webnovel

Chapter 36

Editor: LiberReverieGroup

Habang bumabagsak ang nyebe, patuloy sa pagtunog ang funeral bell. Sa loob ng palasyo ng Sheng Jin, isang itim na pigura ang lumiko sa loob ng towering ancestral temple. Sa mahaba at makitid na pasilyo, naglakad siya sa pinaka puso ng Xia Empire. Ang pagkutitap ng apoy ng kanyang kandila ang umiilaw sa kanya at isang mahabang anino ang nasa kanyang likuran.

Ang araw ay ika-17 ng abril, 770 ng kalendaryo ng Cang Bai. Ito ay taon na hindi makakalimutan. Noong araw na iyo, ang buong pamilya ng hari ng Yan Bei, bukod sa kanyang anak na lalaki, na si Yan Xun, na nakatira sa capital sa maraming taon, ay pinatay. Ang mga kaluluwa nila ay hindi matahimik pagkatapos nila mapatay. Lahat sila ay binitay sa Jiu You Platform, sa tapat ng gate ng Sheng Jin. Ang mga katawan nila ay pinaghiwa-hiwalay at sinunog, na naging alikabok.

Sa pinaka lugar na ito, ang mabagsik na bandana, kung saan inokupa ang hilagang teritoryo, ay tahimik na nililipad. Ang bandila ay may nakaimprintang mabagsik na leon ng Yan Bei. Nang ang mga maharlikang pamilya ng imperyo ay hinati ang lupain na teritoryo ng Yan Bei, mayroong malaking pagdiriwang sa hilagang-kanluran na madamong kapatagan. Ang labing-isang tribo ng Quan Rong ay nagsama-sama. Ang hari ng Da Han, Nayan Minglie ay personal na pinangunahan ang pagdiriwang ng pagbagsak ang namumuno sa Yan Bei at ang pagkamatay ni Yan Shicheng, pati na rin ang milya-milyang matabang lupain kung saan ay nilinang ng Xia Empire para sa kanila. Ang magiting na Quan Rong God ay biniyayaan ang kanyang mga matitibay na tao. Dahil dyan, lubos silang naniniwala na walang makakatanggi sa mga mandirigma ng kapatagan.

Sa sandaling ito, ang malamig na hangin ay umihip sa sira-sirang pintuan na papunta sa makitid at katiting na silid. Ang nyebe ay pumapasok galing sa bubong at wala man lang braziers o mainit na pugon. Mayroon lamang sirang higaan, kung saan ay napaitim ng dumi, ay mabaho ang amoy.

Sa labas ng pinto, ang mga sundalo ay masayang naglalaro ng mga laro ukol sa pag-inom habang nagpapakalasing. Ang matapang na amoy ng karne ay pumasok sa bahay. Ang mukha ng binata ay maputla at ang kanyang noo ay napakainit. Ang kanyang nagbabalat at puting labi ay pinagmukha siyang may sakit. Ang kanyang matalas na kilay ay mahigpit na magkadikit habang malalamig na pawis ang tumutulo sa kanyang sentido. Ang kanyang itim na buhok ay basa na ng pawis.

Mga tunog ng lagabog ang umalingawngaw sa loob ng silid. Isang walong taong gulang ang nagpupumiglas na iniangat ang upuan, at winasak niya ito sa lupa pagkatapos. Sa ilang ulit na paghampas ng upuan sa sahig, ay naging ilang piraso na ito ng kahoy na panggatong. Huminga siya ng malalim at pinunasan ang pawis sa kanyang ulo. Nagsindi siya ng apoy. Ang apoy ay unti-unting lumaki, pinapainit ang bahay sa isang iglap. Maingat siyang nagpainit ng tubig. Kung saan pagkatapos, umakyat siya sa higaan at niyapos sa kanyang mga bisig ang ulo ng binata nang siya ay bumulong, "Yan Xun, gumising ka at uminom ng tubig."

Hindi na nakakarinig pa ang binata. Wala siyang kahit anong tugon.

Napasimangot ang bata habang siya ay umabot ng isang pares ng chopstick sa lamesa. Binuksan niya ay bibig ng binata at pinilit ipainom ang mainit na tubig. Agad siyang napaubo. Malakas na napaubo si Yan Xun habang inilalabas lahat ng tubig na naibigay sa kanya.

Tinignan ni Chu Qiao ang tubig na kakasuka pa lang. May nakikita siyang bakas ng dugo dito. Napalubog ang puso niya habang nakagat ang kanyang labi at napasinghot. Umalis siya sa higaan at nagpatuloy sa pag-iinit ng tubig.

"Yan Xun?" nang papasapit ang gabi, ang bahay ay naging sobrang lamig. Binalot ni Chu Qiao ang binata ng mabalahibong kapa at kobrekama, habang siya ay nakasuot lamang ng manipis na kasuotan. Pinaliit niya ang sarili sa maliit na pigura sa gilid ni Yan Xun habang hawak ang isang porselanang lalagyan. Bumulong siya, "May idinagdag akong kanin sa tubig, lugaw ito. Tumayo ka at kumain."

Nanatiling tahimik ang binata na para bang malalim ang tulog nito. Ngunit, ang sinag ng buwan ay naiilawan ang kanyang mahigpit na nakasarang talukap ng mata, na may senyales na gumagalaw ang kanyang pupil. Alam ni Chu Qiao na hindi siya tulog at gising simula kanina pa. Ayaw lang niyang buksan ang mga mata.

Napabuntong-hininga si Chu Qiao habang ibinababa ang lalagyan. Niyakap niya ang kanyang mga tuhod at naupo sa tabi ng dingding.

Sa labas, isang bagyo ng nyebe ang mayroon. Dahil sa sirang pinto at bintana, nakikita pa rin nila ang maputlang puno na nasa ilalim ng sinag ng buwan. Ang boses niya ay mababa habang mabagal na sinasabi, "Yan Xun, ako ay isang tao na walang-wala. Napunta ako dito sa hindi pamilyar na lupain na walang kapangyarihan o awtoridad, walang pamilya o kaibigan, ang pamilya ko ay pinatay. Ang iba ay pinugutan ng ulo, ang iba ay pinalayas, ang iba ay binugbog hanggang mamatay, ang iba ay pinaghiwa-hiwalay ang katawan at itinapon sa lawa upang ipakain sa buwaya. Ang iba sa kanila ay ginahasa at pinatay nang bata pa sila. Ang mga katawan nila ay nakatumpok lang sa karitela na parang mga basura. Ang mundong ito ay dapat na makatarungan na mundo. Kahit na isa kang alipin na may nakakaawang bloodline, mayroon ka pa rin dapat panimulang karapatan upang mabuhay. Hindi ko maintindihan ang eksistensya ng iba't-ibang uri sa lipunan. Bakit may karapatan ang mga lobo na sakmalin ang mga kuneho ngunit walang kakayahan ang mga kuneho na ipaglaban ang kanilang buhay? Ngunit naiintindihan ko na ngayon; ito ay dahil sobrang hina ng kuneho at wala itong ngipin at kuko para ipagtanggol ang sarili. Kung ayaw ng isa na maliitin siya, dapat ipaglaban niya ang sarili niya. Yan Xun, bata pa ako, ngunit mayroon akong pasensya at maraming oras. Yung mga taong may utang sa akin, wala ni isa sa kanila ang makakatakas sa akin. Kailangan kong mabuhay, para makitang napagbayaran na nila ang kanilang pagkakasala. Kung hindi, kahit mamatay ako, hindi ako matatahimik."

Kumurap-kurap ang pilik-mata ng binata. Ang mga labi ay nanatiling nakapirmi. Ang bagyo ay nagpapatuloy habang umiihip ang malamig na hangin sa bintana.

Mas lalong lumalim pa ang tono ni Chu Qiao, "Yan Xun, naaalala mo pa ba ang huling sinabi ng iyong ina? Sinabi niyang mabuhay ka. Kahit na mahirap at miserable ang buhay, kailangan mong magpatuloy mabuhay. Marami ka pang bagay na kailangan magawa. Alam mo ba kung ano ang mga iyon? Kailangan mong tiisin ang pagpapahiya at paghihirap para makakita ng magandang oportunidad na ipaghiganti ang mga kamag-anak mong walang-awa at brutal na pinatay! Sobrang dami ng pag-asa at dugo ng pamilya mo ang nasa balikat mo. Masyadong maraming nanonood sayo mula sa langit. Kaya mo bang biguin sila? Hahayaan mo bang hindi sila matahimik? Kaya mo bang tiisin na makitang bumagsak ang pundasyon na binuo ng ama mo sa isang iglap? Handa ka bang mamatay dito sa nanlilimahid na higaan na ito? Kaya mo bang tanggapin ang katotohanan na ang mga taong pumatay sa pamilya mo ay mahimbing na natutulog gabi-gabi, at magpapakasaya sa buhay nila araw-araw simula sa sandaling ito?"

Biglang namalat ang boses ni Chu Qiao, para bang isa itong kutsilyo na humihiwa sa manipis na yelo, na may maliliit na piraso nito ang tumatalsik. Mabagal at malinaw niyang sinabi ang mga susunod na salita, "Yan Xun, kailangan mong magpatuloy mabuhay, kahit na ang ibig sabihin ay kalunos-lunos ang buhay na tatahakin mo, ang buhay na kasing baba at kasing kawawa ng sa hayop, kailangan mo pa rin magpatuloy mabuhay, dahil sa pagpapatuloy mabuhay, mayroon kang pag-asa. Matutupad mo lamang ang mga kahilingan mo kung magpapatuloy ka mabuhay at mababawi mo lamang ang mga bagay na sa iyo naman talaga kung buhay ka. Sa mundong ito, wala ka nang ibang aasahan kung hindi ang sarili mo nalang."

Sa isang iglap, may maririnig na malalim na paghinga. Nagmadaling tumayo si Chu Qiao habang pinupulot ang lalagyan at dinali ito sa binata. Ang mga mata ay puno ng sigla, na parang bang isang nagbabagang apoy ang nagliliyab sa loob niya.

"Yan Xun, mabuhay ka at patayin mo silang lahat."

Isang purong tingin ang makikita sa mata ng binata. Puno ito ng galit na pagkauhaw sa dugo at makamundong hindi makatarungan. Galit niyang itinatango ang kanyang ulo at sinabi sa mababa at malademonyong tono, "magpatuloy mabuhay, patayin silang lahat!"

Patuloy na umiihip ang malamig na hangin sa labas, habang nasa loob ng isang guray-guray na kubo, ang kanilang mga kamao ay mahigpit na nakakuyom.

Pagkatapos ng ilang taon, kapag may sapat na gulang na si Yan Xun at naisip ang mapalad na gabing iyon, mayroon pa rin siyang natitirang takot sa kanyang puso. Hindi niya alam kung anong mangyayari kung hindi lang siya naging mahina at hinayaan mabuhay ang hindi maayos at sirang babae na may determinadong tingin. Kung hindi niya tinulungan ang babae sa kuryusidad o biglaang magpaalam noong araw na naghiwalay sila ng landas, lahat ba ng kasawian noong araw na iyon ay mawawala na parang isang malikmata? Ang binata ba ng isang maharlikang pamilya at mapapatumba ng isang krisis sa buhay niya? Sobra ba siyang mawawalan ng pag-asa sa puntong mamamatay siya na mag-isa at nakakaawa?

Ngunit, napakaraming 'kung sakali' sa mundong ito. Kaya naman, parehong bata, na walang-wala, ay taimtim na nangako sa nagyeyelong gabi: magpatuloy mabuhay. Kahit na isang kalunos-lunos na buhay ang tahakin nila, kailangan nilang magpatuloy mabuhay!

Ang mahabang gabi ay malapit nang matapos. Bago magmadaling-araw, nagpadala ng isang mensahero ang palasyo ng Sheng Jin sa kanila. Maraming klaseng rason kung bakit nagpadala sila ng mensahero upang hatiin ang mga nasamsam sa digmaan—para iwanan siya sa kanyang pagkamatay. Baka wala talaga silang nais pag-usapan. Ang ibang hari sa imperyo ay pinilit ang emperor na utusan si Yan Xun, ang anak ng hari ng Yan Bei, na pumalit sa trono. Ngunit, saka lamang siya makakaupo dito kung siya ay dalawampung taong gulang na. Hanggang noon, ang pamamahala sa mga teritoryo ng Yan Bei ay paghahalinhan ng mga hari sa imperyo at ng emperor mismo. Kailangan bumalik ni Yan Xun sa capital, sa syudad ng Zheng Huang, upang maalagaan ng royal family hanggang sa siya ay maaari nang umupo sa trono.

Bago iyon, may walong taon pa. Kailangan pa niyang magtiis ng walong taon.

Sa Abril 21, umalis na si Yan Xun sa residensya ng Yan at lumipat sa palasyo ng Sheng Jin; ang lugar na may napakaraming bantay sa buong Xia Empire.

Nang umagang iyon, malakas na umihip ang hangin habang bumabagsak ang nyebe sa paligid niya. Nakasuot si Yan Xun ng itim na mink coat habang nakatayo sa matayog na Zi Jin Square. Sa likod niya, ay ang Jiu You Platform at ang Zi Jin Gates. Sa likod nito ay ang hilagang-kanluran na teritoryo ng imperyo. Noon may tahanan pa siya, ang lugar kung saan siya lumaki, ang lugar kung saan niya makikita ang mga minamahal niya. Pero ngayon, iniwan na nila siya. Lubos siyang naniniwala na nakatayo sila langit, at tahimik siyang binabantayan, hinihintay na tumapak ang kanyang bakal ng mga paa sa Yan Bei at Shang Shen, lagpas sa mga bundok ng He Tong!

Ang araw na iyon ay ang ikaapat na buwan nang pananakop ng imperyo sa kanluran. Kahit na magulo pa rin ang hukbo ng hilagang-kanluran, nahuli nila ang nagpakana ng kaguluhan. Ang hari ng Yan Bei ay walang-awang pinatay ang pamilya niya. Ang malupit na hukbo ng Xia Empire ay ginamit ulit ang mala-kulog nilang kahusayan para protektahan ang dignidad ng imperyo. Ngunit, pagkatapos ng ilang taon, pag binuksan ng mga mananalaysay ang mga talaan ng kasaysayan, hindi nila mapigilan ang mapasinghap. Sa mismong tagpong iyon na ang Xia Empire ay tumungo sa kanilang pagbagsak. Ang nagbabagang apoy ng kamatayan ay nabuhay muli sa loob ng swamps ng mga patay—lahat ng mga kasamaan at pagtataksil na nagawa, ang pagkawalang-awa at kalupitan na may kakayahang pagpira-pirasuhin ang lahat. Ang patalim na sumira sa buhay ng natitirang binata na ito ay bumaon din sa puso niya, dahilan upang umagos ang dugo galing sa sugat na ito. Lahat ng ito ay kayang ibaon ang imperyo sa hukay.

Tumalikod ang binata at hinawakan ang kamay ng walong taong gulang na bata habang diretsong naglalakad tungo sa mabibigat na gate ng palasyo. Lumangitngit ang mabagal na pagsarado ng mga gate, nilalamon ang lahat ng uri ng buhay habang sumasara. Sumisipol ang malakas na hangin habang umiihip ito, ngunit naharangan ng malaki at matibay na pader ng syudad. Tanging ang matalas na mata ng agila sa himpapawid ang malinaw nakakita sa dalawang pigura.

Habang lumulubog ang araw nang may dugong kulay, parehong pigura na parang maliit habang nakatayo sa balkonahe ng palasyo, pero nanatili silang nakatindig ng diretso at malakas. Isang araw, mag-iiwan sila ng bakas ng dugo sa kanilang lamay, habang lumalaban sila palabas, kasama ang isa't-isa, palabas sa mapulang pagkaginto na mga gate na to! Naniniwala ang sila na darating ang araw na iyon!