webnovel

Chapter 01

"Kuya! Pakibilisan naman ang kilos mo baka malate tayo sa bago nating University!!" malakas na sigaw ni Tanya habang bumaba ng hagdan at nagderestso sa dining area nila, kung saan nadatnan nya ang kanyang mga magulang na kumakain ng umagahan.

"Goodmorning Papa and Goodmorning to you Mama!" malawak ang ngiting bati ni Tanya sa kanilang mga magulang.

Humalik siya sa parehas na pisngi ng kaniyang magulang bao umupo sa upuang katabi ng kanyang ama.

"Nasaan ang Kuya Ezra mo?"

"Naku Papa ang bagal kumilos ni kuya parang di excited na new University namin." angal ni Tanya habang naglalagay ng pagkain sa kanyang plato.

"Hindi ka na nasanay sa Kuya mo, kahit naman sa dati niyong eskwelahan ay ganiyan 'yan." ngiting kumento ng kanyang ina na ikinangusong ikinatingin ni Tanya dito.

"Kanino ba nagmana yang si Kuya Ezra ha Mama?Laging naka poker face ang mukha, masungit at introvert.Paano magkaka-girlfriend si kuya kung ganun sya?"

"You don't have to meddle in that part of my life Erza, so shut your mouth up."

Napalingon silang tatlo kay Taz na kararating lang at deretsong umupo sa tabi ng ina nito.

"Agang-aga kuya ang sungit mo, pag dating natin sa UDM makipagkaibigan ka kaagad ha?" bilin ni Tanya na poker face lang na ikinalingon ng kuya nya.

"I go to school to study, not to do that friends stuff." sabi nito bago binalik ang tingin sa pinggan nyang nilagyan nya lang ng kaunting pagkain.

Magsasalita pa sana si Tanya ng tapikin sya ng kanyang ama na ikinalingon nya dito na umiling sa kanya.

Alam kasi ng kanilang mga magulang na may pagkaseryoso ang kanilang panganay na anak, wala silang nabalitaan na kahit sinong naging kaibigan nito o nagustuhang babae.Tahimik lang ito minsan at tanging sa kanila lang ito nakikipagusap at sa Lolo nitong si Lolo Sid na malapit sa loob ni Taz.

Sila ang pamilya Westaria na kilala sa business world, marami silang business na hawak, pero kahit mayaman sila ay simpleng pamumuhay lang ang gusto nila.

Tahimik nalang silang kumain at matapos kumain ni Taz ay tumayo na ito pero bago pa ito makaalis sa dining area ay tinawag ito ng kanyang ama.

"Ezra. . ."

Seryoso lang na lumingon si Taz sa kanyang ama nang mabilis niyang sinalo ang kung anong inihagis nito sa kanya na agad nyang tiningnan.

"Wahhhh! Papa bakit si kuya binigyan mo ng kotse?" angal ni Tanya na agad tumayo sa kinauupuan niya at lumapit sa kuya Taz nya.

Akmang kukunin nya ang susi na hawak nito nang mabilis itong nilayo ni Taz at inakbayan si Tanya para matigil sa kinatatayuan nito na ikinanguso ng dalaga

"Ikaw na ang bahala sa kapatid mo." bilin ng kanyang ama na ikinatango ni Taz.

"Thanks dad, were leaving na po." sambit nito bago umalis sa kusina akbay-akbay si Tanya na pilit kumakawala sa pagkaka-akbay ng kuya nya pero hindi niya magawa.

"Kuya! Hindi pa ako tapos kumain eh!"

"What you ate is enough Erza, tumataba ka na." kumento ni Taz na mahinang ikinahampas nito sa dibdib ng kuya niya.

"Kapal mo kuya!"

Hindi nalang umangal si Tanya sa kanyang kuya nang pagbuksan na siya nito ng pintuan ng bagong kotse nito na bigay ng kanilang ama, nang makasakay na si Taz ay agad na nagkumento si Tanya sa bago nitong sasakyan.

"Astig ng kotse mo kuyw, the features, 'yung design kyaah! Gusto ko din ng ganito." namamanghang angal ni Tanya na ikinangisi ni Taz sa kanya.

"You can't drive Erza, so no car for you." asar ni Taz dito na ikinasimangot ni Tanya sa kanyang kapatid.

"Yabang! Pag ako natuto, who you ka sa akin!"

"Not in a chance Tanya Erza, sumakay ka nalang pero hindi ka pwedeng magmaneho."

"Ang unfair naman nun!" angal ni Tanya na hindi pinansin ni Taz at binuksan na lamang nito ang makina ng kotse nito at pinaandar na.

"Just shut the fvck up Erza while we are in our travel."

"Isusumbong kita kay mama nagmura ka na naman!" mas lalong nainis na angal ni Tanya na ikinaungos nalang ni Taz.

"Mag girlfriend ka na nga para dalawa kaming umaaway sayo." sabi ni Tanya kay Taz na seryoso lang na nagmamaneho.

"Kuya bakit hindi mo subukan ligawan si Themis?Patay na patay 'yun sayo diba?"

"Mananahimik ka ba sa kinauupuan mo o ilalaglag kita sa kotse ko." banta ni Taz sa kapatid na ikinairap nalang ni Tanya at humalukipkip sa pagkakaupo nito.

"Sungit!"

Nanahimik nalang si Tanya sa kinauupuan nya dahil alam nyang hindi maayos na kausap ang kuya nya. Hindi nya lubos maisip kung kanino nagmana ang kapatid nya dahil sweet naman ang kanilang ama, mabait ang kanilang ina. Minsan iniisip ni Tanya na baka sa Lolo Dan nila ito nagmana dahil may pagkakaparehas sila ng pagsusungit.

Ilang oras na biyahe ay nakarating na sila sa bago nilang paaralan, agad na pinasok ni Taz ang kotse niya at mabilis na itong ipinarada sa parking area ng school. Agad na lumabas si Tanya at namamanghang nilibot ang paningin sa malawak na school na nakikita nya ngayon.

"Wow! This is the best University i've ever seen." manghang kumento ni Tanya na ikinalingon niya sa kuya niyang lumabas na din ng kotse nito.

"Kuya ang ganda ng new University natin nuh?"

"Ordinary." maikling kumento ni Taz na hindi nalang pinuna ni Tanya.

Napatingin sya sa mga estudyante na napapatingin sa kanila, at ilan dito ay mga babaeng nakatingin sa kuya niya na parang walang pakielam sa paligid nito.

Alam naman nya na magiging heartthrob ang kuya niya sa bago nilang school, dahil hindi sa pagmamayabang ay sobrang gwapo ng kaniyang kuya, matalino pa pero para kay Tanya ay bagsak ito sa ugali, kaya malamang na maraming babae ang iiyak dito dahil hindi sila mapapansin ng kuya niya.

"Let's go." aya ni Taz sa kaniyang kapatid na nagsimula ng maglakad at agad na hinabol at sinabayan ng lakad ni Tanya.

"Kuya pinagtitinginan ka ng mga babae oh? Na hook agad sila sa kagwapuhan mo." ngiting kumento ni Tanya sa kuya niyang sa daan lang nakatuon ang atensyon.

"Sana naman Kuya may maging kaibigan ka dito o kaya naman girlfriend." sabi pa niya na ikinahinto ng kuya niya, ganun din sya sa paglalakad bago ito humarap sa kanya na poker face ang mukha na nakaharap sa kanya

"I don't need friends Erza neither girlfriend so stop telling me to have that two because that will never be happen." sabi lang nang Kuya nya na akmang iiwan si Tanya ng muli nya itong tingnan.

"You're old enough to find your building right?Kailangan pa ba kitang ihatid?"

"No need Kuya Ezra, dahil sa pagkakaalam ko malayo ang Fine Arts Department sa Business Management Department. Tsaka baka pagkaguluhan ka pa doon at pag nalaman ng mga kakababaihan dun na kapatid kita baka plastikin lang nila ako mapalapit lang sayo." pahayag ni Tanya na tinapik lang ng kuya nya sa balikat nya.

"Ang dami mong sinabi, it's just a Yes or No Erza." sabi ni Taz bago iwan si Tanya na ikinaungos lang nito sa papalayong bulto ng kapatid niya.

"Ang dami ko daw sinabi? Sadyang tamad lang siyang magsalita."

Nagsimula ng maglakad si Tanya papunta sa Department nya, Fine Arts ang kinuha niyang course dahil paborito nya ang arts. Second year college na sya at ang kuya naman niya ay Graduating na sa course nitong Business Management, dahil ito ang papalit sa ama nila sa pagpapatakbo ng Westaria group of companies.

Akala ni Tanya ay hindi sila tatanggapin ng Unibersidad De Manila ng kaniyang kuya dahil sa kumplikado ang paglipat nila, pero nagawan ito ng paraan ng kanilang ama.

SA DEAN OFFICE NG BUS.MANAGEMENT ay nag iinit na naman ang ulo ng dean dahil sa ika-apat na pagkakataon, ay ang matigas ang ulo at pasaway at laging nangunguna na si Travis ang nasa harapan nito.

Nirereklamo si Travis ng iba nitong mga professor dahil kung hindi ito nagbubulakbol sa mga klase nito ay ito naman ang nangunguna sa kalokohan, kaya pati ang dean nila ay namumuti na ang buhok ng dahil sa kanya.

"Mr.Amadeus, ito na ang Ikalabing-walo na beses na pinatawag ka dito sa office ko. Nagsumbong ang professor mo sa akin sa Biology at sinira mo daw ang mga gagamitin niyong mga laboratory apparatus." kunsuming reklamo ng dean sa kaniya na bored na ikinatingin lang ni Travis dito.

"Dean, hindi ko naman sinasadya 'yung nangyari, natabig ko lang po ang mga 'yun. Tsaka ayaw nyo nun dean, lagi niyong nakikita ang gwapo kong mukha, sarap kayang tambayan ng office niyo." ngiting pahayag ni Travis na inis na ikinapikit ng Dean nila at muli syang tiningnan.

"Mr.Amadeus, you're graduating this year kaya pwede ba magtino ka naman.Simula first year hanggang ngayon sakit kita sa ulo dahil lagi kang reklamo ng mga professor mo.Ipapatawag ko na talaga ang parents mo para kausapin sila." sabi nito na parang balewala kay Travis.

"Dean, busy ang parents ko sa business nila, nakakahiya naman kung iistorbohin niyo dahil lang sa akin. Promise po magpapakabait na po ako." pangako ni Travis na alam ng dean nila na hanggang salita lang ito.

Magsasalita pa sana ang Dean nila ng magbukas ang pintuan ng office nito at pumasok doon ang may seryosong mukha ni Taz na parehas nilang ikinatingin dito.

"I'm Taz Erza Westaria, i'm here to get my schedule." seryoso at walang emosyong sabi nito sa Dean na ikinatitig ni Travis dito.

Hindi alam ni Travis kung bakit iba ang pakiramdam niya sa lalaking mukhang bago sa UDM, pakiramdam niya ay hindi ito magandang kaaway o kabanggain. Pero isa ang pumasok sa isipan ni Travis na parang gusto niyang maging kaibigan ito, hindi dahil sa kakaibang awra nito kundi parehas silang gwapo.

"Ah Mr.Westaria, naabisuhan na ako sa pagdating mo. Wait i'll get your schedule." ngiting sabi ng dean na tumingin muna kay Travis.

"And you Mr.Amadeus were not done yet! Mag-uusap pa tayo!" madiin na bilin nito kay Travis bago pumunta sa lamesa nito at hanapin ang hinihingi ng bagong estudyante at ka Department ni Travis.

Tahimik lang na naghihintay si Taz sa schedule niya ng tumayo si Travis at malawak ang ngiting lumapit kay Taz.

"Yow dude!Transferee ka?" tanong niya dito na hindi siya binigyan pansin na ikinakunot ng noo niya.

"Ako nga pala si Travis Lancellot Amadeus, sa Room A-1 ako sana maging mag kaklase tayo, feeling ko magkakasundo tayo." sabi ni Travis dito na poker face at walang emosyong ikinalingon ni Taz sa kanya.

"Stay the f*cking away with me." pahayag nito sa kanya na bahagya niyang ikinalayo dito dahil sa ibang klase ng dating nito na mapanganib.

"Ito na Mr.Westaria, sa Room A-1 ang klase mo. Welcome to Business Management Department." ngiting sabi ng Dean na inabot kay Taz ang schedule na kinuha nito.

"Were classmate bro sabi ko n--"

Hindi natapos ang sasabihin ni Travis ng makita niya ang paglabas ni Taz sa office ng Dean nila.Sa tingin ni Travis ay mailap ang taong nagugustuhan niyang maging kaibigan.

"Friendly sya nuh Dean?" sabing kumento ni Travis sa Dean nila na naka masungit mode na naman sa kanya na ngingiti-ngiti nyang ikinabalik sa kina uupuan nya kanina.

"Peace na tayo Dean, mag start na klase ko oh? Mamaya nalang po ulit tayo magkita ha?" sabi nya na akmang tatayo sa pagkakaupo nya

"UMUPO KA MR.AMADEUS, HINDI PA TAYO TAPOS MAG USAP." bulyaw ng dean kay Travis na mabilis na bumalik sa pagkakaupo nito at umupo ng tuwid.

"Sabi ko nga po usap pa tayo eh."

Lihim na napabuntong hininga si Travis dahil balak niyang sundan ang bagong transferee at kaibiganin ito, pero mukhang hindi niya agad 'yun magagawa dahil mapapaulanan na naman sya ng sermon ng Dean nila.