webnovel

Chapter 02

CHAPTER 2

Lahat ng Atensyon ng mga estudyante ng 4-A Business Administration Management ay nakikinig sa pagtuturo ng Math teacher nila at bawat tinuturo nito ay iniintindi ng mga estudyante maliban kay Travis na ang atensyon ay nakatuon sa bago nilang kaklase na si Taz na tahimik lang sa upuan nito at sa labas ng bintana naman nakatuon ang atensyon.

Hindi alam ni Travis kung bakit gustong gusto nyang maging kaibigan ang transferee student na ito.Gwapo si Taz pero gwapo din naman sya at alam nyang gusto nyang mapalapit dito hindi dahil attracted sya kay Taz hindi sya bakla kundi may iba talaga na humihigit sa kanya na makipagkilala dito,may pakiramdam kasi sya na kailangan nito ng makakausap o kaibigan pero may palagay si Travis na hindi yun madaling gawin dahil halata naman na ayaw nitong makipag usap sa iba.Naobserbahan nya na ito sa tatlong araw simula ng magtransfer ito sa UDM at maging kaklase nya, tahimik lang ito at mas pinipiling mapag isa.After class umaalis agad ito at patago nya itong sinusundan at tatlong araw din nyang nakikita na may magandang babae itong inaantay sa parking lot.Naisip ni Travis na baka girlfriend 'yun ni Taz dahil dito nya lang ito nakitang ngumiti kahit bahagya lang.Siguradong magwawala ang mga babae sa Business Ad pag nalaman nila na taken na ang pinagpapantasyahan nila.

Napabuntong hininga nalang si Travis at dumukmo sa desk nya habang nag iisip kung paano makikipaglapit sa mailap nyang kaklase.Siguro naman mapipilitan itong makipag kaibigan pag nakulitan ito sa kanya,napangisi tuloy si Travis sa naisip nya at kasabay nun ay nag isip na sya ng paraan kung paano nya makukulit si Taz na makipagkaibigan sa kanya.

Umayos sya sa pagkakaupo nya at mabilis na tinawag ang atensyon ng professor nila na natigil sa pagtuturo dahil sa pagtayo nya at pagtawag nya dito na ikinalingon ng mga kaklase nya maliban lang kay Taz na sa bintana parin seryosong nakatingin.

"Mr.Amadeus what is it this time?I'm lecturing here."

Malawak na ngumiti si Travis na narinig nya ang mga kaklase nyang babae na kinikilig sa ngiti nya. Hearthrob din kasi sya ng UDM at sa pagkakaalam nya lima silang pinagkakaguluhan dito kasama na doon si Taz pero hindi naman nya inaalam kung sino ang iba.

"Prof hindi ko po kasi kayo masyado marinig eh gusto ko sanang umupo malapit sa iniu." sabi ni Travis na bahagyang ikinagulat ng prof nila at ng mga kaklase nya na hindi nya binigyang pansin.

Nasa likuran kasi nakapwesto si Travis dahil gusto nito na sa dulo sya nakaupo at hindi makapaniwala ang mga kaklase nya kahit ang professor nila dahil sa biglang pagsabi nito na gusto nyang lumipat ng upuan malapit sa unahan.

Alam lahat ng mga professor ng Bus.Ad na pasaway at masakit sa ulong ihandle si Travis,lagi itong nagka cutting classes at napapasama sa gulo at laging napapadala sa Dean's office dahil nireraklamo ito ng mga prof nito sa ibang subject.Matalino naman si Travis at alam ng mga prof na tinatamad lang ito magseryoso sa pag aaral kaya nakakapagtaka ang biglang pagsabi nito na gustong umupo sa unahan para makakinig ng ayos sa tinuturo ng prof nila.

"Gusto mong lumipat ng upuan malapit sa unahan?" hindi parin makapaniwalang tanong ng prof nila na ngiting ikinatangi nya bago sya naglakad sa katabing upuan ni Taz na ikinalingon ng babaeng nakaupo dito.

"Yes po at gusto ko ang pwestong ito." sabi nya bago lumingon sa babaeng nakaupo sa tabi ni Taz na parang walang pakielam sa nangyayari.

"Exchange sit tayo, stand up and move." sabi nito sa kaklase nyang babae na ikinalapit ng prof nila sa kanya.

"Mr.Amadeus that is her sitting arrangement kaya hindi mo dapat sya paalisin sa kinauupuan nya, kung gusto mo talagang lumapit para makapakinig ng maayos better sit on the first row and---"

"I said dito ko gustong lumipat ng upuan Prof. ayoko sa first row gusto ko dito and it's final." pahayag nya na kita nyang ikinatayo ng kaklase nyang babae na hawak na ang mga gamit nito na ikinalingon ng prof nila dito.

"Ms.Vallejo----"

"Sa unahan nalang po ako Ma'am." sabi nito bago mabilis na pumunta sa first row at umupo sa bakanteng upuan na ikinangisi ni Travis at mabilis umupo sa katabing upuan ni Taz na iiling iling nalang na ikinabalik ng prof nila sa unahan upang ipagpatuloy ang pagtuturo ng si Taz naman ang biglang tumayo na ikinalingon nilang lahat dito.

"Mr Westaria don't tell me . . ."

"It's already time to end your lecture, i think you should go for your next class." sabi nito bago kinuha ang mga gamit nya at walang paalam na lumabas ng room nila na habol tingin nilang lahat.

Mabilis tiningnan ni Travis ang relo nya at nakita nya na tapos na ang oras ng klase nila sa math prof nila at next nilang class ay sa auditorium which is sports na mukhang doon na pupunta si Taz kaya agad syang tumayo at binitbit ang mga gamit nya at mabilis na hinabol si Taz na pababa ng Bus.Ad building.

Tumakbo sya ng mabilis at agad sinabayan ng paglalakad si Taz na napatigil at poker face na napalingon sa kanya.

"Yow dude!Makikisabay sana ako sayo pagpunta sa Auditorium eh.Mahirap maglakad doon mag isa at walang kasama." ngiting pahayag ni Travis kay Taz

"I don't need a companion to go their so f*cking f*ck back off and don't call me dude you dimwit." seryosong pahayag nito na nagsimula ulit maglakad na hindi pinakinggan ni Travis at sumabay parin sa paglalakad ni Taz na ikinatigil na naman nito.

"Ang ilap mo naman dude!Nakikipag kaibigan lang ako, hindi masaya ang fourth year mo kung mag isa kalang kailangan mo din ng makakasama." sabi nito na poker face lang na ikinatitig ni Taz sa kanya.

"Do i f*cking care?Will you f*cking stay away from me and don't f*cking annoyed me.I know how to f*cking beat when i'm f*cking pissed and f*cking annoyed." seryosong may babalang sambit nito kay Travis bago nya ito iwan na natulala sa mga sinabi nya.

Itinaas ni Travis ang mga kamay nya at binilang ang salitang f*ck na lumabas sa bibig ni Taz na ikinangiwi nya.

"Anim na beses syang nagmura, mukhang paborito nya ang salitang f*ck ah!Jeez mukhang mahihirapan ako sa isang yun." sabi ni Travis na napakamot sa batok nito at muling sinundan si Taz.

Hindi mapipigilan ni Taz ng pagmumura nya ang pagiging makulit ni Travis dahil desidido parin itong maging kaibigan si Taz.Isa pa naiisip ni Travis na kung magiging magkaibigan sila ni Taz ay may makakasama na syang gumawa ng kalokohan kahit malabong mangyari yun pero pipilitin parin nyang maging kaibigan ito mainis man ito sa kanya o murahin man sya nito ng paulit ulit.

Matapos ang maghapong pag aaral ay tahimik at seryosong naglalakad si Taz sa pinagpaparadahan ng kotse nya ng madatnan nya si Tanya na naksandal sa bumper ng kotse nya na mukhang hinihintay sya at ng mapansin sya nito ay agad itong kumaway sa kanya.

"Hi Kuya!!Kamusta ang first day ng school may bago ka na bang kaibigan?" ngiting salubong na tanong ni Tanya sa kuya nyang poker face na tumigil sa harapan nya.

"I came here on school not for having a friends Erza so quit asking me about that."

"Ang KJ mo Kuya alangan namang hanggang grumaduate ka ay magpaka loner ka?" sita ni Tanya kay Taz na nakatanggap ng pitik sa noo nya.

"Aray naman Kuya bakit ba namimitik ka dyan!"

"It's good to be alone than to have a shitty friends." sagot ng Kuya nya na ikinanguso ni Tanya.

"Sabihin mo introvert ka lang!Ang saya saya kaya magkaroon ng kaibigan." Pahayag ni Tanya na hindi nalang pinansin ni Taz at akmang lalakad papasok sa kotse nya ng matigilan si Taz at magsalubong ang kilay ng sumulpot sa harapan nila ni Tanya ang isang lalaki na sa pagkakatanda nya ay ang maingay nyang kaklase.

"Hi dude!Buti naman naabutan kita." malawak na ngiting sabi ni Travis na poker face lang na ikinatingin ni Taz sa kanya

"Don't dude me you f*cker!"

"Bunganga mo nga Kuya!" sita ni Tanya kay Taz at ngiting lumingon kay Travis.

"Hi kaibigan ka ba ng Kapatid ko?"

"He's not my f*cking friend Erza." sabi ni Taz na sinansala ni Travis.

"Oo kaibigan ako ni Taz nahihiya lang syang aminin.Magkaklase din kami kaya nga close na nga kami eh!" sagot ni Travis na mas ikinangiti ni Tanya.

"What the f*ck. . . "

Hindi natapos ni Taz ang sasabihin nya ng masama syang balingan ng tingin ni Tanya.

"Kuya you always telling me na bad ang magsinungaling!Sabi mo wala kang naging kaibigan ngayon at KJ ang kaibigan tapos may naging friend ka na pala." nagtatampong hinaing ni Tanya kay Taz na binigyan ng masamang tingin si Travis na malawak lang na ngumiti sa kanya.

"He's not my f*cking friend and i knew how to beat a f*cking liar.Yes Erza i hate lies same with the person who telling lies." seryosong pahayag ni Taz na ikinawala ng ngiti ni Travis at inilagay ang kanang kamay sa batok nya.

"Ang harsh mo dude!" sabi ni Travis na ikinasang ayon ni Tanya.

"Oo nga Kuya ang harsh mo, nakikipagkaibigan lang si. .Ano nga pangalan mo?" baling na tanong ni Tanya kay Travis.

"Travis Lancellot Amadeus, hindi ako magtataka na maganda ka kasi gwapo Kuya mo eh." ngiting puri ni Travis na mahinang ikinatawa ni Tanya.

"Are you a f*cking gay Amadeus?"

"Hindi ah marunong lang ako mag appreciate." sagot ni Travis na ikinaungos lang ni Taz.

"Let's go home Erza." aya ni Taz na agad ikinaharang ni Travis sa lalakan nya.

"F*ck!Will you stay out on my way!" inis na sita ni Taz kay Travis.

"I really want you to be my friend Taz kaya pasensya na kung makulit ako pero pag may gusto akong kaibiganin hindi ko tinatantanan." pahayag ni Travis na malamig na ikinangisi ni Taz.

"Bad for you i don't do friends so back off."

"Kuya. . ."

"Shut up Erza get in the car." sita nya kay Tanya na walang nagawa kundi ang sumakay sa kotse ng kapatid nya.

"Sa tingin ko mahirap makuha ang loob pero mahirap din akong pasukuin kaya gagawin ko lahat maging kaibigan ka lang." kalmadong sabi ni Travis na ikinatitig lang ni Taz sa kanya.

"Anyway flat kasi yung gulong ng kotse ko pwede bang makisakay?"

"Why should i let you ride on my car?"

"Because i'm going to be your best friend." ngiting pahayag ni Travis

"Dream off dimwit!"

Bahagyang itinabi ni Taz si Travis na nakaharang sa harapan nya at binuksan na ang pintuan ng kotse nya habang nagsasalita parin si Travis.

"Sige na Taz makikisakay lang naman ako!Ang layo pa ng bahay namin at baka kinabukasan pa ako makauwi.Hindi ako sanay mag commute." sabi nito na deretso lang na ikinasakay ni Taz sa kotse.

"Kuya naman, kawawa naman si Travis oh!" pangungunsensya ni Tanya sa kapatid nya.

"You f*cking don't know him Erza so don't pity him." sita ni Taz sa kanya na sinimulang paandarin ang makina ng kotse nya.

"Bakit kasi di mo subukan ang pakikipagkaibigan ni Travis sayo?Yes we just knew him this day pero nakikita ko naman magiging mabuti syang kaibigan." pahayag ni Tanya na hindi ikinaimik ni Taz at pinaandar na ang sasakyan nya at habang papalayo sila ay napatingin sya sa rear mirror nya at nakita parin si Travis na nakatayo sa kinatatayuan nito habang nakatingin sa papalayong sasakyan nila.

Taz doesn't want to gain some friends dahil para sa kanya makakaabala lang ang mga ito sa pag aaral nya.He needs to be graduate para matulungan nya na ang Daddy nya sa paghahandle ng Westaria's group of companies.But when Travis told him that he wants to be friends with him he saw eagerness that he really wants to be his friend.Hindi alam ni Taz kung bakit sinasabi ng sarili nya ngayon na subukang tanggapin ang pakikipag kaibigan ni Travis .

Inihinto ni Taz ang sasakyan nya na ikinatakang ikinalingon ni Tanya sa kanya.

"Why did you stopped Kuya?" tanong ni Tanya na hindi nya sinagot at walang ano-ano ay pinaandar nya ang kotse pabalik sa lugar kung saan nananatili paring nakatayo si Travis na mabilis na napansim ng binata at nakatingin lang sa kotse ni Taz na pabalik at huminto sa tapat nya.

Lumapit si Travis sa may bintana kung nasan si Taz ng dahan dahan itong bumaba at poker face syang nilingon ni Taz.

"Hop in." maikling sambit ni Taz na ikinaliwanag ng mukha ni Travis na agad sumakay sa back seat dahil baka mag bago ang isip ni Taz.

Nang makasakay si Travis ay muli ng pinaandar ni Taz ang sasakyan nya habang sya ay nakangiting pinagmamasdan ng kapatid nya.

"Bakit nagbago isip mo Taz?Gusto mo na akong maging kaibigan noh?" pahayag ni Taz na seryoso lang na tiningnan ni Taz sa rear mirror nya.

"Hindi dahil pinasakay kita pumapayag na akong maging kaibigan ka huwag kang assuming Amadeus."

"Huwag ka na kasing mahiya Taz hindi naman masamang maging kaibigan ko eh!Parehas tayong gwapo."

"You shut up or I'll throw you out on my car." banta ni Taz na mabilis na ikinabaling ni Travis kay Tanya.

"Ang sweet ng Kuya mo nuh?" sabi nya kay Tanya na bahagyang napatawa.

"Tss!"

Hindi alam ni Taz kung magsisisi sya sa ginawang pagpapasakay nya kay Travis dahil buong byahe nila ay salita ng salita si Travis.Marami itong kwento na hindi naman sya interesado pero ang kapatid nyang si Tanya ay tuwang tuwa dito.Itinatago nalang ni Taz ang inis kay Travis dahil nakikita nyang nag eenjoy si Tanya na kausap si Travis kaya kahit sumasakit na ang tenga nya sa kaingayan ni Travis ay hindi nalang nya pinansin hanggang sa maibaba nila ito sa tapat ng bahay nila at hindi na inabalang pagsalitain pa si Travis at pinaharurot nya na ang kotse nya paalis.

"Ang bad mo Kuya magpapaalam pa si Travis sayo eh!" sita ni Tanya sa kanya

"Naiirita na ako sa boses nya so that's enough!" sagot ni Taz na ikinailing ni Tanya.

"Ang harsh mo sa kanya pero masaya ako at kaibigan mo na sya."

"He's not my friend."

"You always said that pero iba naman na ang nakikita ko.Anyway alam mo bang kalapit building lang namin ang mga taga Journalist department." pag iiba ng usapan nila ni Tanya na ikinasalubong ng kilay ni Taz.

"So?Do i have business with that?"

"Wala naman sinasabi ko lang.May nakita kasi akong dalawang magkaibigan na masayang nag uusap sa may corridor nila.They look so close friends or it might be magbestfriend sila basta ang cute ng samahan nila at parehas pa silang maganda." pagkukwento ni Tanya na halatang hindi interesadong pakinggan ni Taz ang sinasabi ng kapatid nya.

"And alam mo Kuya Ezra gusto ko yung isang babae na kausap ng kaibigan nya.She's simple but pretty kaya lang kahit masaya syang nakikipag kwentuhan sa kaibigan nya may lungkot akong nakikita sa mga mata nya.Pakiramdam ko tuloy gusto ko syang maging friend.Hayaan mo Kuya pag napalapit ako sa kanya ipapakilala kita sa kanya para naman magkalove life ka na." pahayag ni Tanya na ikinapoker face lang ni Taz.

"Not interested so don't match me with any random girls Erza." sagot ng Kuya nya sa kanya.

"Sa tingin ko naman kakaibang babae sya eh!Tsaka Kuya ha ayokong tumanda kang mag isa at walang magiging pamilya.Isa pa malay mo magkasundo kayo, wait i heard her friend called her name eh, ano ngang name nya?"

Inisip ni Tanya ang pangalan ng babaeng napansin nya na ikinailing nalang ni Taz.Sanay na sya sa kapatid nyang pinipilit syang magka relasyon pero hindi nya inakala na may mas ikakakulit si Tanya about dito.Hindi alam ni Taz kung anong nakita ni Tanya sa babaeng una palang nitong nakita at ganito itong kagusto na maging kaibigan ito at ipakilala sa kanya.

"Ano nga ang name nya?"

"Stop what you were thinking Erza, i have no plan to enter a f*cking relationship with a girl." sita nya sa kapatid nya na hindi sya pinansin at patuloy lang sa pag iisip sa pangalan ng babaeng tinutukoy nito.

"Is it Paula,nah!Ga-- i think her name start with the letter G."

Hindi napansin ni Tanya na nakarating na sila sa bahay nila at napatingin sa Kuya nyang nakalabas na ng sasakyan at dere-deretsong pumasok sa mansyon nila na agad nyang ikinalabas sa kotse at pilit nyang tinatawag ang Kuya nya pero hindi sya nito nililingon.

"Kuya i remember her name na!!Her name is Gail Kuya!!!KUYA DID YOU HEAR ME!!!" sigaw na ni Tanya na napasimangot ng hindi nya na matanaw ang kapatid nya.

"Ang KJ talaga ng isang iyon!Sya na nga binibigyan ng lovelife sya pa tumatanggi.Bahala na nga ang kumag kong Kuya na yun pero kung mainlove man sya sana naman Lord yung babaeng yun ang ipadala mo sa kanya." dasal ni Tanya na naiiling na naglakad papasok sa mansyon nila