evidence..."

Napatakbo ako sa isang pasilyo kung saan walang madaming tao. Tumingin ako sa gilid-gilid bago ko itinutok ang aking pistol sa target. The wireless earphone in my ear buzzed as I pulled the trigger.

"...El rojo."

The nose of the gun releases smoke but there is no sound made. Napabuntong-hininga ako at pinindot ang earphones. "El rojo, completed."

The connection cut off and I sighed. Napatingin ako sa bangkay ng target ko at napabuntong-hininga uli. Ginawa mo 'yan, Mavis, ikaw ang magligpit.

Lumakad ako papunta sa bangkay. Saktong may bintanang nakabukas malapit sa bangkay kaya doon ko tinapon ang katawan. Wala na akong time pagputol-putulin ang mga katawan niya at ilagay sa malaking plastik. Well, the window is leading to the mall's garbage so baka 'di naman nila masyadong mapapansin ang katawan since truck ang nag-aasikaso sa pag-dispose niyon.

I took off my gloves and put them in the nearest trash bin saka nilinis ang sahig gamit ang mga supplies ng janitor. I knocked off the female janitor when I was going to the bathroom to use the janitor's cleaning supplies. After that, I fled away.

Dumiretso ako ng bookstore para hindi halatang may pinatay ako. Well, no one could ever noticed it anyway.

The mission was from my previous organization. Though I am inactive, I still have contact with them and could dispose of any target if I'm near.

Kumuha ako ng isang libro na interesado ako at ibinigay iyon sa cashier na siya namang ibinalik sa akin nang mabigay ko ang pera at nailagay na niya 'yon sa isang plastic bag.

Lumabas na ako ng bookstore at liliko na sana pakaliwa nang may maramdaman akong presensya sa likod ko. Danger. Iyon ang na-detect ng pakiramdam ko.

"You killed that man, didn't you?"

Parang pansamantalang nanakaw ang hangin sa mga baga ko nang marinig ko ang mga katagang 'yon.

Hindi na 'ko nag-alinlangan pa at umikot ako para humarap sa kanya at tinutok ang baril pero kaagad naman 'yon nawala sa kamay ko nang maramdaman ko ang pag sipa niya sa aking mga kamay.

Masamang tingin ang ginawad ko sa nakaalam pero kaagad akong nabuhusan ng tubig nang makita ko ang kanyang itsura.

"Now, now, you will not kill your bodyguard, won' t you?" nakangisi niyang sambit.

He is holding both of my wrists in the air. Hays, wrong timing ang taong 'to eh.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at tumitibok ng malakas ang puso ko. Shet naman, kung kailan nakapatay ako ng tao successfully saka ako nahuli.

My years of assassin training...

"Hey, open your eyes, my lady," malumanay ang pagkakasabi niya.

Binuksan ko ang mga mata ko at tumingin sa kanya. Tinanggal na rin niya ang pagkakahawak sa pulsohan ko.

Bumuntong-hininga siya at tumawa. "Calm down, Miss Lia, hindi ako kalaban para samahan mo ng tingin."

Humakbang ako paatras. Nasa likod ang pistol ko. May tsansa pang makuha ko 'yon bago pa niya ma-inform sa organisasyon nila ang nangyari.

"You are questioning me, aren't you?"

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Paano niya—

"I swear I am on your side, Miss Lia. Hindi ko sasabihin ang nakita ko kay Sir Zeus," aniya at nilagay pa ang kanang kamay sa kanyang kaliwang dibdib. "I won't utter a single word about what happened."

Should I trust him or not? Hindi ko pa siya kilala and yet, binabantayan na niya ako. Ang aga-aga, mission successfully failed ang nangyari. Isa siyang informant at magaling na sniper ng Furrer Mafia. Hindi ko kaagad siyang pwedeng pagkatiwalaan na hindi niya sasabihin.

"That stare again, Miss Lia."

Humakbang siya ng isa at humakbang ako ng paatras. Napabuntong-hininga uli siya sa 'di mo alam kung pang-ilang beses na. Napakamot siya sa kanyang ulo.

"Alam mo, my lady, ang hirap mong kumbinsihin. Gusto mo may pa-proof pa? Tch. Para kang si Sir Zeus. Bagay nga kayo," irita niyang sambit. "Kunin mo ang pistol mo. I tutok mo sa 'kin. Hindi ako aalis dito. Shoot me. Kill the witness to your crime. That's what your first organization's order when your mission got successful but failed because someone witnessed it, am I right?"

"Paano mo—"

"N-0000. That's your codename in the experiment. Not an ordinary kid. Killed half of the 100,000 kids in a practice room. No one knows the true name of the kid unless kasama ka eksperimentong 'yon."

Kumabog na naman ng malakas ang dibdib ko. Naalala ko na naman ang eksperimentong iyon.

Bakit lagi na lang na mayroon akong mami-meet na tao, alam ang eksperimentong iyon?!

Napatakip ako sa mga tenga ko para 'di marinig ang mga sinasabi niya.

There is an irritating buzzing in my ear. I could hear the screams of the kids I stabbed, killed, butchered. All of them. Even the victims. Rinig ko ang nakakairitang pag tunog ng mga metal at ang kaluskos ng kutsilyo. Ang tunog ng malaking apoy at sirena ng mga pulis.

"... For now, magiging isa kang eksperimento."

Shit! Bakit ngayon pa lumalabas ang mga memorya ko tungkol sa pangyayaring iyon?!

"... babakat dugo mo."

Nakarinig na naman ako ng pagkaluskos ng kutsilyo sa aking tainga. Shit!

"N-0000. Success. You'll be one of our officials. Your first mission is..."

Napasigaw ako sa sakit ng ulo ko. Sa sobrang sakit, hindi ko na mapigilang iuntog ang sarili ko sa sahig hanggang sa nandilim ang paningin ko.

~***~

Nang maimulat ko ang mga mata ko, nasa clinic na ako ng bahay nina Flare. Binati ako ni Kuya Xel sa paggising ko, dala-dala ang isang tray na may mga supplies pang-alaga ng pasyente.

"Gising ka na pala," nakangiting bati niya at chineck ang mga mata ko. "Hindi naman na ba masakit ulo mo?"

Napa hawak ako sa ulo ko. May nakalagay na medical cloth sa aking ulo.

"SI Ruxinaire nagdala sa'yo dito. Alala ng-alala. Bigla mo raw pinag-uuntog ang ulo mo sa sahig tas nawalan ka ng malay. Ayun, nag-panic. Oh! By the way, Flare will be coming here. Adios."

Sinarado niya ang pinto matapos palitan ang maliit na bandage sa mga tuhod ko. Napahiga na lang ulit ako sa kama at inalala ang nangyari.

I got carried away by my emotions and my trauma. Again.

Narinig kong biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto kaya napalingon ako doon. Agad akong nag-iwas ng tingin nang makitang pumasok ay si Ruxinaire.

The door closed shut. Narinig ko pa ang pag-click ng lock bago ko naramdaman ang pagbaba ng kama at pag rinig ng mga springs nito.

"Miss Lia," tawag niya sa 'kin.

Hindi ako sumagot.

"I apologize. I realized my mistake. I'm sorry."

Hindi pa rin ako nag-reply.

He sighed. "Alam kong mali na sabihin ang tungkol sa personal info mo sa mall pero baka patayin mo ako kung 'di ko nasabi. You even tried to put a pistol at me."

Doon na ako hindi nakapagtimpi. Napabangon ako at matatalim ang aking tingin sa kanya.

"Alam mo ba kung gaano kadami ang naging trauma ko sa sinabi mo kanina?! Ang eksperimentong iyon?! Ang pagiging kaisa-isang successful na eksperimento nila at ang naging kauna-unahan nilang ginawang tao na parang isang awtomatikong killer?! Alam mo ba?! Ha?!"

Hingal na hingal ako matapos kong isigaw ang lahat ng mga katagang 'yon kay Ruxinaire. Hinahabol ko pa lang ang hininga ko nang sumagot siya.

"I know."

Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

What?

"I know, Miss Lia. I know you're N-0000 because I'm one of the successful assassin. Hindi lang ikaw ang nakuha, ako rin."

My head beats. Mayroon pang ibang bata maliban sa akin na nakuha bilang success experiment?

"Bakit..." Kumabog nang mabilis ang puso ko. "Bakit ngayon mo lang 'to nasabi sa akin... Bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat ng 'to?!"

Hinihingal na naman ako sa pagsigaw ko. Why... Why are their other successful experiments? Anong ginawa nila sa kanila?

"There are four sections sa kanilang experiment. Bawat experiment, iba't ibang expertise ang pinapa-try nila sa mga bata. As of for your experiment, ginawa nila kayong combat. Sa section ng experiment namin, sa mga distance. May kinalaman doon ang skills ko sa pag-sa-snipe."

"Bakit mo sa 'kin sinasabi 'to..."

"Pintar en Rojo."

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Nag taas siya ng tingin sa akin at may ipinakita. Isang kulay pulang ribbon naka-attach sa isang gold pentagon. Bangko ang gitna nito.

Nabalot ng kaba ang buo kong katawan. Para akong binanlian ng mainit na tubig sa sobrang takot na nararamdaman ko.

"That's the name of the first and last mission of Reds, the successful successors."

~***~

Several days later... Pasikreto kaming nag-uusap ni Ruxinaire tuwing alas dose ng gabi sa backyard ng dormitory. Nasa iisang lote lang naman kasi ang panlalaki at pambabae na dormitory kaya mabilis kaming makapagkita.

"Did you receive another mission from the Orion?" tanong ko sa kanya.

"No. Not yet. They cut off the connection."

"Ha? Ilang araw na ah."

"The mafia is keeping on track to them. Kapag nalaman nilang may koneksyon tayo sa magiging ka-joint organization nila, tayo ang malalagot, Miss Lia."

"I know. Pero wala pa bang nailalapag na misyon sa Pintar en Rojo?"

Umiling siya. "Nothing, my lady. There are still no further instructions about Pintar en Rojo."

I clicked my tongue. "Damn that organization... Isa pa naman ako sa pinakamataas nilang—Hays, never mind. I would never try to contact them anyway. What a bunch of waste timers. For now, keep on waiting for my orders. Baka magkaroon tayo ng checking sa mafia bukas. I'll see you tomorrow. "

Pagkatapos ko magpaalam, bumalik ako sa dorm. Buti na lang, sobrang tulog si Friar at hindi niya napansin nawala ako sa dorm namin. Pumasok na ako ng kuwarto ko saka natulog.

~***~

The next day... Apaka-busy ng mga tao sa loob ng University. May mga nakasabit na mga banderitas sa dingding at sa bawat hallway. May mga dala-dalang boxes ang ibang estudyante. Mayroon pang mga inaayos na stalls sa bandang soccer field ng eskwelahan.

Nang itanong ko kay Friar at Lucas kung anong ganap sa university, heto ang mga sinagot nila:

"Hm? Mayroon daw magiging bisita ang eskwelahan natin. Malapit na raw kasi mag-July so nagtanong ang founder ng Akhlie High kung pwede magkaroon ng school tour sila sa University natin," sagot ni Friar habang kinakagat ang straw ng kanyang cardboard juice.

"Balita ko, pupunta raw 'yong isang school na natutulungan kasi ng school natin. Tito got me into some troubles again. Ugh, ayoko ng pagbantay sa ibang tao kapag events," sagot naman ni Lucas.

A-Akhlie High?! T-Tama ba pagkakarinig ko?!

Nakaramdam ako ng pagkatakot. If that Akhlie High is the one coming here, I'm doomed!

###