webnovel

Chapter 6.2

"UTANG na loob, ipakasal niyo ako sa kahit kanino. Kahit sa janitor ng SFC pero huwag sa Thrace na iyon!"

Gustong maghisterikal ni Chyiarah habang ang kanyang ama ay nagsasalubong ang mga kilay. Napakunot naman ng noo ang kanyang ina sa outburst niya. Kaaalis lang ng mga bisita. At ang walanghiyang Thrace na iyon… ah!

She could still hear his voice in her mind.

'Pwede ko bang iuwi ang fiancée ko?'

Napatanga si Emmanuel sa sinabi ni Thrace. Tumawa naman bigla ang lalaki bilang pang-amyenda.

'I mean we barely know each other yet. Gusto ko sanang makilala namin ang isa't-isa. A week or two. May bahay ako sa Ayala Heights at doon ako tumutuloy dahil mas malapit iyon sa main office ng Bachelor Banks dito sa Pilipinas.'

'You mean, gusto mong ibahay ang anak ko, hindi pa man kayo naikakasal?'

Tumikhim si Avio. 'What my son wanted to say is he wanted sometime alone with your lovely daughter. After a week or two kasi ay babalik siya sa Europe para sa iba pang business na inaasikaso niya. Gusto niyang bago ang kasal ay kilala na nilang maayos ang isa't-isa para nga naman hindi sila nangangapa sa magiging pagsasama nila, hindi ba?'

'That was a great idea! Mas mabuting makilala ng mga bata ang isa't-isa. Para madali nilang malaman kung paano pakikitunguhan ang bawat isa.'

'Which I think will surely not be hard for them. Kita naman natin na magkasundo agad sila.'

Nang makahulugang lingunin siya ni Thrace ay gustong-gusto na niya itong sapakin. But he was too handsome na para bang hindi niya kayang pingasan ang kagwapuhan nito. Might as well murder his lips in a savage kisses.

Oh, what the heck! She was crazy!

Sa huli ay napagkasunduan na susunduin siya ni Thrace bukas ng umaga. At hindi niya matanggap na nakuha ng lalaking iyon ang gusto nito. Her rebel heart wanted to explode in such anger and annoyance.

Surely ay gusto lang nitong ituloy ang mga panlalandi nito sa kanya. At natatakot siya sa kanyang sarili dahil sa simpleng haplos lang nito ay bumibigay siya. Kahit pa nga sa harap ng mga magulang nila. Paano pa kaya kapag sila nalang dalawa?

Kailangan niyang panatilihin ang galit rito para naman maski pride ay maisalba pa niya.

Deep in her heart ay alam ni Chyiarah na gusto na niya si Thrace sa unang pagkikita palang nila. At sa tuwing hahawakan siya nito ay humihiwalay ang matinong isip niya sa kanyang katawan. Pero walang silbi na aminin iyon. At hindi dapat na hayaan niya ang sarili na patuloy na magustuhan si Thrace dahil isa itong oportunista!

"Anong sinasabi mo, Chyiarah?" nakakunot-noong tanong ng ama. Nagbago ang maliwanag na ekspresyon nito at tumigas ang mukha dahil sa lantarang pagwawala ng suwail na anak.

Hindi alam ni Chyiarah kung dapat na ipagpasalamat na wala sa bahay nila ang mga kapatid na lalaki dahil malamang na maging five against one ang labanan. Surely, kung malaman ng mga kapatid niya ang dahilan ng mabilisang pagka-engage niya ay malamang na mauna pa ang mga iyon na sumang-ayon.

Samantalang ang mga ito, porke mga lalaki, kahit ilang makamundong eskandalo ang kasangkutan ay ayos lang. That was double standard. Pwedeng lumigaya at magpaligaya ang mga lalaki pero kapag ang babae ang nasangkot sa ganoong gawain ay napakasama nang tingin sa kanila?

"Okay naman kayo ni Thrace kanina. Anong nirereklamo mo ngayon?"

"Magiging impyerno ang buhay ko sa kanya!" Hurumentadong sigaw niya sa mga ito na para bang gusto niyang alugin ang bawat pares ng balikat ng mga magulang.

'Impyerno? Maybe, maglalagablab ka lang naman sa init sa tuwing magkakasarilinan kayo. At kahit nga isipin palang siya ay nag-aapoy ka na sa pagnanasa.' The other side of her mind mocked her. At gusto niyang ibalya ang ideya na iyon.

"Hija? Ano bang nangyayari sa 'yo? Bakit nagkakaganyan ka samantalang kanina ay nakikita naming magkasundo kayo?" Nagtataka na rin ang ina ni Chyiarah.

"Thrace is a great man, Chyiarah. Hindi iilang beses na pinuri ni Avio sa harapan ko ang batang iyon. Maski noong nasa kolehiyo palang siya at nang magsimula nang hawakan ang isa sa mga negosyo niya. He was a geek businessman and a fine man also. I never doubt that dahil hindi iisang beses na nakaharap at nakasama ko ang batang iyon sa mga paglabas ko ng bansa. Hindi man siya ang inaasahan kong ipagkakasundo sa 'yo ng mag-asawang Bachelor, I'm still happy that it was Thrace. Aside from he was trustworthy, alam kong mas mapapaunlad niya ang SFC sa sandaling siya na ang mag-manage ng kompanya."

Business. Business. Business.

Oh, how she hated all the words coming from her father's mouth. Wala na itong bukambibig kundi negosyo!

"Hindi kami magkasundo, Dad, My. Kung iyon ang iniisip niyo! Palabas lang ang lahat!"

Nagkibit-balikat ang kanyang ama. "Then try to know him better. Try to like him. Try to hit it off. Kaya nga siya humihingi ng isa o dalawang linggo. Para maiayos at mapagkasunduan niyo ang anumang hindi niyo pinagkakasunduan at the moment." Her father said, confused.

"But Dad—"

"Oh, enough Chyiarah! Gusto ko nang ipahinga ang sarili ko. Madami pa akong aasikasuhin bukas sa opisina."

Tumalikod na ang kanyang ama.

"Magpahinga ka na din, anak. Maaga kang susunduin ni Thrace bukas." Sumunod ang kanyang ina sa asawa sa pagpanhik sa itaas.

Gustong tumili ni Chyiarah sa matinding inis at pagiging helpless sa desisyon ng mga magulang. Ni hindi siya pinakinggan ng mga ito!

Ganoon lang iyon? Ganoon lang siya kadaling idispatsa ng mga ito? Ganoon nga yata kalaking kahihiyan ang ginawa niya para magmadali ang mga itong ipamigay siya.