webnovel

Chapter 37

Editor: LiberReverieGroup

"Gentlemen, ito na muna ang plano ngayon." Sa loob ng simpleng tolda, ang babaeng nakasuot ng cyan ay bahagyang itinaas ang payat ng baba at tumuro sa topographic map na nasa lamesa gamit ang kanyang payat ng mga daliri. Kinausap niya ang mga sundalong nakapaligid sa kanya sa mababang tono, "ang operasyon na ito ay mag-uumpisa nang 1:45 a.m., dadalhin ni Xia Zhi sa Chi Chao Bridge sa pagitan ng Chao Lake at Chi Shui ang unang pangkat upang tambangan sila. Xirui at Bian Cang ay may taglimang tao na pangungunahan sa ilalim ng tulay, upang sirain ang mga strawboats na nasa ilog, at putulin ang mga nagkokonekta dito. Pagkatapos nito, aatake si Zhi Xia, sisirain ang pang depensibong posisyon ng Dauntless Cavalry Camp sa tulay. Wag kayong mag-alala kung lumaki ang laban, pero dapat tapos na ito pag naubos na ang sindi ng stick ng insenso. Naiintindihan niyo ba?"

"Opo!" Si Zhi Xia, Xirui, Bian Cang ay sabay-sabay ng tumango at tinanggap ang order.

Itinuro naman ng babae ang daliri sa kanlurang linya ng mapa. Tumalikod siya at sinabing, "Dadalhin ni AhDu ang pangalawang pangkat para magtambang sa daanan sa Suo He Village, pagtutugmain sa operasyon ni Zhi Xia. Mahahadlangan nito ang Dauntless Cavalry Camp sa pagpadala ng dagdag na kawal sa depensa nila pag inatake sila sa tulay ni Zhi Xia. Ang misyon mo ay putulin ang daanan sa pagitan ng Dauntless Cavalry Camp at Northern Prisons pag nasa hilagang rehiyon ka. Gawin mo ang makakaya mo para mapatagal ng 2 oras ang dating ng hukbo."

Nang may madilim na ekspresyon, malakas na tumango si Ahdu habang sinasabi, "My Lady, wag kayong mag-alala."

Tumango ang babae at binilugan ang itaas na parte ng mapa gamit ang daliri niya. Pagkatapos ay malakas niyang tinuro ang pangkalahatang direksyon at sinabing, "Ang misyon niyo ay subukang pasukin ang underground camp ng Northern Prison, at sagipin si Mr. Mu at Scholar Zhu, na nakakulong sa hilagang-kanluran ng water prison. Isa pa, kailangan niyo rin sagipin ang 28 nating mga kakampi sa Tian Yuan Tower na nasa timog na parte ng kulungan. Ang iba sa kanila ay maaaring hindi makalakad, pero kailangan niyo silang sagipin lahat at dalhin sa Gu Ding Village, kung saan ay 15 na milya sa timog-kanluran mula dito. Pagkatapos nito, ang mga dagdag na tauhan ang susundo sa kanila sa mga karwahe. Kaya makikipagsapalaran tayong maaga umpisahan ang operasyon."

Ang loob ng tolda ay naging tahimik dahil matamang nakikinig ang lahat sa mga instruksyon ng babae.

May kalmadong ekspresyon ang babae habang nagpapatuloy, "Mga 300 metro sa harap ng Northern Prison, ang lahat ay natatakpan ng makapal na halamanan. Ngunit, sa loob ng 100 metro ng kulungan, lahat ng halamanan ay pinutol. Walang takip kahit isa. Sa apat na gilid ng kulungan, may walong watchtowers na may gwardya ang binabantayan ang paligid nito lagi. Kakailanganin nyo lahat gumapang."

Tumalikod ang babae at naglabas ng panibagong mapa. Sabi niya, "Tignan niyo, ito ang maigsi ngunit malaman na mapa ng Northern Prison. Ito ang bodega ng millitar, ang imbakan ng pagkain, ang taguan ng mga sandata, ang pahingahan para sa hukbo, at ito, ang destinasyon natin: ang Tian Yuan Tower at ang hilagang-kanluran na water prison. Kailangan niyong kabisaduhin ang loob at labas ng mapang ito sa loob ng 2 oras; walang oras para sa pagkakamali. Dalawa sa inyo ang kailangan magtugma sa isa't-isa para magawa ang misyon. Pag nag-umpisa na ang misyon sa 1:45 a.m., si Cheng Yang ay pangungunahan ang ikatlo at ikaapat na pangkat upang ilunsad ang pagsalakay, habang si AhDu at AhCheng ay pangungunahan ang mga mamamana na umikot sa kampo sa may linya ng kanal. Tapos ay pupuntiryahin ng mga namamana ang mga gwardya sa watchtowers. Dapat ay mamatay sila sa isang tira lang; walang kahit isang gwardya ang maaaring mabuhay. Pagkatapos magawa iyon, si Cheng yan ay pangungunahan ang pangunahing pangkat ng sasalakay para buksan ang gate. Ang pangkat ngayon ay maghihiwalay sa dalawang grupo, ang isa ay aatake sa kanluran, na para bang aatakihin nila ang taguan ng armas pati na rin ang base ng nagbibigay ng probisyon. Dahil doon ay malilinlang ang mga gwardya na pumunta sa kanilang posisyon, at gagawa ng gulo. Ang isang grupo ay titira ng mga nagliliyab na palaso sa kwartel. Ngunit ang kanilang intensyon ay hindi para makapatay, kung hindi ay gumawa ng dibersyon, upang bumagal ang mga tatakas na sundalo. Kailangan nyong tandaan lahat, kung lahat ng sundalo ay nakalabas ng kwartel, nabigo na ang misyon natin. Dapat lahat kayo ay tumpak sa inyong pagpana at kumilos ng naaayon sa plano. Tutulungan kayong lahat ni Xia Jong mula sa labas, papatakbuhin ang mga kabayo natin sa masukal na gubat na parang may umaatake sa kampo."

Nakatayo sa gilid si Xia Jong. Siya ay bata pa na wala pa ngang 17 taong gulang. Ngunit, ang hindi mabilang na sugat sa kanyang kayumangging balat pati na rin sa kanyang matipunong katawan ay makakapagsabi na isa siyang magaling na mandirigma na nakalaban na sa maraming laban. Ngumiti si Xia Jong at tumango.sinabi niya kay Cheng Yang, "Brother Cheng Yang, wag ka na maging katulad nung nakaraan, nakalimutan kung sino ako pagkalabas mo ng kampo ng kalaban. Pinana mo talaga ako ng palaso nung akala mo kalaban ako."

Nang marinig to, lahat sila ay napatawa, napapagaan ang kalooban sa loob ng tolda. Lumapit si Cheng Yan at tinapik-tapik ang bata. Tumawa siya at sinabing, "nagtatanim ka talaga ng sama ng loob."

Bahagyang umubo ang babae, dahilan para tumingin ang lahat sa kanya, at naging seryso nanaman. "ang mga namamana ni AhLi ay itutumba ang mga sundalo sa watchtowers at sa sentry posts. Pagkatapos, ang misyon ay opisyal nang mag-uumpisa. Ang pinangungunahan ni Cheng Yang na pangunahing sasalakay ay magmamadali pumunta sa kampo, maglalagay ng mga namamana na may limang metro ang layo sa isa't-isa habang tumutungo papasok ang grupo. Ito ay para protektahan ang pagsulong ng grupo. Ang pangunahin niyong misyon ay iligtas ang mga hostage; hindi niyo na kailangan isipin ang ibang posisyon. Ililigpit ni AhLi ang lahat ng dapat iligpit at pagtatakpan kayo habang kayo ay sumusulong. Lahat kayo ay tutungo muna sa hilagang-kanluran na water prison, ililigtas muna si Mr. Mu pati na rin si Scholar Zhu. Pagkatapos nito, magmamadali kayo papunta sa Tian Yuan Tower. Ang ibang gwardya doon ay mga kakampi natin; nailigpit na nila ang mga gwardya doon para sa atin pagdating natin. Oras na nailigtas na natin ang lahat, bumalik na kayo gamit ang linya ng kanal sa may timog-kanluran na parte ng kampo. Aatakihin ni AhLi ang kalaban sa kanang parte habang si AhCheng ay aatake sa likod bilang dibersyon. Pag nakumpirma na ni Cheng Yang na nasa kanila na lahat, itira niyo at pagsiklabin ang berdeng flare. Pagpatak ng 3 a.m., tapos na dapat ang labanan. Lahat kayo ay dapat nakabalik na sa nakatakdang lokasyon ng 3:45 a.m. Aayusin ni Xiao Jiu ang ligtas niyong pagbalik mula doon."

Ang kanyang mga mata ay kasing liwanag ng nyebe. Iniangat niya ang kanyang ulo at tinignan ang lahat ng nasa loob ng tolda at sinabi sa mababa na tono, "Mayroon pa bang hindi nakakaintindi sa misyon?"

Walang sumagot. Tumango ang babae. "Magaling. Sa ngayon, ihanda niyo ang sandata niyo at kabisaduhin ang mapa ng kampo. Pagkatapos ng kalahating oras, tatanungin ko ang bawat isa sa inyo ng pamamaraan ng laban. Kung wala nang mga tanong pa, aalis tayo sa isang oras."

"Opo," magkakasabay na sumagot ang mga tauhan at tumayo sa kanilang mga upuan. Ang maliit na tolda ay sumikip sa isang iglap.

Ang babaeng nakasuot ng cyan ay tumayo din. Kahit na mukha siyang payat at sakitin, ang kanyang maliit na mata at puno ng enerhiya. Inilagay niya ang kanyang kamay na mahigpit na nakakuyom sa tapat ng kanyang puso habang mabagal at matatag na sinabi, "Hindi maglalaho ang Da Tong."

"Hindi ito maglalaho!" sabay-sabay na sigaw ng mga tauhan. Umaayon siyang tumango habang nagsialisan na ang mga ito.

Naging tahimik ang tolda bigla at ang tanging maririnig lang ay ang malakas na hangin na umiihip sa labas ng tolda. May maayos na bagsak ng nyebe ng araw na iyon. Ang tama sa oras na makapal na pag-ulan ng nyebe ay senyales ng mabungang susunod na taon. Sana lang, ang mga tao ay magkaroon ng mas magandang buhay sa padating na taon.

Pagkatapos humigop ng tsaa, ang batang lalaki na nakasuot ng brown ay nagmamadaling pumasok sa tent at sinabing, "My Lady, nandito po si Mr. Wu."

Napataas ang kilay ng babae at bahagyang nanginig ang tasang hawak niya. inayos niya ang sarili at sinabing, "papasukin mo siya."

May bugso ng sariwang hangin ang umihip sa loob ng tolda nang tinanggal ng lalaki ang kanyang sumbrero. Siya ay nakasuot ng berdeng roba at mukha siyang matalino at matino. Siya ay nasa 27 hanggang 28 taong gulang at may mga linya sa gilid ng kanyang mga mata, ngunit hindi nito natanggal ang awra ng pagka-elegante na nilalabas ng lalaki. Ibinaba niya ang kanyang mga gamit, ngumiti at sinabing, "AhYu."

Natural na inalis ng babae ang itim na roba kay Wu Daoya at bahagyang ngumiti. "Kailan ka nakabalik? Hindi ka ba babalik sa Yan Bei?"

"May mga importanteng bagay na kinailangan akong bumalik sa capital agad," ang saad ni Wu Daoya nang umupo siya sa upuan upang tanggalin ang kanyang bota. Nang itagilid nang bahagya ang kanyang bota, makikita na puno ito ng piraso ng yelo.

Napataas ang kilay ni Lady Yu at sinabing, "Nanggaling ka ba sa mayelong kapatagan?"

"Anong magagawa ko?" itinaas ni Wu Daoya ang ulo at sinabing, "Ang tao sa palasyo ng Sheng Jin ay nagdiriwang ng kanyang kaarawan at iniimbita ang tatlong pinuno ng pamahalaan para doon. Sobrang higpit ng seguridad. Lahat ay nagiging paranoid ngayon; mas mabuting nang mag-ingat."

"Tama ka, mas mabuting maging maingat."

"Ah tama." Napasimangot na sinabi ni Wu Daoya, "Napadala si Xi Hua ng sulat na nagsasabi na ang dalawang matibay na tanggulan ng capital ay nalaman na. Totoo ba iyon?"

"Ito ay para lamang linlangin sila." Ngumisi si Lady Yu habang nagsasalin siya ng tasa ng tsaa. Iniabot niya ito kay Wu Daoya at nagpatuloy, "Sa kasalukuyan, ang pagpapatrol sa capital ay naging sobrang higpit. Pagkatapos ng bagong taon, ang buong kapaligiran sa loob ng capital ay ninenerbyos. Si Muhe Xifeng ang bagong opisyal ng bayan at punong-puno ng kasigasigan, dahilan para hindi makapamuhay ng mapayapa ang lahat. Sinadya kong ibunyag ang lokasyon ng dalawang iniwang matibay na tanggulan para sipagan niya ang pagtatrabaho niya at mabawasan ang pagiging masigasig niya. Ngunit, hindi ako nagbunyag ng maselang impormasyon, at mahirap malaman kung ang mga kaalaman na nalaman niya ay totoo o hindi. Wala din napahamak sa mga tauhan natin."

"80% lang ang tamang nahulaan ko dito." Tawa ni Wu Daoya. "nawala sa pamilya Wu ang trabaho nila at si Wei Jing ay kompleto ang pagkatalo sa timog. Dahil dito ay napunta sa pamilya Muhe ang trabaho ni Wei Shuye bilang mahistrado ng capital. Madali itong nakuha ng mga Muhe. Mukhang magiging madugo sa loob ng konseho ng Grand Elder."

"Ang hudas na Wei Guang na iyon. Sa tingin ko 90% ng mga pangyayaring ito ay gawa niya."

Napataas ang kilay ni Wu Daoya at mukhang naguluhan. "Anong ibig mong sabihin?" saad nito.

Napabuntong hininga si Lady Yu at nagpaliwanag, "Daoya, pitong taon na ang nakalipas. Kulang-kulang anim na buwan, ang young master ay makokorohanan na bilang hari. Ngunit, sa tingin mo ba ang mga elder sa imperyo, pati na rin ang Batuha Clan sa hilagang-kanluran na rehiyon, ay hahayaan ang young master na umupo sa trono sa Yan Bei nang walang problema? Nitong mga nakaraang taon, sinubukan nilang isabotahe siya sa kahit anong paraan, upang ilagay siya sa kamatayan niya. Kung hindi lang sa presensya ng ibang hari, na dahilan para matakot ang Elders na gumawa ng gulo, malamang ay pinatay na siya ng mga ito. Ito na ang huli nilang oportyunidad para isabotahe ang young master; hindi sila magpipigil. Isa pa, kaarawan din ng Emperor; lahat ng pinuno ng pamahalaan ay nasa isang bubong, at ang mga maliliit na karatig-bayan ay pupunta para magbigay ng regalo at pagbati. Lahat ay natatakot na magkakaroon ng gulo sa capital. Kahit anong mangyari sa huli, babaha ng dugo sa capital, at ang mahistrado ng capital ay siguradong mahihila sa gulong ito. Paanong ang napakatusong si Wei Guang ay hindi nakita ang hinaharap na ito? Nakapagdesisyon na ang pamilya Wei na protektahan ang sarili nila kapag nagkagulo sa imperyo."

Mataimtim na tumango si Wu Daoya at sinabing, "Tanging ikaw lang ang nakaisip sa lahat ng iyon. Mukhang sa ngayon kapag namatay na si Muhe Yunting, ang pamilya Muhe ay hindi na maaaring magkaroon ng mga henerasyon sa hinaharap sa Xia Empire. Kaya pala nakarinig ako ng balita noong papunta ako dito na ipinadala ni Zhuge Muqing si Zhuge Huai sa timog-silangang rehiyon para umayos ng mga bagay-bagay sa Song Empire. Ang utos na iyon ay para iligtas siya sa lahat ng gulo."

"Matagal kang napalagi sa capital, kaya hindi mo naintindihan ang relasyon sa pagitan ng mga bagay na ito. Bukod sa pamilya Muhe, na hindi pa sigurado sa sitwasyon, piniling makipaglaban sa Batuha Clan tungkol sa teritoryo sa Yan Bei, ang lima pang royal family ay namiling umalis sa magulong sitwasyon. Ang pamilya Mu ay direkta pang pinatawag ang Young Master Mu pabalik sa Ling Nan para maiwasan ang sakunang ito. Ang laban mong ito, ay mahirap ipaglaban."

Mabigat ang tangong sumang-ayon si Wu Daoya. Napabuntong-hininga siya. "Dahil sa araw na ito, ang 200 libong sundalo galing sa Yan Bei ay nakahanda na. Naghintay sila ng pitong taon. Kahit anong mangyari, kailangan nating siguruhin na makakaalis ng ligtas sa capital ang young master. Ang buong pamilya ng dating haring Yan ay naisakripisyo ang buhay para sa Da Tong. Hindi tayo maaaring sumuko sa natitirang kadugo ng dating hari."

Hinimas ni Lady Yu ang balikat ni Wu Daoya. "pagtatagumpayan natin ang kung anong mang humarang sa daan natin. Wag kang masyadong mag-alala tungkol doon. Kahit anong mangyari, ang buhay ng young master ay wala sa peligro; isa iyong dahilan na pwede natin ikasaya."

Nang marinig iyon, hindi mapigilan ni Wu Daoya ang mapangiti. Tumango siya at sinabing, "Ah tama, nararamdaman mo rin na medyo maayos din yung bata, hindi ba?"

"Oo." Tumango si Lady Yu. "sa batang edad, bihira ang maalam. Sa simula, para pagkatiwalaan niya ako, medyo kinailangan kong magsikap. Sa lahat ng taong ito, kung hindi dahil sa pananatili niya sa tabi ng young master, pinoprotektahan siya, sigurado ako na ang huling dugo sa bloodline ng Yan Bei ay nawala na. Ang batang ito ay likas na magaling. Tatandaan ko siya."

"hangga't naririto ka para bantayan sila, hindi ko kailangan mag-alala. Hindi ako makakapagtagal sa capital ngayon, dahil kailangan kong bumalik sa Yan Bei. Isa nanamang taon ng buwis sa tagsibol ay kailangan kolektahin. Kailangan nandoon ako para maiwasan ang imperial court at Old Batu na sobrahan ang ilalagay sa kanilang bulsa. Kahit na hindi pa man natin opisyal na nakukuha, pag-aari pa rin ng pamilya Yan ang Yan Bei. Kahit na hindi natin naibalik sa dating kaluwalhatian ang Yan Bei, ang maaari nalang natin gawin ay iwasan na manahin ng young master ang gulo."

Ngumisi si Lady Yu at sinabing, "Wag ka mag-alala, babantayan ko sila. Gagawin ko ang lahat ng kaya ko."

"My Lady, oras na po!" bigla, isang boses ang nanggaling sa labas ng tolda. Nang marinig ito ni Wu Daoya, tumayo siya at sinabing, "nandito lamang ako para sa maiksing pagbisita. Babalik ako sa sambahayan ng Yan Bei pagkatapos nito. Ang pangongolekta ng buwis para sa taglamig na panahon ay naipadala sa capital, titignan ko ang halaga na binayaran ng young master."

Tumango-tango si Lady Yu habang inihahatid niya sa labas ng tolda ang lalaki. Pinahinto siya ni Wu Daoya sa paghila sa kamay nito, "Masyadong malakas ang hangin at ang katawan mo ay mahina dahil sa sakit. Hindi na kailangang ihatid mo pa ako. Aalis na ako." Pagkatapos, ibinalik nito ang sumbrero at naglakad palabas sa tolda.

Walang galaw na tumayo doon si Lady Yu habang nakatingin sa nililipad-lipad na kurtina na para bang siya ay tulala. Pagkatapos ng ilang minuto, lumapit siya sa kanyang lamesa at pinulot ang plano sa laban at maingat itong pinag-aaralan.

"AhYu." Isang malalim na boses ang biglang narinig mula sa kung saan. Umangat ang kurtina at pumasok ulit si Wu Daoya sa tolda.

Naguguluhang napataas ang kilay ni Lady Yu habang nakatingin sa kanya.

Tahimik na nag-isip si Wu Daoya ng matagal. "Ang panahon ay palamig na ng palamig, alagaan mo dapat ang sarili mo. Wag mo gawin ang lahat ng mag-isa, at dapat gawin mo ang lahat nang may pag-iingat at maingat." Sa wakas ay nasabi nito. Pagkatapos niya sabihin iyon, tumalikod na siya at umalis. Kahit na malakas ang ihip ng hangin sa labas, naririnig pa rin niya ang papalayong mga yabag nito.

Ilang minuto ang nakalipas at isang malakas na halinghing ng kabayo ang maririnig. Nanatili pa ring nakatingin sa kurtina ng tolda si Lady Yu nang siya ay bumulong, "Ikaw din."

Mabilis na lumipas ang oras sa isang kurap ng mata, pitong taon na ang nakalipas. Ang imperial family ng Xia Empire ay lagalag noon. Noong nakaraang 300 taon, katulad sila ng mga taga Quan Rong, sumasakay ng kabayo, at tumatakbo sa Hongchuan Plains, nabubuhay sa kanilang lagalag na pamumuhay sa paghahanap ng madamong pastulan. Sa ilalim ng pamumuno ni Peiluo Zhenhuang, ang matibay na angkan na ito ay tumapak sa layunin ng nakaugalian ng mga angkan sa silangan, pinapakilala ang kanilang kultura, nagbukas ng pakikipagkalakaran at nililinang ang mga pamamaraan nila sa pagtatanim. Pagkatapos ng isang daang taon ng pag-iipon ng karanasan, ang pamumuno ng dating dayuhan ay binuwag na ang makaluma nilang paraan, itinanghal ang sarili sa panibagong paraan, naging dakila at respetado. Ang mga tao ng Xia ay ginawa itong lugar na may sariling lasa at pamana. Binago nila ang baog na lupain na nakalibing sa makapal na patong ng nyebe. Kung ikukumpara sa duwag na Tang Empire at mayabang na Song Empire, ang Xia Empire ay nagpakita ng pagkamapagbigay at pagkamahinahon ng isang dakilang bansa.

Sa parehong pagkakataon, nasa imperial family ng Xia Empire pa rin ang kapanatagan ng loob nila. Bagama't mahina ang damdamin nila sa lupain, sila ay puno ng kasigasigan pagdating sa kapangyarihan. Sila ay mapagparaya sa ibang lahi dahil sinakop nila ang maraming teritoryo, dahilan para maging masigla at makulay ang kultura nila, pinagsasama-sama ang lahat ng klase ng kultura. Ito ay naging isang natatanging pananaw sa mainland.

Malaki ang lupaing inookupa ng palasyo ng Sheng Jin. Ang iba't-ibang lahi sa kanlurang Mongolia ay mabigat na naimpluwensiyahan ang estilo ng arkitektura nito. Nagtataglay ito ng mga natatanging aspeto ng rehiyon ng Jiangnan habang pinanatili ang dakila at maharlikang awra ng hilagang-kanluran. Ang panlabas na pader ay matibay at ang pulang pader ay baldosado ng ginto. Ang platform ay gawa sa jet-black na bato at ang moat nito ay sobrang malalim. Ang palasyo ay mahigpit na binabantayan, dahilan para maging mabigat ang atmospera sa loob nito. Sa gitna ng palasyo, nagpupulong ang mga opisyal para pag-usapan ang mga mahahalagang usapin ng bansa. Sa mahogany hall, golden gate building, at palasyo ng Xia Hua Sheng, ay magarbo at maharlika. Sa likod ng palasyo ay kung saan nakatira ang mga prinsipe, mga prinsesa, at mga kerida. Ito ay punong-puno ng magagandang puno at sapa, pavilion at mga tulay. Isa itong maganda at komplikadong tanawin. Ang spring water mula sa tuktok ng Ya Lang ay dumadaloy sa lupa ng palasyo sa pamamagitan ng mga serye ng mga tubo habang pinasisigla nito ang mga bulaklak at palahayupan sa loob ng palasyo. Lahat ng ito ay binigyan ang palasyo ng nakakamanghang tanawin, dahilan para mabigyan ito ng palayaw na 'Little Southern Tang'.